Chapter 9

1753 Words
Heaven’s point of view When I got home, biglang bumungad nalang sa akin si dad at galing siya sa kusina na may dala-dalang coffee. “Mabuti naman at nakauwi ka na ng bahay,” pahayag naman niya sa akin, At dahan-dahan naman din agad akong tumingin sa kaniya at tumango, “Yes dad, kinailangan na po kasi I have something to do pa—may homework pa po ako,” tugon ko naman sa kaniya, Tumango naman siya, ngunit muling umimik. “Homework o baka naman mag-tatawagan pa kayo ng kasama niyong lalaki kanina? I don’t thin he’s your classmate hija, baka namang nag-sisinungaling ka na naman sa akin,” saad naman niya sa akin, Napailing naman ako at napangisi nang kaniya niya iyong sabihin sa akin. Napahinga narin ako ng malalim nang agad rin akong umimik, “You know dad, tataas nalang po ako at ayaw kong makipag-sagutan sa inyo tungkol diyan lalo naman at hindi kayo naniniwala sa akin, ahm—sige po,” tugon ko naman sa kaniya, At nang dadaan ako sa kaniyang harapan ay agad niya akong hinawakan sa aking braso, “How dare you para sabihin sa akin yan at umalis sa aking harapan habang hindi pa tayo tapos mag-usap?” tanong naman niya sa akin, Nang unti-unti na akong nasasaktan sa pag-hawak niya sa aking braso dahil pahigpit ito ng pahigpit. “Ouch dad, masakit—” pahayag ko sa kaniya, Nang biglang bumaba si mommy at agad niyang inalis ang pag-kakahawak ni dad sa akin, “Hon, anong ginagawa mo? Nasasaktan si Heaven sayo, baka mag-kapasa siya,” pahayag naman kaagad sa kaniya ni mom, Napailing naman si dad, “I’m just talking to her, sinasabihan ko lang siya tungkol sa kanina na kasama nila ng kaklase nila—mukha kasing hindi nila kaklase eh,” tugon naman ni dad sa kaniya, “How many time dad do I have to tell you na kaklase ko nga siya? Kung gusto niyong malaman, pumunta kayo sa school at doon niyo tingnan kung hindi kayo naniniwala! You’re wasting my time,” saad ko sa kaniya, Nang agad naman akong pumunta sa aking kwarto upang makapag-baba na ng gamit, ganoon din ay makapag-palit ng damit at makapag-pahinga dahil sa marami pa akong kailangan gawin. -- Mrs. Ocampo’s point of view, “What the hell did you do hon? Anong ginagawa mo sa anak mo? Ano na naman ba ang natakbo diyan sa isip mo? Alam mo, tama naman ang sinabi sayo ni Heaven—kung gusto mong makasigurado pumunta ka sa school nila, hindi yung pag-iisipan mo ng ganiyan ang anak mo,” pahayag ko sa aking asawa, Habang nakaupo siya ay umiling siya, “I’m sorry, hindi ko lang talaga mapigilan makapag-isip ng kung anu-ano. After what happened before, na kalokohan ng anak mong yan, tumaas ang trust issues ko. Malaman-laman ko lang talaga na nililigawan siya ng lalaking iyon? Doon ko siya patitirahin kay Tyler,” tugon naman niya sa akin, Napahinga nalang ako nang sabihin niya iyon, “Hayaan mo, malapit na naman sila ikasal at tumira sa iisang bubong—wag ka na mag-isip ng ganiyan lalo na at hindi makakabuti yan sa kalusugan mo,” saad ko naman sa kaniya. -- Kinaumagahan pag-gising ko, ay bumungad sa akin ang aking asawa na sobrang saya. Kaya’t dahan-dahan akong napabangon sa aking kama at agad ko siyang tinanong, “Good morning hon, ahm—why are you smiling like that?” tanong ko naman sa kaniya nang batiin ko rin siya, Agad naman siyang napatingin sa akin, “Good morning hon, guess what? Pinapapunta tayo mamayang dinner ni Mrs. Matilda sa kanilang bahay para pag-usapan ang kasal na magaganap ng ating anak tsaka ng kanilang anak,” saad naman niya kaagad sa akin, Nagising naman ako sa gulat, “What? Really? Desidido na ba daw talaga sila?” tanong ko naman muli sa kaniya, Agad naman siyang lumapit sa akin at tumango, “Yes hon, kaya nila tayo pinapapuntang dalawa to settle kung anong kailangan at kung saan sila ikakasal. Syempre it’s private, at hindi dapat malaman ng kung sino ang tungkol sa kanila lalo na at graduating palang si Heaven at prof si Tyler,” saad naman niya saakin, Napahinga naman ako ng malalim, “Mabuti naman kung ganoon at iniisip nila kung anong makakabuti sa ating anak,” tugon ko naman sa kaniya. -- Tyler’s point of view Nang makalabas ako ng aking kwarto, ay bumungad sa akin si mom na tila parang nag-hihintay sa akin sa labas. “Good morning mom, ang aga niyo ah—aalis pa lang po ako,” pahayag ko sa kaniya, Nang agad siyang ngumiti sa akin, “Anak, come home early, okay? May family dinner tayo with the Ocampo’s, we’ll talk about your wedding,” pahayag naman niya sa akin, Nagulat naman ako nang kaniyang sabihin iyon sa akin, “Like really mom? Is it final or what? Kailangan bang ituloy talaga?” tanong ko naman sa kaniya, Nang biglang nag-bago ang mukha niya, “Yes it’s final, hindi ka ba masaya? Akala ko ba okay na sayo at wala ka ng inaatrasan, but why are you asking me that way?” tanong naman niya sa akin, Agad naman akong umiling sa kaniya, “No mom—it’s fine with me, pero sure bang okay doon sa girl?” tanong ko naman sa kaniya, Agad niya akong tinapik sa akin balikat, “You know what son, even if hindi okay sa girl o okay man yan—wala siyang magagawa at wala ka ring magagawa dahil ito ang gusto namin para sa inyong dalawa. Ito ang best para sayo at para sa kaniya okay?” tugon naman niya sa akin, Dahan-dahan naman akong tumango sa kaniya at sumangayon nalang sa kaniyang sinabi kahit hindi okay sa akin. “Ahm, okay mom—sige po, I need to go, baka ma-late pa ako sa klase ko,” pag-papaalam ko naman sa kaniya, Agad na akong lumabas ng bahay at sumakay na kaagad sa aking sasakyan. at habang ako ay nag-mamaneho sa kalagitnaan na ng highway ay agad kong pinatugtog ang aking radio. Habang nag-titingin-tingin sa daan ay napansin ko si Heaven na nag-lalakad sa tabing kalsada, Kaya’t agad ko siyang pinag-buksan ng bintana, “Heaven!” pag-tawag ko sa kaniya, At agad rin naman siyang tumingin ngunit nang makita niya ako ay nag-deretso parin siya sa kaniyang pag-lalakad, At sinundan ko parin siya— “Look, kapag hindi mo pa ako pinansin at hindi ka pa sumakay dito sa sasakyan at sumabay sa akin—ipapakita ko kayna tito ang video dito na nag-lalakad ka at hindi ka sumakay ng sasakyan, it’s your choice,” pahayag ko sa kaniya. Nang sabihin ko iyon sa kaniya ay agad siyang napatigil sa kaniyang pag-lalakad at agad rin niyang binuksan ang pintuan ng aking sasakyan. habang siya ay pinag-mamasdan ko, ay bigla siyang umimik. “Bakit hindi ka pa naandar?” tanong naman niya sa akin, Agad naman akong sumagot, “Ahm—wait don’t move,” tugon ko sa kaniya nang agad kong kinuha ang sit belt sa tabi niya at ilagay sa kaniya. Doon ay nag-kalapit ang mukha namin at agad akong ngumiti sa kaniya, “Kapag nandito ka sa harapan, don’t forget to buckle your sit belt para naman kapag may aksidenteng mangyari, safe ka at hindi mapupunta sa unahan okay?” pahayag ko sa kaniya, Nang bigla niya akong tinulak at agad naman akong napahawak sa aking wheel. Natawa naman ako sa kaniyang ginawa, Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kaming dalawa, kaya’t naisipan kong paltan ang kanta ng isang love song. Habang natutog ay sinasabayan ko ito, At doon ay napatingin siya sa akin at umimik, “Pwede bang wag ka nalang kumanta? Nakakasira eh,” saad naman niya, At napatigil naman ako at umimik, “Ganiyan ka ba talaga ka-rude ha? Mukhang hindi ka naman ganiyan sa lalaking nakakasama mo sa school,” tanong ko naman sa kaniya, Napangisi naman siya, “So? Hindi naman siya katulad mo eh—bakit mo kailangang ipareho sayo?” pahayag naman niya sa akin, Napailing nalang ako at hindi sinagot ang kaniyang sinabi, ngunit may ibinalita ako sa kaniya. “By the way—narinig mo ba na may family dinner tayo later?” tanong ko naman sa kaniya, “H-hindi ko yan alam, hindi nalang ako sasama sa kanila—” tugon naman niya sa akin, “Ahm—actually you can’t okay? Hindi ka pwedeng makatanggi, pero kung gusto mo sunduin nalang kita tapos mag-papakita lang tayo na mag-kasama and after that ibabalik narin kita sa inyo, if it’s okay sayo?” saad ko naman sa kaniya, “And bakit mo naman yan gagawin? Bakit mo naman naisip yan at bakit ganiyan ka kabuti ngayon?” tanong naman niya sa akin, “Nothing! Actually wala akong pake sayo, pero syempre ayaw ko kasi madamay sa mga kalokohan mo, kaya sumakay ka nalang sa trip ko okay para hindi ka din naman mapagalitan ng dad mo,” tugon ko naman sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang napatango, “May point ka naman, so sige—sunduin mo nalang ako later, at sana naman pag-dating sa klase wag palaging ako okay? Napapag-halataan ka na,” saad naman niya sa akin, Tumango din naman ako kaagad sa kaniya, At nang makababa na siya sa school ay bumaba na rin ako, Doon ay nauna na siya bago ako, ngunit nakita din ako ng kaniyang mga kaklase. -- Heaven’s point of view, “What the hell? Kasabay mo si Sir Tyler?” tanong naman nila Lorraine sa akin, Agad naman akong tumango, “Yes—nakita niya kasi ako kaninang nag-lalakad, kaya ayun pinasabay na niya ako,” tugon ko naman sa kaniya, Napahinga naman si Kenjie ng malalim, “Sinasabi ko na nga ba eh—trip ka ni sir, siguro bet ka niyan,” pabiro naman niya sa akin, “My God! Of course not Kenjie, hinding-hindi ko hahayaan na may mag-kagusto sa aking isang prof no, mag-hahanap nalang ako ng iba kaysa yan na napaka sungit sa akin,” tugon ko naman sa kaniya. Nang bigla akong binangga ni Alexandra, “What the fck?” reaksyon ko nang may bumangga sa akin, “Oh—I’m so sorry, hindi kasi kita nakita sa daan eh,” pahayag naman niya sa akin, Napangisi naman ako nang sabihin niya iyon sa akin, at tinaasan ko lang siya ng kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD