Narinig kong nag-utos si Boss Nathaniel ng helicopter para tumulong sa monitoring. Habang tumatakbo ang speed boat ay handang-handa na kami sa possible situation na daratnan namin.
Nasusunog ang yateng inabutan namin. Ang mga sakay no'n ay piniling tumalon. Sa lakas ng alon ay ilan lang ang agad na nakita namin.
"Huwag ka nang umalis dito. Ako na lang." Tinignan ko lang si Boss Nathaniel. Saka nagpatihulog na para simulan ang dapat na gawin.
Nag-iiyakan ang mga bakasyonistang una naming nakuha. Hindi kakayanin kung lahat sila ay isasakay sa speed boat. Kaya naman pinasuot muna sila ng life vest, habang hinihintay pa ang magta-transfer sa kanila.
"My baby, please... hanapin n'yo ang anak ko." Iyak nang iyak na ani ng ginang.
"Hawak mo ba s'ya kanina?" tanong ko. Mabilis itong umiling.
"Hindi, naiwan s'ya sa taas." Pagkarinig ko no'n ay mabilis na nilangoy ko ang pagitan ng Yate. Paulit-ulit akong tinatawag ni Boss Nathaniel pero hindi ako nakinig dito. Instinct ko na lang din ang pagkilos pagkarinig ko sa sinabi ng babae.
Narating ko ang swim platform ng yate. Mabilis akong sumampa roon. Takot na umakyat ang iba dahil baka sumabog iyon pero ako, wala lang sa akin iyon. Normal na nga lang ata ang apoy sa mga naging trabaho ko.
Nakaririnig ako ng iyak ng sanggol sa isa sa mga silid. Nadaanan ko ang fire extinguisher at mabilis kong ginamit iyon sa parteng tinutupok ng apoy. Hindi ko gaanong maimulat ang mata ko. Kaya naman halos nakapikit na ako para lang makalapit sa isang silid kung saan ko naririnig ang pag-iyak. Sinipa ko ang pinto no'n na agad namang bumukas.
Pagpasok ko ay agad kong nakita ang baby na sa tingin ko'y nasa apat na buwan pa lang.
Nang maibalot ko ito sa robe ay akma na sanang lalabas sa pintuan ngunit papasok na ang apoy. Kaya naman ang sa bintana na ako lumabas. No choice, kailangan kong tumalon.
Kasabay nang pagtalon ko ay may sumabog na naman sa loob ng yate.
Sa pagbulusok ko paibaba ay mahigpit kong niyakap ang sanggol upang hindi mawala sa bisig ko kapag nasa tubig na.
Nang tuluyang bumagsak ay agad ko ring iniangat ang sarili ko. Nagpalutang muna habang chine-check ang baby na hawak. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang pag-iyak nito. Nahalikan ko pa ito sa noo sa labis na saya.
"THAT STUPID GIRL!" gigil na ani ko. Ilang minuto na ito sa loob. Hindi ako hinayaang sumunod dito ng tauhan dahil delikado raw. Hindi ko maiwasang kabahan. Pero mas nakadama ako ng takot ng muling may pagsabog na naganap. Bahagya na nga kaming lumayo dahil delikado. Patuloy pa rin sa pag-rescue ang iba.
"Susundan ko na." Umiling si Boning.
"Ikutan mo na lang muna, Boss." Wala na rin naman akong choice kaya ako na ang pumalit sa jet ski na minamaneobra nito. Malakas ang alon pero madali lang naman akong nakaikot. Agad kong nakita si Pluma na palutang-lutang na may hawak na sanggol.
Damn this girl. Mabilis akong nakalapit dito.
Masyadong kakaiba ang babaeng ito. Napakadali lang nitong nakasampa sa yate, na parang walang sanggol na yakap-yakap.
Inaalo pa nito ang sanggol. Nang patakbuhin ko ang jet ski ay agad na yumakap ang isang braso nito. Kung para sa babae ay wala lang iyon, iba ang naging dating nang ginawa nito sa akin. Wala nga talaga appeal dito ang kagandahang lalaki ko, dahil iba ang trip nito.
--
Bago pa ulit kami makapaghanap ng mga nawawala pang kasama ay may malakas na namang pagsabog. Kaya nagdesisyon si Boning na lumayo na kami. May mga isinisigaw pang pangalan ang mga na rescue, pero mas piniling lumayo na muna dahil sunod-sunod na ang pagsabog sa loob ng yate.
Sa sumunod na rescue mission ay hindi na kami ang sumama.
Bumalik kami sa Isla pagkatapos naming inihatid ang mga na rescue sa islang malapit lang sa Isla ng Garalla.
"Sa susunod huwag mo nang gagawin iyon." Napatingin ako kay Boss Nathaniel.
"Bakit, Boss? Nasapawan ba kita?" cool na tanong ko rito.
"Tsk, huwag kang bida-bida. Paano kung napahamak ka roon?"
"Eh 'di rest in peace na lang." Mabilis akong nakaiwas nang akmang babatukan sana ako nito. Saka nakangising kumaway rito.
Pinagpahinga muna kami dahil nakakapagod din naman ang ginawa namin kanina. Nakatambay na ako sa cabin ko, walang magawa kaya naman tinawagan ko si Perri.
"Pluma, my girl!" nakangising ani ni Perri nang buksan nito ang cam n'ya. Napailing ako nang makita ko itong may katabing babae sa kama.
Bahagya umangat ang kilay ko. Wala namang akong naramdaman na selos, parehong ayos lang sa amin kung ano ang trip ng isa.
"Sino 'yan?" tanong ko sa babae.
"Selos ka?" nakangising tanong ni Perri. Nagkibitbalikat lang naman ako.
"Selos ka nga?" ulit na tanong nito.
"Hindi, Perri. Alam naman nating pareho na pareho tayong mahilig maglaro."
"Perfect, that's my girl nga talaga. She's Abi, nakilala ko s'ya sa isang bar." Tinitigan ko ang babae na waring nahihiya pang ngumiti sa akin.
I want to taste her. Iyon agad ang tumatak sa utak ko habang tinititigan ko ito.
"Hulaan mo kung nasaan kami." Agad na umangat ang kilay ko. Lalo't dinampot nito ang phone saka iniikot.
Napasinghap ako nang ma-realize ko kung nasaan ito. Bakit hindi ko man lang nabalitaan na narito ito sa Isla Garalla?
"Gusto mo bang sumali sa laro?" nakangising tanong ni Perri. Agad na nabuhay ang dugo ko sa katawan sa sinabi nito. Napangisi ako at agad na tumanga.
"Sure." Sagot ko agad dito. Parang mas lalo pang nahiya si Abi na nag-iwas nang tingin.