Heaven’s point of view
Habang nag-lilibot libot kami nina Kenjie sa mall, ay biglang tumunog ang aking cellphone at bumungad sa akin ang pangalan ni dad.
Agad ko itong binasa,
“Mag-uusap tayo pag-dating mo,” pahayag niya,
Hindi ko na sinagot ang kaniyang sinabi at sinundan ko nalamang sina Lorraine kung saan sila papunta. Sa sinabi palang ni dad sa akin ay alam ko na kung ano ang kaniyang sinasabi na pag-uusapan namin at iyon ay tungkol kay Kenjie.
--
Mr. Ocampo’s point of view
While walking with my wife sa mall, agad ko siyang kinausap tungkol sa aming anak na si Heaven.
“Hindi ako komportable sa lalaking yun, feeling ko anytime mag-kakaroon sila ng something more that being friends,” pahayag ko sa aking asawa,
Agad naman siyang natawa sa aking sinabi at akin iyong ipinag-taka,
“What? Bakit mo ba pinag-iisipan ng ganiyan ang anak mo, hindi ka ba kontento na ikakasal na siya at siguro naman hindi na siya gagawa ng kalokohan dahil planado na ang lahat, kaya kumalma ka lang diyan hon—okay?” tugon naman niya sa akin,
“Hon, it’s not that simple—what if mahulog ang anak mo sa lalaking yun? Wala ka bang gagawin? Ayaw kong ma-disappoint ang family ni Mrs. Matilda,” saad ko naman sa kaniya,
Agad akong hinawakan ng aking asawa sa aking kamay,
“Hon, kumalma ka, okay? Everything’s going to be okay,” tugon naman niya sa akin,
Nang biglang dumating at lumapit sa amin ang pamilya ni Mrs. Matilda,
“Mr. and Mrs. Ocampo! Nice to see you again, nakita namin ang anak niyong si Heaven ah—and she’s with her classmates, nakita niyo rin ba?” pahayag niya sa amin,
“Hindi niyo naman sina Mrs na nandito kayo, sana nakakain tayo sa labas—oo nakita namin si Heaven, sabi nila nag-hihintay daw sila ng next class so dito muna sila nag-punta,” tugon naman ng asawa ko sa kaniya,
Nang bigla niyang binanggit yung lalaki,
“Nakilala niyo rin ba ang lalaki na kasama niya? He look’s kind ah—baka maagaw niya sa anak ko ang anak niyo ah, sana naman hindi,” pahayag naman ni Mrs. Matilda sa amin,
Natawa naman ang aking asawa sa sinabi niya,
“Nako! Hindi yun mangyayari, may tiwala ako kay Heaven na hindi niya kami bibiguin, dahil nasabi narin naman namin sa kaniya lahat—sana ganoon din sa anak mong si Tyler ha,” saad naman niya sa kaniya,
Nang biglang mag-paalam na si Mrs. Matidla sa amin,
“Sige, mauna na ako—at baka hinihintay na ako ni mister, nandoon siya sa coffee shop eh, alam mo naman—tinatamad siya mag-lakad, unlike me na gusto mag-tingin tingin sa mga boutiques,” pag-papaalam niya,
At agad naman kaming tumango sa kaniya,
“Sige sige, mag-iingat kayo!” pahayag ko naman sa kaniya,
Doon ay nakahinga ako nang maluwag nang makaalis si Mrs. Matilda sa aming harapan,
“I have no words to say sa kaniya hon, I think we better to go home,” pag-aaya ko na sa kaniya,
Agad na kaming umuwing dalawa,
--
Heaven’s point of view
“Are you okay Heaven?” tanong naman nila sa aking dalawa nina Lorraine,
At agad naman akong tumango sa kanila,
“Oo naman, don’t worry I’m okay—may pumapasok lang na kung anu-ano sa isip ko,” tugon ko naman sa kanila,
Huminga naman ng malalim si Kenjie,
“Alam na namin yan ni Lorraine no! iniisip mo parin ang pag-papakasal niyo nung guy na hindi namin kilala?” saad naman niya,
Dahan-dahan naman akong tumango sa kanila,
Habang nag-uusap kami ay biglang may tumawag kay Lorraine at iyon ay isa sa aming mga kaklase.
“Huh?! Sige sige, pupunta na kami diyan,” tugon naman ni Lorraine at ikinagulat naman namin iyon,
“Anong sabi niya?” tanong ko naman sa kaniya,
“Bumalik na raw tayo sa school kasi mag-bibigay daw si sir ng exam ng early, so tara na?” saad naman niya sa amin.
Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi,
“What the?! Minsan hindi ko maintindihan ang prof na yan, masyadong pa-VIP—pwede ko siyang i-report sa ginagawa niya,” saad ko naman sa kanila,
Nang bigla namang natawa si Kenjie sa aking sinabi,
“Hayaan mo na yun Heaven, ang kailangan nalang muna nating gawin ngayon ay ang bumalik ng school para wala na siyang masabi sa atin lalong-lalo na sayo na trip na trip kang insultuhin,” saad naman niya sa akin,
Agad naman akong napahinga ng malalim at tumango nalang sa kaniya,
“Tara,” saad ko
Nag-lakad na kami ng mabilis sa parking lot ng mall at sumakay na sa sasakyan ni Kenjie, habang nasa byahe kami ay nag-patugtog siya at laking gulat ko nang patugtugin niya ang kantang isa rin sa mga paborito.
“Wow—fan ka rin pala niyan?” tanong ko naman sa kaniya,
Napatingin naman siya sa akin at ngumiti,
“Oo, bakit ikaw ba? Ang ganda ng kanta no?” saad naman niya,
“Yes, mga mag-almost 4 years na—narinig ko yan sa kapatid ko, hanggang sa lagi ko na siyang pinapatugtog,” tugon ko naman sa kaniya,
Nang biglang nag-parinig si Lorraine, “Ako paborito ko din yan, hindi niyo baa ko tatanungin?” pahayag naman niya,
Natawa naman kaming dalawa ni Kenjie nang sabihin iyon ni Lorraine,
Hanggang sa natahimik na ang lahat, at nakarating narin kami ng mabilis sa school.
Pag-pasok namin ay bumungad na sa amin ang iba naming kaklase na nakaupo na at nag-susulat nang ipinagagawa ni Tyler.
“Mabuti naman at nandito na kayo, ito ang papel at maupo na kayo—kailangan kong gawin ito kay may meeting ang mga professors mamaya,” pahayag naman nila sa aming tatlo.
Kinuha naman namin ang mga iniabot niyang papel, at nang makaupo kami ay agad na naming sinagutan ang mga ito.
Habang ako ay nag-sasagot ay napansin kong palagi kaming iniikutan ni Tyler, kaya’t unti-unti na akong napipikon sa kaniya.
Napabulong naman ako, “Lagot ka sa akin mamaya,”
Nang biglang umimik si Tyler, “What did you say Ms. Ocampo? May sinasabi ka ba diyan?” tanong naman niya sa akin,
Dahan-dahan naman akong tumingin sa kaniya,
“Nothing sir, binabasa ko lang po ang mga nasa papel,” tugon ko naman sa kaniya,
“Akala ko may sinasabi ka na diyan eh, kasi kung meron baka gusto mo ng lumabas ng classroom na ito,” saad naman niya sa akin,
Nang sabihin niya iyon ay hindi na ako umimik at nanatiling tahimik nalang hanggang sa matapos ko ang exam. Huli akong nakapag-pasa ng papel at muli akong kinausap ni Tyler.
“Ano ba ang sinasabi mo kanina, akala mo ba hindi ko rinig?” tanong naman niya sa akin,
“Narinig mo pala, bakit tinatanong mo pa? at tsaka bakit ba palagi nalang ako ang iniikutan mo kanina? Sa ginagawa mo, napapag-halataan ka na ng mga kasama ko na iniinsulto moa ko palagi, gumalaw ka naman sana ng ayos kung ayaw mong malaman ng mga estudyante dito ang tungkol sa atin,” saad ko nama nsa kaniya,
Ngumisi naman siya sa aking sinabi,
“I know what I am doing Miss Ocampo, at wala kang magagawa sa gusto kong gawin—and besides, mahahalata pa ba nila eh ilang taon ang age gap natin, at tsaka estudyante ka lang, professor ako okay? Hindi mo mapapakailman ang gusto kong gawin,” saad naman niya sa akin,
“Ginagawa mo ito kasi may Kenjie akong kaibigan? Kasi takot ka na baka kung anong sabihin sayo ng magulang mo? Kapag hindi ka pa umayos ng pakikitungo mo sa akin, ako na mismo ang gagalaw ng baso at mas lalong dumikit pa kay Kenjie, ewan ko nalang kung ano pang sabihin nila sayo na pagiging pabaya mo,” tugon ko naman sa kaniya,
Bigla siyang napatayo sa inis at agad naman akong umimik,
“Ano? Anong gagawin mo? Ganiyan ba ang pinag-mamalaki mong professor ka? Duh? Makaalis nan ga,” pahayag kong muli sa kaniya,
At doon ay umalis na ako sa kaniyang harapan.
Nang makalabas ako, ay agad akong kinausap ni Lorraine,
“Mukhang mahaba-haba na naman ang pinag-usapan niyo ni Sir ah?” tanong naman niya,
“Pinagalitan na naman ako my God, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang pang-uugali niya,” saad ko naman sa kaniya,
Napakamot naman sa ulo si Kenjie, “Siguro trip ka ng prof na yan, haha” pahayag naman niya,
“Trip insultuhin ganon? Alam ko namang may itsura siya, pero duh—never akong pumatol sa guro no,” tugon ko naman sa kanila,
Natawa naman si Lorraine sa aking sinabi,
“Sa ganiyang itsura, pwedeng-pwede tayo pumatol Heaven ano ka ba—bakit tatanggihan mo? Pogi na, professor pa, saan ka pa, diba?” pahayag din naman niya.
Napailing naman ako sa kaniyang sinabi, “Hindi ako makapapayag na pumatol sa ganiyan no, I know my worth and I know what I deserve,” saad ko naman sa kaniya,
Natawa din naman si Kenjie, “Alam niyo, wag niyo nalang yan pag-awayan—ako nga pogi, pero never pang nag-ka girlfriend,” saad naman niya
Nagulat kami ng sabay ni Lorraine nang sabihin iyon ni Kenjie
“What the fudge Kenjie! As in never?” tanong ko naman sa kaniya,
Agad naman siyang tumango sa amin ng nakangiti,
“Like never talaga, although may mga naamin—pero sa sitwasyon kong ganito, parang hindi ko pa feel na mag-ka girlfriend, parang hindi pa ba right time,” tugon naman niya
At umimik naman si Lorraine, “Kapag hindi ka pa nag-kagirlfriend, ako nalang ako jowain mo! Ako ang bahala sayo, ipagluluto pa kita ng masasarap na pag-kain, haha” pabiro naman niya,
“Talaga ba? Kasi kung oo, sige jojowain na kita, haha” pag-sakay naman niya.
Nang biglang tinulak ni Lorraine si Kenjie, “Gagi! As if namang patulan kita no, hindi ako nag-jojowa ng friend,” saad naman niya,
Nang bigla niya akong tiningnan, “Ito, ito nalang kaya jowain mo? Nang makawala sa isang fix marriage,” pahayag naman ni Lorraine
Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi, “What? Why me? Nako wag na Kenjie, baka kung anong gawin sayo ng mga magulang ko kapag nalaman nilang jojowain mo ako, haha,” pahayag ko naman,
Ngunit biglang sumagot si Kenjie,
“Then ipag-lalaban kita—” tugon niya
Natahimik kami ni Lorraine nang sabihin niya iyon, at doon ay natawa naman ako
“Tigilan mo nga ako Kenjie!” sigaw ko naman,