Masakit ang ulo, isama na rin ang katawan ang una kong naramdaman nang magising ako. Salubong ang kilay na naupo ako. Sa matigas na tiles ako natulog, pero ang mas ikinapagtaka ko ay ang ayos ko.
"What the f**k?" takang ani ko nang makita ko ang ayos ko. Nakababa ang pants ko, anong nangyari? Nag-wet dreams ba ako?
Bumangon ako at iniayos ang pants saka lumapit sa gripo at naghilamos. Pero may mga imahe na sumagi sa utak ko.
Si Pluma... sa ibabaw ng table. Napalingon tuloy ako roon, si Pluma na nakaluhod sa harap ko at pinaliligaya ako. Umagang-umaga ay ramdam ko ang katigasan ko dahil sa mga imaheng iyon. For sure hindi iyon totoo. Malabong bigla na lang itong lumabas sa harap ko at gawin iyong mga bagay na ayaw nito.
Naglasing ako dahil sa frustration. Hindi ko ito nahanap. Wala man lang trace na iniwan, sadyang ayaw talaga n'yang magpakita.
Tumulong na ang mga tauhan ko pero bigo kami na mahanap ito.
Nagpasya akong pumanhik sa silid ko at naligo. Iba rin ang amoy ko ngayon. Grabe ata iyong panaginip ko, pakiramdam ko kasi ay totoong-totoo.
MAAGA AKONG NAGISING, KUMAIN AT nagsimulang nagtrabaho.
"What if, kamag-anak mo nga 'yang boss mo." Pakagat pa lang ako sa sandwich nang tanungin ni Garette iyon."What if, anak nga ni Victor Garalla ang Mama mo... so pinsan mo ang boss mo?"
Hindi ko alam ang isasagot ko. Damn! Hindi iyon pumasok sa utak ko.
"Impossible iyan!"
"Impossible? Hindi mo naisip na baka nga isang Garalla ang iyong ina?"
"Huwag n'yong guluhin ang utak ko." Tangi ko. Kanina si Garette ang kaharap ko, pero ngayon si Tori na. Simula noong nawala si Teri ay nagkukulong na lang ito, lalabas lang kapag may trabaho.
"Pluma..."
"Oh?" problemadong ani ko rito. What if? Tapos ginawa namin iyon. Kadiri ka talaga, Pluma.
Gusto kong kaltukan ang sarili ko.
"Listen to me," parang mahika ang boses ni Tori na wari akong na hipnotismo para titigan itong mabuti.
"Nagpadala ako ng mga documents sa email mo. Mga secret documents na kailangan malaman at pag-aralan mong mabuti." Tumango naman agad ako.
"Tignan mo itong isang ito, sa akin halos ayaw makinig tapos kay Tori naman all ears ka!" tinawanan ko lang naman ang kaibigan.
"Ingat ka, Pluma." Seryosong ani ni Tori.
"Yeah! Love you, girls!" kumaway pa ako sa mga ito bago tinapos ang tawag. Agad kong chineck ang email na sinend nito.
Iba talaga ang galawan ni Tori. Mahusay rin ang ibang girls, pero pagdating sa computer si Tori at Garette talaga ang hinahangaan ko.
Marunong kami, pero not enough para nalampasan namin ang husay ng mga ito.
Mahigit limang oras akong nakaupo sa harap ng laptop ko. Binabasa ang mga details na maayos na naka-compile.
Isa lang ang nasabi ko ilang oras matapos ang pakikipagbakbakan sa mga documents na ito. Mabuti na lang!
Mabuti na lang talaga!
May kailangan pa akong hanapin na tao. Wait, hindi na pala kailangan. Bagkus, kailangan ko na lang itong puntahan.
Marife Bagkukos. Dating kaibigan ng aking ina na narito pa rin naman sa Isla. Nakaayos ako ngayon na akala mo ay lalaki.
Sa bulsa ay may perang mahigit 100k. Kung magipit sa sitwasyon mamaya ay tiyak kong magagamit ko iyon.
Papadilim na naman. Kaninang tanghali ay umalis si Boss Nathaniel kaya naman hindi na ako nag-alangan na dumaan sa harap ng mansion ni Victor Garalla. Saka lumayo na waring naggagala lang.
"MARIFE?" napahinto ang ginang na abala sa pagwawaliw. Angat ang kilay na tinitigan ako nito.
"Sino ka?" takang tanong nito. Pasimple kong isinenyas dito ang baril na nasa tagiliran ko. Nanlaki ang mata nito at agad na lumarawan sa kanyang mukha ang takot.
"Pasok!" nanginginig itong tumango at dali-daling tumalikod. Narating namin ang sala ng barong-barong na bahay. Halatang maiihi na sa nerbyos ang ginang. Pinanatili ko ang facemask na suot ko upang walang maging problema.
"A-nong kailangan mo sa akin?" takot na tanong nito.
"Nandito ako para kay Mariella Marie." Napasinghap ito at nanlaki ang mata na tumitig sa akin.
"Anong kailangan mo sa kaibigan ko? Matagal na s'yang patay."
"Pero gusto kong malaman kung bakit s'ya namatay." Tugon ko rito.
"Ano bang magagawa mo? Hindi mo naman pwedeng balikan ang mga Freedo, bakit? Kaya mo ba silang labanan?"
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko rito. Bakit nasabit ang apelyedo ni Boss Nathaniel dito? May kinalaman ba ang mga Freedo?