18

708 Words
Hindi ko man aminin, pero bigla akong natakot sa pagbabagong ito sa sarili ko. Kinailangan nang umuwi ni Perri, kung pwede lang s'yang manatili sa tabi ko ay hihilingin ko talaga. Natatakot kasi talaga ako. Pero may trabaho pa ito kaya kinailangan n'ya nang umuwi. Dadalasan na lang daw n'ya ang tawag para hindi ko s'ya ma-miss. "Iniiwasan mo na ako?" tanong ni Boss Nathaniel sa akin. Hindi nito tinanggap ang resignation letter ko, pinunit pa nga nito iyon sa harap ko. Pwede naman akong umalis dito sa Isla, pero naalala ko ang misyon ko. Hindi pwedeng iwan ko iyon dahil lang bigla akong nalito. Tiyak na hindi matutuwa si Lady A at ang mga girls na nagsusumikap na matulungan ako. "Naku! Hindi, boss! Busy lang ako sa work." Sabay tingin sa karagatan. "Tsk, stop it! Obvious naman, wala tayong guest ngayon dahil rest day ng lahat." Napangiwi ako. "Oo nga pala, sige, alis muna po ako." Handa na akong tumakbo ngunit mabilis akong nahawakan ng lalaki. "Tatakbo ka na naman? Come on, Pluma. Matanda na tayo para d'yan. Mag-usap tayo, hindi iyong ginamit mo pa iyong babae mo para ipangsanggalang sa tuwing lumalapit ako." "Hindi 'no." Tangi ko rito. Sinabayan pa ng iling. "Yes, you did." "Eh 'di yes na nga. Paladesisyon!" parungit ko rito. "Sumama ka na sa akin." Akmang tatangi ako nang makita kong palapit ang head lifeguard ng resort sa side namin. Ayaw kong ma-issue kaya naman nagpatianod na ako ng hilain ako nito. Pero pasalubong kay Boning. "Isasama ko s'ya mangisda." Imporma ni Boss Nathaniel. "Huli well, boss!" biro ni Boning. Nakahanda ang Yate, may misyon akong dapat asikasuhin, pero heto ako, kinakaladkad ng amo ko. Sarap ibalibag. Kung pwede lang, ipakakain ko talaga ito sa pating eh. Sumakay kami sa yate. Walang ibang tao, kami lang dalawa. Kaya ko ring magpatakbo no'n pero dahil badtrip ako ay prente akong naupo lang. Mahigit 15 minutes, saka lang nito iyong inihinto. Kalmado ang dagat, kaya naman nakuha nitong makalapit sa akin sabay tabi sa pwesto ko. "Mangisda ka na!" nakasimangot na ani ko rito. "Iba pala ang gusto kong gawin." "Ano na pa lang gusto mong gawin?" matalim ang tingin na ani ko rito. "Sumisid." "Eh 'di go, sumisid ka na." Sabay senyas dito sa tubig. "Ikaw ang gusto kong sisirin." Napasinghap ako, smooth! Tangina nitong gago. "Gago! Boss kita, pero kaya kitang murahin nang sagad." Malutong itong natawa. "Kaya ko ring isagad ito." Natigilan ako nang bahagya itong lumiyad. "Tangina mo talaga eh." Sabay iwas nang tingin. "Gosh! Hindi mo man lang ba na appreciate na nag-effort ako na mag-date tayo rito." "Date?" napahagalpak ako ng tawa."Joker ang puta!" ani ko. Napasinghap si Boss Nathaniel. Bigla itong naghubad ng t-shirt. "Maliligo nga muna ako." Initsa nito ang hinubad na t-shirt sa mukha ko. Agad kong na amoy ang kumapit nitong amoy sa damit. Bago ko pa natanggal iyon sa mukha ko ay narinig ko na itong tumalon. Imbes na ialis ang t-shirt ay inulit ko pang inamoy iyon. "Bossing naman... nalilito tuloy ako." Himutok ko, saka itinapon na ang t-shirt nito. Saka nagpasyang maligo na lang din. Hinubad ko lang ang suot kong t-shirt at short. Ang 2-piece bikini lang ang itinira. Walang pag-aalinlangan nang tumalon din ako katulad ni Boss Nathaniel na nagulat sa ginawa ko. Agad itong lumapit sa akin. Imbes na itulak ito ay nagkunyapi ako sa kanyang batok. Ito lang ang nagpapanatili na nakalutang kami. Ito rin ang naglipat sa pwesto namin hanggang sa narating namin ang swimming deck. Ipinatong ako nito roon. Tukso. Hinayaan ko na naman akong mailapit ang sarili sa isang malaking tukso. Hindi na nga ako nabigla nang hawiin nito ang underwear ko at sinimulan akong kainin doon. Walang Perri na magpapaalala na babae talaga ang gusto ko... Daig pa namin ang couple na nagho-honeymoon. Walang ibang saksi, kami lang dawala na waring walang kasawaan sa isa't isa. Nang kapwa mapagod ay ito na ang nagbuhat sa akin patungo sa itaas. Ito na rin ang nagbihis sa akin ng t-shirt n'ya. Magkayakap kaming nanatili sa blanket na inilatag nito. May pagkain pero mas focus ang atensyon ko sa pag-iisip. Diyos ko, Pluma. Misyon ang dahilan mo kung bakit narito ka sa Isla Garalla. Hindi hotdog!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD