Allies or Foes

1867 Words
Chapter 6 'Allies or Foes' — Phoebe — Katulad ng ipinangako ni Prof Alarcon, natanggap ko ang ilang larawan kung nasaan ang pamilya ko. Si mommy, daddy at ang nakababata kong kapatid. Halatang palihim silang kinuhanan. Masaya ako dahil alam kong ligtas sila at namumuhay nang maayos kahit na wala ako. Ngayon lang ako nahiwalay sa kanila nang ganito katagal at alam kong naninibago rin sila. Wala silang alam sa nangyayari sa akin dito sa Terra. Hindi nila alam na nasa isang impyernong lugar ako. At mas mabuti na rin ang ganito dahil ayoko na silang bigyan pa ng pangamba. "Are you crying?" tanong ni Aether na kasalukuyan na ring nakahiga sa kama niya. "Masaya lang akong makitang maayos ang lagay ng pamilya ko," nakangiti kong sabi at ipinakita ang mga larawan. Napabangon siya at mataman akong tinignan. "Saan mo nakuha ‘yan?" tanong niya. "Can you keep a secret?" Nag-alangan pa si Aether bago tumango. Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa kasunduan namin ni Prof Alarcon. Inilahad ko kay Aether ang naging usapan namin noong nakaraang sabado. "Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nakipagsabuwatan ka kay Eros?" Para siyang ama na pinapagalitan ang anak na nasangkot sa isang krimen. "Excuse me? Hindi ako nakipagsabuwatan sa kanya," I defended. "Pero ang sabi mo ay pinagtakpan mo siya. Now, you're in debt with Prof Alarcon," sabi pa ni Aether. "It's quite good. At least may balita ako sa pamilya ko kahit papaano. Na-cha-challenge ako at feeling ko ay isa akong secret detective agent, pero bakit sa akin nagpatulong si Prof Alarcon instead of Eros? Nakasisiguro akong may mas magagawa si Eros dahil sa talino niya." "Just so you know, curiosity is far from intellectual norm," kibit-balikat niyang sabi. "So curious lang ako at hindi matalino? Ganoon ba ang gusto mong sabihin?" inis kong sabi at natawa siya. Pero saglit lang din ay bigla na naman siyang nagseryoso at inayos ang suot na salamin. "Speaking of Eros..." panimula niya. "What about him?" "Nasangkot siya kanina sa g**o," natahimik ako sa sinabi niya. Now, hindi na lang ito simpleng trip ni Eros. He's up to something. "Nahuli ba siya?" I asked at tumango lang siya. "He's acting weird," seryosong sabi ni Aether at hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Napakunot ang noo niya. "What's funny?" "He's acting weird? Coming from you?" natatawa kong sabi. Kung makapagsalita siya ng weird, e iisa lang ang tingin nila sa aming apat. Natigil lang ako sa pagtawa nang batuhin niya ako ng unan. "Seryoso kasi ako. Nakita ko ‘yong g**o kanina. Bukod sa hindi niya sinubukang tumakbo mula sa mga guwardiya, si Eros ang nagsimula ng gulo." "What?" Nagulat ako sa sinabi niya. Alam kong sinasadya niyang magpahuli. Pero hindi ko akalain na siya ang magsisimula. Is it even possible na siya rin ang nagsimula ng mga recent g**g fights? Hindi ko masabi kay Aether na hindi iyon ang unang beses na nasangkot si Eros sa g**o. Ah, basta. Kailangan ko muna ng assurance na may binabalak nga si Eros. Dahil may ibang bagay pa akong kailangang alamin. At nakaisip na ako ng puwedeng maging solusyon sa problema ko at may isang tao ang makakatulong para isagawa iyon. — Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagpunta sa cafeteria. Nagpalinga-linga ako sa paligid at mabilis kong nakita ang pakay ko dahil mag-isa lang siya sa mesa. Advantage of being a stray student. "Ares," approach ko sa kanya nang maupo ako sa tapat niya. Halos maibuga niya ang iniinom niyang kape dahil sa gulat. "What the hell is your problem?" inis niyang tanong at kulang na lang ay ibato sa akin ang tasa ng kapeng hawak niya. "You know, I just want to know if you could do me a favor?" I said nicely. Sana naman ay pumayag siya. "No," malamig niyang sabi. Hindi ko pa man nasasabi ang pabor na hihingin ko ay tumanggi na siya. Wala talagang kuwenta ang lalaking 'to. "Can you—" "No," he cuts me off at humigop sa kape niya. "Baka lang kasi—" "No." Kinuha niya ang saging sa tray niya at sinimulang balatan ito. "Puwede bang—" "No." Kumagat siya sa saging na hawak. Bakit ba ayaw niya munang makinig? "Makining ka mu—" Napatigil akong muli sa pagsasalita dahil walang sabi-sabing sinubo niya sa bibig ko ‘yong natitirang kagat sa saging niya. "You're too loud. Now, eat!" utos niya at ginulo pa ang buhok ko kaya tinabig ko ‘yong kamay niya. Pilit kong nginuya ang saging sa bibig ko at nilunok. "Eat? Anong tingin mo sa akin? Aso?" Binato ko sa kanya ‘yong balat ng saging at normal lang niya iyon na sinalo. Napangisi lang siya. Dahil sa inis ay naglakad na ako palabas ng cafeteria. Curse you, Ares Sandoval! Wala ka talagang kuwentang tao. Walang mapapala sa iyo ang Terra students. Makahanap lang kami ng way para makalabas, iiwanan ka namin dito. Tandaan mo 'yan, Ares! Iiwan ka namin! Iiwan kita rito. Paakyat na sana ako sa classroom namin nang may humila sa braso ko at niyakap ako mula sa likod para hindi makawala. "Hey, get off me!" Pagpupumiglas ko. Pilit kong nilingon kung sino ang may hawak sa akin. And I was shocked seeing him eagerly seizing me sa pagpupumiglas ko. "Eros! Pakawalan mo ako!" I gritted my teeth sa sobrang inis sa kanya. "Traydor!" "There's no alliance between us, Phoebe. So technically, I can be no traitor." "This will be quick." Napalingon ako sa babaeng bagong dating. She's holding a syringe at kinuha ang braso ko. "What's the meaning of this?" Mas umigting ang pagwawala ko nang iturok sa akin ni Prof Alarcon ang hawak niya. Ilang segundo lang ay nakaramdam na ako ng panghihina. "Halika na, put her down," sabi ng propesora at inilapag na ako ni Eros sa sahig ng hallway. Tanging ang yabag lamang nila papalayo ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay. — Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napabalikwas nang maalala ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay kanina. "Glad you're awake," sabi ng nurse at inilagay ang isang tableta ng gamot sa katabing table ng kamang kinahihigaan ko. Umalis ang nurse at tinitigan ko lang ang gamot. "You've been sleeping for like five hours straight." Nabaling ang tingin ko sa kabilang kama nang marinig ang boses ni Ares. "Nandito ka rin?" Na-realize ko kung gaano ka walang kuwenta ang tanong ko. Stupid Phoebe. Hindi pa ba halata? "That professor and genius freak put something in my coffee" tila walang pakialam niyang sabi at nag-i-stretch pa ng leeg at batok. "May ginawa rin sila sa iyo?" I asked. "They knew na hindi sila uubra sa akin kung tuturukan nila ako like they did to you and to Aether. So kape ko ang pinagdiskitahan nila." "Aether?" oaninigurado ko kung tama ba ang narinig ko. May tinuro siya sa kabilang gilid naman ng kama ko at nandoon si Aether na natutulog pa rin. "Tinurukan din siya?" I asked. "Yea. Napasobra nga lang ‘yong sa kanya dahil nanlaban siya. Kalkulado nung dalawa ang ikot ng CCTV kaya nagmamadali sila sa pagturok bago sila maabutan ng rotation nito. Nagkamali ang unang turok kaya kinailangan siyang turukan ng pangalawa." Kaya pala tulog pa rin si Aether. "But how did you know?" "Because I saw how they injected it to that four-eyed freak bago umepekto ang tinurok nila sa akin. Pulido ang galaw nila kaya alam kong planado ang lahat. ‘Yong lugar, oras at CCTV rotation," sabi ni Ares. "Why would they do that?" Nagkibit balikat lang siya at bumaba na sa kama. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng clinic. Nilingon ko si Aether na pikit pa rin ang mga mata. Bakit parang walang pakialam si Ares gayong pinagtangkaan din siyang gawan ng kung anuman nila Eros? Parang hindi man lang siya nababahala? Alam kong kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya pero hindi man lang ba niya haharapin ang dalawang iyon at komprontahin? "I will kill Eros!" Nabaling muli kay Aether ang tingin ko nang muli na siyang magsalita. "May malay ka na pala," sabi ko. "Mukhang may binabalak nga si Eros. At kasabwat pa ang propesor na ‘yon." I nodded. "Halika na. Let's face them," yaya ko sa kanya. "Agad? Wala man lang plano?" protesta niya kaya napaisip ako. Ano pa bang puwede naming pagplanuhan? We don't have much time. Baka mas marami pa silang mabiktima. "Yes. Agad-agad." Tumayo na ako at puwersahan siyang hinila. "Is this already an alliance?" tanong niya kaya napahinto ako. "Yea, I think so," parang napipilitan kong sabi. "Oh God, ayokong makipag-alyansa sa padalus-dalos magdesisyon," reklamo niya. "Ang dami mo pang sinasabi!" singhal ko sa kanya at muli siyang kinaladkad, mabuti na lamang at nagpatangay siya. Natigil lang kami nang mapadpad kami sa quadrangle at nandito yata ang halos lahat ng estudyante. "Anong meron?" tanong ko sa isang estudyante. "Announcement," tipid niyang sagot na may kasama pang pag-irap. Parang napakalaking kasalanan ang makipag-usap sa amin, ah? "Excuse me," sabi ko na lang at sinadya ko siyang tabigin habang hila-hila pa rin si Aether. "What the hell!" Tanging pagrereklamo na lang ang nagawa niya. Nakarating kami ni Aether sa unahan at nakita namin ang mga nakahilerang long tables na punong-puno ng pagkain. May pa-buffet? "Enjoy the foods, Terra students! That's your reward for surviving the first round of our elimination round," sabi ni Mr. Rivero. So the first round is finally over. Walang kumuha ng pagkain kahit pa gaano kasarap tignan ang mga ito dahil paniguradong nagdududa ang lahat. "Is that even safe?" I asked at natawa si Mr. Rivero. Hindi na siya nagsalita at tinikman na lang ang mga pagkain upang patunayan na wala silang anuman na inilagay sa pagkain. Hanggang sa isa-isa na silang nagtungo sa mga pagkain at nagsimula nang kumain. Maging kami ni Aether ay nakikain na rin. Ang tagal naming hindi nakatikim ng ganito kasasarap na pagkain dahil paulit-ulit na lang ang libreng kinakain namin sa cafeteria. Nalunok ko ang lahat ng laman ng bibig ko nang makita ang pag-akyat ng isang nilalang sa maliit na stage. Lahat ay natigilan nang marating ni Dr. Hayes ang gitnang bahagi stage. "Make yourself full, students. Because the second round is about to start." Napuno na naman ng violent reactions ang paligid. "What does he mean?" mahinang tanong ni Aether sa akin at napakibit balikat na lang ako dahil wala rin akong idea. Nakita kong may inilabas si Mr. Rivero na oxygen mask at isinuot sa sarili niya. What the fudge! May binabalak na naman sila? Muling nabaling ang tingin ko kay Dr. Hayes nang i-angat nito ang kamay sa ere na parang magbibigay ng hudyat. "And the second round will start in three...two...one." He signaled and snap his fingers in the air. Ngunit wala naman kaming nakitang nagbago sa paligid. Hanggang sa ilang segundo pa ang lumipas at napatingin kami sa mga estudyante sa bandang kaliwa namin. Lahat sila ay ubo nang ubo at mga kinakapos ng hininga. Hindi ko alam ang nangyayari pero padami nang padami ang kinakapos ng hininga at inabot kami. Ang mga katabi naming estudyante ay pare-parehas nang inuubo ngunit nanatiling normal ang pakiramdam namin ni Aether. Umabot na hanggang sa kabilang dulo ang pagkakapos ng hininga ng mga estudyante at lahat ay inuubo na. "What's happening?" buong pagtatakhang bulong ni Aether at maging siya ay naguguluhan na. "Halika kayong dalawa." Napatingin kami kay Ares nang magsalita siya at hinila kami sa ilalim ng mesa. "May alam ka ba sa nangyayari?" tanong ko. "Sshh...saka na ‘yang mga tanong ninyo dahil hindi ko rin naman alam ang nangyayari. Shut your mouth at hintaying matapos ang lahat ng ito," sabi niya at nanahimik na lang kami ni Aether. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD