25

889 Words
Sobrang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nakahiga na sa sahig, for the second time. Parang totoo iyong panaginip ko na katabi kong natulog si Pluma, na yakap ko ito. Pero gaya no'ng una, wala namang Pluma sa tabi ko noong magising ako. Nagpasya na lang akong bumangon, may trabaho pang naghihintay sa akin. Kung ayaw nitong magpakita, bahala muna s'ya, kahit pa miss na miss ko na s'ya ay may mga empleyado akong umaasa sa akin. Kailangan kong magtrabaho hindi lang para sa akin, kung 'di para na rin sa mga tauhan ko sa resort. Nagkape muna ako bago pumanhik sa silid at dumeretso sa banyo. Akmang huhubarin ko na sana ang pantalon na suot ko nang mapansin ko ang telang nakalagay sa bulsa. Nang hugutin ko iyon ay kulay pulang underwear. Fuck! Kanino ito? Mas lalo atang sumakit ang ulo ko. Sinusubukan isipin kung may kasama ba akong umuwi rito kagabi. Pero wala eh, tiyak kong mag-isa ko lang na umuwi. Nang hubarin ko ang t-shirt ko ay natigilan na naman ako. Pamilyar na amoy ang naamoy ko roon. Bukod sa amoy ko ay tiyak akong ang nahalo roon ay kay Pluma. Nandito s'ya kagabi? Hindi iyon panaginip? Tanong ko sa isip ko. Pero wala namang naging sagot lalo't lasing naman ako kagabi. Bumalik ang atensyon ko sa pulang panty. Natuksong ilapit iyon sa aking ilong. Halatang gamit. Pero imbes na ilayo ay sininghot ko pa. Damn, Addicting! Nang matauhan sa pinaggagawa ay nagpasya na lang akong ilagay iyon sa lababo saka naligo. May kailangan akong unahin. Baka kung patuloy akong mag-iinom ay matodas na ako hindi pa rin nagpakita si Pluma. SA MAGHAPONG TRABAHO, nakaisip din naman ako ng strategy. Kung totoong si Pluma nga iyon, bakit hindi ako sumubok 'di ba? Bago ako bumaba ng sasakyan ay nilagok ko ang alak na dala-dala ko. Winisikan ko pa ang damit ko ng alak para maging amoy makatotohanan. Nang bumaba ng sasakyan ay tuwid pa ang tayo, pero nang humakbang ay kunwari'y gewang-gewang na. Kung nasa paligid lang si Pluma ay baka mapansin n'ya ako at puntahan n'ya ako. Tapos hindi ko na s'ya pakakawalan pa. PARANG GAGO! HINDI KO napigil ang malakas na matawa habang pinapanood sa laptop ang lalaki. Baliw na ba ito? Inisip ba n'yang kapag lasing s'ya ay magpapakita ako? Baliw na ata itong lalaking ito eh. Nilipat ko ang kuha sa kusina. Naupo na naman ito sa sahig sabay sandal sa ref. Saglit na tumulala. Nagsalubong ang kilay ko nang may hugutin ito sa bulsa ng pantalon n'ya. Muli akong natawa nang makita ko ang underwear ko na sininghot-singhot nito. Ang lakas din naman ng trip ng isang ito. Mukhang plano nga talagang maghintay. Pero hindi, hindi ako magpapakita rito. Hindi naman ito lasing eh. Tatlong oras, oo gano'n katagal itong naghintay. Habang abala ako sa mga documents na pinag-aaralan ko ay nasa monitor ko pa rin ang kuha sa kusina. Nainit na nga ata ito, nagpasyang magluto at tahimik na kumain. Natapos ko ang trabaho na walang naging aberya. Magpapakita rin naman ako kay Boss Nathaniel, pero kapag ready na akong pasukin ang buhay ng mga Freedo. May mga kailangan pa akong pag-aralan. Hindi pa ngayon ang tamang oras. "HINDI BA TALAGA SYA magpapakita?" natawa si ang aking ina sa tanong ko. I'm so f*****g frustrated, ilang araw ko ng hindi nakikita si Pluma. Habang mataas ang bawat tagay sa mamahaling alak na iniuwi ko galing pang resort. "Anak, ano ba kasing nagawa mo para takasan ka n'ya? Kung mahal ka ni Pluma, magpapakita s'ya sa 'yo." "Pero wala pa rin s'ya hanggang ngayon. Hindi naman talaga n'ya ako gusto." Nakuha pang tumawa ng aking ina sa sinabi ko rito. "Son, listen to me, tigilan mo na ang pag-iinom. Baka kailangan lang n'ya ng time and space. Kung totoo 'yang nararamdaman mo sa kanya, matuto kang maghintay." "Paano nga kung hindi na bumalik?" frustrated kong tanong. Nakukulitan na yata si Mommy dahil nakailang ulit itong bumuntonghininga. "Ewan ko sa 'yo, Nathaniel. Lasing ka na! Huwag ka nang gumala pa. Manatili ka lang d'yan sa mansion ng Lolo mo. Hindi ka namin mapupuntahan d'yan dahil narito kami sa siyudad." "Hindi ako lasing." Giit ko pero pinatayan na ako nito ng tawag. Hindi na konteto sa baso kaya naman tinungga ko na lang ang bote. Nagdadalawa na ang paningin ko. Kaya sa paningin ko ay dalawa na si Pluma. Si Pluma? Nagsalubong ang kilay ko. "For sure hindi ka na naman totoo." Masama ang loob na ani ko rito. Pero humakbang ang babae palapit sa akin. Saka inagaw ang bote ng alak na hawak ko. Saka mabilis na pabukakang naupo sa lap ko. Mabilis nitong ipinulupot ang binti sa bewang ko. Mabilis ko namang inalalayan ito saka mahigpit itong niyakap. "Masyado mo namang pinaglalaruan ang puso ko." Lasing na ani ko rito. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, bawal kang ma-fall. Hindi talaga hotdog ang type ko." "Pero mahal nga kita. Gagawin kitang straight na babae." Giit ko rito. "Pero mas lamang si Perri sa 'yo." "I don't care. Kung makihati pa ako kay Perri, okay lang sa akin. Pero please, maging akin ka rin sana." "Lasing ka lang!" "No, I'm not!" sabay tayo. Nanatili itong buhat ko saka ito pinahiga sa table. "Patutunayan kong hindi ako lasing." Seryosong ani ko rito.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD