24

852 Words
"Magsasalita ka o babaunan ko ng bala 'yang sintido mo?" seryosong tanong ko rito. "M-agsasalita na." Nanginig pa ang boses nito na huminga nang malalim. Naupo ako sa monoblock chair habang ang baril ay pinaglaruan ko habang naghihintay na magsalita ito. "Si Zenia Freedo ang nagturo sa kaibigan kong si Mariella, inakusahan n'yang mamamatay tao. Hindi magagawa ng kaibigan ko iyon. Mahal na mahal ni Mariella Marie ang kanyang ama." "Ama? Alam n'yang ama n'ya si Victor Garalla?" nakita kong natigilan ang ginang. Sekreto lang iyon, tiyak na nagtataka na ito. "I-kaw ba 'yan, Patricia?" naluluhang tanong ng ginang. Pinanatili ko ang seryosong expression ng mukha. "Kung ikaw 'yan, handa akong sabihin sa 'yo ang lahat. Ako ang Ninang Marife mo..." alam ko naman iyon. Pero trabaho ang ipinunta ko rito at hindi reunion."Isang malaking sekreto iyon. Ginahasa ni Victor Garalla ang nanay ni Mariella, kaya nabuntis ito kay Mariella. Walang nakakaalam no'n, kami lang. Ikwinento ng Mama mo sa akin ang lahat noong nalaman n'ya. Itinago iyon ng matagal na panahon sa kanya. Galit na galit s'ya kay Victor Garalla. Pinandirihan n'ya ang matanda. Sinuyo s'ya ni Victor ngunit labis ang galit n'ya rito. Gusto ni Victor na dalhin n'ya ang apelyedong Garalla at maging tagapagmana ng Islang ito at lahat ng ari-arian ni Victor Garalla. Pero galit si Mariella. Hindi n'ya matanggap ang mga nalaman n'ya. Dumagdag pa iyong kumalat na issue na may relasyon sila ng kanyang ama. Naging madumi ang tingin ni Khalil sa kaibigan ko. Galit na galit ito sa labis na selos na naramdaman. Ibinunton n'ya sa kaibigan ko ang galit n'ya. Si Zenia..." tukoy nito sa Nanay ni Boss Nathaniel. "Go on, nakikinig ako." Seryosong ani ko rito. "Si Zenia ang mas nagtulak na siraan si Mariella Marie. Nagpakalat ito ng mga malisyosong larawan para pagmukaing malandi ang kaibigan ko. Iyong yakap ni Victor Garalla si Mariella, iyong nakaluhod ang matanda at nagmamakaawa rito, binigyan ni Zenia ng ibang kahulugan iyon. Sa tingin ko dahil sa mana kaya nakuha n'yang siraan si Mariella na kapatid din naman n'ya." Zenia...akala ko pa naman ay mabait ka. "Patricia?" ani ng ginang. Kahit pa mukha na akong lalaki sa harap nito ay nakuha pa rin talaga nitong isipin na ako ito, si Patricia. Mapakla ang naging ngiti ko. "Kahit itangi mo, kayo lang ng Mama mo ang may ganyang mata, 'nak." Lumuluhang ani nito."Bumalik ka na sa 'yong ama. Labis n'yang pinagsisihan na nagduda s'ya sa iyong ina. Mahal nila ang isa't isa. Pero sinira lang ng kasinungalingan ni Zenia ang lahat." Maniniwala ba ako rito? Iyon ang tumatakbo ngayon sa utak ko. Pero wala namang dahilan ang ginang para magsinungaling eh. Sapat din ang documents na ipinadala ni Tori para mapagtagni-tagni ko ang nangyari. "Ano ang nangyari noon bago namatay si Victor Garalla?" pahabol na tanong ko rito. "Tanda ko pa, umiyak si Mariella no'n. Pupunta raw s'ya sa Papa n'ya, mag-uusap sila. Isusumbong daw n'ya si Zenia dahil patuloy na nanggugulo. Gusto lang naman ni Mariella Marie ng tahimik na buhay eh. Pero hindi naman tumigil si Zenia. Nakausap ko si Mariella pagkatapos namatay ni Victor Garalla. Ang sabi n'ya sa akin, si Zenia raw ang reason kung bakit intake ang matanda. Nagtalo raw ito. Nang bumagsak si Victor Garalla ay tumakbo at iniwan na n'ya si Mariella at Victor sa mansion. Walang naniwala sa Mama mo noong sabihin n'ya iyon. Wala kahit isa sa kanila." Hindi ko man lang namalayan na lumuluha na rin ako tulad ng ginang. "Patricia, bumalik ka na sa Papa mo. Wasak na wasak din s'ya nang mawala ang mama mo." Nakikiusap na ani nito. Pero tumayo na ako. Walang imik na lumabas ng bahay nito. Inayos ko pa ang suot kong sumbrelo. Hindi ko gets kung bakit hinayaan ni Papa na mangyari iyon. Mayaman ito, bakit hinayaan nitong lamunin ito ng galit. Imbes na protektahan ang aking ina, para rin nitong binato ang aking ina na dapat ay prinotektahan n'ya noon. KATATAPOS KO LANG na kumain. Nakita kong dumating si Boss Nathaniel sa mansion. Lasing na naman ito. Ano bang plano nito? Bakit ito naglalasing? Bumangon ako at nagpasyang muling pumasok sa mansion. After all, akala n'ya ay dala lang ng kalasingan ang nangyari no'n. Inabutan ko ito na nakasalampak sa sahig. Nakasandal sa ref. Agad itong nag-angat nang tingin sa akin. Napangisi ito. "Heto na naman po ako...mukha na naman s'yang tunay sa paningin ko." Lasing na ani ng lalaki. Napabuntonghininga ako, down na down iyong pakiramdam ko ngayon. Sa dami ng mga nalaman ko ay pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Humakbang ako palapit dito. Saka pabukakang umupo sa lap nito. Yumakap ako sa leeg nito, ang mukha ay isinubsob sa dibdib nito. "Bakit naman tuwing lasing lang ako saka ka nagpapakita? Tsk, kung saan-saan na kita hinanap eh. Ayaw mo talaga sa hotdog?" bahagya akong natawa sa tanong nito. "Ayaw." Sagot ko rito. "Gusto mo talaga roon sa Perri na iyon? Tsk. Hindi ka naman mahal no'n. Mahal kita." Paano nitong nasasabi iyon? Samantalang hindi pa naman kami matagal na nagkakilala. Lasing lang ito. That's for sure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD