8

811 Words
Isa na naman sanang mainit na laro. Kaso nakasalubong ko ang boss ko at ngayon karay-karay ako nito patungo raw sa kaibigan nito. Hindi pa oras ng trabaho ko sa misyon ko sa islang ito, pero si Boss Nathaniel na ang naglalapit sa akin sa mga taong parte ng nakaraan ko. Nag-text na lang ako kay Perri na sa gabi na pupunta. "Smile." Pukaw ni Boss Nathaniel sa akin. Ngunit hindi ako ngumiti. "Bakit ba ang init ng ulo mo?" tanong nito na waring wala talagang idea kung bakit ako na badtrip. "Kikitain ko sana ang girlfriend ko. After all, pinayagan n'yo naman kaming magpahinga. Ibig sabihin hindi na oras ng trabaho." "Kikitain mo ang girlfriend mo?" manghang tanong nito sa akin. "Oo." "Wala ka na bang ibang excuse? Hindi kasi talaga ako naniniwala na... alam mo na---" Inilabas ko ang phone ko. Hinanap ko ang video na isinend ko para magkaroon ng copy. Sabay harap ng phone kay Nathaniel. Mabilis itong napapreno sa labis na gulat nang pumailanglang ang halinghing ng chicks nitong pinatrabaho n'ya sa akin. "Damn!" ani nito. Marahil nabigla sa ginawa ko. Hindi naman ako takot na ipakita iyon lalo't hindi naman ako kita roon. Nang ibalik ko sa bulsa ang phone ko ay hindi na kaya pang tumingin ng lalaki sa akin. Ewan ko ba, masyado lang akong confident sa mga ginagawa ko kaya hindi talaga ako nakararamdam ng kahit kaunting hiya man lang. Narating namin ang mansion kung saan nakatira kami dati ni Mama. Hindi ko alam kung bakit biglang nanariwa sa akin ang lahat. "Ma? May problem ka po ba?" tanong ko sa ina. Sampung taon pa lang ako, pero kapag ganitong tuliro si Mama ay agad pumapasok sa isip ko na may problema ito. "P-atricia, baby ko..." luhaan ito, magulo ang buhok at pawis na pawis. Lumapit ako sa bintana upang hawiin ang kurtina. 10 am na at maliwanag na maliwanag sa labas, tapos sobrang dilim sa silid ng magulang ko. "Ma, ano pong problema n'yo? Saan si Papa?" tanong ko rito. Bumalik ako sa harap nito at sinapo ang pisngi ni Mama na basang-basa ng luha nito. Bumungisngis si Mama. "Sabi nila kasalanan ko... kasalanan ko ba, Patricia?" tanong nito sa akin. Naguguluhan ako, hindi ko alam ang ibig nitong sabihin. "Ang alin po, Ma?" Tumawa ito. Parang nasisiraan na ng bait ang aking ina. Tinabig n'ya ako. Dahilan para bumagsak ako sa marmol na sahig. "Ma?" gulat na ani ko. Ilang araw na itong ganito, mag-iisang linggo na nga eh. Natuto na rin itong mag-inom. Halos hindi na kumakain at nagkukulong na lang sa kwarto. Napahikbi ako dahil sa labis na pagkahabag dit. "M-ama?" "Wala akong kasalanan!" malakas nitong sigaw. Napaatras ako sa labis na takot. Parang hindi na ito iyong Mama ko na sobrang lambing sa akin. Parang ibang tao na s'ya. "Kasalanan ko ba? Wala akong ginawang masama!" napasinghap ako nang makita ko itong naglabas ng baril, galing sa ilalim ng unan sa tabi nito. Tumatawa s'ya habang hinahaplos ang baril. Tiyak kong kay Papa ang baril na iyon. Kabilin-bilinan ni Papa na huwag kong hahawakan ang bagay na iyon dahil hindi iyon laruan. "M-a, delikado po iyan. Ibalik n'yo po iyan sa lagayan ni Papa." Takot na ani ko sa aking ina. Pero tumawa ito, kasunod no'n ay itinutok nito iyon sa kanyang sintido. "Wala akong kasalanan. Wala!" ani nito, sabay tawa. Kasunod no'n ay pumailanglang ang malakas na tunog ng baril. Natalsikan pa ako ng dugo, kasunod ang pagbagsak ng katawan ni Mama. Bigla akong bumalik sa realidad. Nanginginig na pala ako, habang niyuyugyog ni Boss Nathaniel. "Anong nangyari sa 'yo?" takang ani nito sa akin. Habol ko ang paghinga ko. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Dahan-dahan akong tumingin sa mukha ng lalaki. Halata ring naguguluhan ito. "Ah, w-ala. Oks lang ako, Boss Nathaniel," bahagya kong inalis ang kamay nitong nakahawak sa balikat ko. "Are you sure?" hindi ito kumbinsido pero umayos na ito ng tayo at niluwangan ang bukas ng pinto ng passenger seat. "Opo." Magalang na ani ko saka binaklas ang seatbelt at bumaba na. Humugot nang malalim na buntonghininga na waring inihahanda ang sarili sa pagpasok sa dating mansion na tinirhan namin ni Mama. Malinaw pa sa akin ang lahat. Pero iba na ako sa batang tumakas at nagpakalayo-layo noon. Hindi na ako duwag ngayon. "Nanggggg!" tili ni Luningning nang bumukas ang pinto at nakita ako roon. "Bunganga mong bata ka." Sigaw ni Nanay Carisma na galing sa kusina. "Nang, si Patricia Marie!" tili pa nito. "Hindi ako si Patricia. Ako si Pluma." Seryosong ani ko. "Pasok ho kayo, pasukin mo ako, pogi." Napangiwi ako sa sinabi ni Luningning."Hehe, joke only." Biglang bawi nito. "Pwede kitang pasukin." Biro ko, para sa sarili ko lang iyon. Pero sa tingin ko ay narinig ni Boss Nathaniel iyon. "Damn you, Pluma." Dinig kong ani nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD