Epacs and Fifth

2104 Words
Chapter 4. 'Epacs and Fifth' — Phoebe — Mag-isa akong kumakain sa cafeteria dahil wala si Aether. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero may kutob akong tungkol pa rin iyon sa pangha-hack niya sa blocker. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang nag-iisang kuwarto na walang CCTV. Walang cameras sa bathroom, of course. But I know na may nag-iisa talagang kuwarto na walang CCTV. Kailangan ko iyong alamin. "Phoebe!" Nag-angat ako ng tingin nang maghila si Eros ng upuan dito sa table ko. "Yea?" I asked. "Wala lang. Hindi mo yata kasama 'yong nerd? What's his name again, Aether?" tanong niya at tumango ako. "Hindi ko alam kung nasaan siya. Why are you here, anyway?" tanong ko sa kanya. "Wala naman. I know he's up to something. And you, too." Bigla akong nasamid dahil sa sinabi niya. Ino-obserbahan niya ba kami? "Ano bang pinagsasabi mo?" "Maaari ninyong ikapahamak ang mga ginagawa ninyo. May tamang oras para sa pagtakas," mahina niyang sabi upang walang makarinig sa pinag-uusapan namin. "Wala kaming ginagawa." Tumayo na ako bago pa man humaba ang usapan namin ni Eros. Ngunit wala yata siyang balak na tantanan ako kaya nakasunod siya sa akin hanggang sa labas ng cafeteria. "Phoebe, you need to listen to me," pagpupumilit niya pero hindi ko siya pinapansin. "Ano ba— Ah!" halos mapatili ako nang matisod ako sa bato na hindi ko napansin kaya natumba ako sa lupa. "Are you hurt? Good. Dadalhin kita sa clinic." Nagulat na lang ako nang binuhat ako ni Eros at nagmamadaling itinakbo sa clinic. "What the hell, hindi pa ako mamamatay!" reklamo ko dahil nawi-weird-an na ako sa kanya. Ni wala nga akong galos dahil hindi naman gano'n ka-grabe ang pagkakatumba ko. "Nurse! Nurse!" nasa labas pa lang kami ng clinic ay nagsisigaw na siya. Ang weird niya. Natatakot na ako sa kanya. Sinalubong kami ng nurse at napangiwi siya nang makita si Eros. "Ikaw na naman, Mr. Fuentes?" pikon na sabi ng nurse. "My friend's injured. Pakisuri naman ang paa niya. Natapilok siya, e," malambing niyang sabi. Tinignan ako ng nurse. "Is that true?" "Ha?" Hindi ko alam ang sasabihin. "Ako ba pinagloloko ninyo? Bumalik na kayo sa mga kla—" "Aray!" napasigaw ako nang kurutin ni Eros ang braso ko na hawak niya dahil buhat-buhat niya pa rin ako. What the hell is he doing? "Kita mo na? Napapasigaw na siya sa sakit. Wala ba kayong gagawin?" seryosong sabi ni Eros ngunit alam kong umaarte lang siya. Ano bang nasa isip niya? Bakit ang hirap niyang basahin? "Ipasok mo na siya sa loob," napipilitang sabi ng nurse at agad naman na pumasok si Eros. Inihiga niya ako sa isang ward at inayos ang kurtina na siyang nagsisilbing divider. Tumingala si Eros at nagpalinga-linga sa paligid. Napako ang tingin niya sa CCTV na nandito sa clinic. Hinawakan ko siya sa wrist. "Anong plano mo?" seryosong tanong ko sa kanya. "May kailangan lang akong makuha." Tanging sagot niya at hindi man lang nagbigay ng detalye. Hindi na ako muling nakapagtanong pa dahil dumating na ang nurse. Nilagyan niya lang ng bandage ang paa ko at tumayo na. "I think she needs to stay here for quite long. Sasamahan ko siya," sabi ni Eros at napairap ang nurse. "Gagawin mo na namang tambayan 'tong clinic. Bahala ka sa buhay mo!" Inis na naglakad palayo ang nurse. Grabe 'yong galit niya kay Eros. Parang sobrang nakukulitan na siya rito. Marahil ay laging nandito si Eros dahil nga sa may pinaplano ito. Napatingin ako sa kanya. Nakatitig ito sa CCTV at nandito lang ang focus niya. "160° lang?" mahina niyang sabi. Anong ibig niyang sabihing 160 degree? Tumingin si Eros sa wrist watch niya saglit at ibinalik ang tingin sa CCTV. Mayamaya lang ay muli niyang ibinalik ang tingin sa wrist watch. "8 seconds to the left and 8 seconds to the right. Ngunit sa 160° na ikot ng CCTV, nasa 80° ang kinaroroonan nitong ward. At ang kinaroroonan naman ng pakay ko ay nasa 40° from the right. Sa pag-ikot ng CCTV pa-kaliwa, paglagpas ng 80° lalabas na ako. It would take 4 seconds bago nito marating ang 160°. 120° naman ang kailangan nitong ikutin bago marating ang kinararoroonan ko," he explains. "Ha?" tanging naisagot ko. Alam kong kinalkula niya ang ikot ng rotating CCTV para malaman niya kung kailan hindi nito makikita ang paghahanapan niya. Pero wala akong naintidihan. Akala ko ay si Aether na ang pinakamalabong taong makikilala ko. Ngunit mas malabo ang isang 'to. What's up with these freaking geniuses and their out of this world brains? "Just give me warning kapag dito na sa ward nakatutok ang CCTV. It only means na 2 seconds na lang ang mayroon ako," he tells me. "Ilang minuto ba ang mayroon ka?" tanong ko. "Ten," tipid niyang sagot. "Ten? Minutes?" paglilinaw ko. "Seconds," "What?" hindi makapaniwalang bulalas ko. Magagawa niyang hanapin 'yon sa loob ng 10 seconds? "Paano kung hindi mo pa rin mahanap after 10 seconds?" Bumangon ako at tinitigan siya. "I can hide under the table. At hihintayin kong matapos niya ang natitirang 40°. Iikot ulit ito pakaliwa at pagtama muli nito sa 40°, saka ulit ako magtatago. That would be 4 seconds. But nothing to worry about. Alam ko ang eksaktong pinagtataguan ng pakay ko." Wala siyang bakas ng pag-aalinlangan at confident siyang hindi siya mabubuko. "Baka mahuli ka ng nurse. Based ba sa sakop ng lawak ng CCTV ang calculation mo?" I asked. "Of course, Phoebe," natatawa niyang sabi. "Got to go," sabi niya at naghanda na sa paglabas ng ward. Paglagpas ng CCTV rito sa kinaroroonan namin ay mabilis na siyang tumakbo papunta sa isang cabinet at binuksan iyon. Madalas ang pagsulyap ko sa CCTV dahil baka maabutan siya nito. Nakaikot na ang CCTV at dito na muli nakatutok sa ward ang lens nito.  He said na 80° ang ward, 40° ang kinaroroonan niya. So, 2 seconds na lang ang mayroon siya. "Two seconds!" natataranta kong sabi sa kanya at nakita kong may maliit na botelya na siyang hawak. Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng mesa. He looks at his wrist watch at matapos ang apat na segundo ay muli siyang tumayo at tumingin sa CCTV. Nang makalagpas na ito sa akin ay sinenyasan na niya ako para lumabas bago pa man makabalik dito ang CCTV. Nagmadali na kami ni Eros na lumabas. Napahinto ako sa ilang hakbang mula sa pintuan nang may mapansin ako. "Bakit?" tanong niya na napahinto rin. "‘Yung cabinet," I tell him at nilingon niya ito. "s**t!" halos pabulong niyang sabi. Naiwan niyang nakabukas ang cabinet. At kung makikita ito sa CCTV, alam kong pagdududahan ito. At base sa log sheet ng clinic, kami pa lang ni Eros ang estudyanteng pumasok dito ngayong araw. Therefore, kung magkaroon man ng interrogation, kami ni Eros ang persons of interest. "Anong nangyayari dito?" Parehas kaming na-estatwa ni Eros sa kinatatayuan namin nang marinig ang boses ng nurse na kalalabas lang ng kuwarto. Agad na kinuha ni Eros ang braso ko at ikinawit sa batok niya. "Hi, nurse. Nagpumilit na kasing lumabas ang kaibigan ko kaya inalalayan ko lang," sabi ni Eros. "Mabuti naman, para wala nang dahilan para tumambay ka rito sa clinic," sabi ng nurse. Papasok na sana siya sa kuwarto nang mapansin ang kakaiba sa cabinet. Nagkatinginan kami ni Eros. "Anong gagawin natin?" kinakabahan kong tanong pero hindi man lang nababahala si Eros. "Bakit bukas ang cabinet?" buong pagdududang tanong niya sa amin. Hindi kami nakasagot ni Eros. Wala kaming maisip na puwedeng idahilan. "Nurse Anne, I opened it." Biglang dumating si Prof Alarcon at iwinagayway pa ang susi. "May tumawag lang sa akin kaya iniwan ko saglit," dagdag pa nito. "Gano'n ba? May kailangan ba kayong gamot?" tanong ng nurse. "Nakuha ko na. Thank you." Ang nurse na ang nagsarado ng cabinet at pumasok na rin sa loob ng kuwarto. Hinarap kami ni Prof Alarcon. "Why did you do that?" tanong ko. "I didn't do it for nothing. May kapalit ang ginawa ko. Ako na rin ang bahala sa footage sa kung anuman ang ginawa ninyo. Maghanda na lang kayo dahil maniningil ako," sabi niya at umalis na. Bumitaw na ako kay Eros at nagtungo sa garden. "That was fun, right?" sabi niya nang makaupo na kami sa damuhan. "Fun? I almost had a heart attack! Muntik pa akong mapahamak sa kapalpakan mo!" bulyaw ko sa kanya at mas lalo pa siyang natawa. "Kapalpakan? We succeed, Phoebe. I got it." Ipinagmalaki ang botelyang hawak niya. May parang lupa ang laman niya. Parang lupa ngunit napakaganda. "What's that?" Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o mawe-weirduhan sa hawak niya dahil ngayon lang ako nakakita ng ganiyang bagay. "That's for me to know, and you to find out," he keeps on saying that. "Buti na lang at hindi ka nagsalita kanina para isumbong ako," pag-iiba niya sa usapan at ibinulsa na ang hawak niya. "We came there together. 'Pag nahuli ka, they might think that I'm an accomplice," sabi ko at nagkibit balikat siya. "Hay! Ilang araw na rin pala tayong nakakulong dito. Wala ka bang nami-miss sa labas ng Terra?" tanong niya. Nahiga siya sa damuhan at inunan ang magkabilang palad. "My family, of course." Tinatanong pa ba 'yon? "Bakit ikaw? Hindi mo ba nami-miss ang pamilya mo?" takhang tanong ko. "I miss my brother and dad," seryoso niyang sagot habang nakatingin sa langit. "How ‘bout your mom?" Natawa siya sa tanong ko. "I don't miss her," natatawa niyang sabi. Ha? Anong klaseng anak siya? May problema kaya silang mag-ina? Well, that's the least of my concern. "Pero alam mo kung anong pinakanami-miss ko sa lahat?" mayamaya ay muli siyang nagsalita. "Ano?" "Si Epacs." Napakunot ang noo ko. "Sino 'yon?" Ang weird ng name. "Si Epacs. 'Yong laruan ko." Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Ang laki na niya pero naglalaro pa siya. Ang weird niya na ngang magbigay ng pangalan, mas weird pa pala siya. "I need to go. May next class pa ako," nagpaalam na ako sa kanya. Wala na raw siyang klase kaya nagpaiwan na siya. Sa calculus at literature lang kami magkakaklase. Pumasok na ako sa next class ko at si Prof Alarcon ang nasa harapan. Nagsimula siya sa mga aralin na parang walang nangyari. Ni hindi niya ako tinitignan. After her class ay wala na akong klase kaya nagtungo na ako papunta sa dorm room. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na alam kung alin ang pagtutuunan ko ng pansin. Ni hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng pinto. "Ahh!" napatili ako nang may tila insektong sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Aether na nakaupo sa kama niya. Lumayo ang insekto at nagawa ko itong titigan. Kulay gold ito. Para siyang golden snitch sa Harry Potter pero napakaliit nito. Malaki lang ito nang kaunti sa isang langaw. "Meet Fifth," sabi ni Aether at napakunot ang noo ko sa kanya. Doon ko lang napansin ang hawak niyang controller. "Fifth?" "Yea." Itinuro niya maliit na bagay na bumulaga sa akin kanina. Lumipad ito pabalik sa kanya. "Ano ba 'yan? Bakit ganyan ang hitsura niyan?" Naupo ako sa kama ko at naghubad ng school shoes. "My new invention. Isang drone. Simula kasi kaninang lunch break ay wala na akong klase. Na-bore ako kaya naisipan kong gumawa nito." Kakaiba pala siyang ma-bore. "And why did you name it Fifth?" I asked. "I have four eyes," sabi niya at itinuro pa ang eyeglasses niya. "And this one is the fifth one," patuloy niya at muling kinalikot ang controller. "You mean..." "Look..." Iniharap niya sa akin laptop niya at nakita ko ang sarili ko dahil sa akin nakatutok ang invention niya, na si Fifth. "Can I try?" I plead at natatawa niyang iniabot sa akin ang controller. Sinubukan kong kontrolin si Fifth at nahirapan ako noong una dahil sa dami ng kailangang pindutin. Pero matapos ang ilang beses na pagpapaikot-ikot sa loob ng kuwarto ay nagamay ko na. "Palalabasin ko, ha?" Hindi siya sumagot kaya ginawa ko na. "Pinalitan ko ang texture at transparency niya kaya hindi na siya ganoon kadaling makikita," sabi niya. Abala ako sa pagtingin sa laptop niya dahil nakikita ko ang hallway. "Ang galing. Ilang oras mo 'to ginawa?" "It took me three hours." Wow! 'Yong ibang kilala kong mahilig mag-invent ng ganito, weeks or months ang kinakailangan bago matapos. "Aether..." tawag ko sa kanya. May isang bagay kasi ang pumasok sa isip ko. "Why?" "You can use this as surveillance," I said and he smiles. "No, that's not for me. Spying isn't my thing. Para sa'yo talaga 'yan. I invented something that can put you in less danger." "S-Seryoso? Sa akin 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo. Sa isang safe na lugar ko ginawa 'yan kaya hindi kita sa CCTV. Ginawa kong mukhang laruan 'yan kaya wala silang idea sa kung ano 'yan," "Saan naman ang safe na lugar?" "Bathroom, duh. I just have a request..." "Sure. Anything," "Don't change Fifth's name," natawa ako sa sinabi niya. "Where's your laptop?" tanong niya kaya kinuha ko ang laptop ko. "Here." I handed it to him. "I-i-install ko 'yong footage," sabi niya at saglit lang ay sa laptop ko na nakikita ang hallway. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD