21

781 Words
Pwede na akong matulog after kong maglinis. Pero hindi naman ako dalawin ng antok, kaya nagpasya akong kunin ang album na nakita ko sa bahay ni Victor Garalla. Unang buklat pa lang ay alam na agad na lumang-luma na iyon. Sa unang pahina ay tumambad agad ang larawan ng isang matikas na lalaki na may buhat na batang babae. Takang napatitig ako roon, pamilyar ang batang iyon sa akin. Kamukha ko, pero hindi naman ako iyon. Tinitigan kong mabuti, si Mama ba ito? Nang tanggalin ko sa lalagyan ay agad kong nakita ang nakasulat sa likuran no'n. "Victor Garalla and MM." MM? Mariella Marie ba? Si Mama ba ito? Kamukhang-kamukha ko kasi iyon, malabo naman maging ako iyon. Dahil naguluhan ay nagpasya akong ibalik na lang muna iyon. Sunod na larawan ay naglalaro na ang batang babae sa tabing dagat. Gaya ng unang larawan ay tinignan ko rin ang likuran. "My little angel." Ewan ko ba, mabilis na kumabog ang dibdib ko. Anong little angel? Base sa pagkakasunod-subod ng larawan ay nakabase iyon sa date. Hindi naman araw-araw na larawan, pero ang petsa ay nakaayos. May isang buwan ang pagitan, may dalawa... pero ang tanging subject ng mga larawan ay ang batang babae na MM ang pangalan at kamukha namin ni Mama. Halos lahat ng mga larawan ay may nakasulat. Kaya inisa-isa kong basahin iyon. "My secret. I love you." Secret? Saglit na inilapag ko sa bakal na higaan ang album, inilabas ko ang folder na may laman ng mga important documents. Sinuri ko ang birth certificate ni Mama. Ipinanganak ito noong 1970, ang mga larawang kuha ay ilang taon lang ang pagitan. Apat na taong si Mama kung ibabase sa larawang kamukha nito. Nang tignan ko ang ilang detalye sa birth certificate nito ay walang nakalagay na pangalan sa ama. Possible ba na ama ni Mama si Victor Garalla? Pero impossible naman iyon. Mahirap lang si Mama at si Lola. Naging kasambahay pa nga si Mama bago naging sila ni Papa Khalil. Mabilis kong tinawagan si Lucille. Kailangan ko ng impormasyon tungkol kay Victor Garalla. Bakit sa ilang investigation ko ay hindi naman lumabas ang pangalang iyon? "Pluma? Himala. Napatawag ka?" takang ani ni Lucille. "Kailangan ko ng information kay Victor Garalla." "Victor Garalla? Wait, I'll check Garette kung available s'ya." Nakarinig ako nang pagbukas at pagsara ng pinto. Kasunod ang pagtawag nito kay Garette, tahimik lang akong naghihintay. "Victor Garalla..." dinig kong ani ni Margarette. "Yes." Tugon ko rito. "S'ya ang may-ari ng Isla Garalla. Pumanaw s'ya noong taong tumakas ka sa Isla." Tama, dahil ito ang sinabi ng mga nag-akusa kay Mama na pinatay raw n'ya. "Tell me, may anak ba s'ya?" narinig kong tumipa ito. "Mayroon. Anak n'ya si Maribeth Garalla-Freedo. Ina ng boss mo." Muntik ko pang nabitiwan ang cellphone ko. "Any other information?" tanong ko na kinakabahan. "Wala naman ng interesting, I'll send na lang sa email mo." Mukhang busy rin ito."Tumawag ka kung hindi pa sapat itong isesend ko." "Thanks, Garette!" "Hoy, magpasalamat ka rin sa akin." "Tsk, si Tori na lang ang pasyalan mo. Baka sakaling matauhan iyon." Pabirong ani ko rito. Nagkukulong lang kasi ang isang iyon. Sayang ang merlat na iyon, ang ganda-ganda pero binuburo ang sarili sa apat na sulok ng condo n'ya. Kung secret si MM, may possiblity na wala nga itong record na makapagtuturo na ama nito si Victor Garalla. Pero bakit naman itinuro nilang si Mama ang pumatay rito? Bakit ang gulo? Itinigil ko na muna ang ginagawa ko. Sumakit kasi bigla ang ulo ko. Oo nga pala, naglagay ako ng spy cam sa mansion. Baka sakaling may magawing mga kaanak ni Victor Garalla sa mansion. Baka may mga lead pa akong makuha roon. Nakabukas ang laptop. Kaya naman nang pumasok si Boss Nathaniel sa mansion ay agad kong napansin. May hawak itong bote ng alak at susuray-suray. "Tsk! Ano na naman kayang drama ng lalaking ito?" nakasimangot na ani ko. Lasing na ito at malabong makatayo pa ng maayos at makarating sa silid na walang bangas. Nakapagpalit naman ako. Ako na iyong kilala nitong Pluma ngayon. Nagpasya akong iayos muna ang mga gamit at nagtungo sa kabilang mansion pagkatapos. Tiyak na iisipin nitong panaginip lang or dala lang ng kalasingan nito kapag nakita n'ya ako. Pumasok ako sa mansion gamit ang pinto sa kusina. Inabutan ko itong nasa kusina. Kumukuha ng tubig. Kinusot-kusot pa n'ya ang mata n'ya nang magtama ang tingin naming dalawa. "No, no, I'm just drunk!" umiling-iling pa ito saka tumalikod na. Saka muli itong lumingon sa akin."Oh God, parang totoo s'ya." Hindi ako nagsalita, tutal naman akala n'ya ilusyon n'ya lang ako, eh 'di sakyan ko na lang ang ilusyon n'yang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD