PANAY ang suka ni Eloiza at halos lumuwa na ang kanyang mga mata. Ilang araw na rin siyang hindi nagkakakain dahil sa masamang pakiramdam at palagi rin siyang nahihilo. “Ma’am, siguro po dapat na kayong magpa-checkup. Baka kung mapaano na po kayo,” paalala ng isang kasamabahay. “Mommy . . .” umiiyak ang magtatatlong taong gulang na anak niyang lalaki na si Joshua Drei dahil sa nakikita nitong sitwasyon ng ina. “Baby, stop crying. Mommy’s okay now.” Pilit niyang nginitian ang kanyang anak na patuloy sa pagdaloy ang luha. “Come here, baby. Hug Mommy.” Agad naman itong tumakbo saka yumakap nang mahigpit sa kanya. Pinilit kumain ni Eloiza pero hindi rin nagtagal at tumakbo siya sa banyo saka doon sumuka nang sumuka. “M-Mommy k-ko!” malakas na iyak ni Drei. Hinang-hina siya. Ano ba ang