Chapter 5.
'Professor Alarcon'
— Phoebe —
Ilang araw pa ang nagdaan at walang pinag-iba ang paligid. Walang pinag-iba ang karahasan. Parang kasama na sa morning rituals namin ang makakita ng mga bangkay.
Ngunit iba ang umagang ito. Walang bangkay ang nabungaran namin sa quadrangle. Marahil ay natakot na silang magtangkang tumakas. Bawat estudyanteng lumalabas sa kanya-kanya nilang dorm room ay napapadungaw sa railings.
At lahat sila ay nakakahinga nang maluwag 'pag nakikitang walang estudyanteng namatay. Papasok na sana ako sa classroom nang nagmamadaling magsilabas ang mga classmate ko at dumungaw sa railings. No. Don't tell me...
Nakisingit ako sa pagsilip sa ibaba. Ang buong akala ko ay mga bangkay na naman ang pinagkakaguluhan. But I was wrong. It's just a g**g fight. Hindi na sana ako magugulat sa nasasaksihan kong g**o. But I saw Eros in the middle of the chaos.
Nakarinig kami ng pito mula sa guards at mabilis na nagsitakbuhan ang mga sangkot sa g**o. Hindi naman na sila pinag-aksayahan pa ng oras ng mga guwardya para habulin. Dinampot na lang ng isang guwardiya ang nag-iisang estudyante na hindi tumakbo.
"Siya na naman?" Narinig ko ang boses ng dalawang classmate kong babae na nag-uusap lang sa tabi ko.
"What do you mean?" another girl asked. Nakapako ang tingin niya kay Eros na hawak na ng guard.
"Kasasangkot niya lang din sa g**o noong isang araw. He's not even a member of any g**g. Pero tuwing may g**o, lagi siyang nakikisali at nagpapahuli," sagot ng babae.
"But why? Why would he intentionally do that?" Good question.
"I don't know. But duh? He's a stray student. Malamang OA siya sa weirdness mag-isip." Napakunot ang noo ko.
Gano'n ba talaga ang tingin nila sa aming apat? Mga weird? Wala naman talaga akong pakialam sa mga iniisip nila. I'm just wondering kung paano nila nasasabing mga weird kami? Dahil ba hindi kami mahilig makisalamuha? Wala akong ibang kaharap kundi libro, si Aether naman ay ang laptop niya, si Eros ay may mga bagay na siya lang ang nakakaalam. While Ares is nature na yata talaga niya ang pagiging introvert.
But why would Eros do that? Bakit nga kaya? Baka naman nagkakataon lang na nahuhuli siya? O baka nga sinasadya niyang magpahuli dahil ni hindi man lang niya sinubukang tumakas? Bakit ba ang hirap hulaan ng nasa isip ni Eros? May binabalak na naman ba siya?
"Magsipasok na kayo sa loob ng classroom." Natigil sila sa pag-uusap nang magsalita si Prof Alarcon sa likuran namin.
Kung isa pa rin lamang itong normal na araw sa Terra, marahil ay hindi susunod ang mga iyon. Ngunit dahil na rin siguro sa takot sa mga namamahala rito, agad na silang pumasok sa loob. Papasok na rin sana ako sa loob nang magsalita ang propesora.
"I will see you in my office, Phoebe." Napahinto ako at hinarap siya.
"You're kidding, right?"
"I already told you na may kapalit ang pagtatakip ko sa inyo. Maniningil na ako," ma-awtoridad niyang hayag.
"Paano kung hindi ako pumunta?" I challenge her.
"You will leave me no choice but to report you right away. At huwag mo na ring asahan na sisikatan ka pa ng araw. Ikaw at si Eros." Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Hindi na niya ako hinintay pang makasagot at tinalikuran na niya ako. That woman! Alam kong may kakaiba sa kanya. Hindi lang siya basta parte ng administration.
Matagal ang pag-ikot ng orasan at parang napakahaba ng aming naging morning classes. Habang naglalakad papunta sana sa cafeteria para mananghalian mag-isa ay nadaanan ko ang school garden. Parang may mali sa open field kaya inilibot ko ang aking paningin.
Naglakad ako at lumuhod upang suriin ang maninipis na d**o. May ilang d**o na ang natutuyot at unti-unting nalalanta. Muli kong inilibot ang paningin ko at napunang natutuyot din ang ibang parte ng open field. Hinawakan ko ang lupa upang kumpirmahin kung maging ito ay nagkakaganoon na rin. And I was right. Nagkakaroon nga ng tagtuyot dito.
Nakapagtatakha.
Agosto na ngayon. Paanong magkakaroon ng tagtuyot sa tag-ulan?
Tag-ulan.
Oo nga pala, tag-ulan na ngayon pero wala man lang kaming nararanasang ulan o ni ambon man lang. Isang linggo na rin kami rito ngunit hindi pa nakakaranas ng pabago-bagong klima na normal na nararanasan sa ganitong mga buwan.
"Anong problema?" Napatayo ako nang marinig ang boses ni Ares sa likuran ko.
"Like you care." Naglakad na ako palayo sa field at iniwana siya. Dumiretso na lang ako sa cafeteria at naabutan doon si Aether.
"Natagalan ka yata?" tanong niya. I sit and I lean closer to him na ikinatakha niya.
"Gaano kataas ang lipad ni Fifth?" mahina kong tanong. Inatras niya ang inuupuan dahil sa lapit ko sa kanya.
"Ha? Isinakto ko sa taas nitong building ang capacity ng lipad niya. Why?" balik tanong niya.
"Masyadong mababa." Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil tumayo na ako at lumabas ng cafeteria. Four storey lang ang building na ito. Hindi nito maaabot ang gusto kong makita. Hindi na ako nakakain dahil bumalik ako sa open field.
Tiningala ko ang langit at nasilaw lang ako dahil sa tindi ng sikat ng araw. Hindi na nakapagtatakhang natutuyot ang mga lupa at d**o. Ngunit may mali talaga sa senarynong ito.
—
Matapos ang afternoon classes ay natagpuan ko na lang na dinadala na ako ng mga paa ko sa opisina ni professor Alarcon. Marahan akong kumatok at pinapasok niya ako. Nakaupo siya sa swivel chair at nakapatong sa desk ang magkabila niyang kamay habang magkasalukop.
"Glad you came," she said and gesture me to sit down kaya naupo ako sa tapat ng desk niya. Kinuha niya ang isang folder at isa-isang tinignan ang ilang pahina.
"Should we go to our business now or you want to have some chitchat first?" she casually said habang sa binabasa niya nakatingin.
"I hate dawdling." Tumango siya at muli niya akong hinarap.
"First, we're not enemies here," panimula niya at awtomatikong napataas ang kilay ko. "But we're not allies either," dagdag niya.
"What do you want?" I asked. Iniabot niya sa akin ang folder na kanina lang ay tinitignan niya. I saw a kid's photo.
"Who is he?" takhang tanong ko.
"He's Jarred. Jarred Alarcon." Napatitig ako sa propesora.
"Alarcon?"
"Yea. He's my son," seryoso niyang sabi. Mas lalo akong nagtakha kung bakit niya ito sinasabi.
"Why are you saying this to me?" Anong kinalaman ko sa anak niya?
"That photo was taken 10 years ago. He's now a twenty year-old guy." Okay, this is just getting worse. Wala akong maintindihan sa gusto niyang sabihin.
"And?"
"He's missing. And I want you to find him," sabi niya at hindi ko maiwasang matawa.
"Why should I?" natatawa kong tanong.
"Because if you don't, I will report what happened in the clinic!" Napatayo ako dahil sa inis.
"That's blackmailing!" I protested. "That's the other way of saying that you have the upper hand in me,"
"I'm still part of the administration. I have the upper hand either way." Naikuyom ko na lang ang kamao ko sa inis dahil sa tama siya. Sumunod man ako sa gusto niya o hindi, she still has the upper hand. Muli kong binalikan ng tingin ang folder na hawak ko.
"What can I get in return if I help you find your son?" Siguro naman may mapapala ako kahit papaano bukod sa hindi niya kami isusumbong ni Eros.
"A weekly update in your family outside," sabi niya. Saglit ko siyang tinitigan upang kalkulahin kung seryoso ba siya. At mukha naman siyang seryoso.
"And how would you able to do that?"
"I should have known better na ganito ka kasigurista. Every Sunday, makakalabas kami ng university," nagulat ako sa sinabi niya.
"Does it mean na alam mo ang daan palabas?" Nabuhay ang interes ko para makipag-usap sa propesora na kaharap ko at bumalik ako sa pagkakaupo ko.
"No. We will be blindfolded sa tuwing nasa van na kami na siyang maghahatid sa amin sa labas." Biglang naglaho ang lahat ng excitement ko.
"Useless. How can I be so sure na legit ang mga updates na ibibigay mo sa akin about my family?"
"I'll take photos of them. You owe me a favor and I need you to find my son. I just need to bribe you para gawin mo nang tama ang pinapagawa ko. It's a win-win situation for us. You'll use me and I'll use you." Saglit akong nag-isip sa offer niya. Hindi na rin naman ako lugi. Parehas kaming may mapapala. Wala rin namang mawawala kung hahapin ko ang anak niya.
"Okay then," I said and I saw her smug smirk.
"By Monday morning, expect an update about your family. You may go now," sabi niya at lumabas na ako ng office niya.
Maaga pa naman kaya pumunta na muna ako sa library. I'm pretty sure na may makukuha ako do'n kahit papaano. Based sa info na nabasa ko kanina sa folder na iniabot sa akin ni Prof Alarcon, ahead siya sa amin ng two years. So he's probably fourth year college now.
Nagtungo ako sa shelf kung nasaan ang mga year book ng Terra at naghanap ng mapupuwestuhan. Una kong binuklat ang Terra University ngunit wala akong nakita ni isang Jarred Alarcon sa bawat taon. I went to Terra High ngunit wala ring naging estudyante na nagngangalang Jarred.
So I go to Terra Academy year book. And there, I saw a kid in 5th grade named Jarred. Kamukha ng ipinakitang larawan ng propesora. Narito sa Terra Academy ang pangalan niya mula first hanggang fifth grade. So it means na hanggang grade 5 lang ang ipinasok niya rito. The following school years ay wala na siya rito?
Nagpatuloy ako sa pagtingin sa year book at nakita ang maraming achievements ni Jarred. Masyado rin siyang matalino. Hindi siya nawawala sa mga academic competitions na nilalaban ng Terra sa iba't ibang school. Ngunit bakit hanggang grade 5 lang ang existence niya sa paaralang ito? Bigla lang siyang naglaho?
"I used to see you in books. But not in year books." Napapitlag ako nang may marinig na boses sa likuran ko at napatigil sa pagtingin sa libro. Nilingon ko ang may-ari ng tinig. Napako ako sa kinauupan ko nang makita si Mr. Rivero na buong pagdududa akong pinasadahan ng tingin.
"I just miss the old Terra." Hindi ako nagpakita ng anumang pagkataranta upang hindi na siya mas lalo pang magduda.
"Really? Well sorry, Miss Villamor, your beloved Terra can not be back!" he said.
"I know." I just answered at muli na lang na ibinaling ang tingin sa year book. Nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya at alam kong hindi siya ganoon kakumbinsido sa sinabi ko. Bakas sa mga mata niya kanina ang labis na pagdududa. Nakahinga lang ako nang maluwag nang maglakad na siya palabas ng library.
Nasa watch list na ba ako? Dapat na ba akong mag-ingat dahil maaari na niya akong pagdudahan?
—