5

973 Words
Naghilamos muna at nagmumog bago bumalik sa sasakyan ni Boss Nathaniel. Wala ang lalaki pagdating ko. Naka-lock din ang pinto. Nagpasya na lang akong bumili ng sigarilyo sa tindahan habang hinihintay ang lalaki. Paubos ko na ang isang stick nang dumating ito. "Ate, candy pa nga." Pagkabigay ng babae ng candy ay sumenyas ako kay Boss Nathaniel na pahingi nang pambayad. "Tsk." Atubili pa itong nag-abot. Pero pagkatapos no'n ay pinitik nito ang sigarilyo na nakaipit sa daliri ko. "I hate smoker." Masungit na ani nito. "I hate you too." Tugon ko rito. Ngumisi rin saka binuksan ang candy. "Ayos na?" tanong nito sa akin. Tumango lang ako rito. "Saan ka galing?" tanong ko rito. "May kinausap akong kaibigan." "Usap lang?" nakangising ani ko. "Yeah." Tugon nito. "Tara na. Pwede pa akong magtrabaho, maaga pa." "No need. Bukas mo na lang ipagpatuloy ang trabaho mo." Iniabot ko ang phone nito. Naiwan sa tower ang cellphone ko kaya naman hiniram ko ang phone nito kanina bago bumaba. "What happened sa inyo ni Deseree?" sinulyapan ko ito. Nag-aayos ako ng seatbelt ganoon din ito. "Gusto mong malaman, boss? Sure ka na d'yan?" nasa tinig ko ang kapilyahan. Kita kong bahagyang namula ang pisngi nito sabay iwas nang tingin. "Huwag na pala." Siguro isa ito sa mga tipo ng tao na hindi tanggap ang tulad ko. Pero who cares ba? Pinausad na nito ang sasakyan. Nang makabalik kami sa resort nito ay agad na akong nagpaalam na magtutungo ng cabin. Kung ayaw nitong bumalik ako ngayon sa trabaho, eh 'di okay. Pwede ko pang magawa ang misyon ko. Pagpasok ko sa cabin ay agad akong naghubad ng damit. Oo nga pala, hindi ko man lang naibalik dito ang sando n'ya. At oo, naglakad-lakad itong walang saplot pang-itaas. Naligo muna ako bago nakahubad na pumwesto sa kama. Naroon na ang laptop ko at ang ilang files na ibinigay ni Lady A sa akin. Nandito ako sa Isla Garalla upang alamin kung ano ba ang totoong nangyari ilang taon na ang nakararaan. Nagpakamatay ang aking ina. Gusto kong malaman kung bakit nito iyon nagawa. Kung bakit nito winakasan ang buhay nito sa harap ko noon. Mariella Marie, dating kasambahay sa mansion ng mga Indofenso. Sa mansion ng aking ama. Nasa likurang parte ng Isla ang mansion na iyon. Ayon sa pananaliksik ko ay may bago nang pamilya ang aking ama na si Khalil Indofenso. Hindi naman ako nito hinanap, sino lang ba naman ako para rito? Anak na hinangad pero noong malamang babae pala ako ay nawalan na ito ng amor sa akin. Bakit nga ba nagpakamay ang aking ina? Bakit nga ba kailangan pang humantong sa gano'n ang lahat? Ilang oras ako sa harap ng laptop ko. Kung may alam man si Lady A tungkol sa nakaraan ko, tiyak na itatago n'ya ang iba. Gano'n naman kasi s'ya. Kami talaga ang gusto n'yang tumapos ng misyon namin. Igu-guide n'ya kami, pero hindi ito ang mismong magbubunyag ng lahat. Nang mainip ako sa binabasa ko ay nagpasya akong magbihis at lumabas. Maglilibot-libot muna ako habang may oras. Hindi ko rin mahintay pa ang sabado at linggo. Lumabas ako ng resort, naglakad-lakad. Sinusubukan na may makilala or may makita man lang na pamilyar na mukha sa islang ito. Narating ko ang paaralan ng Isla Garalla. Kapansin-pansin ang umpukan ng mga nanay na naghihintay ng kanilang mga anak. Mga batang excited na lumabas ng mga silid-aralan. Naranasan ko rin naman iyon. Pero saglit nga lang, sampung taon ako nang lisanin ko ang islang ito sakay ng bangka na itinakas ko lang din. Hindi ko alam kung hinanap ba ako ng mga kaanak namin ni Mama. Pero ang alam ko lang, noong bagsak na bagsak kaming mag-ina ay walang mga kaanak na lumapit sa amin. Mayaman dito sa Garalla ang aking ama. Pero dahil simpleng maybahay ang aking ina ay hindi ako minulat nito sa karangyaan na ipinagyayabang ng aking ama. Ay oo nga pala, sapilitan din ang nangyaring kasal noon. Hindi ko alam kung sino ang nagpumilit dahil bata pa ako noon at hindi gusto ng aking ina na makialam ako sa mga issues ng mga nakatatanda. "Hoy!" naramdaman ko na ang paglapit ng babae sa akin pero nagpanggap pa rin ako na nagulat. Sayang naman kasi ang effort ng babae. "Patricia!" s**t, nakilala pa rin ako ng taong ito. Kilala ko ito, kilalang-kilala ko ang taong ito. Saka kasama ito sa mga taong nasa files ko na pinag-aralan ko. S'ya si Luningning, ang kababata ko at anak ng dating kasambahay sa mansion ng mga Indofenso. Matalik na kaibigan ni Mama ang nanay nitong si Nanay Carisma. "Sinong Patricia?" takang tanong ko rito. "Tantanan mo nga ako. Pumuti ka lang at gumanda, pero kilala pa rin kita." Seryosong ani ni Luningning. "Ako si Pluma." Alam ko namang makikilala pa rin ako ng mga naging malapit sa akin at sa Mama ko. Possible na makilala rin ako ni Papa. Pero hindi naman ako narito para itago ko ang pagkatao ko. Narito ako para mailapit ko ang sarili ko sa mga taong parte ng nakaraan ko. "Pluma ka d'yan, ikaw si Patricia na kababata ko. Huwag ka nga d'yan." Nakaingos na ani nito. Nagpasya akong ilabas ang wallet ko. Ipinakita ko ang driver's license ko rito. "Pluma?" tumikwas ang manipis nitong kilay saka tinitigan ako. "Naku! Pinagawa mo lang 'yan, fake 'yan. Kahit naman matagal na tayong nagkita ay knows pa rin kita. Ikaw si Patricia, ikaw 'yong kababata ko na bigla na lang umalis dito sa Isla Garalla. Naglahong parang bula." "Hindi kita maintindihan." "OMG, amnesia ba 'yan? Gusto mo bang lumapit sa Papa mo." "Miss, hindi kita maintindihan. D'yan ka na nga. Ibang klase na talaga ang modus ng mga tao ngayon." Tinalikuran ko na ito. Tinatawag pa ako nito pero hindi na ako huminto. Dere-deretso lang ang lakad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD