"Nang!" malakas ang tinig kong pumasok sa kusina ng mansion. Inabutan ko si Nanang na kausap si Ninong Khalil. Takang napatingin ang dalawa sa akin. Hindi na rin ako nahiya kahit pa naroon ang amo namin ni Nanang. Kilala na ako nito mula pa noong bata ako. Sanay na rin ito sa kaingayan ko kaya naman wala itong reklamo.
"Ano ka ba naman, Luningning? Napakaingay mo naman." Masungit na ani ni Nanang.
"Nang! Nakita ko si Patricia!" tili ko. Agad akong napalo ni Nanang.
"Umayos ka nga. Hindi ka na nahiya sa ninong mo." Galit na ani ng matanda. Pero mariin akong umiling.
"Nang! Ninong! Maniwala po kayo sa akin, si Patricia talaga iyon."
"Saan mo nakita?" tanong ni Ninong Khalil. Seryoso ang expression ng mukha nito.
"Doon...doon sa malapit sa eskwelahan," ani ko. Tiyak na madali lang nitong makikita iyong babae dahil mayaman naman at makapangyarihan si Ninong Khalil dito sa Isla Garalla
"Sigurado ka ba d'yan sa sinasabi mong bata ka? Umayos ka ha!" dinampot ni Nanang ang sandok at waring nagbabanta na ihahampas iyon sa akin.
"Nang, siguradong-sigurado ho ako. Kaso Pluma raw ang pangalan n'ya, ipinakita rin n'ya sa akin ang ID n'ya."
"Pluma?" ani ni Ninong. Mabilis naman akong tumango.
"Pluma Davidson po ang buong pangalan." Inilabas ni Ninong ang cellphone n'ya, maya't maya pa ay umalis na ito at iniwan kaming mag-ina sa kusina.
Natuktukan tuloy ako ng sandok. Malamang sa malamang nangunguha na naman ito si Nanang ng advance kay Ninong. Kaya gigil na gigil ito sa akin.
Pero okay lang, at least alam na ni Ninong.
"TAWAG KA NI Bossing Nathaniel." Imporma nang lumapit na kasamahan sa akin. Ang aga-aga at kasalukuyan pa lang akong romoronda sa dalampasigan. Naka-uniform na rin ako, kompleto rin ang gamit na dala-dala para sa trabaho na nasa patrol car nakalagay, pero heto, mukhang may kailangan na namang ipagawa ang lalaki sa akin. Nakasimangot man ay humakbang na rin ako upang puntahan ang amo namin.
"Boss!" iyon agad ang bungad ko pagpasok ko sa office n'ya. Panira rin talaga ng schedule itong lalaking ito.
"Pluma Davidson." Basa nito sa hawak na resume ko. Kalmadong umupo ako sa upuan sa harap ng table nito kahit pa hindi pa ako pinauupo. Bahagya akong ngumiti rito na waring mabait na nilalang, pero kanina pa kumukulo ang dugo. Istorbo ang lalaking ito.
"Anong kailangan mo, Boss?"
"Ikaw nga ba si Pluma Davidson?" kumilos na ba ang aking ama? Agad-agad?
Inilapag nito ang resume ko at deretsang tumitig sa aking mga mata.
Ngumisi ako rito sabay labas ng ID.
"Nagpasa rin ho ako ng birth certificate ko, proof or residency at NBI clearance." Kinuha nito ang ID ko."Ano ho bang problema?"
"Nothing, may lumapit lang sa akin upang ipakumpirma ang tungkol sa identity mo."
"Sino ho?" tanong ko rito.
"My friend."
"Bakit daw po?" takang ani ko rito. Pero tiyak namang si Papa ang tinutukoy nito.
"Confidential." Tipid na sagot ng lalaki.
"Confidential? Pero tungkol ho sa akin. 'Di ba dapat malaman ko 'yan?" waring bigla itong napaisip.
"May kamukha ka kasi na taong matagal nang hinahanap ng kaibigan ko." Nagkibitbalikat ako.
"Baka katulad din s'ya noong babae sa malapit sa eskwelahan. Pinipilit n'yang ako raw si Patricia."
"Hindi nga ba?"
"Hindi. Saka kung ako si Patricia bakit naman hindi ko s'ya makikilala?"
"Amnesia, I guess."
"Wrong. Wala naman akong amnesia. Tanda ko pa nga lahat ng babaeng naikama ko eh." Napasimangot si Boss Nathaniel sa tinuran ko ngunit ngumisi lang ako rito.
"Playgirl?" sabay angat ng kilay.
"Pepe is life."
"What?" parang nabingi pa ito pero nagkibitbalikat lang naman ako.
"Iyon lang ba ang kailangan n'yo? May trabaho pa ho ako."
"Stay. May pupuntahan ako mamaya, isasama kita."
"Bakit kasama na naman ako? Lifeguard ang trabaho ko rito sa resort mo, hindi po P.A na pwede mong kaladkarin sa bawat lakad mo."
"I'll double your salary."
"Deal." Mabilis na sagot ko. Dahilan para mailing ito.
"Deal." Nagkamay pa kami nito. Iyon nga lang hindi ko nagustuhan ang bahagya nitong pagpisil doon kaya mabilis kong binawi ang kamay kong hawak nito.
Nang marinig ko ang pagra-radio ng kasamahan ko dahil sa emergency ay agad akong tumayo. Walang paalam na iniwan si Boss Nathaniel sa office nito. Alam ko naman sumunod ito, dahil damang-dama ko ang presensya nito.
Pagdating ko sa tower ay halos lahat ng katrabaho, naka-leave man o naka-duty ngayon ay narito.
"Tayo ang pinakamalapit kaya hinihingi ang tulong natin." Hindi ko pa man naririnig ang buong detalye ay nagsimula na akong maghanda ng gamit. Gumaya na rin ang mga kasamahan ko.
"Ang mga nakatoka ngayon dito ay manatili. Kailangan pa ring panatilihin ang safety sa resort na ito." Sumagot ng 'Yes' ang lahat.
Nang magawi kay Boss Nathaniel ang tingin ko ay nakita kong seryoso rin itong nakikinig sa instructions ng lalaki.
"Sasama ka?" gulat na ani ko nang makita kong dumampot na rin ito ng gamit. Natahimik tuloy ang lahat at takang napatitig sa akin.
"Ineng, isa si Boss Nathaniel sa pinakamahusay na lifeguard ng Isla Garalla."
"Ay, gano'n? 'Di halata." Mukhang hindi inasahan ng mga ito ang salitang lumabas sa bibig ko. Samantalang si Boss Nathaniel ay natawa at nagkibitbalikat na lang.
Wait, trabaho muna. Kailangan namin tumulong para i-rescue ang mga bakasyonistang nasa panganib ang buhay ngayon. Sa ganitong klaseng lugar, hindi naman mabilis makadarating ang tulong mula sa siyudad. Kaya siguro pati mga islang kalapit sa location ay tinimbrihan.