Lasciera La Terra

1966 Words
Chapter 1. 'Lasciera La Terra' — Phoebe — "I'm going, Mom," paalam ko kay mommy at humalik sa kanyang pisngi. Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad na papasok sa malaking gate ng Terra U. Out of nowhere, naging boarding school ang university. Wala namang nagawa ang mga estudyante dahil ito na lang ang nag-iisang eskwelahan ang tumatanggap sa kanila. Not me. Dahil normal na estudyante lang ako ngunit ipinagsiksikan ako ng mga magulang ko sa walang kasiguraduhang paaralang ito. "Phoebe!" narinig kong sigaw ni mommy. Nakababa ang bintana ng kotse namin at nakatanaw siya sa akin. "I'll wait you home, sweetie," sabi niya at pinatakbo na ni manong ang kotse. She'll wait me home? Nakalimutan na yata ni mommy na boarding school na ang Terra kaya matatagalan akong hindi makakauwi. Dumiretso na ako sa magiging dorm room ko habang nandito sa Terra. Nasa hallway na ako ng building at naagaw ang atensyon ko ng mga estudyanteng nakadungaw sa railing. Out of curiosity, nakisilip din ako. And it's just a normal g**g fight kaya dumiretso na ako sa dorm room ko na nakasaad sa maliit na papel. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay agad akong kumatok. "Come in." It was probably my roommate and he's a guy based on his voice. I don't mind kung lalaki man ang roommate ko. Binuksan ko ang pinto at nakita ang isang lalaki na nag-aayos ng bedsheets ng isa sa dalawang kama. "The famous one of the stray students," nakangiti niyang sabi nang mapagsino ako. He's wearing a thick eyeglasses that made him look innocent. "Phoebe," kaswal kong pakilala para hindi na niya ako tawagin sa ganoong pagkakakilanlan. 'Stray Students' ’Yan ang tawag sa amin. Sa pagkakaalam ko, apat kaming stray students ng Terra University. Tinawag kaming ganiyan dahil hindi raw nababagay ang personality namin sa paaralang ito. Wala naman akong panahon sa ganiyang kalokohan kaya hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon para kilalanin pa ang tatlong estudyanteng iyon. "Aether. Aether Alonzo. One of the stray students," sabi niya kaya napatitig ako sa kanya. Well, mukhang hindi nga malabong isa siya sa stray students dahil sa hitsura niya. "Cool," walang gana kong sagot. Sinuot ko ang headphone na nakasukbit sa batok ko at nakinig na lang ng music. Maroon 5 music is playing. Katulad ni Aether, inayos ko rin ang magiging kama ko. I unpacked my things at inayos na rin ang iba ko pang mga gamit. Hinubad ko ang headphone nang makitang kumakaway ang palad ni Aether sa harapan ko. "What?" tanong ko. "Tumunog 'yong speaker. Pinapababa ang lahat ng estudyante sa quadrangle." Sabi niya kaya tumayo na ako at sumabay sa kanya sa pagbaba. "May ideya ka ba sa kung anong announcement ngayon?" tanong niya nang marating namin ang kumpulan ng mga estudyante. Nagkibit balikat lang ako dahil wala akong ideya. Hindi ako manghuhula. Pumanhik si Mr. Erebus Rivero sa stage at kinuha ang mic. Kahit nakikita na nila na may guro sa unahan, nanatiling nagkakagulo ang mga estudyante at may kanya-kanyang mundo. Parang mga walang pakialam sa ihahayag ng professor. "Listen, Terra U students," panimula niya at bahagyang nanahimik ang mga estudyante. "Ito na ang huling araw ng bakasyon." "We know, we have calendar in our phones," sarkastikong sabi ng isang estudyante kaya nagtawanan sila. Napairap na lang ako sa isip ko. Hindi naman iyon pinansin ni Mr. Rivero at muli siyang nagsalita. "Bukas, isang laro ang sisimulan ninyong laruin. Isang laro ang kailangan ninyong tapusin." napuno ng bulungan sa lugar na ito. "Game? Like hurling eggs in your disgusting face?" an asshole from a group of gangsters shouted at mas lalong napuno ng tawanan ang mga estudyante. "Terra University is no longer your beloved school. At kayo ay hindi na normal na estudyante. Dahil kayong lahat ay bahagi na ng Project Lasciera La Terra." Patuloy siya sa pagsasalita kahit na puro violent reaction na ang mga estudyante. "Ano bang pinagsasabi ng matandang 'to?" bulong ni Aether na katabi ko lang. Maging siya ay naguguluhan na rin. "But consider this game as an elimination round. Gagawin natin ang larong ito upang malaman kung sino ang may kakayahang tumagal sa project LLT. Matira-matibay, ika-nga." Hindi ko na rin nagugustuhan ang pinagsasabi ni Mr. Rivero at hindi ko alam kung may saysay pa ito. Nahihibang na ba siya? "We may break school rules, but not laws. We can't participate," natatawang sabi ni Aether. "There's only one instruction here. Stay! Or else... be killed." Naikuyom ko ang kamao ko at napipikon na ako. Ano bang gusto niyang palabasin? Magiging haunted school ito? Magkakaroon ng killing spree? Ano ba ang LLT na 'yan? "You are one big psychopath!" sigaw ng estudyante sa likuran ko. "Wala na kayong magagawa. This school was sold to Dr. Leander Crimson. The head of Project Lasciera La Terra o LLT," sabi niya at tumingin siya sa gilid ng quadrangle. May lumapit na isang lalaki. "This is Dr. Astraeus Hayes, the officer in-charge for this project." Iniabot ni Mr. Rivero ang mic dito. "Let me explain the mechanics of the game. All you need to do is to stay here," sabi niya. "Oh my God, this is crazy!" sabi ng babaeng katabi ko. "Trust no one. Treachery is everywhere," saad ni Dr. Hayes. "There's no way out, because Terra University is now a lost school," nakangising sabi ni Mr. Rivero. "Lost school?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita na ako. Paano ito magiging lost school, e kahahatid lang sa amin ng mga magulang namin. As if on cue, lahat kami ay napatingin sa malaking gate ng Terra U. Ngunit wala ang gate. Wala na rin ang mga barbwire na nakaharang sa Lakeside forest noon upang hindi mapuntahan ng mga estudyante. Nagsimula nang mag-panic ang lahat. Mukhang seryoso nga ang sinabi ng mga 'to tungkol sa Lasciera La Terra na hindi namin alam kung patungkol saan. Nagtakbuhan ang ilang estudyante papunta sa Lakeside forest para makatakas. "Run. If you want to be brought back here as a corpse," nakakapangilabot na sabi ni Mr. Hayes at maraming estudyante ang huminto sa takot. Pero may ilan pa rin ang dumiretso sa Lakeside hanggang sa lamunin na sila ng madilim na kagubatan. "Why are you doing this?" kaswal na tanong ng isang lalaki. Kumpara sa ibang lalaki rito, hindi siya mababakasan ng jerky manners. But he looks so dangerous. "Good question, Mr. Sandoval. We're doing this to eliminate those weak students na hindi karapat-dapat sa Project LLT," tanging sagot ni Mr. Rivero. "Hanggang kailan matatapos ang larong 'to?" tanong ng lalaking katabi niya. "Hanggang sa mahanap na namin ang maaaring mamuno sa Planet Eureia," kaswal na sabi ni Dr. Hayes. "Planet Eureia?" muli ay tanong ko. I'm not good in science, but I'm not that stupid to not know about the planets. Aside from the eight planets, there are newly discovered planets. But none of them was named as Eureia. "That sounds exciting," sabing muli ng lalaki. Exciting? What on earth he's talking about? "I knew it from the start na ikaw, Mr. Fuentes ang unang magkaka-interes dito," natatawang sabi ni Mr. Rivero. "So, students, see you tomorrow para sa unang araw ng klase," sabi ni Dr. Hayes at bumaba na sila ng stage. Naiwan ang mga estudyante na may takot sa mga mata. This isn't funny anymore. "AHHHHHH!" Nagulat kami nang may isang babae ang tumili kaya nilapitan siya ng ilang mga estudyante. Umiiyak siya, namumutla at nanginginig ang mga kamay na itinuro ang isang bahagi ng kagubatan. Lalong nag-panic ang mga estudyante nang makita ang mga walang buhay na katawan ng ilang estudyante ng Terra U na nakasabit sa mga puno. May ilang nagtakbuhan doon para makita at makilala sila nang malapitan. "This is crazy!" himutok ng mga estudyante na mas lalong natakot. "Sila 'yong mga estudyanteng tumakbo kanina para makatakas," sabi ng isang estudyante na galing doon at nakita nang malapitan. "Mulat ang mga mata nila at puro dugo ang katawan kaya halatang brutal silang pinatay," sabi nung isa pang kababalik lang. Nagsimula nang mag-iyakan ang mga babae na siyang mas lalong nagpagulo ng paligid. I'm afraid. I love reading and watching this kind of stuff. But I've never said that I want this to happen in my real life. But there's no way out. We need to deal with this. Umiyak man kami maghapon at magdamag, hindi kami makakatakas. I put back my headphone on at naglakad na pabalik ng dorm building. We have no choice but to play this so-called-game. — "Ano sa tingin mo ang binabalak ng mga baliw na may katungkulan dito sa Terra U?" tanong ni Aether nang makarating na siya rito sa kuwarto namin. Kanina pa ako nandito at kadarating lang niya dahil halatang nakiusyoso pa siya sa mga estudyanteng brutal na pinatay sa Lakeside Forest. Bakit ba ako nang ako ang tinatanong niya? "I don't have any idea," tanging sagot ko at nagbukas ng chips para may makain. Ayokong lumabas at pumunta sa cafeteria dahil paniguradong puro iyakan lang ang maririnig ko roon. Ayoko talaga ng maingay na paligid. Hindi naman na nagsalita pa si Aether at kinuha na lang ang laptop niya, "I'll try to send SOS message to the government," sabi niya na sa wakas ay nagsalita siya ng bagay na puwedeng makatulong sa sitwasyon namin dito. Pinanood ko siya habang abala siya sa pagta-type sa kanyang laptop. "Holy s**t!" kunot-noo niyang sabi na parang hindi siya makapaniwala. Out of curiosity, nilapitan ko siya at nakitingin sa laptop niya. Maging ako ay nagulat. There's no connection. Paanong nawala ang internet connection? Pinutol ba ng Terra? How about those connections na nanggagaling sa mga bahay malapit dito sa university? May mga nasasagap ako noong mahinang connection from homes around Terra. But now, it's a total zero connection. "They're using a blocker," mahinang sabi ni Aether at inayos pa ang suot na eyeglasses. "Paano mo nasabi?" tanong ko. May pinakita siya sa aking app sa phone niya at binuksan iyon. There's a notification there saying that 3 WiFi connections got blocked. "This app is connected to my laptop. And this app can detect if there's a blocked connections in any way." Parang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya. "Paano ka nakakasiguradong hindi pumapalya ang application na 'yan?" I challenge him. "I trust my inventions," kaswal na sabi niya at hindi ko ipinakita sa kanya ang pagkabigla. He invented that app? What a freaking computer geek. Muli niyang hinarap ang laptop niya at nagpipindot ng kung anu-ano. The only thing I understand is he's decoding some data tapos ay muli siyang pupunta sa app. Magde-decode, then pupunta ulit sa app sa phone niya. Paulit-ulit lang siya sa ganoong gawain. "What are you trying to do?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtanong na ako. Mababaliw ako sa kakaisip sa kung anong ginagawa niya. "I'm trying to hack the blocker," sabi niya na diretso na ang tingin sa laptop niya. "f**k! Too confidential," inis na sabi niya pero hindi siya nakikitaan ng pagsuko. He became more enthusiastic instead. "We need to know kung saan nanggagaling ang blocker na 'yan," sabi ko na sinang-ayunan niya. "Masyadong komplikado ang data analysis. Hindi ito magagawa ng ordinaryong IT expert lang." Tumayo siya kasama ang kanyang laptop. "Where are you going?" tanong ko nang naglakad siya palabas ng pinto. "Hahanapin ko kung saan nanggagaling ang tatlong connections na nade-detect ng application ko," sabi niya at naglaho na siya sa pintuan. That computer geek is something. Isang palaisipan para sa akin ang biglaang paglaho ng Terra U. Sikat ang paaralang ito at open ito sa mga outsiders dahil wala namang patakarang sinusunod ang eskwelahang ito. Pero wala pa akong nakikitang estudyante mula sa mga kalapit na eskwelahan ang pagala-gala sa paligid. Siguro nga ay naglaho ito na parang bula. Pero paano? Kung wala na kami sa dating kinaroroonan ng Terra, paano nangyari 'yon? Ibig din bang sabihin nito na walang darating na rescue sa amin? Na kailangan naming makipagpatintero kay kamatayan at laruin ang larong walang ibang gagawin kundi ang manatili? Lumabas din ako ng dorm room para maghanap ng puwedeng maging lead tungkol sa bagay na 'to. Gusto kong malaman kung sino ang nasa likod ng Project LLT. Gusto kong malaman kung sino si Dr. Leander Crimson. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD