Chapter 12
'Mystery Code'
Phoebe's PoV
Hinayaan kong banayad na tamaan ng maligamgam na tubig ang aking katawan. Tumingala ako para matamaan ng shower ang mukha ko habang nakapikit.
'I'll wait you home, sweetie.'
Bigla na lamang nag-echo sa pandinig ko ang mga huling salitang binitiwan ni mommy bago kami maghiwalay nang inihatid niya ako rito sa Terra. Kaya pala ganoon na lang ang sinabi niya noon, dahil alam niyang magiging mahaba ang ilalaan kong oras sa misyon na 'to. Sinabi niyang hihintayin niya akong makabalik at umaasang makakauwi ako nang buhay.
How I wish I could.
Nang matapos ako sa paliligo ay lumabas na ako ng CR. Tulog pa rin si Aether dahil maaga pa naman. Nag-ayos lang ako saglit at lumabas na ng dorm. Tinahak ko na ang daan papuntang library. I still have task from Prof Alarcon na hanapin ang anak niyang si Red. As expected, wala pang estudyante dahil maaga pa. Mas makakakilos ako nang maayos. Naupo ako sa couch at kumuha ng isang babasahin na nakapatong sa center table.
Muli kong binuklat ang year book ng Terra kung alin ang mayroong information about Jarred Alarcon. Binalikan ko ang pahina kung saan ako huminto dahil nakita ako ni Mr. Rivero noong unang beses ko itong subukan. Sinimulan kong basahin ang profile ni Jarred. Mabilis lang makita ang profile niya dahil pasok siya sa Top 10 students noon. Hindi na ako nagtakha nang mabasang champion siya sa lahat ng Science quiz bee na sinalihan niya.
Naka-indicate din ang grades niya noong grade 5. From first grading up to third.
Third? Does it mean na hindi niya natapos ang grade five dahil wala ang average niya noong fourth grading nila? Kung ahead siya sa amin ng two years, ibig sabihin fourth year college na siya? Inisa-isa ko pa ang ilang larawan niyang nasa collage. Karamihan sa mga larawan niya ay may isang batang babae siyang laging kasama.
Bukod sa masyado pa silang mga bata, black and white ang collage kaya imposibleng mamukhaan ko ang batang babae. Kung lagi siyang nakakasama noon ni Jarred, malaki ang possibility na kaibigan niya iyon. Maaaring makakuha ako sa kanya ng kahit kaunting impormasyon tungkol sa biglaan nitong pagkawala.
She's surely a fourth year college student now. Kailangan ko lang alamin kung anong course at pangalan niya. Pero paano kung wala na pala ang babaeng 'to rito sa Terra U? Paano kung matagal na pala siyang nag-transfer sa ibang school? Or paano kung nanatili siya rito sa Terra pero nakasama sa mga namatay na?
I need to be positive. Gusto kong subukan ang alas na 'to. Sana ay maging madali lang ang paghahanap ko sa batang babaeng ito. Ngunit paano ko siya hahanapin nang walang makakahalata? Isinakto ko ang labas ko sa kadalasang oras ng paglalakad ni Prof Alarcon sa hallway. At hindi naman ako nabigo. Pasimple kong sinabayan si Prof at pinipilit na hindi magpahalata sa CCTV na may sadya ako sa kanya.
"Kilala mo po ba ang batang babaeng laging kasama ni Jarred noon?" tanong ko na diretso lang sa daan ang tingin.
"Hindi," tipid niyang sagot.
"'Yon pong lagi niyang kasama noon?" paglilinaw ko. Imposibleng hindi niya kilala 'yon dahil maraming pictures sina Jarred together.
"Maraming nakakasalamuha si Jarred noon. At hindi ko magagawang isa-isahin 'yan ngayon. But there was a girl's name na madalas niyang banggitin noon. Jairah Bluestone," sabi niya.
"Saan ko siya maaaring mahanap?" tanong ko.
"Wala akong idea sa kung sino siya. I tried few researches about her pero hindi ko siya nakakakitaan ng anumang koneksyon sa pagkawala ni Jarred. Here..." sabi niya at iniabot sa akin ang isang notebook na dinukot niya sa bag niya kung nasaan ang mga lectures namin.
"What's this?" pasimple ko na lang na tanong.
"That's Jarred's. Baka makatulong," sabi lang niya at nahinto na kami sa pag-uusap nang makarating na kami sa classroom namin. Nagtungo agad siya sa table niya at ako naman ay sa upuan ko. 10 minutes pa naman bago magsimula ang klase kaya binuklat ko muna ang notebook na pagmamay-aari ni Jarred.
Nakakailang pahina pa lang ako pero parang pinipiga na ang ulo ko dahil puro formulas at equations ang nakasulat dito. Bata pa lang si Jarred nang isulat niya ito pero ganito na ang pag-iisip niya? Gano'n ba talaga siya katalino?
Pinagpatuloy ko ang pag-i-scan hanggang dulo. Halos walang ibang nakasulat sa last page ng notebook kundi ilang pangalan.
Jarred = Jairah
Jarred² + Jairah
At may naka-drawing pang square sa ibaba. Sa gitna ng square ay mayroon ding nakasulat.
"Six numbers, 180° rotation"
What? May kinalaman ba 'to sa equation sa nasa itaas? Pangalan ito nina Jarred at Jairah. Pero anong ibig sabihin ng mga nakapaloob sa pangalan nila? Napansin ko ang ballpen na nakasuksok sa binder ng notebook kaya kinuha ko iyon. May nakasulat din dito.
"3 inches, upward." Ayon sa nakasulat. 3 inches? Upward? Ano na naman 'to?
Walang malinaw sa lahat ng 'to. Ang alam ko lang ay isa 'tong code. Ngunit para saan ang code na 'to? May maitutulong ba ito sa amin? May magagawa ba 'to para mailigtas ang buong Terra University? I have an instinct na bigyan dapat ng chance ang code na 'to at pagtuunan ng pansin. Pero ilang beses na ba akong binigo ng instinct ko? Ilang beses na ba akong napahamak dahil sa maling instinct na binibigyan ko ng pansin?
What if mali na naman ang instinct ko? Ano ba talaga? Should I solve this puzzle or just simply ignore it dahil may mga bagay na mas mahalaga pa rito?
Muli akong napatitig sa ballpen na hawak ko at doon ko lang na-realize na isa pala itong pen torch. Binuksan ko ang torch at gumagana pa naman ang ilaw nito. May kinalaman din kaya ang torch na 'to sa pagtuklas ng mystery code? Hindi ko pa alam ang gagawin sa pen torch na 'to kaya ibinalik ko na muna ito sa pagkakasuksok sa binder.
Nagsimula na si prof Alarcon sa kanyang mga aralin. Break time nang sinubukan kong kausapin si Eros tungkol sa notebook ng kuya niya.
"Have you seen this?" tanong ko nang maupo siya sa table namin ni Aether sa cafeteria. Kinuha niya ang notebook na inaabot ko sa kanya.
"Yes. Why?" kaswal niyang sabi.
"It has codes," sabi ko sa kanya.
"I know. I already saw that. Bata pa lang kami ay mahilig nang magbigay ng codes si kuya. Pero wala kaming tiyaga mag-solve ng ganyan," sabi niya at napangisi ako. "What's with the smirk?" taas-kilay niyang tanong.
"Matatalino lang kayo. Pero naka-stuck na kayo sa capacity ng IQ ninyo. Wala kayong kakayahang gamitin ito sa ibang paraan para subukan kung hanggang saan kayo dadalhin ng utak ninyo. Boring," sabi ko.
"Are you taunting me?" natatawang tanong ni Eros.
"Stating the fact. Moving on, as I was saying, may code ito. Hindi ko lang alam kung makakatulong ito sa atin, sa paghahanap sa kuya mo at sa pagtakas sa Terra," sabi ko.
"What do you guys think?" tanong ni Eros. Maging siya ay hindi niya alam kung may kinalaman ba ang lahat ng 'to.
"Let's give it a shot," sabi ni Ares nang maghila siya ng upuan at nakisalo sa amin. Himala! Nagkusa siyang lumapit at hindi na nagpa-hard to get pa.
"You think we should?" tanong ni Aether.
"Everything now is worth a shot. Wala rin namang mawawala," sabi nito at sumubo ng kanin.
"You know what to do, Phoebe," sabi ni Eros at napangiwi ako.
"What? Ako talaga?" nanlulumong sabi ko. "Ang hirap simulan ng decoding na 'to. Dahil una sa lahat, hindi ko alam kung para saan 'to."
"I know you can do it, Miss Holmes," Aether cheered and I rolled my eyes.
"What's your first step?" tanong ni Ares.
"Find Jairah Bluestone, of course," I said in defeat. Mukhang mga wala naman talaga silang balak na makisali sa pag-solve ng puzzle na 'to.
"Wala kaming maitutulong diyan. Wala talaga akong kilalang Jairah na laging nakakasama ni kuya. Madalas ko lang siyang naririnig na kinukuwento niya noon," sabi ni Eros.
"Is there any possibility na nag-transfer na siya simula noong mawala si Jarred?" tanong ni Aether.
"The question is...did she study here?" Napataas ang kilay nilang tatlo sa sinabi ko.
"What do you mean?" Eros asked.
"I just realized... maaaring hindi talaga siya rito nag-aral dahil maging si Prof Alarcon ay hindi siya kilala," I said. Unti-unti nang pumapasok ang mga conclusions sa utak ko.
"Then bakit sila may picture together? Imposible namang na-meet ni kuya si Jairah somewhere else dahil bahay at school lang ang naging takbo ng buhay namin noong mga bata pa kami," Eros stated.
"That's the reason why I need to know who Jairah was. We need to talk to her," I tell them.
"Paano mo siya hahanapin? Nakakulong tayo sa Terra," Aether said. Hindi ako nagsalita at tinignan lang sila isa-isa. Kailangan na rin naman ni Prof Alarcon ang report ko about Terra kaya mas okay nga kung subukan ko na ang plano ko. Binilisan ko ang pagkain kaya nagtakha sila nang agad akong lumabas ng cafeteria. Nagtungo agad ako sa dorm at kinuha ang hawla. I checked the bird at magaling na ito.
Itinali ko si Fifth sa may leeg ng ibon upang mas madali kong makita ang nasa harapan niya. Saka ko ito pinakawalan at agad naman siyang lumipad. Ni-record ko ang mga footage para ipapanood kay Aether mamaya. Bumaba na ako ng dorm ngunit nakamasid pa rin ako sa ibon. Paikot-ikot lang ang ginagawa niyang paglipad. Kaunti lang ang taas niya sa school building.
Dahil sa katitingala ko sa ibon ay hindi ko napansin na may makakabungguan na ako kaya agad ko itong nilingon. Muli akong nakaramdam ng panlalamig nang makita si Mr. Rivero na titig na titig sa akin at punong-puno ng pagdududa.
"Namumutla ka yata, Miss Villamor?" pormal niyang puna sa akin.
"Pasensya na. Hindi ko kayo napansin." Isinantabi ko ang kabang nararamdaman ko at hinarap siya sa normal na paraan.
"Malalim siguro ang iniisip mo kaya hindi mo ako napansin. Ano kaya ang bumabagabag sa isang Phoebe Villamor?" makahulugang tanong niya.
"Wala po. Hindi ko lang talaga kayo napansin," sabi ko at tumango lang naman siya ngunit hindi naaalis ang paningin sa akin.
"Okay. A friendly reminder, Miss Villamor, huwag mo nang ipagpatuloy. Mapapahamak ka lang." Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Mr. Rivero.
Ngumiti siya, tinapik-tapik ako sa balikat at natatawa akong nilagpasan. May isang minuto na rin siguro mula nang umalis siya ay hindi ko pa rin magawang humakbang. Patuloy na nag-e-echo ang mga huling salitang binitiwan ni Mr. Rivero.
'Mapapahamak ka lang.'
-