His Possession

1908 Words
Chapter 22 'His Possession' — Phoebe — Tinatamad pa akong bumangon ngunit halos sigawan na ako ng aking alarm clock dahil kanina pa ito tumutunog kaya naman naupo na ako at pinatay iyon. Napalingon ako sa bakanteng kama ni Aether. Where the hell is he? Hindi siya rito natulog? Tinuluyan siya ni Ares? Ipinagkibit balikat ko na lang ang posibilidad na 'yon at nagpunta na sa closet ko. I open it at napakunot ang noo ko. If I'm not mistaken, ni-hang ko lang 'yong skirt na napunit, e. Ngunit wala na ito sa closet ko. Muli akong napakibit balikat at kinuha na ang uniform ko. I just had a quick shower, nag-ayos ng sarili and there, I stormed out the room. Napangiti na lang ako nang mabungaran sina Aether at Eros na nakaupo sa kani-kanilang upuan. "Hey," bati ko sa kanila at naupo sa upuan ko. "I can't believe you let Ares kill us," sabi ni Aether at lumapit sa amin ni Eros. "He didn't. You're both breathing," natatawa kong sabi. "Kaluluwa na lang kami," nakangising sabi ni Eros at napahagalpak ako ng tawa. Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin si Ares sa buong classroom. But no sign of him. Where is he? "He's taking a wee." Napakunot ang noo ko kay Aether. Parang siguradong-sigurado siya sa kung sino ang tinutukoy niya na hinahanap ko. Nailing na lang ako. Mag-aalas siyete na pero kaunti pa lang ang studyante sa classroom. Nasaan ang iba naming classmates? Mukhang nagtatakha na rin 'yong dalawa kayan agkakatinginan na rin sila. Hanggang sa pumasok si Ares na nakapamulsa ang kanang kamay at may hawak na cartoned chocolate drink ang kabila habang sumisipsip sa straw nito. He looks gay, pfft! "Nasaan sila?" tanong ni Aether nang makalapit si Ares sa amin at naupo sa armrest ng kanyang upuan. "Sino?" tanong ni Ares nang hindi inaalis ang straw sa bibig. "Our classmates?" said Eros. May sampu lang kasi yata kami rito. "The hell I care?" Ares distorted. "Baka lang kasi nakita mo sila?" sabi ni Eros. I think okay na silang tatlo. That's good news. The bad news is hindi ko pa rin nakakausap si Prof tungkol sa bakas na maaaring magpahamak sa amin oras na makita nila ang kapirasong punit na tela. Napapapikit na lang ako dahil sa kapalpakan ko. "Phoebe!" Sabay-sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin sa pintuan. It was Abby, kasama ang iba niyang kaibigan. Nasa labas sila at sinesenyasan ako na lumapit. "Ikaw ang may kailangan, ikaw ang lumapit!" Napanganga ako sa walang pakundangang bunganga ni Ares. Napapahiyang yumuko si Abby kaya tumayo ako at inirapan si Ares. Naglakad ako papunta kina Abby at nag-angat siya ng tingin. Niyaya ko siya paalis sa tapat ng pinto dahil alam kong naiilang siya sa tingin ng tatlong lalaki. "Sorry about Ares. May sasabihin ka ba?" tanong ko nang makalapit na kami sa mga kaibigan niya. Nakangiti na rin si Abby. "Nagpa-plano kaming mag-lunch sa open field bukas. Sama ka," puno ng pag-asa niyang sabi. "Kasi—" "As you can see, Phoebe, kakaunti na lang ang a-attend sa klase. Gusto na kasi nilang sulitin ang pananalagi natin dito sa Earth. It's their way of rebelling. Bukas, Phoebe, magpi-picnic kami sa open field ng Terra. Let's enjoy," sabi niya at napatingin ako sa mga kaibigan niya. "It's our way para hindi na masyadong isipin na lilisanin na natin ang mundong kinalakihan natin. Hindi na natin mapipigilan ang plano nila," sabi ni Lindon, classmate din namin. "Magsasaya tayo hanggang sa tuluyan na tayong isama sa Eureia," Bea said. "Hindi rin naman natin magagamit 'yong knowledge natin sa Eureia. So why bother study?" kibit-balikat na sabi ni Ara. Now I know kung bakit kahit alas siyete na ay wala pa ring klase. Dahil wala na ring planong um-attend pa ang karamihan sa studyante. I sighed at tumango sa kanila. "Yey! Kaso okay lang ba sa kanila?" tanong niya na pinapatungkulan ang tatlong kasama ko sa loob. "They won't mind. Lunch lang naman, e," sabi ko. Nagpaalam na sila dahil may mga gagawin pa sila. Hindi rin sila a-attend ng klase. Pumasok ako sa loob at ikinwento sa kanila kung bakit hindi pa nagsisimula ang klase. "Damn, hindi ba puwedeng magklase 'yong mga Prof kahit kaunti ang estudyante?" himutok ni Eros. Naf-frustrate siya dahil walang klase. Kailangan pa ba niya ng pag-aaral? Sobrang talino na niya, e. "What the girl told you?" mayamaya ay tanong ni Ares. "Lunch. Tomorrow," kaswal kong sabi kaya napataas ang kilay niya. "Where?" "Open field," "You said yes?" "'Course. Why not?" Nangalumbaba ako sa upuan ko. Ang boring kapag may klase. Pero parang mas boring kung walang klase. "You can't, Phoebe! Kalalagay mo lang sa kapahamakan!" Tumalim ang tingin ko dahil sa sinabi ni Ares. "Lunch lang 'yon, Ares. Picnic! Abby is a friend to me, too. Siya 'yong kasama ko nung isang araw tayong hindi nag-usap-usap na tatlo. Gusto ko rin naman siyang pagbigyan!" "No." Napatayo ako dahil sa pagkontra niya. "Ano na naman? Lagi ka na lang naka-kontra! Lahat ng desisyon ko sinasalungat mo. What's wrong with the lunch?" Nagpapabalik-balik lang ang tingin sa amin ni Aether at Eros. They were both stunned dahil sa pagtatalo namin ni Ares. "Hindi—" "Wala yata akong sinabi na hindi mo sinasalungat. Kahit yata sabihin kong berde ang dahon at asul ang langit, makikipagtalo at makikipagtalo ka sa akin!" Naririnig ko ang mala bubuyog na bulungan nung dalawa habang patuloy sa panonood sa amin. Hindi sumagot si Ares. Sapo-sapo ng kanyang kanang kamay ang kanyang noo. Nasa magkabilang sentido niya ang thumb at middle finger. Para bang sobra niyang pinoproblema ang lunch na gusto kong mangyari. Mabibigat ang hininga niya at kinakalma ang sarili. Naupo ako at matalim na ibinaling sa labas ng bintana ang mga mata ko. "Fine, have lunch with them." Bakas sa tono niya ang pagsuko. I look at him at para siyang lumaban sa isang mahabang giyera ngunit kinailangan niyang sumuko dahil hindi niya kayang lumaban. "Tiklop! Aether, dalawang libo ko," sabi ni Eros at hinintay na i-abot sa kanya ang pera. Nanlulumo siyang inabutan ni Aether ng dalawang libo. "Man, where's the fearless and dominant Ares now? Tsk!" bigong sabi ni Aether kay Ares habang humahalakhak si Eros at hinahalik-halikan pa ang dalawang libo niya. "What the hell?" sabay naming sabi ni Ares nang ma-realize ang pinagpustahan nila. — Wala kaming naging klase sa buong maghapon. Wala kaming ibang ginawa kundi ang tumunganga at magkuwentuhan. "Pupunta ba tayo sa lab mamaya?" tanong ko sa tatlo na nasa kama ni Eros, habang ako ay nasa kama ni Ares at naka-indian sit. Nandito kami sa room nila. And they are playing cards at tonghits yata ang laban. Nakatunganga lang ako sa kanila. Hindi na rin naman namin pinoproblema ang CCTV dahil humarap lang si Aether sa laptop niya ay kaya na niya itong i-off. "Oo, Phoebe. We'll see Jairah," sabi ni Aether habang bumubunot ng card niya. "Oh, I forgot about her. So it means nadala talaga siya rito ni Ares?" Sa dami ng nangyari at iniisip ko, nakalimutan ko na ang tungkol kay Jairah. "Yes, Phoebe. Malalaman na natin mamaya ang katotohanan sa pagkawala ni kuya." Nilingon ko si Eros na nakatunghay sa kanyang mga baraha. Nagpatuloy sila sa paglalaro. Hindi naman ako nabo-bore na panoorin lang sila. Puro kasi sila asaran at natatawa na lang ako. Kinuha ko ang isang unan ni Ares at ipinatong sa lap ko habang naka-indian sit pa rin. Kinuha ko pa 'yong isa at bahagyang niyakap at ipinatong ang aking baba rito. I can smell the mix of his perfume and his natural manly scent na humawa sa kanyang unan. I look at him at nakatingin siya sa'kin. He looks stunned and amused at natigil siya sa dapat sana ay pagbunot niya ng card. Nag-iwas siya ng tingin at tinignan na lang ang card na nabunot niya. "You look sleepy, Phoebe. Sleep there," sabi niya nang hindi ako nililingon at nagtapon ng baraha sa harap ni Eros. "You only have two hours to sleep, Phoebe," sabi ni Aether. Tumango ako at inayos ang unan ni Ares. I still have two hours pa naman to sleep kaya matutulog na muna ako. Nakatulog ako sa malulutong nilang tawanan. — "Hindi pa ba natin gigisingin 'yan?" Hind ko pa man naimumulat ang mga mata ko ay boses agad ni Eros ang narinig ko. "Nah, let her sleep a bit longer," it was Ares. "Tatlong oras na siyang tulog. Prof is waiting. Jairah is waiting," reklamo ni Aether. "Those girls can wait," walang pakialam na sabi ni Ares. I opened my eyes and I heard Aether groaned. "Finally, Aurora is awake!" bulalas niya. "Aurora?" Ares raised a brow. "Aurora. Sleeping beauty," Aether clarifies. "That's so gay, dude!" Natatawang binato ni Eros ng una si Aether. Hindi ko rin mapigilan ang matawa. And yes, that's so gay! "Hey, standup. We're going," sabi ni Ares habang naglalakad papunta sa'kin. Tumango ako at tumayo na. Inayos ko ang bedsheets ng kama niya. "She's nowhere near Aurora," sabi ni Ares habang pinapanood akong tiklupin ang duvet niya. "She just sleep a lot but doesn't even have beauty, tss..." I glared at him. "Sure thing, Ares," sabi ni Eros. "Can I see your old phone? I wanna see your wallpaper. If I'm not mistaken, it was someone's stolen shot..." Nakangisi siyang humalukipkip kay Ares. I conclude na dahil sa pagiging mag-roommate nila, naging close na rin sila kaya nasisilip ni Eros maging ang phone ni Ares. Though hindi na kami gumagamit ng phone dahil useless rin naman. Phone lang ni Aether ang may silbi dahil sa blocker detector. "Now, that's more gay!" utas sa pagtawang sabi ni Aether. "f**k you both!" sabi ni Ares at naglakad na papunta sa pintuan. Mabuti na lang at tapos na ako sa pagliligpit ng hinigaan ko. Naglakad na kami at sumunod kay Ares na medyo malayo na ang distansya sa amin. "What's wrong with him..." naiiling na sabi ko. Bipolar din ang isang 'yon, e. "Sa sobrang gusto niyang iwasan ang topic kanina, nag-walkout siya at hindi naalalang may passage na rin sa room namin," natatawang sabi ni Eros. "Hayaan na ninyo. Halika na...baka ma-badtrip na naman 'yong monster," sabi ni Aether. Sabay nila akong inakbayan ni Eros para mapasabay ako sa mabilis nilang paglalakad. "Hands f*****g off!" Nanlalaki ang matang sabay nilang tinanggal ang pagkakaakbay sa akin nang huminto si Ares sa tapat ng room namin ni Aether at hinarap kami. "Ang bagal ninyo! Bilis!" Sabay-sabay na kaming tumakbo. "I'll change first!" I just said and pulled out a sweatpants and a loose shirt in my closet at nagtungo na sa bathroom. Ako na lang kasi ang naka-uniform. Lumabas ako saglit at kinuha ang breathing potion sa aking drawer. Nang makarating kami sa lab ay narinig namin ang tawanan ni Prof at ng babaeng kausap niya. "Hey, kids!" bati niya sa amin nang mamataan niya kami. She gestures us to sit down so we did. "The three boys have met Jairah, ikaw na lang, Phoebe ang hindi siya nami-meet," sabi ni Prof at ngumiti lang ako. "Hello, Phoebe. I'm Jairah." Naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko ito. "Phoebe..." naiilang kong pakilala. I'm really not good at introduction. "I heard what happened, Phoebe. Are you okay now?" Tumango ako sa tanong ni Prof. "I'm fine now, Prof. Thank you for asking," I said. Saglit kaming natahimik bago simulan ang meeting. Nabaling ang tingin ko kay Jairah. May naglalarong ngiti sa mga labi niya habang nakatingin kay...Ares? I look at him para sana tignan kung bakit napapangiti si Jairah ngunit mabilis siyang nag-iwas ng tingin. He's looking at me? "I got it. You must be the girl?" Jairah asked me, smiling playfully. "Ha?" naguguluhang tanong ko. "I am f*****g surrounded by nosy people," inis na bulong ni Ares at nagtawanan sila. As usual, nakitawa rin ako. "Shall we start, Jairah?" Natigil lang kami sa pagtawa nang magsalita na si Prof. Tumango si Jairah at huminga nang malalim. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD