Lakeside Forest

1961 Words
Chapter 2. 'Lakeside Forest' — Phoebe — Tulad ng pinlano ko, nilibot ko ang Terra para makahanap ng lead sa sinasabing connection ni Aether. Hanggang sa mapadpad ako malapit sa Lakeside forest. Napako ang atensyon ko sa lalaking nakatayo at nakatanaw sa madilim na kagubatan. Nakatulala lang siya roon na parang malalim ang iniisip. Nagbabalak ba siyang tumakas? Hindi niya ba nakita ang nangyari sa mga estudyanteng nagtangkang tumakas kanina? Talaga bang makikipagsapalaran siya? "I saw those corpse," mayamaya ay nagsalita siya. Napatingin ako sa paligid upang makita kung may kausap ba siya pero kaming dalawa lang ang nandito. "Ako ba ang kausap mo?" tanong ko. O marahil ay kinakausap niya ang sarili niya? "They were killed brutally. But not by human. Pinatay sila ng mababangis na hayop sa loob ng kagubatan..." patuloy niya. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko kung ako ba ang kinakausap niya. "I don't get you." Nag-assume ako na baka ako nga ang kausap niya. Kung ako nga ang kausap niya, hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sa akin. Ilang sandali pa ay hinarap na niya ako. "Nawala lang 'yong gate. Pero nandito pa rin tayo sa mismong kinatitirikan ng Terra," sabi niya. "How did you know?" Bakit parang siguradong-sigurado siya? "'Yong mga pumatay sa estudyante, nakakasiguro akong mga mababangis na hayop ng kagubatan ang may kagagawan no'n." Mas lalo lang akong naguluhan sa paliwanag niya. "Paano ka nga nakakasigurado?" tanong ko at muli siyang humarap sa gubat. "'Yong mga sugat at pasa sa mga bangkay, hindi gawa ng tao." So nakita niya nang malapitan ang mga biktimang estudyante? Pero may isa pang tanong ang pumasok sa isip ko. "At paano mo nalamang may mababangis na hayop sa kagubatan na 'yan?" Imposible namang hinulaan niya lang. Muli niya akong tinignan at tinitigan. Ilang sandali pa ay naglakad na siya palayo at na sinundan ko lang ng tingin. Totoo kaya ang sinabi niya? Kung totoo man iyon, paano niya nalaman? That guy must be something. Inilibot ko ang tingin ko sa kagubatan. Hindi kaya para sa mababangis na hayop talaga ang barbwire na nakaharang dito noon upang walang makawalang hayop? At ngayong ang gubat lang ang daan para makalabas, tinanggal nila ang harang. One thing is for sure, Lakeside forest is just a bait. At marami na ang kumagat dito. Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad ngunit wala akong naging lead. Pinasya kong bumalik na muna sa dorm room dahil magdidilim na. Naabutan ko na si Aether na nakadapa sa kanyang kama at kaharap na naman ang kanyang laptop. "Look at this," sabi niya sa akin kaya lumapit ako sa kanya. Iniabot niya sa akin ang phone niya na may blocker detector. "'Yan ang mga nakuha ko sa paglilibot." Napatitig ako sa maraming saved connections na na-detect ng app. "Pamilyar sa akin 'yong ibang connections." Inalala ko ang mga iyon. "Yes. Dahil iyan pa rin ang mga connection na dating nag-a-appear sa devices natin from the households around Terra U." Bumangon siya at seryosong tumingin sa akin. "And?" "Nawala lang 'yong gate. Pero nandito pa rin tayo sa mismong kinatitirikan ng Terra." Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. 'Yan din ang sinabi sa akin ng lalaking nakausap ko kanina. "Parehas na parehas kayo ng sinabi." Npakunot ang noo niya at inayos ang makapal na salamin. "Nino?" Naglakad ako papunta sa kama ko at naupo. "Nung lalaking nakausap ko. Parang may alam siya." Mas lalo siyang naging interesado dahil sa sinabi ko. "Ano pang sinabi niya?" It's my turn para mapakunot ang noo. Mataman ko siyang tinignan. "Kakikilala lang natin kanina. Are you building an alliance with me?" I asked. "Course not. I can escape on my own. I have ways," confident niyang sabi. Mukha nga siyang matalino at may kakayahang gumawa ng paraan. I don't want to belittle this nerd. His mind is his ace. That can be my ace too, and the whole Terra U's. "Okay, he said na 'yong pagpatay kanina ay hindi kagagawan ng Terra admin." Bakas ang pagkabigla niya sa sinabi ko at may halong pagdududa. Maging ako man ay nagdududa sa inihayag ng lalaking nakilala ko lang sa may kagubatan. "Paano niya raw nalaman?" "Hindi ko rin alam. Bigla na lang siyang umalis." Napaisip si Aether dahil sa inilahad ko. Paano nga kaya iyon nalaman ng lalaking 'yon? "Nalaman mo ba ang pangalan niya?" tanong niyang muli. "Hindi," "Hitsura? Anong hitsura niya?" "Mahaba ang buhok niya—hanggang balikat at may maliit siyang scar sa kaliwang kilay niya." Inalala kong maigi ang hitsura nung lalaki ngunit iyon lang ang mabilis niyang pagkakakilanlan. Saglit siyang nag-isip para kilalanin ang lalaki. "Ares. He's probably Ares Sandoval," mayamaya ay sabi niya. "Pero nakausap mo ba talaga siya?" may pagdududa sa tono ng pananalita niya. "Bakit naman ako magsisinungaling para lang sabihin na nakausap ko siya?" taas-kilay kong tanong. "He's one of the stray students," sabi niya. "And?" Hindi ko gets. "Kilala siyang hindi nakikipag-usap sa mga estudyante rito. Sabi ng iba, may sarili siyang mundo," paliwanag niya at napangiwi ako. "So, he's weird?" naguguluhang tanong ko. "Dapat ba tayong maniwala sa kanya?" "Naniniwala ako sa kanya," kaswal niyang sabi. "Agad?" "Yea. This isn't your first year here in Terra pero bakit parang wala kang alam sa kanya?" sllllllabi ni Aether. "Bakit? Ano bang mayroon sa kanya?" I asked. Napabuntong hininga siya. "I forgot. Wala ka nga palang ibang pinagkakaabalahan kundi ang walang kamatayang si Sherlock Holmes. Hindi ka rin mahilig makihalubilo at walang pakialam sa paligid katulad ni Ares." I glare at him at nagseryoso. "You're not making any sense. Sino si Ares?" "Lumaki si Ares sa bundok. Lumaki siya sa pangangalaga ng isang tanyag na mangangaso. Dahil doon, naniniwala akong kaya niyang sabihin kung kagagawan nga ba ng isang mabangis na hayop ang isang pagpatay o hindi." I get it now. Kung anak siya ng mangangaso, maaaring nakalakihan na rin niya ang mga gawain sa isang pangangaso. "Maaari ngang tama siya," pagsang-ayon ko sa kanya. "Ngunit ang hindi ko maintindihan, bakit kini-claim ng Terra na sila ang may kagagawan ng lahat ng nangyaring p*****n?" tanong niya at isang dahilan lang ang nakikita ko. "Maaaring sinabi nila iyon upang takutin ang mga estudyante para mapasunod nila tayo at isipin na kayang-kaya nila tayong patayin oras na kalabanin natin sila." Tumango si Aether bilang pagsang-ayon. Matapos makipag-usap kay Aether ay naghanda na ako para sa pagkain ko. Siya naman ay muling lumabas para sa caf na mag-dinner. Kumain lang ako at natulog na dahil may klase na bukas. — Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya mas nauna akong naligo kaysa kay Aether. Halos paalis na ako nang magising siya. "Ang aga mo yata?" puna niya habang nagkukusot ng mata. "Gusto ko lang makakuha ng information about Ares Sandoval," I admit at natawa siya. "He's too elusive. So good luck to you, Miss Holmes," he teases na hindi ko na pinansin at lumabas na ng kuwarto. Damang-dama sa paligid ang tensyon. Mangilan-ngilan pa lang din ang mga estudyante sa labas dahil maaga pa. Palinga-linga ako sa paligid at nagbabaka sakaling makita ang sadya ko rito. Hanggang sa muli na naman akong napadpad malapit sa kagubatan. Ngunit wala rin siya rito. Paalis na sana ako nang may tumalon mula sa puno. Napaatras ako dahil sa talim ng mga tingin niya sa akin. "Hindi mo ba ako narinig kahapon? May mababangis na hayop sa loob ng kagubatang 'yan!" galit na sabi niya. "Patunayan mo," I demand kahit naniniwala naman ako sa kanya. "Anong patunay pa ba ang gusto mo? Alam mo bang habang nag-uusap tayo ngayon ay may mga lobong nakaabang sa atin at hinihintay na pasukin natin ang kagubatan?" Pinangilabutan ako sa sinabi niya. "P-Papaano mo nalaman?" nahihintakutang tanong ko. Bigla na lang siyang dumampot ng bato at ibinato iyon sa isang parte ng kagubatan. Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig na daing ng isang hayop na tila tinamaan siya ng bato. Narinig ko ang agad niyang pagtakbo papalayo. "Isang unggoy lang ang binato ko, if I hit a wolf, siguradong hindi iyon tatakbo palayo. Bagkus ay susugod. Ngayon, kung hindi ka pa rin naniniwala, I can hit a wolf. Just make sure na kaya mong lumaban." Bigla akong nataranta. Seryoso siya? "H-Hindi na. Naniniwala na ako," pigil ko nang akmang dadampot na naman siya ng bato. "Iwasan mo ang lugar na 'to. Busog lang ang mga lobo kaya hindi nila tayo inaatake," babala niya sa akin. "Pati ba naman ang pagiging busog ng mga lobo, alam mo?" He's so unbelievable. "I saw them had a feast," sabi niya. Natigilan ako nang ma-realize ang nakakakilabot na ibig niyang sabihin. "W-What do you mean?" Umaasa akong nagkakamali lang ako ng iniisip. "May mga estudyante na namang nagtangkang tumakas." Nakakapanghina ng mga tuhod ang sinabi niya. Nakakapanghina ng loob. "And you didn't help them?" hindi makapaniwalang tanong ko na ikinangisi niya. "Why should I?" tila walang pakialam niyang sabi. "Selfish jerk!" I utter. Nagkibit balikat lang siya at naglakad na naman palayo nang hindi nagpapaalam katulad ng ginawa niya kahapon. I was so wrong nang isipin kong maaari kaming makabuo ng isang alliance kasama siya. He's a selfish mother fucker at hindi mapagkakatiwalaan. Bago pa man magsimula ang klase ay kalat na sa buong campus na may namatay na namang mga estudyante at inakong muli ng Terra ang mga pagpatay. Pumasok ako sa magiging classroom ko ngayong school year. Agad kong tinungo ang bandang likuran dahil sa dulo ko na nakasanayang maupo. Bigla akong nag-alangan nang makita ang makakatabi ko. Tinignan niya lang ako na parang wala siyang pakialam. I did the same at naupo na sa tabi niya dahil no choice na rin ako. Sunod na pumasok si Aether. Kausap niya ang isang lalaki na may bitbit na makakapal na libro. At mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Sa unahan nila piniling maupo. Of course, they are smartasses. What do you expect? "Nakakakilabot lumabas. Sa quadrangle lang tinambak al’yong mga bangkay na nakuha kanina," sabi ng mga bagong dating na estudyante. Hindi ko nagawang makita ang mga bangkay kahapon. I should see it now for myself. Tumayo ako at naglakad na palabas. "Phoebe!" tawag sa akin ni Aether kaya nilingon ko siya. Umiling  siya dahil mukhang alam niyang sa mga bangkay ang tungo ko. Ngunit hindi ko pinansin ang pagpigil niya at tuluyan na akong lumabas ng classroom. Pagbaba ko pa lang ng quadrangle ay bumungad na sa akin ang mahigit sa sampong bangkay ng estudyante. Ang ilan sa kanila ay mulat nang mamatay at lasug-lasog ang katawan. Isa-isa ko silang tinignang mabuti. "What are you doing here, Miss Villamor?" tanong ni Professor Alarcon nang maabutan niya ako rito. She's our natural science professor noong first year. At sa pagkakalaam ko ay siya rin ang magiging prof namin this year. She's a professor and part of administration, kailangan kong mag-ingat sa kanya. "I'm just checking dahil baka nabiktima ang kaibigan ko," I lied at nagpatuloy sa pagtingin sa iba pang bangkay. Mayamaya ay naramdaman ko ang marahas na paghila ni Prof Alarcon sa braso ko. "You can't fool me, Phoebe! You don't have friends. Anong sadya mo sa mga bangkay?" Mukhang ginagamit na niya ang pagiging professor niya para mapaamin ako. I jerk from her tight grip. "Why should I tell you? You can be a threat!" Napataas ang kilay niya. "A threat? On what? On your plans? So, you're planning someting?" she challenged me. I stood firmly at hindi nagpakita ng pagkataranta sa mga accusation niya. "You're investigating something, aren't you?" She's so sure about it and there's no point in lying. "I'll find ways, no matter how hopeless," sabi ko sa kanya at tinalikuran na siya. Nakakailang hakbang pa lang ako ay muli siyang nagsalita. "Curious mind, physical strength, computer geek and science genius." Muli ko siyang nilingon ngunit naglalakad na siya papalayo. What does she mean by that? Anong ibig niyang sabihin? Muling bumaba ang tingin ko sa mga bangkay. Lumuhod ako at sinuri ang mga sugat ng isang babae na dilat ang mga mata. Nakakita ako ng ilang balahibo ng hayop. Mas lalo lang nitong napatunayan ang paniniwala ni Ares na hindi nga ito gawa ng tao. Tumayo na ako at naglakad pabalik sa classroom. Curious mind. Physical strength. Computer geek. Science genius. Muling nag-echo sa utak ko ang sinabi ni Professor Alarcon. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD