Ibinagsak ako ni Boss Nathaniel sa kama nang marating namin ang kwarto nito sa penthouse. Nang kumubabaw ito sa akin, imbes na itulak ay mabilis kong kinabig ang batok n'ya at kinuyumos ito ng halik. Baliw na nga talaga ako.
Imbes na tumakas na rito ay heto, nakuha pang bumukaka at hayaan ito sa gusto nito. Hinayaan ko s'yang baliwin ako sa napakasarap na pakiramdam na akala ko ay nakuha ko sa mga babaeng nagdaan sa buhay ko.
Pero hindi pwedeng hayaan ko na lang itong kotrolin ang buhay ko. May kailangan pa akong unahin at tapusin. Saka ako lalayo pagkatapos.
--
Walang kahirap-hirap na sumampa ako sa railings. Kayang-kaya kong makababa sa ilang palapag na gusali na ito, kaya ko rin namang dumaan sa pinto pero tiyak na makukuha ko ang atensyon nito.
Nasa sala ito ng penthouse n'ya habang ako ay narito sa balcony ng silid. Akala n'ya siguro hindi ko tatangkaing tumakas, never akong susuko sa ganitong klase ng lalaki.
Mabilis akong kumapit sa railings ng unti-unting binababa ko ang katawan ko.
Hindi man lang namalayan ni Boss Nathaniel na nakaalis at nakalayo na ako.
Lakad-takbo ang ginawa ko. Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa cabin, kailangan kong unahin ang mission ko rito.
Nagkandaletse-letse na ang lahat dahil sa lalaking iyon. Laptop at ilang pares na damit, pera at cellphone. Malaki naman ang islang ito. Kailangan ko lang mag-disguise para magawa ko ang tunay kong pakay sa lugar na ito.
HALOS MANGINIG ang katawan ko sa labis na pag-aalala nang makitang wala si Pluma sa silid na inuukupa n'ya ngayon, which is, silid ko. Nanatili ako sa sala para sa trabaho pagkatapos nang mainit na tagpo rito. Nakatulog ito at upang hindi maistorbo ay sa sala ako nagtrabaho.
Pero pagpasok ko ay wala si Pluma. Labis akong na bahala. Kaya naman deretso akong nagtungo sa cabin nito para i-check ito roon.
Pero pagdating ko ay wala naman ito roon. Sinubukan ko s'yang tawagan ngunit hindi n'ya sinasagot ang tawag ko.
Biglang sumakit ang ulo ko sa ginagawa nito, nag-aalala ako rito. Bakit naman kailangan pang sa balcony ito dumaan? Ayos lang ba ito?
WALANG KAHIRAP-HIRAP NA napasok ko ang bahay na pinuntahan namin noon ni Boss Nathaniel. Mukha akong lalaki ngayon, nakasuot ng wig na panglalaki, pati na ang suot ay panglalaki rin. Sanay naman akong mag-disguise. Kayang-kaya kong linlaningin ang mga kalaban sa skills ko sa pagpapalit ng ayos.
Nakapasok ako sa loob mismo gamit ang pinto.
Ayon kay Lucille ay wala raw CCTV sa lugar na ito.
Una kong tinungo ang unang silid sa unang palapag.
Bumungad sa akin ang library na agad kong tinignan kung mayroon bang mapapakinabangan na bagay na makapagtuturo kung saan ako dapat magsimula.
Cabinets, shelf at table ang tinignan ko. Ngunit wala namang importante at interesting sa mga iyon.
Sunod kong dinampot ang isang libro na nakakalat sa sahig.
Ito lang kasi ang hindi nakaayos sa lahat ng libro rito.
Pero nang iangat ko iyon ay na realize ko na hindi iyon libro.
Binuklat ko iyon. Isa iyong photo album kung saan lumang-luma na ang mga larawan.
Pwede kong magamit ito. Iyon agad ang tumakbo sa utak ko. Mabilis kong inilagay iyon sa bag ko saka nagpatuloy sa ginagawang pagkakalkal.
Nang wala nang makita pa ay nagpasya na akong lumabas.
Hindi para magtungo sa gate, kung 'di umikot patungo sa likurang bahagi ng bahay. Narating ko ang isang maliit na bahay na hindi halata dahil sa laki ng bahay ng Lolo ni Boss Nathaniel. Medyo malayo sa iba pang mga bahay, kasukalan na kasi ang likod na bahagi.
Ang bahay na minsan ko ring nakalimutan, pero nang dalhin ako rito ng lalaki ay agad na nag-sink in sa akin kung kanino.
Bahay ito ng Lola ko, ina ni Mama. Hindi kami hinayaan ni Papa noon na magtungo rito. Pero kapag nakakakuha ng pagkakataon ay tumatalilis kami upang bisitahin ang matanda. Hanggang sa namatay ito at hindi na namin nabisita pa.
Pagdating ko roon ay maingat kong chineck ang kadenang nakapalibot sa pinto.
Mabilis kong binuksan iyon. Maalikabok ang buong paligid, pero tiyak kong maaari pa akong manatili rito.
Linis lang ang kailangan nito. Nang tignan ko ang linya ng kuryente ay konektado iyon sa bahay ni Victor Garalla.
Kaya naman pwede pa iyong magamit. May tubig din, pero kinailangan kong hayaang bukas dahil madumi na ang mismong gripo.
Bibili na lang or magpapadala ako sa team ng mga pwede kong magamit.
For now lilinisin ko muna ang ilan sa kalat na pwede kong malinis. Dito na lang muna ako. Habang wala pa akong matutuluyan.