Leander Crimson

1833 Words
Chapter 24 'Leander Crimson' — Phoebe — Sa dami ng nalaman namin, hindi namin alam kung kakayanin pa rin ba namin na mag-isip at simulang pag-usapan ang tungkol naman sa code. Ni hindi ko pa nga nababanggit ang balitang dala ko, na si Dr. Hayes ay si Leander Crimson at pati na rin ang tungkol sa dala kong breathing potion ay parang napakahaba na ng gabing ito. But we badly know the truth and the anticipation is killing us. "I wanna see Jarred, please! Take me to him," pagmamakaawa ni Prof kay Ares. "Mom, calm down, please..." Pinipilit ni Eros na pakalmahin ang kanyang ina ngunit hindi niya nagawa. "Sumunod si kuya sa isang bundok para tulungang tapusin ang mga bagay na kailangang tapusin ni Ina," 'yon lamang ang sinagot ni Ares. "Kailan ang balik nila?" tanong ni Eros. "Isang linggo pa sila roon." Napasandal na lang si Prof sa balikat ni Eros. "Isang linggo... Are we still even alive that time? Gusto ko muna sanang makita ang kuya mo bago maisakatuparan ang LLT," sabi ni Prof. "Mom, we'll do everything para mapigilan ang LLT. No matter how happen, we'll find ways..." sabi ni Eros sa kanyang ina. "Ang mabuti pa, pagpahingahin na muna natin si Prof—" Agad na pinutol ni Prof ang pagsasalita ko. "I'm fine, kids... we don't have much time. Phoebe, 'yong codes, please. Show it to Jairah," sabi ni Prof na pilit pinapatatag ang boses. I cleared my throat at napatingin silang lahat sa akin. Kinuha ko ang dala-dala kong notebook ni Jarred at ipinatong sa table. "Dito na lang muna siguro tayo mag-start," I said awkwardly. Tumango sila at nakuha ko ang kanilang pagsang-ayon. Tinignan ko si Jairah para sana itanong kung pamilyar ba siya sa notebook na 'to. Pero hindi ko na kailangan pang magtanong dahil sa titig pa lang niya sa notebook ay alam na niya kung sino ang may-ari nito. "Nan...nandito pa rin 'yan?" nakangiti niyang tanong. "May we know, Jairah, what's the purpose of that notebook? The equation, formulas and codes?" Saglit na natigilan si Jairah sa tanong ni Prof at nilingon niya ito. Ngunit umiling siya. "I'm sorry. Pero hindi ko alam kung anong nakapaloob sa notebook na 'yan. But... I was the one who gave that to him," sabi ni Jairah. Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Sayang. I thought alam niya. "As you can see, Jairah, maraming equations ang nandito," I tell her habang binubuklat ang ilang pages, "There are even codes," dagdag ko pa nang buklatin ko na ang last page. Tinitigan niya ang dalawang code. Jarred = Jairah Jarred² + Jairah "Any hint, Jairah?" puno ng pag-asang tanong ni Prof. Ngunit umiling si Jairah. "I'm sorry, pero wala akong idea. He's so secretive kaya wala siyang sinabi sa'kin tungkol diyan. Where's the pen torch?" tanong niya. Oh, may pen torch nga pala 'yan. Kinuha ko ang pen at iniabot sa kanya. Napangiti siya pagkahawak niya pa lang dito. "Is there something in the pen torch? May anim na zero ang lumalabas kapag itinatapat namin siya sa box," tanong ni Eros kaya iniabot ni Jairah pabalik sa'kin ang pen upang makita niya ang sinasabi ni Eros. Binuksan ko ang torch nito at itinutok sa box na naka-drawing. Muli niyang tinignan ang pen sa kamay ko. "Anong nakasulat?" tukoy niya sa nakasulat sa may ibaba ng box. "Oh, yea, Six numbers, 180° rotation." Binasa ko sa kanya ang nakasulat at napangiti. "You know the meaning of that?" tanong sa kanya ni Aether at napangiti si Jairah. "Parang alam ko kung ano 'yang 180° rotation," "Ano?" "He's referring sa pen torch sa kamay mo," tinuro niya ang pen. "Subukan mong iikot nang 180°." Napakunot ang noo ko at nalito sa sinabi niya. "Alin ang iiikot ko?" naguguluhang tanong ko. "Three inches upward. From the tip," sabi niya. Three inches, upward? Ayun 'yong nakasulat sa pen. Walang hati ang pen ngunit sinubukan ko pa ring iikot. Hanggang sa marinig ko ang pag-click dito. "Now, paulit-ulit mong buksan ang torch," sabi niya kaya paulit-ulit kong pinindot ang torch. Nagulat ako dahil sa bawat pindot ko ay iba-ibang kulay na ang ilaw. Hindi na lang siya puti. "Ang galing!" I sounded like a kid. "I was the one who made that," sabi pa ni Jairah. "Why would you give Jarred like that?" tanong ni Ares. "'Cause he has an obsession with colors," si Prof Alarcon na ang sumagot. Bakas sa boses niya ang kalungkutan at pangungulila. Gano'n din ang mga mata ni Eros. Napatitig na lang ako sa pen torch. Six zeros. Bakit iyon lang ang nililikha mong numero? Isa ka lang bang ordinaryong bagay? Marahil, dahil regalo lang naman siya. I dazzled nang itutok ko sa'kin ang torch. Pinaglalaruan ko kasi ito at agad kong inilayo at itinapat sa ibang bagay nang masilaw ako. Kulay dilaw ang kasalukuyang ilaw nito ngayon. "Phoebe..." tawag ni Eros kaya nilingon ko siya. "Pakitapat ng torch sa box," sabi niya. "Ah, okay," I said at tinapat ang torch sa notebook na nasa harapan ko pa rin. They all lean in at napatunghay kami sa notebook nang makitang hindi na lang ito basta anim na zero. Iba-iba na ang numero at may letra na. 839JAK "Paano nangyari 'yan?" tanong ko at nagkakatinginan kaming lahat. I get it Pinindot ko ang torch at  nag-ibang muli ang kulay nito ngunit hindi nalalayo sa dilaw. Itinapat ko itong muli sa box. 173WPS. "Iba't ibang codes ang nalabas sa bawat kulay ng ilaw na tumatama rito," sabi ko. "Pero ano ang tamang kulay para lumabas ang tamang code?" tanong ni Aether ngunit wala ni isa sa amin ang makasagot. Tinignan ko si Jairah ngunit umiling ito as a sign na wala rin siyang alam. Nabaling ang tingin ko sa code sa itaas kung saan may pangalan nila ni Jarred. Pinagtuunan ko ng pansin ang unang equation. Jarred = Jairah Napapikit ako sa labis na pag-iisip. Hindi kaya ito ang equation para makuha ang code? "Phoebe got caught, alam kong na-kumpirma na nila Mr. Rivero na may plano tayo. Hindi lamang nila tayo kayang basta patayin dahil sa mga EBP na nakatanim sa atin," mayamaya ay sabi ni Eros. "Nag-iingat na tayo. Ngayon, mas kailangan pa nating maging maingat. Pakiiwasan ang kapalpakan," sabi ni Ares at tinignan pa ako at pinagtaasan ng kilay. Inirapan ko lang siya. "Sa tingin ko kailangan na muna nating mag-strategize," sabi ni Prof Alarcon. "Sa maaari nilang maging hakbang?" paglilinaw ni Ares ngunit umiling ito. "Oras na ma-solve ang puzzle, kakailanganin ni Aether na pasuking muli ang computer center ng Terra. Kailangan nating ma-hack ang blocker upang kapag nasa atin na ang control, tayo na ang magco-control dito nang hindi na muling matunton at ma-detect nila Dr. Hayes," Prof said. "Hindi naman na siguro mauulit ang ginawang pagpasok ni Phoebe sa kuwartong 'yon. Aether can do it on his own. Right, Aether?" sabi ni Ares at binalingan si Aether. Napalunok ito. "O-oo naman. Ako na lang ang papasok. Hindi na kailangan si Phoebe," sabi nito at inayos ang makapal na salamin. "Good!" tanging sagot ni Ares. Wala na rin naman akong balak na makisali sa part na 'yon. May kapalpalkan ako at ayoko na iyong maulit. "Kung magawa man ni Aether na ma-hack ang blocker na siya ring gagamitin natin upang itago nang tuluyan ang Eureia sa mga may makasariling balak dito, paano na si Leander Crimson? Habang buhay na siya sa Eureia?" tanong ni Eros. Gusto ko sanang sabihin na wala sa Eureia si Leander Crimson kundi nandito sa Earth sa katauhan ng isang Astraeus Hayes ngunit mamaya na lang. 'Pag nasabi ko na ang kapalpakang nagawa ko. "Gano'n na nga ang mangyayari. Mananatili siya sa Eureia," sagot ni Prof. No, hindi gano'n. "Prof..." tawag ko kay prof kaya nilingon nila ako. Ngumiti ako nang alanganin dahil sa mga titig nila. "I know that smile, Phoebe," sabi ni Aether hindi pa man ako nakakapagsalita. "Ano na namang ginawa mo?" "Anong gusto ninyong unahin ko? Good news o bad news?" Ngumiti ako ngunit mabilis ring napawi dahil sabay-sabay silang nagtaas ng kilay. "Bad news na nga lang—" "She said na may kaunting kapalpakan noong pinasok ninyo ang computer system ng Terra," sabi ni Ares. What the! Bakit inunahan niya ako? Marahang nahampas ni Prof ang kanyang noo at huminga nang malalim at saka bumaling sa akin. "What was it this time, Phoebe?" Kalmadong tanong ni Prof. "Kasi... noong palabas na kami ni Aether, naipit 'yong school skirt ko sa pinto. Sa takot kong maabutan ng pagbukas ng CCTV ay puwersahan ko itong hinila. And there, napunit 'yong skir, oras na makita nila 'yon, malalaman nilang may nakapasok..." I explained. Napayuko ako dahil matagal silang nanahimik. "That's fine, Phoebe. Hindi rin naman namin in-expect ang pagiging malinis at pulido ng task na 'yon. It's really complicated kaya expected na ang minor hitch," said Eros. "I'm sorry..." "It's not your fault, Phoebe. May kasalanan din ako. I should have been a gentleman at pinauna ka sa pagtakbo. Ang akala ko kasi ay kasabay lang kita at huli na nang malaman kong wala ka na pala sa tabi ko dahil naiwan ka," sabi ni Aether. Sinasabi lang ba nila ito para hindi na ulit ako magtampo at mag-walkout katulad ng ginawa ko noon? Napabuntong hininga ako. "Baka kasi maging lead 'yon—" "And you think we're not ready? Para saan pa ang mga training kung hindi rin pala tayo magiging handa oras na magsimula na ang pagsasakatuparan ng LLT? May lead man o wala, tayo ang paghahandaan nila," sabi ni Ares. "That's just fine, Phoebe, really. But please, mag-iingat tayong lahat," sabi ni Prof at tumango kami. "Good news?" tanong ni Ares. Gusto ko sanang kay Prof na lang muna ito sabihin dahil hindi ko alam kung saan magsisimula. Ngunit naisip ko rin na kailangan din itong malaman ng lahat. Lalo na ni Ares. Dinukot ko sa bulsa ko ang maliit na boteng may kulay berdeng likido at ipinatong sa ibabaw ng mesa namin. "What's that?" tanong ni Prof. "Breathing potion..." Muli, sabay-sabay silang napataas ng kilay. "Para sa?" Aether asked. "Earth. Earth breathing potion." Sabay-sabay rin na namilog ang kanilang mga mata. "W-where did you get that? Paano mo nalamang Earth breathing potion nga 'yan?" Bakas sa mukha ni Prof ang pagkabigla. Hindi agad ako nakasagot. Nilingon ko si Ares. Should I spill it abruptly or dahan-dahanin ko muna? Pero ayoko nang magpaliguy-ligoy. Binalik ko ang tingin ko kay Prof upang iwasan ang mapanuring mata ni Ares. "Noong hawak ako ni Dr. Hayes, nakita kong tinurok niya ito sa kanyang sarili. Inorasan ko rin siya noong mga oras na 'yon. Nang magsasampung minuto na siyang nakaharap sa computer ay tinurukan niya ang kanyang sarili. Dahil hanggang sampung minuto lang ang itinatagal ng breathing potion na 'to at kung hindi niya tuturukan agad ang sarili ay masu-suffocate siya," I explained. "Bakit kakailanganin niya ng potion na 'yan?" naguguluhang tanong ni Jairah. Hindi na siya nakapagpigil pa. Batid kong kanina pa siya naguguluhan sa pinag-uusapan namin. "Dahil hindi na kinikilala ng katawan niya ang atmosphere ng Earth. At dahil iyon sa permanent EBP na itinurok niya sa kanyang sarili noon." Isa-isa kong tinignan ang mga kasamahan ko. Halos ma-estatwa sila nang ma-realize ang mga pinagsasabi ko. Huli kong tinignan si Ares. Nakapako sa mesa ang kanyang paningin at kitang-kita ko ang panginginig ng magkabila niyang kamay na nakapatong sa mesa. Sa reaksyon niyang iyan, alam kong naiintindihan na niya. At hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD