Chapter 23
'Unveiling'
Panay lamang ang sulyap nila sa isa't isa. Hindi nila alam kung saan at paano sisimulan ang meeting na 'to. Kung kailan nandito na ang susi sa katotohanan, saka pa sila nanlalamig nang ganito.
"Gusto ko sanang marinig ang istorya sa likod ng pagkawala ng anak ko. May nalalaman ka ba?" paunang tanong ni Amanda Alarcon.
Tumango si Jairah.
"Ilang taon ko ring pilit kinalimutan ang alaala no'ng gabing 'yon pero sa tuwing pipikit ako, 'yon pa rin ang malinaw kong nakikita." It was 10 years ago, at hindi lubos maisip ni Phoebe na gano'n na siya katagal na hindi pinapatahimik ng kung anumang alaala iyon.
"Just speak, please. We'll listen." Muling tumango si Jairah sa sinabi ni Amanda.
"A science quiz bee was held here in Terra. Excited ako no'n dahil pinaghandaan ko ang quiz bee na 'yon. I was too young at medyo mababaw pa mag-isip. Dahil sa insecurities ko noon kay Jarred, ginusto ko siyang paranasin ng pagkatalo. Kumbaga sa basketball, it's a pride na matalo ang kalaban sa kanyang home court." Ngumiti si Jairah. She looks shy for her silliness.
"Tatalunin ko si Jarred sa pagkakataong 'to! That's what I said to myself no'ng mga panahon na 'yon. But just like the old times, pumangalawa na naman ako," she sighs.
"Mahirap talunin ang isang Jarred Alarcon," Amanda said at ngumiti si Jairah.
"Indeed," she smiles. "My dad forced me to congratulate Jarred. He always have to force me dahil kung hindi, hindi ko talaga siya ico-congratulate. So, just to please my dad, I always congratulate him. That time, hinanap ko si Jarred just to congratulate him. Pero hindi ko siya makita. Sabi ni daddy, hanapin ko. So I did,"
Halata ng mga nakikinig ang hirap ni Jairah sa pagkukuwento. Hirap na ungkatin pang muli ang nakaraan.
"Hinanap ko si Jarred sa buong Terra Academy. Hanggang sa makarating ako ng Terra University at do'n ko lang siya nakita. Nakaupo siya sa damuhan sa may gubat na dinaanan namin ni Ares at nakasandal sa puno. Sa lap niya ay nakapatong ang kanyang laptop. I approached him at nagulat siya kaya itinago niya ang laptop sa likuran niya,"
"Anong mayroon sa laptop?" Hindi na napigilan ni Phoebe ang magtanong.
"It took all my energy bago niya sabihin kung ano iyon... And I was so shock. May hina-hack siya." Sabay-sabay silang napaayos muli ng upo. Inayos pa ni Aether ang kanyang salamin upang mas magtuon ng pansin.
"Anong hina-hack niya?" Aether asked.
"Blocker..."
"Blocker?"
"Matalino ako sa science, pero hindi ako obsess. But si Jarred, inamin niyang may na-detect siyang blocker. Ang sabi pa niya, kailangan niya iyong ma-hack upang ma-unblock at magkaroon ng access. Hindi namin alam kung para saan ang blocker na 'yon at kung ano ang bina-block no'n. I was thrilled so I offered him a help. Tinanggap naman niya. At mula noon, tuwing may quiz bee, ayun ang lagi naming pinag-uusapan,"
"Until one time, sa isang quiz bee ulit, nagtatakha ako dahil hindi binubuksan ni Jarred and usapan tungkol sa hacking. Samantalang siya ang laging excited tuwing magkikita kami. I tried to brought up the topic, ngunit mabilis niyang dinivert sa iba ang usapan. But instead of confronted him, pinakialaman ko ang laptop niya... Nagulat ako dahil na-hack na pala niya ang blocker." Nanlaki ang mata ni Phoebe sa sinabi niya.
"He did?" tanong nito at tumango siya.
"I confronted him. I'm mad dahil parehas kaming naghihirap do'n pero sinolo niya 'yong success. Just to make me feel good, he got no choice but to tell me kung para saan ang blocker na na-hack niya. He went paled so kinabahan ako. He said that the blocker was for a planet." Muli silang nagkatinginan lahat.
"Planet?"
"'Yon ang sinabi niya. Nakakonekta raw ang blocker sa satellite na nagmumula sa planetang 'yon. He concluded na kung sinuman ang may gawa ng blocker, ay itinatago nito ang planetang 'yon. Alam niyang delikado ang natuklasan niya kaya pala siya nagpasyang huwag na lamang ipaalam sa akin,"
"I don't know when, where, how... pero may nakatuklas sa ginawa ni Jarred. Kahit pa matagal na niyang hindi ito pinapakialaman dahil nga delikado. They thought na baka si Jarred pa ang maging dahilan ng pagkakabulilyaso ng plano nila. Another quiz bee was held in Terra, and there... that one night..." Nahirapan si Jairah na dugtungan pa ang sinasabi niya.
"Speak up, please..." bulong na pakiusap ni Eros.
"They tried to kill Jarred..."
"Oh my God!" Napatakip ang propesora sa kanyang bibig at nanginginig ang kanyang kamay.
"Magkasama kami ni Jarred noon. Ikinubli niya ako sa isang malaking bato. I don't think a 10-year old kid could escape from those vicious people whose trying to harm him, until a woman came..." Napataas ang kanilang mga kilay.
"Woman?" ani Amanda.
"A woman who helped him, itinakas siya." Tumayo si Amanda at lumapit kay Jairah. Hinawakan niya ito sa kamay at nakiusap.
"Please, tell me who was that woman?" umiiyak na tanong nito ngunit muli, umiling si Jairah.
"I'm sorry... hindi ko kilala at hindi ako pamilyar sa babae." Bumagsak ang balikat ng propesora sa sagot na nakuha.
"Hindi mo ba naaalala ang hitsura niya?" she pushes.
"I barely saw her face. It was one dark night. I can't recognize her but..."
"But what?"
"Jarred knows her," sabi ni Jairah.
"He does?"
"Yes, he called him ninang nang makilala niya ito." Binitiwan ng Professor ang kamay ni Jairah at napatitig siya rito. Gulat at hindi makapaniwala ang nasa mga mata niya.
"Dalawa lang ang ninang niya. Eula and..." Napatingin siya kay Ares, "Delilah."
"f**k!" mura ni Ares nang may naalala. "You're the girl at the Lakeside forest?" tanong niya rito.
No'ng una ay naguguluhan pa si Jairah sa tanong ni Ares. Hanggang sa manlaki ang mga mata nito nang matukoy ang sinasabi niya.
"Ikaw 'yong batang kasama no'ng babae? The one who escorted me hanggang sa makalabas ng Terra?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Nilingon ni Ares si Amanda na wala nang tigil sa pag-iyak.
"Si kuya Red...my brother...is Jarred Alarcon?" Napahagulgol na ang propesora at si Ares ang nilapitan nito. Pinapakalma naman ni Eros ang kanyang ina.
"Imposibleng si Eula ang dumating dahil preserved na siya no'ng mga panahong 'yon. Si Delilah! Alam kong siya 'yon. Explain everything to me, please, Ares. What happened that night nang maihatid mo si Jairah palabas ng Terra. Please, I need to know," pagmamakaawa ni Amanda.
Tila nabigla si Ares sa pagbe-breakdown ng propesora kaya umayos ito ng upo at wala nang magawa kundi ang tumango.
—
"Halika na, Jarred!" Hinawakan ni Delilah ang kamay ng bata matapos mapabagsak ang mga taong humahabol dito.
"I can't, ninang. My friend..." Itinuro ni Jarred ang batong pinagdalhan niya kay Jairah. Kinakailangan na nilang makaalis dahil batid ni Delilah na hindi lang ang mga ito ang ipinadalang tauhan ni Erebus.
"Ares!" tawag niya sa anak nang mapabagsak ang huling lalaking kinaharap ng noon ay walong taon pa lamang na si Ares. Limang taon pa lamang ay p*****n na ang training na dinanas niya kaya naman bihasang-bihasa na ito. Tumakbo si Ares sa kinaroroonan ng ina at ng batang iniligtas nila.
"Bakit, Ina?" tanong nito nang makalapit dito.
"Ihatid mo palabas ang batang nando'n! Hihintayin ka namin." Tumango si Ares at pinuntahan ang batong itinuro ng ina.
"S-sino ka?" takot na tanong ng batang babae.
"Ihahatid kita palabas. Bilis! Nagmamadali kami!" iritadong sabi ni Ares at hinila na ang bata hanggang sa makalabas ng gate ng Terra. Tumatakbo na siya pabalik nang matanaw niya na mas maraming lalaki ang tinatahak ang daan papunta sa kinaroroonan ng kanyang ina.
Tumakbo siya at sinabayan sila sa pagtakbo ngunit hindi inalis ang distansya. Inilabas niya ang tirador na binalahan ng lason at inasinta ang ilan sa mga kalaban. Ginagawa niya ito habang tumatakbo at patago-tago sa mga batong nadadaanan upang hindi siya makita.
Nang nakuntento na siyang nabawasan na nito ang mga kalaban kahit papaano ay mabilis na siyang tumakbo papunta sa ina upang unahan ang mga ito.
"Nandiyan na sila!" sabi nito at isinabay ni Delilah ang batang si Jarred sa kanilang pagtakbo. Nauuna si Delilah at Jarred habang si Ares naman ay walang habas na nagpaulan ng tirador sa mga kalaban na walang tigil sa paghabol sa kanila.
"Ares, masyadong marami. Ang mabuti pa, maghiwalay tayo. Take him with you, I will lure them!" Sabi ni Delilah na sinalungat ni Ares.
"What? Hindi, Ina! Masyado silang marami. Paano kung maabutan ka nila?" Umakyat si Ares sa puno at humanap ng maayos na puwesto, saka sunod-sunod na nagpaulan ng tirador.
Hinabol niya ang ina niya at ang bata sa pagtakbo ngunit sa sanga ng puno siya humahakbang. Sa tuwing nakakahanap siya ng magandang puwesto ay saka siya muling titirador.
"Go, Ares! Take this kid with you," sabi ng kanyang ina nang makahabol siya at bumaba mula sa mga puno.
"But—"
"Sa dulo nitong Lakeside, may maliit na burol. Doon ninyo ako hintayin!" sabi nito at itinulak na si Jarred papunta kay Ares.
"Ina!" tawag ni Ares at ibinato ang hawak niyang tirador sa kanyang ina at tumango ito.
Wala nang nagawa pa si Ares kundi mag-iba ng direksyon. Hawak niya ang pulso ng batang si Jarred upang isabay sa mabilis na pagtakbo. Matagal silang tumakbo nang tumakbo. Magpapahinga saglit at tatakbong muli. Tatlong oras pa ang lumipas nang matanaw na ni Ares ang burol na sinasabi ng kanyang ina. Ngunit bigla silang nakarinig ng putok ng b***l.
Sa sobrang takot ni Jarred ay kumalas ito sa pagkakahawak ni Ares at hindi napansin ang bangin na nasa gilid lang nila.
"f**k!" sigaw ni Ares nang mahulog sa bangin ang batang hinabilin ng kanyang ina.
Hindi siya sanay na binibigo ang kanyang ina kaya naman pinilit sundan ni Ares ang pinagbagsakan ng bata. Matarik ang bangin kung kaya't ilang pasa at galos rin ang kanyang nakuha hindi pa man siya tuluyang nakakababa.
Habang nakakapit sa mga bato ay tinanaw ni Ares ang ibaba kung saan bumagsak ang bata at napamura siyang muli nang makitang wala itong malay at bagsak na sa lupa. Nang malapit na siya sa ibaba ay tinalon na niya ito. Napasama ang bagsak niya dahil sa mga matutulis na bato kaya tumama ang mukha niya sa nakausli ring bato.
"Ugh, s**t!" daing niya dahil sa nakita niyang dugo sa kanyang kamay nang hawakan nito ang kanyang kilay.
Wala siyang pakialam sa sugat na 'yan dahil mas malala pa ang nakuha niya noong nagsisimula pa lang siya sa pangangaso. Ngunit ngayon lamang siya nagkaroon ng sugat sa mukha. Muli niyang binalingan si Jarred at sinuri ito. Mukhang matindi ang pagkakabagok nito dahil sa dugo mula sa kanyang noo. Hinawakan niya ang leeg nito at nang makumpirma niyang buhay pa ito ay agad niya itong iniayos ng higa.
Wala siyang ibang magagawa kundi ang hintayin ang kanyang ina na hindi rin naman nagtagal. Dinala nila si Jarred sa ospital.
Ilang araw ang nagdaan bago muling nagkamalay si Jarred ngunit ngkaroon ito ng amnesia. Kinupkop ni Delilah ang bata dahil batid nito ang kapahamakang naghihintay rito kung ibabalik niya ito sa kanyang kaibigan na si Amanda.
Pinalitan ang pangalan nito upang walang maging lead ng record. Hindi na sinabi pa ni Delilah kay Ares kung sino ba talaga si Jarred dahil hindi na rin naman ito nagtanong pa. Gusto lang magkaroon ni Ares ng maituturing na kapatid kaya nakuntento na siya.
Kailangan niya munang masiguro na katulad ni Ares, makakayanan nitong lumaban kaya sinanay niya rin ito.
Ilang taon ang lumipas nang muling makausap ni Delilah si Amanda. Lumapit sa kanya si Amanda at tinanong kung handa na ba ang anak ni Eula sa isang seryosong labanan. Hindi lingid sa kaalaman ni Delilah ang tungkol sa LLT.
Nang sabihin nitong handa na, pinakiusapan siya nitong i-enrol ang anak ni Eula sa Terra dahil ang magulang ng batang babaeng nataniman ng EBP ay gusto ng kasiguraduhan tungkol sa kaligtasan ng anak nito bago payagang i-enrol ang bata sa Terra.
Hindi muna ipinaalam ni Delilah na maging ang anak niyang inaakala niyang nawawala ay nasa kanya. Alam niyang may tamang oras para do'n.
"Kailangan ko ba talagang mag-aral do'n, Ina?" iritadong tanong ni Ares habang nag-iimpake.
"Thirty two!" natatawang sambit ni Red na binibilang kung ilang beses nang naitanong iyon ni Ares. Nasa veranda siya ng kanilang treehouse. Isang linggo na rin mula nang lumipat sila rito sa Lakeside forest.
"Yes," umay na sagot ni Delilah dahil nagsasawa na siya sa tanong ng anak.
"Kasi, Ina, hunter ako. I used to kill wilds and high profile criminals. I'm not a bodyguard para protektahan ang isang spoiled brat—"
"Ares, napag-usapan na natin 'to. Find this girl named Phoebe Villamor,"
"Wow! Pangalan pa lang, Goddess na! Nakaka-tempt naman. Gusto mo ako na lang?" biro ni Red at bubulong-bulong na nagpatuloy sa pag-iimpake si Ares.
"Babalik ako rito oras na sakit lang sa ulo ang babaeng 'yon, Ina. Aalis na po ako," sabi nito.
"Sige, li'l bro! Ako ang sasalo sa utos kapag sinukuan mo ang babaeng iyon. Okay lang po ba, Ina?" Saglit na nag-isip si Delilah.
Kung hindi man makayanan ni Ares ang pagbabantay sa babaeng pinababantayan niya, hindi niya pipigilan ang anak na si Red na siya na lang ang pumasok sa Terra. Sigurado naman siya na sapat na ang nalalaman nito upang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Natapos ang unang taon ni Ares sa Terra nang hindi niya namamalayan. 2nd year na siya sa susunod na school year.
"One year, bro. Tumagal ka!" naliligayahang sabi ni Red nang salubungin nito si Ares sa tapat ng gate ng Terra. Huling araw na ng klase at ngayon lamang ulit sila nagkita dahil sa isang condo tumira si Ares.
"Si Ina?"
"Isang taong mawawala si Ina. May tatrabahuhin sa isang bundok." Tumango lang si Ares at sinundan ng tingin ang nakatalikod na babaeng naglalakad papalapit sa isang sasakyan.
"Who's the chic?" taas-kilay na tanong ni Red nang mahalata ang pagtitig nito sa babae.
"Phoebe." Lumapad ang ngiti ni Red sa narinig.
"We should call her. Phoe—" Tinakpan agad ni Ares ang bibig ni Red bago pa nito maisigaw ang pangalan ni Phoebe.
"Don't!" suway niya sa kapatid.
"Why? Binabantayan mo siya, 'di ba?"
"She...she doesn't know me." Napahalakhak si Red sa sinabi ng kapatid.
"Seriously? Buong school year mo siyang binantayan tapos ni hindi ka niya kilala? Halika, kausapin natin!"
"No way! Hindi ka niyan haharapin. You need to be a book first bago ka niya harapin." Halakhak ni Ares at muling sumulyap sa babae bago sumakay sa kotseng sumundo sa kanya.
"I wanna meet that girl," sabi ni Red.
"Meet your face!" Ares said and snatched the car key from his hold.
"Mag-taxi ka na lang, Kuya. May susundan lang ako." Imbis na magreklamo ay natawa na lang si Red lalo na nang nagsimulang mag-drive si Ares na tinatahak ang daan na dinaan ng kotseng sumundo sa babae.
"Now I know kung bakit ka tumagal," naiiling at natatawang bulong ni Red.
—