Eula Crimson

2002 Words
Chapter 25 'Eula Crimson' — Phoebe — Halos mapatalon ako sa gulat nang pukpukin ni Ares ang mesang pinapalibutan namin. "Dude, calm down," utas ni Aether ngunit nanatili ang panginginig ng mga braso at kamay ni Ares na marahas na nakatikom. "May isang kuwarto ang laging pinapasukan ni Dr. Hayes. At malakas ang kutob ko na doon nakalagay ang mga aparato at cylinder na pinaglalagyan na katulad ng kay Eula Crimson," dagdag ko pa. "Pero paano siya natuturukan? Nakasisigurado akong hindi ito alam nina Mr. Rivero," sabi pa ni Prof at saglit akong nag-isip. "'Yong robot! Pino-program niya ang robot sa mga kailangan niyang gawin." Wala na akong iba pang makitang paraan kung paano siya natuturukan kundi ang robot na laging nakabuntot sa kanya. "What's our plan now, Mom?" tanong ni Eros at saglit na nag-isip si Prof. "Three vaccines ang kaya ng nakuha ni Phoebe. Susubukan nating turukan si Eula ngayon upang makumpirma kung eepekto ba ito sa kanya. Kung mag-work, kukuha ako nang kaunti at pag-aaralan ko. Gagawin ko ang lahat para makalikha rin ng Earth breathing potion..." sabi ni prof. Napasinghap si Ares sa sinabi ni Prof. "T-tuturukan ninyo siya?" "Yes, get ready to meet your mom, Ares." Mas lalong nanginig ang buong katawan ni Ares. "I'm... not ready," halos pabulong niyang sabi kaya nagkatinginan kaming lahat. Tumayo si Ares at naglakad na palabas ng lab. Napatayo rin tuloy kami ngunit sinundan lang namin siya ng tingin. "Follow him, Phoebe. Make him understand." Napangiwi ako sa sinabi ni Prof. I don't think he would listen. "Go." Nginuso ni Prof ang papalayong si Ares. Okay. I'll try then. Nag-jog ako para lang maabutan ang malalaking hakbang ni Ares. Hanggang sa makarating na kami ng canal tunnel ay hindi ko pa rin siya naaabutan. "Hoy!" tawag ko at napahinto siya. Napahinto rin ako nang matatalim na tingin ang ibinato niya sa akin. Kita ko ang pagkakunot ng noo niya sa kabila ng distansya naming dalawa. "I don't wanna talk to anyone now, Phoebe! Go back there!" malamig niyang sabi at tinuro pa ang daang dinaanan namin. Walang sabi-sabi ay tinalikuran na niya ako at mas lalong bumilis ang paglalakad niya kaya halos takbuhin ko na siya. "Ares!" tawag ko ngunit tila wala siyang naririnig. "Ahh!" tili ko nang matisod ako sa batong nakaharang sa daan. Basa at maputik dito kaya halos mag-hysterical na ako dahil sa duming nasa damit at katawan ko ngayon. "What the!" Narinig ko ang patakbong yabag ni Ares papalapit sa akin. "Bwisit!" Napigtal pa ang tsinelas ko kaya hinubad ko na nang tuluyan at ibinato. Inis akong tumayo at hinarap siya. "Umalis ka kung gusto mo!" Mabibigat ang hakbang kong nagmartsa pabalik sa lab. "What? Kasalanan ko?" hindi makapaniwalang tanong niya nang siya naman ang nakasunod sa akin habang naglalakad pabalik. Hindi ko siya pinansin at pinagkaabalahan ko na lang na punasan ang putik sa katawan ko dahil nanlalagkit na ako. Sana pala ay umakyat na muna ako sa dorm para magpalit. "Phoebe!" Hindi ko pinapansin ang pagtawag niya dahil abala ako sa paglilinis sa katawan ko. "Kanina hinahabol mo 'ko, tapos ngayon pinaghahabol mo 'ko? Are you having a revenge?" Hinaklit niya ang braso ko but I jerk it at nagpatuloy sa paglalakad. "What do you want me to do then?" tanong niya na ikinahinto ko. I face him. "Face your mother." Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. He clenches his jaw. "No!" Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad. I heard his violent groan at ang walang humpay na murang binigkas niya. Sue his filthy mouth! "What happened?" Nilapitan agad ako ni Prof nang makitang mukha na akong basang sisiw nang bumalik. Ang dungis-dungis ko. "The jerk is playing hard to get!" inis kong sabi at nagkamot ng sarili. Inabutan ako ni Eros ng face-towel at nagpunas na ako ng katawan. Ngunit madungis pa rin ako dahil sa putik sa aking creme sweatpants at plain white shirt. "You tripped?" tanong ni Aether at inis akong tumango. "Your fault, then..." pang-aasar niya. "It's the jerk's fault!" giit ko. "At bakit ako? Am I the one who tripped?" Nagulat ako dahil sumunod na pala siya. Hindi ko siya sinagot o nilingon man lang. Nagpatuloy ako sa pagpupunas kahit wala naman ng putik sa katawan ko, sa suot ko na lang na imposible namang matanggal pa. "What? You won't talk to me?" Ginulo niya ang hanggang balikat niyang buhok dahil sa frustration. "Babalik na muna ako sa dorm, Prof," mahinahon kong paalam at muli kong narinig ang mala-machine g*n na mura ni Ares. "What the hell is your problem, Miss?" Sobra na yata ang pagkapikon niya sa'kin kaya pumwesto na siya sa harapan ko. I looked at him blankly and crossed my arms. "Do I know you?" Halos malaglag ang panga niya dahil sa tanong ko. "Enough, kids." Lumapit na si Prof sa amin, "we understand kung hindi ka pa handa, Ares. But we really need a confirmation kung eepekto ba sa ina mo ang breathing potion upang masimulan ko na itong pag-aralan at lumikha pa nang mas maraming supplies para sa kanya. You can go now kung hindi ka pa talaga handa," sabi ni Prof ngunit nanatili sa akin ang tingin ni Ares. Nakataas lang ang kilay ko sa kanya. "Ares?" untag ni Prof at nilingon niya ito. "I'm going with you," he said in defeat. "Good, I'm sure Eula will be happy to see you," sabi ni Prof at lumapit na kila Eros upang maghanda sa pagpasok sa kuwartong may Eureia atmosphere. I look back to Ares at ipinamulsa niya ang magkabilang kamay. "This is not how I want you to meet my real mother. Stained and barefoot," naiiling niyang sabi bago nilisan ang harapan ko at sumunod kila Prof. Lalo akong na-conscious sa hitsura ko ngayon. Stained ang barefoot? Napayuko ako para tignan ang suot kong puro putik at paa kong nakayapak. Napangiwi na lang ako. Naglakad na ako at sumunod sa kanila. Nagsuot muli si Prof ng oxygen mask at inabutan niya rin ng isa si Jairah. Eros entered the code at binuksan ang pinto. The usual, pansamantala kaming nakaranas ng suffocation ngunit agad rin namang naka-cope up. Hindi na nag-aksaya pa si Prof ng oras at kung anu-ano na ang pinindot sa aparato. Naglabas si Prof ng syringe at kumuha sa breathing potion na ibinigay ko sa kanya. Bahagyang umangat si Eula Crimson sa tubig sa cylinder kung saan siya naka-preserve. Mabilis siyang tinurukan ni Prof ng syringe. Nilingon ko si Ares na tahimik lang na nakatingin sa babaeng nasa loob ng cylinder. May kung anong nag-udyok sa akin at hinawakan ko siya sa likod at marahang hinaplos. He looks at me at naghanda akl sa pagprotesta niya. Ngunit ibinalik niya lang ang tingin sa kanyang ina. So I conclude he needs that comfort. I held his arm at saka ko lang naramdaman ang panginginig ng katawan niya. Does he still need comfort? I think so. He looks so restless. "Ares," I called him at sinulyapan ako. "I'm fine, Phoebe. Just fix yourself. I want her to meet you." Napakagat labi na lang ako at tumango kahit pa wala na akong iaayos pa dahil imposibleng makapagpalit pa ako ng damit. Ilang minuto pa ang lumipas at tila nanlamig ako nang makita kong dahan-dahang nagmulat ng mata si Eula Crimson. Napahawak si Ares sa braso ko at naramdaman ko ang panlalamig at panginginig ng kamay niya. "It's working!" sabi ni prof at pumindot siya sa mga aparato hanggang sa tuluyan nang iluwa ng giant cylinder si Eula Crimson at inihiga sa isang metal na higaan. Sabay-sabay naming tinitigan si Eula na inililibot ang kanyang paningin. Pinaligiran namin siya sa kanyang hinihigaan at tumunghay sa kanya. Hanggang sa mabaling ang kanyang tingin kay Prof. Dahan-dahan siyang ngumiti at naupo. "Eula..." naluluhang sambit ni Prof at hinawakan ang kamay ng kanyang kaibigan. "Amanda..." Nangilid rin ang luha sa kanyang mata at agad silang nagyakap. Mararamdaman mo sa mga yakap nila ang pangungulila sa isa't isa. Bumitaw rin agad si Prof sa kaibigan at hinarap ito. "LLT is about to happen..." direstong sambit ni Prof. "I'm sorry," sabi ni Eula. "Paano ako nagkamalay?" "Through Earth breathing potion. We only have ten minutes, Eu. It's a long story. Sa ngayon, may ipapakilala ako sa'yo." Sa sinabing iyon ni Prof ay napaatras si Ares. Mabuti na lamang at hawak ko siya kaya hindi siya nakalayo. He looks at me with his jaw still clenching. "Stay, please..." pagmamakaawa ko sa kanya. His muscles tensed more ngunit nanatili rin naman siya sa kanyang puwesto. Naupo si Eula at iginala ang paningin. "This is Jairah, and this is my team..." Pumwesto si Prof sa gitna nina Aether at Eros at inakbayan ang dalawa. "Aether, Andrea's son. Eros, my son." Lumapad ang ngiti ni Eula sa narinig. "Wow. Ngayon lang nagsi-sink in sa akin kung gaano ako katagal na walang malay. You were just two noong huli ko kayong nakita," nangingiting sabi ni Eula. Nasa gilid sila ng kamang inuupuan ni Eula at nasa kabilang gilid naman kami. Hindi ko alam kung bakit pero napaatras ako at nagtago sa likuran ni Ares. Eula is so beautiful and it's so intimidating. Lalo na sa katulad kong mukhang dugyot. Bahagyang iniikot ni Ares ang kanyang leeg upang lingunin ako. "What are you doing there?" pabulong niyang tanong. "Meeting the parent, e," natatawang sabi ni Aether. Dahil doon ay napalingon sa gawi namin si Eula Crimson. Nakatingkayad ako upang silipin siya mula sa balikat ni Ares. Nginitian niya si Ares. "And you are?" malambing niyang tanong dito. "She's Ares, Eula..." Si Prof na ang sumagot dahil hindi nagawa ni Ares. Tila gatilyo ang pangalan ni Ares na agad nagpangilid sa luha niya hanggang sa haplusin ni Eula ang braso ng anak at umagos ang walang patid niyang luha. "Ares..." bahagya kong itinulak paabante si Ares para mas maabot siya ni Eula. I can feel his restlessness nang yakapin siya nito. Napairap ako dahil nanatili lamang ang mga kamay ni Ares sa magkabila niyang gilid habang ang ina niya ay sobrang higpit ng yakap sa kanya. Kaya kinuha ko ang kanyang braso at ipinulupot sa kanyang ina at umatras ako nang kaunti. "I want to spend the rest of my minutes hugging you," sabi ni Eula na nakapikit pa upang damhin ang pagkakataon. Nanlaki ang mga mata ko nang pagmulat niya ay ako agad ang nahanap ng mga mata niya. She smiles at bumitaw kay Ares nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Who's this pretty girl?" tanong na ikinanguso ko. Pretty girl? Ang dungis-dungis ko po. Umurong si Ares kaya mas lalo akong na-expose sa paningin ni Eula. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Napayuko ako at ipinatong ang kanan kong paa sa aking kaliwang paa at kinuskos-kuskos, umaasang magiging malinis ang ibabaw kahit papaano. "Phoebe Villamor, ang batang aksidente kong nataniman ng EBP," "Oh, hello, dear." Ngumiti lang ako ng isang halatang awkward na ngiti bilang sagot sa bati niya. "Hey, I don't bite. Come here." Inilahad niya ang kanyang kamay. Na-estatwa ako. Hindi niya ba nakikita ang hitsura ko? Mukha akong hindi naligo nang ilang araw. I quietly sniff just in case I'm stinky. Thank God, hindi. Nilingon ko muna si Ares na nakatingin sa akin. Tumango siya sa nakalahad na kamay ni Eula at bahagya iyong inginuso. Is he ordering me to take her hand? I took Eula's hand at bahagyang lumapit. "You are so beautiful, Phoebe. But sorry for the burden," she said sincerely at umiling ako. "I'm willing to help po," sabi ko at nangiti siya. Muli niya kaming binalingan isa-isa. "I don't have much time. Amanda, please do something about my situation. I really need to stay long dahil kailangang tunawin ang EBP sa katawan nila bago pa sila makuha ni Leande," sabi niya. "Matutunaw mo?" tanong ni Prof at tumango si Eula. "But it takes time dahil hindi pa fully tested ang invention kong iyon at hindi sapat ang sampung minuto," sabi nito at tumango si Prof. "Marami akong sasabihin at pati na rin katanungan ngunit batid kong wala nang oras." "I'll do everything, Eula, para makalikha nang mas maraming Earth breathing potion. But for now, we need to get you back to the cylinder." "Yes, please." Habang iniaangat na siya pabalik sa giant cylinder ay nilingon niya si Ares. "I'll be back, son," sabi lamang nito at inilublob nang muli ang katawan niya sa likidong laman noon. "I will wait." Narinig kong bulong ni Ares. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD