Safe and Sound

2200 Words
Chapter 21 'Safe and Sound' — Phoebe — May dalawang oras na rin siguro ang lumilipas ay nakatunganga pa rin ako rito sa kisami ng kuwartong 'to. Hindi na rin ako binalikan pa ni Dr. Hayes. Naiinis na rin ako sa robot na nandito dahil wala itong ibang ginagawa kundi ang magpa-ikot-ikot. Hanggang sa pumasok ang robot sa pintong pinasukan kanina ni Dr. Hayes. Naiwan na naman akong mag-isa. Inaantok na ako at mukhang kulang ang anim na oras na itinulog ko kanina. Narinig kong muli ang pagbukas at pagsara ng pinto at narinig ko na ang papalapit na yabag ni Dr. Hayes. "I'm so disappointed! Masyadong mabagal ang mga kaibigan mo. I thought they could play and thrill my men," sabi niya na naiiling pa. "Your plan sucks!" I rudely remark ngunit tinignan niya lang ako. "Hindi pa ba sila darating?" mayamaya'y tanong niya sa'kin at napairap na lang ako. "Why don't you unclasped me then talk to the hand," sabi ko na nagpahalakhak sa. Isang nakakalokong pagtawa ang pinapakawalan niya. Napahinto lang siya sa pagtawa nang marinig namin ang pag-click ng doorknob. "Your friends don't have key. Probably one of my men," sabi niya habang hinihintay kung sino man ang papasok. Dahan-dahang pumasok si Mr. Erebus Rivero. Fudge! Dr. Hayes is a calm villain. 'Yong tipong hindi mo mararamdamang may binabalak siya dahil sa pakikipag-uap niya sa'yo. But Mr. Rivero is the kind of villain na mata pa lang ay alam mong hindi siya mag-aatubiling simulan ang silent war na gusto ni Dr. Hayes. Ngunit pagkakita ko pa lang sa mukha ni Mr. Rivero ay may mali na. Nang makapasok siya nang tuluyan ay nagulat ako dahil sunod na dumungaw ang isang kamay. Kamay na may hawak na hunter's knife at nakatutok ito sa gilid ng leeg ni Mr. Rivero. Tinignan ko si Dr. Hayes. Normal niya lang na tinignan ang tauhan. Umilang hakbang si Mr. Rivero palayo sa pintuan upang bigyan ng daan ang may-ari ng kamay na humahawak sa kutsilyong handa na siyang kitilan. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita kong tuluyan kung sino ang iniluwa ng pintuan. Jesus! Mabilis niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng kuwarto hanggang sa magtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung bakit pero napahagulgol na ako. Para akong bata na nagkaroon ng kakampi laban sa mga kapwa ko batang nambu-bully sa akin. Damn! What's wrong with my eyes. "f**k! What did you do?" Nag-echo ang pigil na galit na sigaw ni Ares. Marahil ay nagtatakha siya kung bakit ako umiiyak. Naiiyak ako dahil kahit nakahiga at nakaposas pa rin ako sa kama, alam kong ligtas na ako. Pagtama pa lang ng mga mata ko sa kanya kanina, alam kong wala na akong dapat pang ipag-alala. "Hindi ko kayo dapat minaliit," naiiling na sabi ni Dr. Hayes. "You know how to strategize! Ang buong akala ko ay dito kayo di-diretso. I thought we could trap you here because we got the best bait. Too bad, you get my most trusted man and use him to get even. I'm impressed!" sabi ni Dr. Hayes sa amused na amused na paraan. "He killed some of our men," Mr. Rivero reported. "Pakawalan mo siya!" utos ni Ares kay Dr. Hayes. Ngunit humalukipkip lang ito. "Die, b***h!" Rivero shouted when Ares slit his neck a little. May kaunting dugo ang tumulo mula sa hiwa na nilikha ni Ares. Hindi niya binibitiwan ang kutsilyo sa leeg nito hangga't hindi ako nababawi. Bumuntong hininga si Dr. Hayes, "brutal, e!" May pinindot lang siya sa computer at hindi ko na naramdaman ang malamig na metal sa magkabilang wrist at paa ko. Kanina ay gustong-gusto ko nang makalaya. Pero ngayon ay nag-aalangan na ako. Hindi ko pa kasi nakukuha ang breathing potion. Sinipat ko iyon at naroon pa rin naman sa puwesto nito. Kung lalabas ako, madadaanan ko 'yon. Ngunit malayo-layo ito at hindi ko maaabot. Hindi naman puwedeng basta ko na lang iyon lapitan dahil alam kong magtatakha si Dr. Hayes. "Give me Erebus and go take your princess," sabi ni Dr. Hayes. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa botelya. Think, girl! Think! "Come here, Phoebe!" Nabaling ang tingin ko kay Ares na naghihintay na sa paglapit ko. Nakataas ang dalawang kamay ni Dr. Hayes as a sign na hindi niya ako pipigilan sa pagpunta kay Ares. Tumayo ako at nagkunwaring natisod sa mga cord na nakakalat lang sa floor. Ngunit ang way ng pagkakabagsak ko ay sinigurado kong mapapalapit ako sa kinaroroonan ng breathing potion. Hindi naman nakita ni Dr. Hayes na nakita kong tinuturukan niya ang sarili niya kaya siguradong hindi niya iisipin na target ko 'yon at balak na makuha. Napapikit nang mariin si Ares dahil sa pagkakatumba ko sa sahig at hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahina niyang 'Tanga talaga'. Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. "What? Get up!" inis niyang sabi. Nagkunwari akong masakit ang paa at gumapang papunta sa swivel chair upang doon kumapit para makatayo. Nakita ko sa mga mata ni Ares na gusto na niya akong lapitan at tulungan ngunit hindi niya mabitiwan si Mr. Rivero. Moron! I'm fine. I just need to act injured. Naramdaman ko ang paghawak ni Dr. Hayes sa magkabila kong braso para sana tulungan kaya lang, "f**k! Don't touch her!" sigaw ni Ares at agad rin naman akong binitiwan ni Dr. Hayes. Yes, don't touch me dahil baka makahalata kang may nanakawin ako sa'yo. I just made a swift grasp at inilagay agad ang botelya sa bulsa ng skirt ko. Iika-ika akong naglakad papunta kay Ares. "Hurry the f**k up and f*****g take my hand." Inilahad niya ang kamay niya nang makalapit ako sa kanya. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin iyon. Nang mahawakan niya ako ay patulak niyang binitiwan si Mr. Rivero dahil secure na siya na nasa kanya na ako. Hinila niya ako at ikinulong sa kanyang mga bisig. "Let's go, please!" sabi ko at tumango siya. Paalis na sana kami nang muling magsalita si Dr. Hayes. "I didn't do anything anything to you, little girl. We just confirmed kung nasa iyo nga ang EBP. I just wanted to have a show, tested what you guys are capable of. And believe me, you are more than what I expected. Of all the alliances built inside Terra, your alliance is the most impressive. Well, you made us thrilled so we don't mind a little threat and struggle along the way. LLT will happen in any way." Ngumiti siya ngunit agad rin namang nagseryosong bumaling kay Ares. "Ngunit sa susunod na may mawala ulit sa inyo... Either Eros, Aether or the girl you are cuddling with." Napangiwi ako sa huling sinabi niya at na-realize na magkayakap pa rin kami ni Ares. "'wag na ninyong asahan na buhay pa siyang mahahanap. Dahil ang susunod naming hakbang ay hindi na laro at palabas. We admit that your team is our biggest threat and we need to depart you. Good night, kids. Thank you for playing. We enjoyed even though you killed some of my men. Damn, I can even see in your eyes the l**t of killing me just because I tried to help your girl up..." Humalakhak si Dr. Hayes at naglakad na sa pintuang lagi niyang pinapasukan. "You can walk?" tanong niya nang kami na lang ang nandito dahil lumabas na rin si Mr. Rivero. My feet can walk but my knees can't. Nanlalambot ito dahil sa mga salitang binitiwan ni Dr. Hayes. Dahil na rin sa mga nangyari, alam kong paghahandaan nila kami. And I'm sure na baka wala akong maitulong sa team. Or worse, baka ako ang magpabagsak sa kanila. Inakala marahil ni Ares na masakit paa ko dahil sa pananahimik ko kaya naman binuhat niya ako. Bridal style. Kusang napapulupot ang braso ko sa batok niya. Dinungaw niya lang ako saglit at naglakad na. Hindi na ako nagreklamo pa. It feels so secured in his arms. Pakiramdam ko ay walang puwedeng manakit sa akin. "Si Aether at Eros?" tanong ko. "They will clean the mess." Napakunot ang noo ko. "Mess?" Muli siyang nagbaba ng tingin sa'kin. He throws me a bit para maayos ang pagbuhat niya. Nabibigatan na ba siya sa'kin? "The trash...dead bodies," kaswal niyang sagot. Napapikit na lang ako. He killed, he really killed. Ako na ang nagbukas ng pinto ng kuwarto ko dahil buhat niya pa rin ako. "How did you find me?" I asked and he clenches his jaw. Parang may naalala siyang hindi kanais-nais na bagay. Naramdaman ko na lang na ibinaba na niya ako sa kama ko. "Aether got an access with the CCTVs. And I bet you know how?" taas-kilay niyang sabi habang nakahalukipkip na nakababa ang tingin sa'kin. Umupo ako. "Yes, we enter—" "Who ordered you?" tanong niya. "That was my task. Nagawa naman namin nang maayos." I smiled at him but he didn't return it. "You got caught," sabi niya. "No. I got caught hindi dahil sa task. Well, may kaunting kapalpakan pero maha-handle naman siguro ni Prof. Where are they?" tanong ko. Ililigpit lang daw nila 'yong mga bangkay pero hanggang ngayon ay wala pa sila. "Pricks will be here in a minute," sabi lang niya at binalot na kami ng nakakabinging katahimikan. Nanatili siya sa tapat ng kama ko na nakahalukipkip pa rin. Napapayuko na lang ako dahil sa mga titig niya. "What time did you arrive?" tanong ko na lang at pilit sinasalubong ang tingin niya. "Six?" kibit-balikat niyang sagot. Nabalot na naman kami ng katahimikan. Hindi ba siya magsasalita? Bakit hindi pa siya umaalis? Hinihintay niya rin siguro 'yong dalawa. Niyakap ko na lang ang mga tuhod ko. May gusto sana akong sabihin kaya lang ay nahihiya ako. But I think I owe him words. "Hey," tawag ko sa kanya pero tinaasan niya ako ng kilay. "What?" "T-thank... you. For saving... me," sabi ko habang nakapaling ang ulo sa closet na nasa gilid ko lang. Ayoko na ring makita ang reaksyon niya.  Naaninag kong napaayos siya ng tayo. "For... what?" Nilingon ko siya at nakitang hindi na pala siya nakatingin sa'kin. Nakapamulsa ang magkabila niyang kamay at nakatingin sa kama ni Aether. "Saving me, what else?" Napairap na lang ako dahil sa ka-slow-an niya. Tinignan niya ako at sinamaan ng tingin. Mabilis napalitan ng kaseryosohan ang mood ko. "Why, Ares? Why are you doing these things to me?" Imbis na sumagot, titig lang ang ibinigay niya sa'kin. Bumuntong hininga ako, "you said before, you'll protect me because it's thrilling. Am I really that weak and stupid to you?" Ibinuka niya ang bibig para magsalita ngunit tila hindi niya mahanap ang tamang salita. Nanatiling nakaawang ang bibig niya hanggang sa may marinig na kaming bulungan sa may tapat ng pinto. Nagtuturuan kung sino ang unang papasok. "Come in, sons of b***h!" bulyaw ni Ares. Ilang segundo pa bago may pumihit ng doorknob at iniluwa sina Aether at Eros. "Come closer..." May pagbabanta sa tono ni Ares kaya nagtulakan ang dalawa kung sino ang mauuna. "Isa!" Sa unang bilang pa lang ay nasa harapan na sila ni Ares . Ano bang nangyayari sa dalawa? Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang tungkol sa banta niya bago siya umalis. "Now, who taught her that pathetic move? Climbing the window like a f*****g thief," tanong niya sa dalawa ngunit nagkatinginan lang sila. Bumuntong hininga ako, "Ares, I agreed with it. We succeed rin naman. See? Nahanap nga ninyo ako, 'di ba? 'Di man nagkaroon ng access ngayon sa shield, at least, na-hack ang CCTVs," sabi ko. Sabay at sunod-sunod na tumango 'yong dalawa. "Paano kung hindi ako dumating dahil nagkaroon ng problema sa pagkuha kay Jairah at nandoon ka pa rin sa kuwartong 'yon?" Ako naman ang binalingan niya. Oh, e ba't sa'kin siya nagagalit? Muli akong bumuntong hininga. "Alam kong babalik ka sa ibinigay mong oras na babalik ka. You said dusk, I know you'll be here by dusk," "Tama si Phoe—" "Kinakausap ba kita?" singhal ni Ares kay Aether. "Ares, I'm already here. Let's stop pointing finger." Huminga siya nang malalim. "I will kill that freakin' doctor when I saw him again," "No!" nagulat sila sa pagprotesta ko. No, he can't do that. I won't let him kill Dr. Hayes. I won't let him kill his father. "Why?" tanong ni Ares. "Basta!" I just said at nagkatinginan silang tatlo. "Whatever, Phoebe. But let me deal with these pricks!" Muli niyang binalingan ng tingin 'yong dalawa kaya nagsimula na silang tumakbo. Ngunit bago pa man sila makalapit sa pintuan ay nahuli na ni Ares ang parehas nilang likurang kwelyo at hinila pabalik sa tapat ng kama ko. "Where d'you think you're going?" tanong niya sa dalawa. "P-Phoebe! Do something. The monster will kill us," sabi ni Aether. "Ares, if you're going to kill them, puwede bang sa labas na lang? I need to rest," sabi ko at halos matawa ako sa panlalaki ng kanilang mga mata. "What the hell! Phoebe, are you crazy? The monster is damn serious!" himutok ni Eros. "Sure thing," sabi ni Ares at tinignan 'yong dalawa. "She needs to rest. Let's do the killings outside," nakangising sabi ni Ares at kinaladkad na sila. Hanggang sa paglabas nila ay dinig ang kanilang pagprotesta. Napailing na lang ako habang nakatingin sa nakasaradong pinto na nilabasan nila. Nahiga na ako dahil kailangan ko agad makausap si Prof dahil nga sa maaaring bakas na iniwan ko nang maipit ang skirt ko. Hindi ko na inalala si Aether at Eros sa kamay ni Ares. I know he won't hurt them. Aminin man ni Ares o hindi, alam kong kaibigan na ang turing niya sa kanila...sa amin. He can't kill them. Well, he can't... I wish he can't! —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD