Monster

1982 Words
Chapter 26 'Monster' — Phoebe — "You have the same eyes, Ares," komento ni Aether na mangha-mangha pa rin sa pagharap namin sa Eureian na si Eula Crimson. Paliko na kaming apat sa canal tunnel pabalik sa dorm namin. Medyo nahuhuli na naman ako. Suot ko kasi ang malaking tsinelas ni Ares at siya ang nakayapak ngayon. "I can say that," Ares said amusedly. "I beg to disagree. Eula has soft eyes, Ares eyes are brooding," komento ko at pinilit kong tumakbo para makasabay sa kanila kahit papaano. Tumawa si Aether at Eros. Napangiti naman si Ares. "You don't get it, Phoebe. What we mean is their views. Kung ano ang maganda at pangit sa paningin nila," Eros explains. "Oh, okay," kibit-balikat kong sabi at pinanood ang paa kong awkward na humahakbang. Nang makaakyat na kami sa dorm ay nagpaalam na sina Ares at Eros. Agad naman akong naghila ng damit. Ngunit napahinto ako nang mapansin ang naka-hang kong skirt. Chineck ko pa kung iyon nga 'yong skirt kong napunit. At iyon nga. Wala na 'to kanina roon, ah? Oh, baka hindi ko lang talaga napansin. Dumiretso na ako sa bathroom at naligo. Nang makahiga na ako ay mabilis lang din akong nakatulog. Nagising ako sa alarm clock at agad ko itong pinatay. I look at Aether na naghihilik pa rin. Bumangon na ako at kinuha ang uniform ko at naligo na. Paglabas ko ng bathroom ay gising na si Aether na naghahanda na sa pagligo. "Are you excited for your lunch?" tanong niya bago pumasok ng bathroom. Nangunot ang noo ko. "Never mind. Just don't make the monster mad." He smiles at sinarado na ang pinto. Nag-ayos lang ako saglit ng sarili at lumabas na rin. Napagpasyahan naming apat na pumasok pa rin kahit na ang ilan sa mga Prof ay hindi na magtuturo. Mag-isa akong naglalakad sa hallway ng floor kung nasaan ang classroom namin nang may maramdaman akong sumabay sa tabi ko. "Papasok ka pa rin?" nakangiting tanong ni Landon. "Uh, yea." Hindi ako sanay na may ibang taong kumakausap sa akin lalo na't hindi ko usually nakakausap kaya hindi ko siya maharap. I just continue walking. Hindi siya papasok dahil napansin kong hindi siya naka-uniform. "'Wag ka na ring pumasok. Pupunta na kami sa open field para ayusin 'yong kakailanganin sa picnic natin mamaya," anyaya niya ngunit nag-alangan ako. "Pasensya na, may tinatapos kasi kami," nahihiya kong sabi. "Oh, pero pupunta ka naman mamaya, 'di ba? You won't ditch Abby," biro niya at natatawa akong tumango. May isang nilalang na lumagpas sa akin mula sa likuran at napatingin ako sa likod niya nang nasa unahan na namin siya at mabilis na naglalakad. Nabigla pa ako nang makilala ang likod niya. Ang malapad at makisig niyang likuran. His shoulder length hair is in a bun. Be in a bun or simply let his hair down, he will always look so dangerous. Scary! Hanggang sa bigla na lang siyang maglaho sa paningin ko dahil sa agarang pagsulpot ni Abby at ng mga kaibigan niya sa aking harapan kaya napahinto kami Landon. Ang ingay nila dahil pinipilit nila akong sumama na sa kanila ngayon pa lang. "Pasensya na talaga, guys, pero may gagawin pa kami," sabi ko at napasulyap kay Aether na dumaan sa gilid namin at napakunot ang noo sa ingay ng mga kasama ko. Tinanguan niya lang ako at ganoon din ang ginawa ko. Dumiretso na siya sa classroom namin. "Sige, basta before lunch, nandoon ka na dapat," sabi ni Abby at tumango ako. Pinakawalan lang nila ako matapos ang ilang pangakong pupunta ako. Napanganga ako pagpasok ko pa lang ng classroom at inilibot agad ang paningin ko. Parang dinaanan ng delubyo ang aming classroom dahil sa misaligned armchairs at nakatumba pa ang karamihan. Nabaling ang tingin ko kay Eros na sumisipol. Silang dalawa lang ni Aether ang nandito sa loob. "I already told you na huwag galitin ang halimaw," sabi ni Aether kaya lumapit ako sa kanila. "What happened?" Nagsimula na ba ang LLT at sinugod na kami ng mga tauhan nina Dr. Hayes? I need to be enlightened ngunit kibit balikat lang ang isinagot nila sa akin. "Where's Ares?" wala sa sariling tanong ko. "Don't know. Baka sa clinic?" said Eros. "What? Is he sick?" I asked. But I saw him kanina na papunta na rito, e. "Ewan. Pero mukhang masakit ang mata, e." Aether chuckled. Naupo ako at hinintay ang pagdating ni Ares. Ngunit nai-kuwento na yata ni Aether ang kanyang talambuhay ay hindi pa rin dumarating 'yong isa. Where the hell is he? "Sa isang computer school sa America talaga dapat ako mag-aaral. But my mom enrolled me here instead," sabi ni Aether. Halos lahat ng ikinukuwento niya ay ang pagiging masunurin niyang anak. So I conclude that he's an indeed mama's boy. "Kailan ka nahilig sa computers?" tanong ko at kumuha sa chips na hawak ni Eros. "I started typing in a computer since I can remember," natatawa niyang sabi. "What's your masterpiece?" Eros asked. "Wala pa. Marami na akong inventions, pero wala pa akong maituturing na masterpiece. I'm still working on it." Lumagok siya sa hawak niyang canned softdrinks. "So, may iniimbento kang malaking bagay?" tanong kong muli. "Yea, kung hindi lang dahil dito sa LLT, siguro ay tapos na iyon," sabi ni Aether. "What is it? Robots?" usisa pa ni Eros. "No. Time machine..." Namilog ang mga mata namin sa inihayag niya. "No way, dude!" puno ng excitement na sabi ni Eros kaya napahalakhak si Aether. "Yes, kung palarin at makabalik tayong muli rito sa Earth, 'yon ang una kong gagawin. Ang tapusin ang invention kong iyon." Nagniningning ang mata niya at kita ang antisipasyon. Malalakas at matutunog ang tawanan namin dahil sa pagpapatuloy ng walang kuwenta naming usapan. Pasimple akong luminga-linga sa paligid upang tignan kung nandito na ba si Ares. Ngunit wala pa rin siya. "E, ikaw, 'Ros? May experiment ka na bang matuturing mong masterpiece?" tanong ko nang masigurong walang Ares na darating. "Nakuwento ko na sa'yo si Epacs, 'di ba? My most complicated invention," sabi niya at sumandal sa inuupuang armchair. "'Yong laruan mo?" "Oo. Kaunting assemble na lang, matatapos ko na sana siya. Actually, si Kuya ang nagsimula no'n. Nakita niya ang interest ko sa pag-aassemble kaya hinayaan niya ako. Sinimulan ko iyong i-assemble ilang buwan bago mawala si kuya. At ngayon, patapos na. Sayang!" Kita ang panghihinayang sa mukha niya. Parehas sila ni Aether na hindi natapos ang kanilang hilig dahil sa mga nangyayari ngayon. "Sayang," sabi ko na lang. "Okay lang, 'pag lumalabas naman si mommy ng Terra, nabibisita niya ang laruan ko at sinusubukang tapusin. And she said na almost done na raw. Kailangan na lang i-test." Tumango-tango kami ni Aether. "Magtuturo si Prof Perez," sabi ng mga classmate naming bagong dating. Mga sampo sila at a-attend ng class. Alas diyes na at ito pa lang ang unang klase namin sa maghapon. Nakaka-miss din pa lang magklase. Kahit kaunti lang kami ay nakapagturo pa rin si Prof Perez. Matapos ang isa't kalahating oras na klase ay tumayo na kami para sa lunch. "Tutuloy ka sa lunch ninyo?" tanong ni Eros nang naglalakad na kaming tatlo sa hagdan. "Oo, e. I made a promise." Tumango sila at naghiwalay na kami ng way. Tinahak nila ang daan papunta sa cafeteria at ako naman ay sa open field. They said na ihahatid nila ako but I pushed them away. I'm not a grade schooler. Malayo-layo pa ako sa field ay nakikita ko na ang malaking pagkaway ni Abby sa akin. Abot tainga ang ngiti niya at nakaupo sa picnic blanket na nakalatag. May karamihan ang estudyante sa open field. Mga magpi-picnic din yata. Kinawayan din ako ng iba pa niyang kasama. "Akala ko hindi ka na makakarating, e," sabi ni Abby pagkalapit ko. Tinapik niya 'yong tabi niya kaya naupo ako roon. "Maaga pa lang ay nandito na kami para makakuha ng magandang puwesto," sabi ni Ara at napansin kong nasa lilim kami ng puno kaya hindi nasisikatan ng araw. "Oo nga, kaya pala pinilit ninyong maaga kanina. Nasaan sila?" I asked dahil si Abby, Ara at Bea lang ang nakaupo. Ngumuso si Abby at tinignan ko ang direksyon na nginunguso niya, nakita ko sina Landon na nag-iihaw. Kasama niya ang sa tingin ko'y kasamahan niya sa g**g. "Kanina pa siya nangungulit kung pupunta ka raw ba. She got a little crush on you. Nahihiya lang siya dati dahil sa weirdness mo. Baka raw makasira sa gangster image niya," natatawang sabi ni Bea. I don't know kung matatawa ba ako or ma-o-offend sa sinabi niya. Well then, bitchy talaga ang mga estudyante rito kaya sanay na ako. Nagsisimula lang magkaroon ng unity dahil sa mga nangyayari. Kailangan namin ang isa't isa. "Let's help them!" Tumayo silang tatlo at hinila ako ni Abby patayo para pumunta sa kanila. "Hey..." Medyo nagulat pa si Landon nang makita ako. Tinanguan ko siya at pinanood lang namin silang mag-ihaw dahil ayaw nilang mangialam kaming mga babae. Nakikinig lang ako sa usapan nila at nakikitawa. Nagsasalita lang ako kapag may tinatanong sila. "Ang tahimik mo talaga, Phoebe." Napasulyap ako kay Landon at nakangiti siya. "Mahiyain kasi talaga ako, sorry." I smiled at him. "Pre, ilagay mo na 'yong iba ro'n," utos ng isang kaibigan niya at kinuha ni Landon ang iniaabot. Masyado iyong marami kaya nagprisinta na akong tumulong sa pagdadala sa puwesto namin. Busy na kasi sina Abby sa pagtatalop ng mangga. "Halika na, balik na tayo..." sabi niya nang mailapag na namin ang mga inihaw sa picnic blanket. "Susunod ako. Pahinga lang," sabi ko dahil kanina pa kami nakatayo roon. Tumango siya at nag-jog na pabalik sa mga kasama namin. Pinanood ko lang sila mula rito. Halatang nag-e-enjoy sila. They are right, mas okay nga kung susulitin namin ang mga nalalabing oras namin dito sa Earth. "He's the reason why you attended this lunch?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang baritonong boses ni Ares na naupo sa tabi ko kaya agad ko siyang nilingon. "Saan ka nanggaling?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Sana ay hindi mahalata sa boses ko na kaninang umaga ko pa hinahanap ang presensya. Napataas ang kilay niya sa tanong ko. "Why? Does it matter? Seems like you're enjoying," sabi niya at nilingon ang mga kasama kong nagtatawanan sa 'di kalayuan. "Phoebe!" Nilingon ko si Landon at tumayo si Ares nang makitang naglalakad ito palapit. May hawak itong bowl. Tumayo rin ako at hinintay ang paglapit ni Landon. Sumadal lang si Ares sa puno at pinamulsa ang magkabilang kamay. "You should try this," inialok sa akin ni Landon ang bowl na may lamang sliced green mangoes nang magkaharap na kami. "Tikman mo." Ngumiti lang ako kay Landon dahil sa pagkailang, Ares is watching us. Imbis na hintayin akong kumuha, si Landon na ang kumuha ng bite size at inilapit ang bibig ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Ares. Kinuha ko na lang sa mga daliri ni Landon ang mangga at ako na ang nagsubo sa sarili ko. I smiled at him at nilingon si Ares. Ang matatalim niyang titig ay wala sa akin kundi na kay Landon na patuloy na kumakausap sa akin ngunit wala sa kanya ang atensyon ko. Bumaba ang tingin ko sa mga braso niyang nanginginig. I look at his pockets at alam kong nakakuyom nang mariin ang kanyang mga kamao sa loob nun. I can see it in his veins. His eyes diverted on me and look at me in high intensity. "Landon!" tawag ng isa niyang kaibigan at nagpaalam siya saglit sa akin. Nang makalayo si Landon ay saka lang ulit lumapit sa akin si Ares. "I'll give you time para makipagtikiman ng mangga sa kanya. You need to be in the cafeteria in five minutes." Hindi na niya ako binigyan pa ng chance para makapagprotesta dahil naglakad na siya palayo. Napapikit na lang ako. I'm sorry, Abby. Hindi ko na hinintay ang five minutes. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanila dahil sinundan ko na si Ares at hinabol. "Hoy!" Hawak ko sa makisig niyang braso nang makasabay na ako sa paglalakad niya. "Don't touch me, amoy usok ka." Napahalakhak ako sa kaartehan niya. "Are you jealous?" biro ko. "Save that! I won't answer it now!" Iritable niyang sabi. Napakagat labi na lang ako at pinilit na makasabay sa kanya. Boys with their gigantic steps! —

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD