Tyler’s point of view
Nang matapos ang nangyari sa amin ni Amara, at nang mapansin kong nakatulog na siya ay agad kong napansin ang aking cellphone na nag-riring na naman. kaya’t agad akong bumangon, at pinuntahan ko ang aking bag.
Nang makita ko ang cellphone, ay laking gulat ko nang si mommy ang natawag kaya’t sinagot ko kaagad ito
“H-hello mom?” tugon ko sa kaniya,
Nang bigla niya akong sinigawan, “Hello son? Nasaan ka na ba? Have you seen my texts and calls? Kanina pa akong natawag sayo, hindi ka man lang nasagot? Kanina ka pa namin hinahanap ng dad mo, dahil may dinner tayo ngayon dahil may sasabihin sayo ang dad mo, kaya ngayon kailangan mo ng umuwi okay? Kung ayaw mong magalit na naman sayo ang dad mo,” pahayag naman niya sa akin,
“Ahm yes mom—” putol kong pag-kakasagot nang bigla nalang niyang ibinaba ang tawag,
Kaya’t agad naman akong tumakbo pabalik sa kwarto ni Amara at kinuha ko ang aking mga damit at isinuot nang biglang nagising siya,
“Tyler? Aalis ka na ba? Bakit ang bilis naman? bakit hindi ka pa dito matulog?” tanong niya sa akin,
At agad naman akong umiling sa kaniya,
“No Amara, I can’t, okay? I need to go home—kanina pa akong hinahanap ng mga magulang ko, thank you sa lahat ng effort mo and stuff and please wag mo na ulit uulitin okay,” saad ko naman sa kaniya,
At nang makabihis na ako at nang tumakbo ako papalabas ay may itinanong pa na sigaw si Amara,
“What the hell? Anong ibig mong sabihin?!”
Hindi ko na siya pinansin nang kaniya iyon sabihin sa akin,
Agad akong sumakay ng sasakyan at umuwi sa bahay, mabilis akong nakarating dahil hindi naman kalayuan ang amin sa condo.
Nang makarating ako ay agad ko silang nakitang nakaupo na at hinihintay nalamang nila ako,
“Ahm—I’m sorry mom, dad, na-late ako. Galing ako sa kaibigan ko and nakatulog ako kaya hindi ko nasagot ang mga calls niyo,” pahayag ko naman kaaagd sa kanila,
“Maupo ka na,” pahayag sa akin ni dad,
“Dad? Anong meron?” tanong ko naman sa kanila,
“Malapit ka ng ikasal kay Heaven, so be prepared,” pahayag niya sa akin,
Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi,
“Like really dad? Parang kailan niyo lang naman sinabi sa akin, bakit naman ang aga yata? I don’t think Heaven is ready,” saad ko naman sa kanila
Tumingin sila sa akin ng seryoso, at umiling sa akin si dad.
“Are you taking this seriously o nag-papaloko-loko ka na naman diyan? Kahit sa ayaw niyo at sa gusto niyong dalawa ni Heaven, ikakasal kayong dalawa okay? And that’s our plan, kaya kung ako sayo wag ka ng gumawa ng kung anu-anong kalokohan okay? Mahiya ka naman sa trabaho mo ngayong isang ganap na teacher,” pahayag naman niya sa akin,
Hindi na ako muli nakaimik nang saihin niya iyon sa akin, at napahinga nalang ako ng malalim dahil wala naman akong magagawa sa gusto nila.
--
Heaven’s point of view
When I got home, bumungad sa akin si mommy—
“Good evening mom, Sorry I’m late—gumawa kami ng project ng classmates ko na ipapasa bukas,” pahayag ko naman sa kaniya,
“It’s okay,” tugon naman niya,
At dahil nag-tataka ako kung bakit siya nasa sala, tinanong ko siya
“Bakit gising ka pa mom? Hindi ka ba makatulog or something?”
“Nothing anak, did you know na malapit na ang kasal mo? At mag-sasama na kayo sa iisang bahay ni Tyler?” saad naman niya sa akin na aking ikinagulat,
“What?! Pakiulit mommy, hindi ba at hindi ako sumangayon diyan? Anong sinasabi niyong malapit na ang kasal ko? Paano naman ang pag-aaral ko and stuff? At tsaka hindi kami fit sa isa’t-isa ni Tyler kahit pa siya ang pinakamayan sa mundo okay mom?” pahayag ko naman sa kaniya,
Nang agad akong hinawakan ni mom sa aking mag-kabilang kamay,
“Pero wala kang magagawa Heaven, it’s your dad’s decision— at hindi mo matatanggihan yan, you know how important this business to pur family, kaya ginagawa niya ang lahat wag lang kayo mawala sa magandang buhay okay? Kaya sundin mo nalang ang dad mo,” tugon naman niya sa akin,
Agad naman akong umiling sa kaniya at agad na tumungo sa aking kwarto. Tinawag niya ako ngunit hindi ako lumingon sa kaniya.
--
Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Tyler.
Agad rin naman niyang sinagot ito,
“Hello? Who’s this?”
“Its me, Heaven. Have you heard the news about sa kasal? Alam mo ba ito? Dahil I know na hindi mo din ito gusto, gumawa ka ba ng paraan?” tanong ko naman kaagad sa akniya,
“Ms. Ocampo, do you want me to tell this to your parents lalo na kay tito? For sure kapag nalaman niya itong mga tinatanong mo sa akin, magagalit sila sayo, kaya kung ako sayo sila nalang ang kausapin mo at wag ako okay?” pahayag naman niya sa akin,
Nang bigla nalang niya akong pinag-bababaan ng tawag.
“AHHHHHHH! WHAT THE HELL IS THIS!?” sigaw ko ng mag-isa sa kwarto,
Nang biglang may kumatok sa pintuan,
“Heaven, please mag-patulog ka—” pahayag sa akin ng kapatid ko kaya’t nanahimik nalang ako at agad akong nag-taklob ng aking unan sa aking mukha.
--
Kinaumagahan nang makababa ako at niyaya ako ni dad na kumain, ay sumangayon nalang ako at napahinga ng malalim dahil paniguradong kakausapin ako nito tungkol sa kasal.
“Siguro naman alam mo na? sninabi sa akin ng mom mo na sinabi na raw niya, and you have no response,” pahayag niya sa akin,
Kumain nalang ako at hindi sumagot sa kaniyang sinabi,
“Bakit naman ayaw mo sa lalaking yun? He’s smart, kind, handsome and also of course—from rich family, he can give whatever you want sayo, gusto mo ba yung taong hindi ka kayang buhayin?” tanong naman niya sa akin,
Dahan-dahan naman akong tumingin sa kaniya at tumigil ako sa aking pag-kain,
“And you think dad na sa ganiyan ako nakatingin sa isang tao? Hindi ba kailangan munang makilala ko ang tao bago niyo kami ikasal? Hindi naman tayo kung anong religion diyan para ipakasal niyo kami, and nang dahil sa pera kaya niyo kami ikakasal?” saad ko naman sa kaniya,
“At anong kapal ng mukha mo para pag-salitain ako ng ganiyan? Kilala namin siya simula pag-kabata niya, at mag-kababata kayong dalawa na nalayo lang sa isa’t-isa. Nakalimutan mo na ba? Kahit ganoon ang ugali niya noon, iba na siya ngayon—He’s a gentleman now, malayong-malayo sa nakilala mo dati,” pahayag naman niya sa akin,
Umiling naman ako sa kaniya,
“Paano niyo naman nasabi na nakilala niya kung nag-kalayo kaming dalawa hindi ba?” saad ko naman sa kaniya nang agad naman akong tumayo,
“I’m full, papasok na po ako,” pahayag ko muli sa kaniya, at doon ay umalis na ako sa kaniyang harapan at lumabas na ng bahay upang sumakay na sa sasakyan na mag-hahatid sa akin sa school
--
Nang makarating ako at nang makababa ako ay bigla akong hinarangan ni Tyler.
“Good morning,” pag-bati niya sa akin,
Nagulat naman ako nang makita ko ang kaniyang mukha sa harapan ko,
“What the hell? Anong ginagawa mo? Hindi ka ba natatakot nab aka kung anong sabihin nila sa ating dalawa?” tanong ko naman sa kaniya,
Dahan-dahan naman siyang lumayo sa akin,
“Of course natatakot dahil hindi naman pwede mag-karoon ng relasyon ang estudyante sa guro, nag-iisip din naman ako—” tugon naman niya sa akin,
“Alam mo pala eh, kaya kung ako sayo pumunta ka na sa faculty mo o kung pupunta ka nasa ng maaga sa classroom, mag-lakad ka ng sayo okay?” pahayag ko naman sa kaniya,
At nang sabihin ko iyon sa kaniya ay hindi na niya ako sinabayang mag-lakad, at nauna nanga siya sa classroom. Nang bigla namang bumungad sa akin si Kenjie,
“Good morning, agang-aga nakasimangot ka yata Heaven?” tanong naman niya sa akin nang ako ay kaniyang batiin,
Agad naman akong umiling sa kaniya, “Wala—may nangyari lang? tara na sa loob?” pag-aaya ko naman sa kaniya,
Nang bigla niya akong hinawakan sa aking kamay,
“No—wait, wala pa yata si Lorraine diyan, hindi ko pa siya nakita diyan so I think dito muna tayo sa labas,” pahayag naman niya sa akin,
Nang hawakan niya ang aking kamay ay ikinagulat ko iyon dahil ni minsan ay wala pang humahawak sa aking kamay, kaya’t agad niya itong binitiwan.
“Ahm—I’m sorry kung nahawakan kita sa kamay?’ saad naman niya sa akin,
Ngumiti naman ako kaagad sa kaniya at umiling,
“No—Kenjie, okay lang. hindi naman big deal sa akin,” tugon ko naman sa kaniya,
At dumating na nga si Lorraine,
“Here you are, mukhang na-late ka yata ngayon ah? may nangyari ba?” tanong ko naman kaagad sa kaniya,
Tila hingal na hingal si Lorraine ngunit sumagot parin siya,
“Nasiraan ang sasakyan, kaya napatigil kami doon sa tabi—siguro kung hindi kami nasiraan, nauna pa ako sa inyon gdalawa, kaya tara na, mukhang nandiyan na si sir,” pahayag naman niya sa amin,
Nang agad naman akong tumango,
“Nandiyan na nga siya,” tugon ko naman sa kaniya.