"Don't tell me kahit sinong babae basta maganda papatulan mo?" ani ni Boss Nathaniel sa akin. Naiwan kami sa sala, iniwan kami ni Luningning doon at kukuha raw muna ito ng merienda.
"Then I'm not going to tell you." Seryosong ani ko rito.
"That's my friend." Napatingin kami sa lalaking pababa ng hagdan. Khalil Indofenso, my father.
Nasa mukha nito ang shock habang nakatitig sa akin.
"Patricia?" ani ni Papa, pero hindi man lang ako nag-react dito.
"Khalil, s'ya ang bago kong tauhan sa resort. Pluma Davidson ang pangalan n'ya."
"Pluma Davidson?" waring hindi ito naniniwala.
"She's my daughter."
Umiling ako.
"Hindi mo naman sinabi na pupunta tayo sa lugar ng may mga topak. Una iyong babae kanina..."
"Hoy! Wala akong topak." Singit ni Luningning.
"Iginigiit n'yang ako raw si Patricia, ngayon naman anak ako ng lalaking ito? Come on, malabo naman akong maging anak ng taong ito."
"May birthmark ka sa likod mo." Singit ni Papa sa akin. Sinulyapan ko si Boss Nathaniel. Waring pinag-aaralan nito ang magiging reaction ko.
Cool na tumalikod ako at walang pag-aalinlangan na iniangat ang damit.
"Pluma!" nabiglang ani ni Boss Nathaniel.
"May nakita ba kayong birthmark?" tanong ko.
"W-ala!" lumapit si Bossing at ito na ang nagbaba ng damit ko.
"Pwede mong sabihing wala. Hindi iyong basta ka na lang nag-aangat ng damit." Masungit na ang tinig nito. Bahagya lang akong tumawa at nagkibitbalikat.
"Boss, balik na tayo sa trabaho." Yaya ko rito.
"Pasensya na, Khalil. Nagawa ko na iyong pakiusap mo, babalik na kami sa resort." Gusto pa sanang awatin ng matanda ang paghakbang ko palabas ngunit hindi na ito nakakilos pa.
"MAGRE-RESIGN NA lang siguro ako, Boss." Sinulyapan ako ni Nathaniel saka muling ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Bakit? You don't need to do that."
"Hindi ito parte ng trabaho ko pero nakailang ulit mo na akong kinaray sa ganito."
"Sorry. Siguro dahil na rin panatag ang loob ko sa 'yo. Iba ka sa ibang babae, hindi ka naghahabol sa kagwapuhan ko, hindi ka mahilig sa tulad ko."
"Kasi nga iba ang gusto ko. Kung gusto mo ng tilapia, gusto ko rin ng tilapia. Malabong maging gusto ko ang hotdog, kadiri." Sabay tingin sa lower body nito.
"You mean...my d**k?" ani ni Nathaniel.
"Yes. Baka putulin ko pa 'yan kapag nakita ko eh." Sinabayan ko iyon ng tawa na ikinailing nito.
"Ihahatid na kita sa cabin mo."
"Hindi na, boss. Naghihintay na iyong chicks ko tapos may kasama pang ibang chicks iyon."
"Pwede akong sumama?" alam kong biro lang nito iyon pero mabilis kong iniangat ang gitnang daliri ko.
"Disgusting..." malakas itong natawa sabay iling na rin.
"AKALA KO BA hindi ka makakapunta?" agad akong niyakap ni Perri saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko at kinuyumos ng halik ang labi ko. Balewala lang sa akin na may ibang makakita nang paghahalikan namin ni Perri. Nakuha ko pang pisilin ang pang-upo nito sa labis na gigil.
"Chill..." natatawang ani ni Perri. Saka lumayo. Ibinaling ko ang tingin ko sa babaeng nahihiya talaga base na rin sa pag-ilap nang tingin nito.
"Abi, right?" ani ko saka cool na lumapit at umupo sa tabi nito. Kung ang iba, lalakero...sabi ni Perri babaero naman daw ako.
Parang kaunting landi lang sa kanila madali ko na silang nakukuha.
"Y-es."
"Ano naman ang reason bakit nagpaloko ka rito kay Perri?" biro ko.
"Hoy! Seryoso ako, sadyang maganda lang ako kaya sumama sa akin si Abi."
Pasimpleng sinulyapan ko si Abi.
"Akala ko ba mag-iinuman tayo?" nahihiyang ani ni Abi.
"Ayon naman pala, eh!" ani ko para mawala ang awkwardness nito.
Nang hawiin nito ang buhay n'ya ay bahagya akong napailing.
Nakita ni Perri ang naging reaction ko. Napangiwi ito, mukhang na-realize agad nito na mali na isinama nito si Abi sa islang ito.
"Hanggang kailan kayo rito?" tanong ko.
"Uuwi rin kami bukas."
"Ha? Akala ko ba sa linggo pa?" takang ani ni Abi.
"Mukhang gusto pang mag-stay ni Abi rito."
"H-indi naman." Biglang naging kimi ang boses at kilos nito. Naging mailap pa lalo ang tingin.
Akala ba ng babaeng ito ay makakaligtas s'ya? Sa tingin ba n'ya ay maiisahan n'ya ako? Pagsasawaan ko muna s'ya. Bago ako mahulog sa bitag n'ya.
Pamilyar ang tattoo na nasa pulso nito. Hindi ako pwedeng magkamali.
Nangangati na naman ang utak ko, kung planong makipaglaro ng babaeng ito, pwes game na game ako. Sana lang sa larong ito ay kumpleto sa gamit si Perri.