BAWAT suntok at sipa ay mabilis na naiiwasan ni Josh. Napansin niyang kakaiba ang kilos ng tatlong matatangkad na lalaki. Kapareho ng height niya at kakaiba ang liksi ng mga ito kaya kailangang mag-focus siya or else, kamatayan ang naghihintay sa kanya at kay Kenneth. Marami nang kalaban ang napabagsak ni Josh. Naliligo na siya sa pawis at may ilang tama na rin siya ng suntok at sipa ngunit hindi niya iyon iniinda. Ang nakaaagaw ng pansin niya ay ang kanina pa paiwas-iwas sa mga suntok na ibinibigay niya sa tatlong kalaban na kung tutuosin ay puwede siyang patamaan ng mga ito. May kakaiba sa kilos ng mga iyon. Bakit nang tumama sa panga niya ang suntok ng isa sa kanila ay halos lumapat lang ito sa balat niya at walang puwersa? Tumagal pa nang halos kinse minutos ang battle at halatang