Chapter 11
'Eureian'
— Phoebe —
Para kaming nakaabang sa isang magic show habang pinapanood ang mag-ina na buksan ang pinto ng tila isang higanteng vault. Dim lights sa loob kaya nagkatinginan kaming tatlo. Naunang pumasok si Prof Alarcon na suot ang oxygen mask. Sumunod si Eros at tumingin sa amin.
"Pasok. We need to close the door immediately," sabi nito kaya agad kaming pumasok. Bigla na lamang kaming naubo dahil sa suffocation. Saglit na kakapusan ng hininga lang ang naranasan namin at naging normal na ulit ang paghinga namin.
"What was that?" tanong ni Ares.
"This room has an atmosphere of Eureia," sabi ni Eros. Kaya pala nagkaroon kami ng saglit na suffocation. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kuwarto. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip na kung maging successful man ang LLT ay sa ganitong atmosphere kami titira.
"Ano namang pumasok sa isip ng mag-asawang Crimson at sa ganitong klase ng lugar nila naisipang manirahan?" Hindi ko maiwasang hindi magbigay ng komento.
"Lahat ng nakikita ninyo, nalalanghap ninyo, replika lamang 'yan ng Eureia. The actual Eureia can be worse," sabi ni prof. Yea, hindi imposible ang sinasabi niya. Sa replika pa lamang ng Eureia ay hindi na ako makakatagal, how much more kung nasa mismong Eureia na kami?
Nagsimula kaming maglakad nang dahan-dahan. Para kaming nasa isang tour at silang mag-ina ang guide namin. Ang daming aparato rin ang nasa loob. Mga cord na kung titignan mo kung saan nakakonekta ay mahihilo ka dahil sa buhol-buhol na ang mga ito.
"Those equipments and monitors, sila ang nagpapanatili ng atmosphere ng Eureia dito," paliwanag ni prof. "Kung hindi napag-aralan ni Eros ang Eureia atmosphere, maaaring naputol na ang supply ng hangin dito dahil naubos na ang supply na si Eula mismo ang nag-setup," dagdag niya.
"Magsimula na tayo sa mga gawaing dapat ninyong gawin," sabi Eros.
"Phoebe," tawag sa akin ni prof.
"Yes?"
"Your mission is to solve the mystery inside Terra. Marami akong nalalaman ngunit hindi kasama sa nalalaman ko ang tungkol sa pagkawala ng daan palabas. I've been watching you these past few days at alam kong may mga lead ka na," sabi niya at tumango ako.
"Isn't that too risky? She'll investigate? What if she got caught?" tanong ni Ares at nakita ko ang pagngisi ni Eros.
"Diyan papasok ang misyon mo," sabi ni Eros.
"And what it is?"
"You need to train us. Hindi puwedeng puro talino lang kami. Like what you've said, it's too risky. Hindi lang ang misyon ni Phoebe, lahat ng sa atin ay risky. We need to defend ourselves," sabi nito.
"What made you think na papayag akong i-train kayo? You could be our assailant for all I know," sabi ni Ares.
"Whether we're your assailant or not, Phoebe is still at risk," sagot ni Eros.
"I swear, I'm gonna beat your a*s off oras na makalabas tayo ng Terra," sabi lang ni Ares bilang pagpayag.
"How 'bout me?" tanong ni Aether nang siya na lang ang hindi inaatasan ng task.
"We need you in manipulating Terra U's computer system. Block, those needed to be blocked. Unblock, those needed to be unblocked," Eros said.
"Phoebe, I need your report tomorrow. I want it to be firm and with basis. Ares, the training will start tomorrow. Same time, same place. Aether, you'll start your mission oras na makapag-report sa akin si Phoebe," sabi niya at tumingin kay Eros. "Time?" tanong niya.
"6:45." Hindi ko namalayan na almost two hours na rin kaming nagpapaliwanagan dito.
"We don't have much time. May ipapakita pa ako sa inyo. Pero kailangang makabalik kayo sa mga kuwarto ninyo before 7," sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakarating kami sa bahagi ng kuwarto na may mga naglalakihang glass cages. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa kyuryosidad kung bakit may mga ganito rito. Para siyang mga pinaglalagyan ng mga taong pini-preserve para pag-aralan. 'Yong parang may tubig sa loob?
Nahinto ako sa pagtingala sa mga bagay dahil nauntog ako sa likod ni Ares. Huminto rin pala sila. Tinignan ko ang tinitignan nila at napatakip ako sa bibig ko. May isang glass cage and it's crystal clear. Ang nakakagulat ay ang isang babae sa loob nito.
And daming cord ang nakakonekta sa iba't ibang bahagi ng katawan niya mula ulo hanggang paa. May kulay asul din na tubig sa loob ng glass cage at nagmistulang nakababad ang buo niyang katawan at mukha siyang naka-preserve. Her eyes are closed and she's unconscious. Parang siyang nasa mga movie na pinag-aaralan ng mga scientist at pinag-experimentuhan.
"Who is she?" tanong ko.
"She's a Eureian." Napanganga ako sa sinabi ni Prof. Seriously? Bakas din kina Aether at Ares ang pagkabigla sa nalaman.
"It's not safe for her na ma-expose dahil na rin sa permanent EBP na nasa kanya. Unlike our EBP, permanent ang sa kanya kaya hindi ganoon kadaling ipakilala sa katawan niya itong fake Eureia atmosphere. Kaya kinailangan pa naming mag-customize ng isang giant cylinder na may strong Eureia atmosphere," sabi ni Eros.
"Ares," tawag ni Prof kay Ares habang nakatingin kaming lahat sa babaeng nasa loob.
"What?"
"That Eureian is Eula Crimson. And she is your real mother." Napanganga akong muli dahil sa narinig ko.
"What the hell are you talking about?" nanlulumong tanong ni Ares.
"She is your mother," kaswal na ulit ni Prof.
"Hell no! Alam kong hindi ko tunay na ina ang kinalakihan kong ina. But that Eureian can't be my mother!" sabi ni Ares at tumalikod na. Hahakbang pa lang sana siya para mag-walkout ay napatigil na siya nang magsimulang magsalita si prof Alarcon.
"October 1997 nang malaman ni Eula ang tungkol sa project LLT. Sinubukan niyang pigilan si Leander tungkol dito ngunit nagmatigas ito. Hindi na naatim pa ni Eula ang makasariling plano ni Leander kaya nag-travel siya pabalik dito sa Earth mag-isa. Hindi pa sila Eureian noong mga panahong iyon at tanging temporary EBP pa lang ang nasa kanila," sabi niya.
"You're talking nonsense," giit ni Ares.
"Lingid sa kaalaman nilang mag-asawa, isang buwang buntis na si Eula nang mga oras na 'yon. Siyam na buwan ang itinagal ng biyahe niya pabalik sa Earth kaya sa spacecraft ka na niya isinilang at isang buwan ka na nang makarating kayo rito sa mundo," patuloy niya.
"At bakit niya ako kailangang ipamigay?" galit na tanong niya.
"Upang itago ka sa iyong ama, si Leander Crimson. Alam niyang oras na malaman niyang may anak sila, maaaring isama ka niya sa community na binabalak niyang itayo sa Eureia. Kung kayong tatlo lamang ang magsasama sa Eureia ay walang tutol si Eula. Ngunit ayaw ni Eula na may madamay na ibang tao kaya naging against siya sa LLT."
"Paano sila naging Eureian?"
"Unang naging Eureian si Leander kung kaya't bigla itong nawala sa eksena. Nasabi rin sa akin noon ni Eula na ilang beses tinangka ni Leander na turukan siya ng permanent EBP. Hanggang sa nalaman ni Leander na nawawala ang apat na temporary EBP na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng mga tauhan niya. Walang ibang nakakakilala kay Leander sa mga tauhan niya kundi si Dr. Hayes lamang,"
"Can we stop it here? Let's end this conversation 'cause you're not making any sense," inis na sabi nito.
"Hey, Ares, watch your words. That's my mom," suway ni Eros. Hindi sila pinansin ni Prof na nagpatuloy lang sa pagsasalita.
"Noong dumating sila sa ospital kung kailan namin itinanim sa inyo ang EBP, ay 'yon ang araw na sapilitang tinurukan ni Mr. Rivero si Eula ng permanent EBP. It took two days bago umepekto ang EBP. At ginamit niya ang dalawang araw na iyon para hanapin ang kaibigan naming si Delilah, and there, ipinagkatiwala ka niya sa kanya at hiniling na i-train as a hunter para na rin makakayanan mong protektahan ang sarili mo," paliwanag muli ni Prof.
Hindi nagsalita si Ares. Tinignan niya lang ang babae sa loob ng giant cylinder at tahimik na nakamasid dito.
"This room was Eula's idea. We need to preserve her hanggang sa makahanap kami ng solusyon sa pagiging Eureian niya," muling patuloy ni Prof.
"I know this is too much to take, Ares. And we guys need to rest," sabi ni Eros.
"Halika na." Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa mapansin kong hindi sumusunod si Ares. Nilingon ko siya at nanatili siyang nakamasid sa kanyang ina. Naglakad ako pabalik sa kanya at hinawakan siya sa braso. Saka lang siya natauhan.
"We're going," sabi ko kaya napatingin siya sa pintuan at nakita niyang nakatingin sila sa amin at hinihintay na kami. He spaced out. Kung ako ngang nakikinig lang sa paliwanag ni prof Alarcon kanina ay hirap na hirap nang i-absorb ang katotohanan, how much more Ares na isang napakalaking bahagi ng pagkatao niya ang kanyang nalaman.
"Yea," sabi niya at naglakad na kami papunta sa mga kasama namin. Muli naming dinaanan ang canal tunnel. So araw-araw na kaming dadaan sa lugar na 'to since may mga training pa kaming pagdaraanan? Nilingon ko si Ares na tahimik na naglalakad. Nang makaakyat na kami sa CR ay sobrang dilim na, para lang hindi kami makita sa CCTV.
"Nakakapagod. Hanggang ngayon ay pina-process pa rin ng utak ko ang mga sinabi nila," sabi ni Aether.
"I'll go ahead," paalam ni Ares at narinig ko na ang footsteps niya papalabas ng kuwarto.
"Ares," tawag ko sa kanya at huminto siya.
"What?" What? Bakit mo siya tinawag, Phoebe? Bakit ko siya tinawag? "Why, Phoebe?" inip niyang tanong.
"'Wag kang tatanga-tanga sa daan. Baka may makakita at makahalata sa'yo, madamay pa kami," sabi ko na lang dahil ayun ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
"Ikaw ang 'wag tatanga-tanga, Phoebe. Kaya kong lusutan lahat ng pagdududa nila if ever na maging careless ako." Kahit hindi ko maaninag ang mukha niya ay alam kong nakangisi siya.
"Basta, huwag kang tatanga-tanga," sabi ko.
"No, tell that to yourself. 'Wag kang tatanga-tanga," he fires back.
"I get it, guys. ‘Wag kang tatanga-tanga is the new term of take care," natatawang sabi ni Aether at narinig ko na ang paghiga niya sa kama.
"Tss. I'll go now," sabi ni Ares at sinundan ko na siya hanggang sa pintuan. Nakahiga na si Aether kaya ako na lamang ang magla-lock ng pinto. "Turn the lights on," utos niya nang makalabas siya at narinig ko ang pagtawa ni Aether.
"Phoebe is like a sister to me, Ares," sabi ni Aether na nakatalukbong na ng kumot. Binuksan ko na ang ilaw at muli nang nagpaalam si Ares. Naglakad na ako papunta sa kama ko at nahiga. Pinipilit kong i-sink in ang lahat ng nalaman ko.
Napabuntong hininga na lang ako dahil nadamay lang naman pala talaga ako rito dahil no choice na si Prof Alarcon.
—