We're Watching You

2070 Words
Chapter 3. 'We're Watching You' Phoebe's PoV Matapos ang maghapong klase ay dumiretso agad ako sa dorm room. Wala pa rito si Aether. Sinamantala ko ang katahimikan at nagbukas ng libro. Nakakailang pahina pa lang ako sa pagbabasa ay may narinig na akong katok. Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Isang 'di pamilyar na estudyanteng babae ang nasa pintuan. "Maaari bang pumasok?" "You don't expect me to let you in, do you?" Seriously? Hindi ko siya kakilala tapos bigla siyang magpapaalam na pumasok dito? Sa sitwasyon ng eskwelahang ito ngayon, hindi puwedeng basta na lang magtiwala kung kani-kanino. "Samantha Reyes. Head ng bagong tatag na alyansa para sa pagtakas." I look at her intently. "Kinausap ko na ang ibang estudyante na gustong makiisa sa tagong alyansa," sabi niya. Hindi naman sa minamaliit ko siya, pero wala sa hitsura niya na may kakayahan siyang kumalaban sa mga nagpapatakbo ng Terra U. "Hindi ako interesado." Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. "Nababasa ko sa mga mata mo ang pagdududa sa kakayahan ko. Pero ilang estudyante na ang makikiisa. 'Pag pinagsama-sama ang kakayahan natin, maaari nating magawa ang pagtakas." Napaisip ako sa sinabi niya. At tama siya. Pagkakaisa lang ang kailangan namin. "Mamayang alas onse ng gabi, may meeting kami sa likod nitong dorm building. Kung pupunta ka, maging maingat ka para hindi tayo mabuko," sabi niya. "Pasensya na, Miss. Pero hindi siya pupunta." Napatingin kami sa bagong dating. "Ares, anong ginagawa mo rito? Nagbago na ba ang isip mo? Makikiisa ka na ba sa alyansa?" tanong ni Samantha kay Ares nang huminto ito sa tapat namin. Kinausap niya rin ito na makiisa? "I already told you, Miss. Wala akong balak makiisa sa inyo. At gano'n din ang babaeng 'yan," sabi ni Ares at itinuro pa ako. "Excuse me? Sino ka para magdesisyon?" inis na tanong ko. "Bakit maging siya ay hindi makikiisa?" naguguluhan ding tanong ni Samantha. "Because I say so," kaswal niyang sagot. Dahil sa inis ay muli kong hinarap si Samantha. "Pupunta ako mamaya," I informed her at isinarado na ang pinto. Iniwan ko silang dalawa sa labas. Tama ba ang desisyon kong pumunta mamaya? Well, wala namang mawawala. Aatras na lang ako kung hindi ko man magustuhan ang mapag-uusapan. Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating si Aether. I wonder kung kinausap din ba siya ni Samantha tungkol sa binubuong alyansa. Sana nga makuha niya ang suporta ng mga estudyante ng Terra at makipagtulungan ang lahat. We need unity here. At malaki ang maitutulong ni Aether. Pero sa ikinikilos ni Aether ay parang wala siyang inaalala. Baka nga hindi siya nasabihan ni Samantha? Sasabihan ko ba siya? "Do you know Samantha?" Napatigil siya sa pagtipa sa kanyang laptop nang magtanong ako. "Reyes?" "Yea," "Not really. Kilala lang siya rito dahil anak siya ng congressman. Why?" Wala nga talaga siyang alam tungkol sa binubuong alyansa. "Wala naman. Kumusta pala ang data analysis mo sa blocker?" pag-iiba ko sa usapan. Yayayain ko na lang na makiisa si Aether 'pag may nasimulan nang plano. "Konti na lang makukuha ko na siguro. Malapit ko nang ma-hack ang blocker. At agad ko itong ide-deactivate para masagap natin ang koneksyon at makapag-send ng SOS sa labas." Hindi ko pa siya kilala pero malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam kong kayang-kaya niya iyong magawa. Maagang nakatulog si Aether kaya naghintay na ako ng oras para sa sinasabing meeting ni Samantha. Marami kaya ang pupunta? Bandang 10:45 nang bumangon na ako. I pullout my sweatpants and sweatshirt at nagbihis dahil malamig sa labas. Maingat akong lumabas at naglakad sa madilim na hallway. I didn't let my guard down just in case na may mangyari. May ilang estudyante rin akong nakikita na tinatahak din ang daang tinatahak ko. Marahil ay makikiisa rin sila. Pababa na sana ako ng hagdan ng floor kung nasaan ang room namin nang may biglang tumakip sa bibig ko. Dahil sa pagkataranta ay pilit akong nagpumiglas. Mas lalo akong kinabahan nang hilahin at ipasok niya ako sa isang madilim na silid. Masyado siyang malakas kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magpatangay sa kanya. "Ano ba!" sigaw kong reklamo nang pasalampak niya akong binitiwan sa kama kaya halos matumba na ako. "Sino ka ba?" Pilit kong inaaninag ang mukha niya ngunit masyadong madilim ang kuwartong pinagdalhan niya sa akin. "Ang tigas pala talaga ng ulo mo." Kahit hindi ko makita ang mukha niya, alam kong nakangisi siya. At pamilyar ang tinig niya. Sino nga ba ang may-ari ng tinig na 'to? "Ugh! f**k!" someone groans sa kabilang kama at bumangon. Mayamaya lang ay bumukas na ang ilaw at halos mag-usok ang ilong ko sa galit nang mapagsino ang lapastangan na naghila sa akin dito. "Whoa! Hindi ko alam na magdadala ka pala ng hot chic dito, Ares?" gulat na sabi ng lalaking bagong gising nang makita ako. Bumalik siya sa kama niya at nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Ares dahil kapwa na kami nagpapatayan sa tingin. "Enough with the staring battle, Ares. What is she doing here?" seryoso nang tanong ng lalaki. "She'll stay here the whole night." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What?" I protested. "Winarningan na kita tungkol sa alyansa. Bukas ng umaga, pasasalamatan mo ako sa pagkulong ko sa'yo rito." Parang may alam siya sa puwedeng mangyari. Hindi ba safe ang pagpunta roon? Tinitigan kong mabuti si Ares at determinado talaga siya na ikulong ako at hindi palabasin ngayong gabi. "You're going there?" tanong ng roommate ni Ares sa akin. "Supposedly. Pero may pakialamerong kumidnap sa akin." Mas lalong tumalim ang tingin ko kay Ares nang maalalang hindi ako makakadalo sa meeting ng alyansang puwedeng makatulong para makatakas ako. "I'm ninety five percent sure, it would fail," sabi ng lalaki. "One hundred percent," sabi naman ni Ares. Bakit parang siguradong-sigurado sila? "Miss, masyadong padalos-dalos ang pagtatayo ng alyansang iyon. Walang kasiguraduhan. At higit sa lahat, ang alyansa ay tungkol sa tiwala. I bet, wala ni isa sa kanila ang personal mong kakilala," sabing muli nung lalaki. "Hindi rin pinag-isipan ng babaeng kumausap sa'yo ang mga inimbitahan niya. Did she invite your roommate? No. Kung talagang pulido ang pagpaplano ng alyansa niya, nangunguna sa iimbitahan niya ang nerd na 'yon," paliwanag ni Ares. Dapat ko bang pagkatiwalaan ang mga estudyanteng ito? Pero may sense ang mga sinasabi nila. "Ako nga pala si Eros. Eros Fuentes," sa wakas ay pakilala ng lalaki. "Puwede na ba akong lumabas at bumalik sa room namin? Mukhang wala naman na rin akong aabutan sa meeting." Sabay silang napatingin sa orasan. Patayo na sana ako nang sabay silang magsalita. "Hindi na ligtas," sabi nila. "Paano—" "Damn, Phoebe! Enough with your questions! You need to stay here until dawn and you need to deal with it," ubos pasensyang sabi ni Ares. Sasagutin ko pa sana siya nang tumawa si Eros. "You're Phoebe? As in Phoebe Villamor? One of us? One of the stray students?" natatawa niyang tanong. So, stray student din siya? Now, kilala ko na ang tatlong stray students na katulad ko. But I still don't care about them. Nilingon ko si Ares. "Fine. I'll take your bed," sabi ko at nahiga na sa malambot na kama ni Ares. Hindi naman na siya nagreklamo at kumuha lang ng unan. Naglakad na siya papunta sa couch at doon nahiga. Nalanghap ko agad ang panlalaking amoy ng kama. Kahit gaano pa kalambot at kabango ang kama niya ay hindi ko nagawang makatulog. Samantalang 'yong dalawang lalaking kasama ko rito ay parehas naghihilik na. Pasikat na ang araw nang mapagpasyahan kong bumangon at lumabas na ng kuwarto nila. Pagbalik ko sa kuwarto namin ay natutulog pa rin si Aether. Sa lahat ng nerd na kakilala ko, siya lang ang walang pakialam sa punctuality. Kahit wala pang tulog ay nagtungo na ako sa bathroom para maligo. Nang matapos na ako at nakapagbihis na rin ng uniform ay lumabas na ako ng bathroom at naabutan si Aether na kagigising lang. "Aga natin, ah?" biro niya. "Kailangan ko lang pumuntang library," I lied. Pero naisip ko na ring pumunta sa library at manghiram ng panibagong detective novel na puwede kong mabasa. "Sabay na tayo. Maliligo lang ako." Tumango ako dahil gusto ko rin sana siyang kausapin tungkol sa alyansa ni Samantha. Gusto ko sanang sumugal at i-reconsider ang pagsali. I know Aether will be a big help 'pag nakumbinsi siyang makiisa. Papayag kaya siya? Mabilis lang na kumilos si Aether kaya sabay na kaming lumabas ng kuwarto. Nagkatinginan kami nang parehas kaming magtakha dahil maraming estudyante ang nakasilip sa railings at may tinitignan sa baba. Nakidungaw kami at napatakip ako sa bibig ko nang makita ang higit sa sampong bangkay ng estudyante. Kinilabutan ako nang mabasa ang karatula sa gitna ng mga bangkay. 'Sila ang mga estudyanteng bumuo ng alyansa laban sa eskuwelahan. Huwag tularan. We're watching you. —Terra U.' Napaatras ako at nanlamig ang buo kong katawan. "Phoebe, okay ka lang?" tanong ni Aether nang mapansin ang panginginig ko. Tinignan ko lang siya at tumakbo na pababa. "Phoebe!" Sumunod siya sa akin sa pagtakbo. "What's wrong?" Pinipigilan niya ako pero nagpatuloy ako. Hanggang sa nasa harapan ko na ang mga bangkay. Isa-isa ko silang tinignan at nahanap ko ang pakay ko. "S-Samantha..." hindi makapaniwalang sambit ko. Parang kahapon lang ay kinausap niya ako para sa alyansang binubuo niya. Ngunit ang alyansang iyon din ang tumapos sa buhay niya. "Do you know Samantha personally?" yanong ni Aether. "She came to me yesterday at niyayang sumali ako sa alyansang binuo nila." Nagulat si Aether dahil sa sinabi ko. "What? Buti hindi mo naisipang sumali?" Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niya. "I...Ialmost did." Ang isipin pa lang na muntik na akong mapabilang sa kanila na ngayon ay malalamig nang bangkay ay nakakakilabot na. Ito ba ang sinasabi ni Ares na ipagpapasalamat ko sa pagkulong niya sa akin sa kuwarto nila? "God! What made you change your mind?" "Pinigilan ako ni Ares. Magdamag akong nasa kuwarto nila at hindi hinayaang makalabas at makapunta sa meeting," paliwanag ko. "Thanks to him," he utters. Yea, thanks to him. "Nakakaawa sila. Ang gusto lang naman nila ay makalabas sa eskuwelahang ito na nagmistulan nang hawla." "Walang ibang nakakaawa rito kundi ang mga nadamay lang." Sabay kaming napalingon sa likuran nang may magsalita. And it's Eros. Seryoso siyang nakatingin sa isa sa mga bangkay. "What do you mean?" tanong ni Aether. "He's Carlo. Magkatabi lang ang condo unit namin noong hindi pa boarding school ang Terra. At napansin kong lagi siyang nasa balcony ng unit niya tuwing hating gabi dahil nakasanayan na niyang magpahangin," he explained. I tried to figure out kung bakit niya iyon nasabi. "Does it mean na lahat ng makita nilang nasa labas kagabi, pinatay nila? Inosente man o hindi?" tanong ko kahit na alam ko na ang sagot. Tumango si Eros. Is that the reason kung bakit hindi na ako pinalabas ni Ares kagabi? Dahil alam niyang may krimen nang nangyayari kagabi sa labas? Ngumiti si Eros. "Buti na lang at hindi ka tumakas kagabi," sabi lang niya at naglakad na papalayo. Napalingon ako kay Aether nang magpapalinga-linga siya at may hinahanap siya. "Bakit?" "Mukhang totoo ngang may CCTV ang bawat sulok ng Terra," sabi niya. Muli akong napatingin sa karatula. 'We're watching you.' "Sa tingin ko ay nakuha mo na, Aether." Muli kaming napatingin ni Aether sa likuran nang may magsalita na naman. "Bawat sulok ng Terra ay may CCTV. Maging ang bawat kuwarto. They're literally watching us," sabi ni Aether na parang nagkakaintindihan na sila ni Ares. Bakit ang bibilis tumakbo ng utak nila? Samantalang ako ay pina-process pa lang ng utak ko. "Hindi na ito gawa ng mababangis na hayop, kumikilos na ang mga tauhan ng Terra," babala ni Ares at nagpapalitan kaming tatlo ng mga tingin. Muling dumating si Prof Alarcon para tignan ang mga bangkay at nagkatinginan kami. Binalingan niya rin ng tingin sina Ares at Aether. "Magsipasok na kayo sa mga klase ninyo," sabi niya at pinagtabuyan na kaming tatlo. Hindi ko na lang pinansin ang kakaiba niyang tingin sa amin. "Halika na, Phoebe!" yaya sa akin ni Aether kaya tumango na ako at sabay-sabay na kaming umakyat sa classroom namin. "Totoo bang may CCTV ang lahat ng kuwarto rito sa Terra?" paglilinaw ko nang makaupo na kami ni Ares. Si Aether kasi ay malayo sa amin. "Do I have to repeat myself twice? Every room. Mapa-classroom man or dorm room, may CCTVs." Parang nakukulitan na siya sa akin. "Bukod sa mga bathrooms, may isang kuwarto ang walang CCTV." Napatingin ako kay Eros na ngayon ko lang na-realize na katabi ko rin pala. Napag-gigitnaan nila ako ni Ares. Napangisi si Ares sa sinabi ni Eros. "As if naman may magtatangkang pumasok doon." Alam niya ang kuwartong tinutukoy ni Eros? "Anong kuwarto 'yon?" I asked at ngumiti si Eros nang nakakaloko. "That's for me to know, and you to find out." Naputol na ang usapan namin nang dumating na ang professor. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD