Unmasked

1829 Words
Chapter 20 'Unmasked' — Phoebe — Hindi ako mapakali dahil sa school skirt ko na napunit ang kapiraso. Naaalibadbaran ako kaya huminto na muna ako sa pagtakbo, napahinto rin si Aether. "Bakit?" tanong niya. "Kita na lang tayo ng lunch. May gagawin lang ako sa dorm," paalam ko sa kanya at tumakbo na ako papunta sa dorm building. Nagpalit lang ako saglit ng skirt. Ni-hang ko lang ito sa closet dahil kasusuot ko lang din nama no'n ngayon. 'Yon lang ang ginawa ko at lumabas na rin. Natural science ang next class ko kaya dito na ako dumiretso dahil patapos na rin naman ang first class namin. Hindi ko na classmate 'yong dalawa kaya magkakahiwalay muna kami. Seryoso akong nakikinig sa lectures ni Prof Alarcon. Minsan lang ako magkaroon ng focus sa klase kaya nilulubos ko na. But natural science went fast. Kung anong focused ko kanina ay siya namang kawalan ko ng gana sa basic math. I don't want to brag, but we're second year college, for heaven's sake. Why basic math? Tahimik na lang akong nangalumbaba at tumunganga sa labas ng katabi kong bintana. Nakakasilaw ang liwanag ng sikat ng araw. I mean, liwanag ng sikat ng pekeng araw. Naging boring na rin ang mga sumunod na klase. Na-late ako sa paglabas ng lunch break dahil nagkalat ang gamit ko sa armrest ng upuan ko na ginamit sa activity namin kanina. Ako na lang ang naiwan sa classroom kaya binilisan ko na ang kilos ko. Nasa cafeteria na siguro ang lahat ng estudyante dahil wala ng tao sa hallway. Ang kaninang mabilis kong paglalakad ay napalitan ng marahan at maingat dahil nakarinig ako ng kaluskos sa likuran ko. Nararamdaman kong may nakasunod sa'kin. Hanggang sa tuluyan na akong napahinto dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. Naramdaman ko rin ang pagtigil niya sa likuran ko, ilang dipa ang layo mula sa kinatatayuan ko. It took me all the courage and guts to turn my head back hanggang sa tuluyan ko siyang maharap at napailang atras ako dahil sa labis na takot na sumibol sa aking dibdib. Pigil ang bawat hininga ko dahil batid kong nasa panganib ako. Sa mga titig at ngisi pa lang niya sa'kin ay alam kong may binabalak na siya. Binalingan ko ang araw. Hell, it's shining bright and dusk isn't even approaching. Ares, you need to be back now. Not dusk, not twilight. Back now, I hate to admit it, but I need you now. "Nabalitaan kong wala ka pala sa venue nung namatay ang ilaw at napalitan ng UV light?" Nagtindigan ang balahibo ko sa malamig na tinig ni Mr. Rivero. Hindi ako kumibo. Buong tatag kong sinasalubong ang mga tingin niya. "Tatlong EBP lamang ang nakita namin. Nahirapan pa kaming hanapin ang nawawalang isa. Mabuti na lang at na-check ng isang administrator ang CCTV footage kung saan ka nag-stay noon kaya naman napag-alaman naming may isang estudyante pala ang hindi natamaan ng UV light. Tell me, Miss Villamor... is EBP implanted in your body?" Na-estatwa ako sa tanong niya. "H-hind ko alam E-EBP na tinutukoy mo," pagmamaang-maangan ko kahit pa nababasa ko na sa mga mata niya ang kasiguraduhang nasa akin nga ang hinahanap niya. "Really?" Humakbang siya ng isa palapit sa akin kaya napaatras ako. "Almost two weeks pa naman ang pagsasagawa ng project LLT. Hindi kami nagmamadali. Mahirap lapitan ang tatlong lalaki, we'll take it slow. Kaya magsisimula na muna kami sa pinakamahina." Napahigpit ang kapit ko sa librong hawak ko. Bato-bato ang katawan ni Mr. Rivero. Wala akong magagawa kung lalabanan ko siya. Isa sa na-ealize kong purpose ng pag-train sa amin ni Ares kung saan ginamitan ng dangles ay upang maging magaan at mabilis ang pagkilos namin. Kaya dadaanin ko si Mr. Rivero sa pagtakbo, hanggang sa makarating ng caf dahil paniguradong nandoon na sina Eros at Aether. Sa ngayon, sila lang ang makakatulong sa akin. "Sumama ka sa akin nang ayos at walang masasaktan," sabi niya at inilahad pa ang kamay. Tingin ba niya ay mauuto niya ako? Sumama at hindi, mayroon at mayroon pa ring masasaktan. "No!" singhal ko at mabilis siyang tinalikuran. I run as fast as I could. Ngunit nang binabaybay ko na ang hagdanan ay agad rin akong napatigil. May limang lalaki ang nakaharang sa daraanan ko na tila ba inaabangan talaga ang pagdating ko. "Dead end, Villamor." Tiim-bagang kong tiningala ang kinaroroonan ni Mr. Rivero sa floor na nilisan ko. They all went near me at walang kahirap-hirap akong binitbit nung isa sa kanila. Ipinasok nila ako sa isang kuwarto at agad na inihiga sa isang hindi pangkaraniwang higaan. "Get off me!" Pilit akong nagpumiglas ngunit agad nilang ni-lock ang magkabilang pulso ko sa handcuff ng kama. Maging ang magkabila kong paa ay pinosasan nila. Mabilis silang lumabas at naiwan akong mag-isa. Nilibot ko ng tingin ang kuwartong pinagdalhan nila sa'kin. May kadiliman dito. Tanging ilaw lang mula sa iba't ibang monitor ang nagbibigay ng liwanag. Anong klaseng lugar ito? Hanggang sa nakarinig ako ng yabag at bumukas ang isang pintuan. I hissed nang tamaan ng ilaw ng isang monitor ang kanyang mukha. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa marating niya ang aking harapan at nagbaba ng tingin sa akin. Nakatunghay lang siya na tila sinusuring mabuti ang kabuuan ko. "Hindi ko alam kung bakit isa ka sa nagtago ng EBP. Gayong madali lang itong makukuha sa'yo," Dr. Hayes taunts me. Hindi ako nagsalita, nanatili lamang ang talim ng aking tingin sa kanya. "'Wag kang mag-alala, hindi mo naman mararamdaman ang gagawin ko sa'yo." Nanlaki ang mata ko nang nilabas niya ang syringe at walang kahirap-hirap niya iyong naiturok sa akin. Mabilis iyong umepekto at nawalan ako ng malay. — Marahan akong nagmulat ng mata. Nahihilo-hilo ko pang ipinaling-paling ang ulo ko. Ngunit nanlalabo pa rin ang mga mata ko dahil naninibago pa ako sa liwanag. Muli akong pumikit at dahan-dahang nagmulat. Ilang segundo lang din ay malinaw ko nang nakita ang paligid. Nandito pa rin ako at nakaposas pa rin sa isang kama. Ngunit may ilang ilaw na ang nakabukas. Muli akong pumikit nang marinig ang yabag ni Dr. Hayes. Narinig ko ang tunog ng pag-upo sa swivel chair kaya alam kong naupo siya. Almost squinting, I slightly open my eyes. Hinanap ko kaagad ang tunog na pinanggagalingan ng pagtipa sa keyboard. Nakita ko si Dr. Hayes na nakaharap sa isang advance computer at nakatalikod sa akin. Muli kong iginala ang paningin ko nang makarinig naman ako ng tila tunog ng gumugulong. Hindi ko malaman kung mamamangha ba ako sa isang 4-feet robot na patungo kay Dr. Hayes. Para itong naka-hover board dahil wheels ang panlakad nito at hindi paa. May dalang tray ang robot na may mga maliliit na bote. Kulay berde ang likidong nasa loob ng mga ito. Kumuha nang kaunti si Dr. Hayes sa isang bote gamit ang syringe at tinurukan ang sarili. Bago pa man mapuno ng katanungan ang utak ko sa kung ano ang likidong iyon ay nakita kong inilapag ng robot ang tray sa isang mesa at nabasa ko ang label. 'Earth Breathing Potion' Bakit niya kailangan ng breathing potion na 'yan? Hindi ba siya makakahinga sa oxygen? Hindi ba siya taga-earth? Anong klaseng nilalang siya? Alien? Noong una ay nagtatakha pa ako kung bakit kinakailangan niya iyon. Hanggang sa ma-process ng utak ko ang posibilidad, bumilis ang t***k ng puso ko at unti-unti kong napagtatagpi ang katotohanan. Is it even possible that maybe...just maybe, he is Mr. Crimson? Naalala ko ang explanation ni prof Alarcon tungkol sa Eureia at sa founder ng LLT na si Leander Crimson. "Tanging ang atmosphere na lang sa Eureia ang kinikilala ng katawan niya. Hindi na nito kinikilala ang sa Earth." Kung gayon, kung kinakailangan niya ng Earth breathing potion, ang ibig sabihin lamang nito ay hindi kinikilala ng katawan niya ang atmosphere ng earth. Holy s**t! Dahil sa dami ng nangyari, nawala na sa isip ko ang isang bagay na napansin ko noon kay Dr. Hayes. Hindi lumalagpas ng sampung minuto ang inilalagi niya sa harap namin. Dahil ba hanggang doon lang ang itatagal ng breathing potion niya? Ang dami kong iniisip. Ang sakit sa ulo. I need to breathe. Nasabi rin noon ni Prof na wala pa sa kanila ang nakakakilala kay Leander kundi ang asawa nitong si Eula. At ang tanging tauhan nitong nakakakilala sabkaniya ay si Dr. Hayes, sarili niya lang din pala. Kaya siguro hindi nakakuha sina Eros ng kasiguraduhan kung nasa Eureia ba si Leander Crimson ay dahil wala talaga siya roon. He's here. He's on earth. Kung siya nga si Leander Crimson, ibig sabihin ay isa siyang Eureian. Kung 'yan ang ginagamit niya para makahinga nang normal dito kahit sa sandaling minuto, ibig sabihin ay maaari ding gamitin ni Eula Crimson ang potion na 'yon. Lumapit siya sa robot at sinet up yata iyon dahil kung anu-anong pinipindot niya. Kailangan kong makakuha kahit na isang botelya lang. Naglakad si Dr. Hayes palapit sa'kin kaya agad akong napamulat. "Gising ka na pala," nilingon ko siya at kita ko sa mga mata niya ang tagumpay. "What did you do to me?" tanong ko na pilit kumakawala sa posas ngunit ako lang din ang nasasaktan. "Shh..." he hushed. "I told you, hindi mo mararamdaman ang gagawin namin sa'yo. Kumusta ang tulog mo? Anim na oras ka ring walang malay," sabi niya at hinawakan ako nang mahigpit sa panga. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. "Let go of me!" Ikinawag ko ang ulo ko ngunit mas humigpit ang hawak niya sa akin. "Not so fast! Matapos ninyo kaming pahirapan sa paghahanap ng EBP, sa tingin mo ba ganoon ka namin kadaling pakakawalan?" Binitiwan niya ang mukha ko na halos madurog na. "Nagawa na ninyo ang gusto ninyong gawin, 'di ba? Bakit kinukulong pa rin ninyo ako?" pasigaw kong sabi. "We still need you, little girl. We need you to get the boys," I hissed of what he said. No, I won't let this crazy man to use me. Ayokong mapahamak ang tatlo dahil sa akin. "You can't get near them." Humalakhak siya dahil sa sinabi ko. "Really? Oras na malaman nilang hawak kita, sila pa ang kusang pupunta sa akin!" No, I won't let that happen. "Don't do that!" I said helplessly. Napailing si Dr. Hayes na tila ba nanghihinayang, in a sarcastic way. "Friendship! I know people whose in love with the art of friendship. Too bad, ang magkaibigan na 'yon ay pinagkaisahan ako." Nanginig ang labi ko. Is he referring to his wife, Eula Crimson and Professor Amanda Alarcon? Damn! Walang paalam ay tinalikuran na ako ni Dr. Hayes at pumasok sa pintong nilabasan niya kanina. Naiwan akong mag-isa ulit. No, kasama ko ang robot na abala sa pagpipindot sa computers na nakapalibot sa kuwarto. Luminga-linga ako sa paligid dahil may naalala ako. Naghanap ako ng orasan ngunit wala. Ang sabi kanina ni Dr. Hayes ay anim na oras akong walang malay. Lunch nila ako dinukot, so it's probably 6pm or something. Ugh! Napapikit na lang ako dahil sa frustration. Ares must be here already. I need to get the hell out of here. I don't know why but Ares' hulk-liked angry face is flashing in my mind. Damn, I can even mentally hear his voice shouting my name. I need to get out! Hinahanap ako ni Ares. Alam ko, nararamdaman ako. Hinahanap niya ako. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD