"Victor Garalla?" ulit na bigkas ko. Narito pa rin kami sa yate. Nagkwekwento ito tungkol sa Isla Garalla. Nagtanong kasi ako rito kung bakit Isla Garalla. Lalo't Victor Garalla ang taong namatay noon at si Mama ang pinagbintangan.
"He's my grandfather. Father s'ya ni Mama." Napasinghap ako sa labis na gulat. Pero ibinalik ko rin sa normal ang lahat.
"Ibig mong sabihin iyong pinuntahan nating bahay ay bahay n'ya?"
"Yes."
"Bakit s'ya namatay?" deretsang tanong ko rito. Mukha naman kasing naka-move on na ito.
"Heart attack..." sabay iwas nito nang tingin.
"R-eally?" so bakit ibinintang kay Mama ang pagkamatay nito?
"Dahil sa isang babae---"
"B-abae?" si Mama ba ang tinutukoy nito?
"Yeah. Pero change topic na lang tayo. Masyado pang sariwa iyong ala-ala ko kahit matagal na panahon na. I saw him, nakahiga habang nakaupo sa tabi n'ya ang babaeng iyon, umiiyak."
"Dahil ba talaga sa babae kaya s'ya namatay?"
"I really don't know. Wala na rin namang chance na malaman pa ang totoo. Dahil bago pa matapos ang investigation ay tinapos na rin ng babaeng iyon ang buhay n'ya. So unfair, hindi man lang kami binigyan ng pagkakataon na malaman ang totoo."
Hindi si Mama ang unfair. Kung 'di iyong mga taong hinusgahan agad ang aking ina. Iyong mga taong hindi muna inalam ang totoo, iyong mga taong sumira sa pamilya namin.
"Hindi ba unfair din doon sa babae?"
"I don't know. Kung naging matapang lang s'yang patunayan ang totoo, eh 'di sana nagkaroon na ng katahimikan ang lahat." Malungkot na ani nito.
"Kilala mo ba ang babaeng iyon?" tanong ko rito.
"Yes. Dati s'yang asawa ng kaibigan ko. Nakilala mo naman na si Khalil, 'di ba? Asawa n'ya iyon."
"O-kay."
Napayuko ako.
"Pluma, alam mo bang ang laki ng pagkakatulad n'yo ng anak ni Khalil? Nakilala ko rin naman ang batang iyon bago s'ya nawala. Ay, wait... ako nga pala ang nagturo sa kanya kung saan ang bangkang pwede n'yang sakyan noon." Natawa pa ito. Para akong nanigas sa kinauupuan ko.
S'ya ang batang iyon?
"Akala ko kasi nagbibiro lang s'ya, akala ko kasi naggagala lang s'ya. Iyon pala tumakas na s'ya sa kanyang ama. Iyon iyong hanggang ngayon dala-dala ko. Kamukha mo s'ya Pluma. Pero sabi mo nga ay hindi ikaw."
"Hindi talaga ako iyon." Sagot ko rito.
"Kung maibabalik ko lang ang panahon..." halata ngang nagsisisi ito. No, mas mabuti nang hindi bumalik gaya nang sinabi nito.
Dahil kung ako pa rin iyong dating iyaking Patricia, tiyak na wala nang mangyayari pang paghihiganti. Baka kung ako pa rin si Patricia ay magmo-move on na lang.
"Balik na tayo, Boss."
"Tinatamad pa ako." Sagot nito. Pero tumayo na ako. Saka walang pag-aalinlangan na tumalon sa Yate.
"s**t! s**t!" wala na akong choice kung 'di imaneobra ang Yate. Lumangoy si Pluma na waring hindi man lang napapagod pabalik sa pampang. Malayo iyon, pero kahit anong tawag ko rito ay wala itong pakialam. Nagpasya akong mauna na lang, binalikan ko na lang ito gamit ang jet ski.
"Sakay!" nakasimangot na utos ko rito. Saka lang ito huminto sa paglangoy. Sumakay sa likod ko. Hindi nga man lang kumapit. Ganoon kataan ang pride nito.
"Ang sakit mo sa ulo, babae!" sabi ko rito. Ngunit walang kibo pa rin ito. Kahit nang makarating kami sa pampang ay wala itong kibo. Basang-basa ang t-shirt ko na suot nito, nilampasan pa ako. Kahit tinatawag ko ay hindi ako pinansin.
"Pluma!" napipikong ani ko rito.
"Boss, tanggapin n'yo na ang resignation ko. Hindi na ako papasok bukas. Mag-iimpake na rin ako."
"Sa tingin mo gano'n lang kadali?" habol ko rito."Hindi kami kumukuha basta ng tauhan dito sa resort. Tinitiyak muna namin na deserving iyong tao. Gano'n mo na lang ba bibitiwan ang position na marami ang sumubok na kumuha?" inis na ani ko rito.
"Eh 'di babayaran ko na lang ang abalang nagawa ko."
"Wow, baka nakakalimutan mong may contract ka na pinirmahan." Huminto ito sa paglalakad.
"Babayaran ko rin." Sagot nito.
"f**k s**t!" pikon na pikong ani ko rito. Saka mabilis itong binuhat nang Wala man lang pasabi saka lakad-takbo na tinungo ang hotel, pinagtitinginan kami ng mga staff ko pero wala akong pakialam.
Wala pa akong isinamang babae sa penthouse pero kung planong tumakas ni Pluma, pwes hindi ko s'ya hahayaang gawin iyon.
Ngayon pa? Ngayon pa ba na alam kong unti-unti ko nang nawawasak ang depensa nito? Never kong hahayaang makatakas pa ito.
"Bitaw!"
"No. Bibitawan lang kita kapag nakahiga ka na sa kama ko, hindi makagalaw sa sobrang pagod pagkatapos kitang angkinin nang paulit-ulit." Seryosong ani ko rito.