Chapter 7

1844 Words
Heaven’s point of view Nang makapasok kami sa classroom nina Lorraine ay napansin ko ang kakaibang tingin sa akin ni Tyler ganoon din sa aking katabi na si Kenjie, kaya’t hanggang sa matapos ang klase ay hindi ko naiwasang hindi mag-taka Nag-sabay sabay na kaming tumayo nang mag-aya ng lumabas si Lorraine dahil break time na namin, ngunit nang papalabas na kami ay pinigila ako ni Mr. Tyler “Miss Ocampo? Can we talk for a second?” tanong naman niya sa akin, At napatingin naman ako sa kaniya nang ako ay mapatigil, “Ahm—bakit po sir?” tanong ko naman sa kaniya, Ngumiti siya sa akin, “May kailangan lang akong sabihin sayo, may problema ba doon?” tugon naman niya sa akin Nang marinig ko iyon sa kaniya ay pinauna ko na muna sina Lorraine at Kenjie sa labas, “Wait me guys sa labas, kakausapin lang ako ni sir,” pahayag ko sa kanila at doon ay tumango sila. -- “What do you want Mr. Tyler? Pakibilisan nalang po sana kasi may mga kasama ako na nag-hihintay sa labas,” tanong ko naman sa kaniya, Nang biglang nawala ang ngiti sa kaniyang mukha at tila nag-seryoso ito, “At sino na naman yang lalaking kasama mo? Wag na wag mong susubukan na ipakita yan sa mom mo, dahil ako ang malalagot dito—you know what I mean,” saad naman niya sa akin, Napangisi naman ako nang kaniya niya iyong sinabi sa akin, “Mr. Tyler, wala kang pakielam kung sino ang kasama ko—at kung problema yun sayo, sa akin hindi dahil hindi naman ako interesadong mag-pakasal sayo, and besides narinig ko din pal ana may babae ka, mukhang ikaw ang kailangan mag-ingat,” pahayag ko naman sa kaniya, Nanlaki naman ang mata niya nang sabihin ko iyon sa kaniya, At hininaan niya ang kaniyang boses, “What do you mean? W-what the hell are you talking about?” tanong naman niya sa akin, Natawa naman ako sa kaniyang sinabi, “May nakapag-sabi sa akin at chismis na raw dito sa campus na may babae kang pinuntahan sa isang condo. Sana kasi nag-iingat ka no? hindi mo namamalayan na may mga nagiging estudyante ka na doon nakatira, my Gooood tyler, keep safe okay? Aalis na ako,” saad ko naman sa kaniya, Umalis na ako at hindi na siya muli nakaimik na tila napahinga nalang siya ng malalim. Nang makalabas ako ng room ay agad akong sinalubong ng dalawa ni Lorraine at Kenjie, “So? Anong sinabi sayo ni Sir?” tanong naman nila sa akin, Dahan-dahan naman akong ngumiti, “Ahm—nothing, it’s just about my grade, kasi parang natatandaan ko kahapon, kinausap ni mom si sir,” tugon ko naman sa kanila, Nagulat naman si Kenjie nang sabihin ko iyon sa kanila, “Really? That’s nice ah—talagang chinecheck ka ng mom mo sa grades mo, I hope ganoon din ang parents ko,” pahayag naman niya, Nang bigla kaming napatingin sa kaniya ni Lorraine, “Anong ibig mong sabihing ganoon? Do you have a problem no? tell us right now,” saad naman ni Lorraine sa kaniya, Pilit ngiti ang ipinakita sa amin ni Kenjie, “Since then, hindi ko na naramdaman ang pag-aalaga sa akin ng mga magulang ko—feeling ko I’m living alone, parang mag-aabot nalang sila ng pera ako na bahala sa tuition ko and stuff, abot lang sila ng abot ng pera. Busy sila sa trabaho, pero sariling anak nila hindi nila mabigyan ng oras, kaya ngayon ang layo ng loob ko sa kanila. Sa condo ko nalang ako natigil para hindi sila makita,” kwento sa amin ni Kenjie, Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot nang marinig ko iyon sa kaniya, At agad naman akong umimik, “Ako naman—hindi ako nasabay sa kanila na kumain, dahil puro sermon lang nila ang maririnig ko sa kanila,” tugon ko naman sa kaniya, Nang makaupo na kami sa canteen ay patuloy parin kami nag-kekwentuhan, “You’re still lucky Heaven, kasi nakikita mo sila—nakakasama kahit nasesermonan, pero ako wala, walang paalam walang mag-iingat ka, masyado nilang mahal ang pera kaysa sa akin,” saad pa niya Napahinga naman ako nang malalim, “I’m sorry ah—kung mukhang nailabas mo pa ang kwento ng buhay mo ngayon,” pahayag ko naman sa kaniya, Nang bigla siyang ngumiti, “Ano ba kayo, it’s okay—wala namang problema sa akin eh, at sana hindi na ito makalabas okay? Never ako nag-open sa ibang tao about sa ganito,” saad naman niya, Nagulat naman si Lorraine nang sabihin niya iyon, “Gagii! Really? Matago ka pala ng feeling’s no? pero bakit mo naman naisipan na ilabas sa amin? Grabe ka naman mag-tiwala agad,” Natawa naman si Kenjie sa kaniya, “I don’t know, siguro dahil magaan lang ang pakiramdam ko sa inyo—and yup, this is my first time na mag-karoon ng kaibigan ng barkada, nasanay kasi ako na puro babae at puro basketball lang before ang inaatupag,” tugon naman ni Kenjie, “So you’re a varsity player before? Bakit ka nag-quit?” tanong ko naman sa kaniya, Tumango siya, “It’s last semester na, ayoko naman na mag-pabaya pa sa pag-aaral—siguro naman alam niyo na kung bakit kailangan ko itong gawin, to make my parents proud. Sana?” saad niya Napahinga nalang ako ng malalim nang sabihin niya iyon, “Alam niyo, kumain nalang tayo—gusto mo bang mag-gala sa labas? Mag-mall bago umuwi sa condo mo? Para naman hindi ganiyan kalalim ang mga iniisip mo,” “Of course Heaven! Kaso, okay lang ba sa inyo? Don’t worry, treat ko naman—ako na bahala sa inyo, tutal kayo naman ang kasama ko,” saad naman niya sa amin, Nang agad umimik si Lorraine, “Wow naman, mukhang hindi ka nauubusan ng pera Kenjie ah?” tanong niya ng pabiro, Ngunit sineryoso naman ni Kenjie ang tanong, “Actually hindi ako magastos na tao, mamagkano lang din ang nagagastos ko sa isang buwan tapos ang laki-laki ng abot nila sa akin. Minsan nga hindi ko na tinatanggap ang inaabot sa akin ng katulong ko, at sinasabi ko na meron pa ako eh,” saad naman niya sa amin, Nagulat naman kaming dalawa, “You looked really hurt about this kind of situation Kenjie, mabuti nalang pala kami ang kasama mo—kasi kung iba, baka kung ano na ang nasabi nila sayo. Naiintindihan ko na kung bakit sa amin ka nag-open ng ganiyang problema,” tugon ko sa kaniya. “Tara na kumain nang makaalis na tayo, mamaya pa naman ang sunod nating class,” saad naman ni Lorraine At doon ay kumain na kami ng lunch, -- Tyler’s point of view Nang makalabas ako ng room agad akong tumungo sa roof top kung saan pwede tumigil, at nang mapansin kong walang katao-tao ay agad kong tinawagan si Amara. Agad niya rin namang sinagot ang tawag, “Hello Tyler baby? Anong kailangan mo? Do you want something ba?” tanong naman niya sa akin, Nang agad akong nainsulto sa kaniyang sinabi, “What the hell, alam mo ba na may kumakalat dito sa campus ng tungkol sa atin—hindi mo man lang sinabi sa akin na may mga estudyante diyan sa condo mo na dito napasok?” saad ko naman sa kaniya, Natawa naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniy, “Oh? What’s the problem about that? wala namang problema ah? and besides may something naman sa atin—so? Ano naman kung pag-isipan nila tayo ng masama hindi ba?” tugon naman niya sa akin, “Are you out of your mind? Nag-iisip ka ba Amara? Kinatatayuan ko ang isiipin mo, I’m professionally working here sa school, ayaw kong masira ang tinutungtungan ko nang dahil sa kalibugan lang okay Amara?” saad ko naman sa kaniya, “So are you saying na ang nangyari sa atin ay para sa akin is fun lang? of course hindi ko iniisip yun Tyler! I love you, and that’s love kaya ibinigay ko sayo,” pahayag naman niya sa akin, “At sana huli na yun kasi ayaw ko na ng gulo, nang dahil sayo nasisira ako—” saad ko naman sa kaniya, At agad ko na siyang pinag-p*****n. Nang makatayo ako ay huminga ako ng malalim at inilabas ko ang aking galit. nang bigla ko ring naisip si Heaven ganoon din ang nakakasama niyang lalaki, -- Heaven’s point of view Habang nag-lalakad-lakad na kami sa mall at masaya kaming nag-kekwentuhan ay bigla kong nakita si mom kasama si dad. At doon ay tinawag rin nila ako nang susubukan na naming tumalikod, “Heaven!” pag-tawag sa akin ni mom, at doon ay dahan-dahan akong lumingon sa kanila ganoon din ang mga kasama ko, Agad naman silang lumapit sa akin, “Wow—wala kayong class today? At sino pala sila?” tanong naman sa akin nina mommy Ngumiti naman ako sa kanila, “Ahm, mom dad this is Lorraine and Kenjie, my classmates,” Agad namang nag-mano ang dalawa sa kanila, at nahuli ay si Kenjie. “Friend or more than friends?” tanong naman bigla ni dad sa kaniya, At agad namang umiling si Kenjie sa kanila, “Ahm—no sir, kaklase lang po—nothing more nothing less,” Tumango naman si dad at mom sa kaniya, “That’s good to hear, akala ko may something na—she’s reserved,” pahayag naman ni dad sa kaniya, Nagulat naman ang dalawa kong kasama nang sabihin iyon ni dad, at sinubukan kong umiling sa kanila, Ngunit muling umimik si dad, “Bakit ka umiiling Heaven, baka nakakalimutan mong ikakasal ka na—” Mas nagulat ako nang kanila iyong sabihin, nang bigla nang nag-aya si mom sa kaniya. “Let’s go hon, mageenjoy pa ang mga bata oh—hayaan mo nalang muna natin sila,” pag-aaya ni mom sa kaniya. Nang makaalis sila, Ay agad akong kinausap ni Lorraine. “What the hell?” saad nama niya, “Ikakasal ka na Heaven, don’t tell me it’s a fixed marriage?” pahayag naman sa akin ni Kenjie. Napahinga naman ako nang malalim nang kanila iyong sabihin sa akin, “Hindi naman ako sumasangayon eh, ayaw ko nga kasi—” tugon ko naman sa kanila, “And who’s this guy heaven? Is he nice?” tanong naman ni Kenjie sa akin, Agad naman akong umiling sa kanila, “Wag niyo na alamin, hindi ko parin naman alam eh—ano pa nga bang magagawa ko kung ganoon yung set-up nila sa akin, hindi ko naman matatanggihan magulang ko, now you know kung bakit ayaw kong dumidikit sa kanila,” saad ko naman sa kanila, “That’s so unfair, like sobra girl! Hindi ka man lang makakapili ng taong magugustuhan mo—I mean kahit yung mahal mo naman, hindi yung ipapakasal ka nila sa taong hindi mo naman gusto,” tugon naman ni Lorraine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD