Chapter 10
'Planet Eureia'
— Phoebe —
Halos matumba ako nang bigla na lang akong ibinaba ni Ares nang makapasok kami sa isang pinto.
"I hate you to infinity and beyond!" singhal ko sa kanya at nginisian niya lang ako.
"Ssh..." We heard someone hush at nilingon namin ang pinanggalingam no’n. Nakita namin si Prof Alarcon na naka-laboratory gown at naglalakad palapit sa amin. "You made it, students," bati niya sa amin at dumating din si Eros.
"Tungkol saan po ang pag-uusapan natin?" hindi na ko nagpaliguy-ligoy pa at nagtanong na ako.
"Maupo kayo." Itinuro niya ang upuan sa tapat ng table kung saan nakapatong ang iba't ibang kulay ng mga likidong marahil ay pinag-aaralan nila. Naupo kami at nakatayo si Prof sa harap namin. Para lang kaming nasa classroom. "Let's start, Eros," sabi niya kay Eros.
"Yes, mommy," sabi nito at naglakad papunta sa tabi ni Prof Alarcon.
Wait—
"Mommy?" the three of us said in unison.
"Eros is my son," kaswal na sabi ng propesora. What the fudge? Seriously?
"Bakit Fuentes ang last name niya?" tanong ni Aether.
"Ang Alarcon ay apelyido ng yumao kong asawa. Fuentes ang apelyido ng ama ni Eros at iyon ang pinagamit ko sa kanyang apelyido," sabi ni Prof Alarcon.
"So, kapatid niya si Jarred?" tanong ko at tumango siya.
"Half brother," sabi pa niya. Kaya pala noong isang beses na nag-usap kami tungkol sa mga bagay na nami-miss namin sa labas ng Terra, ang sabi niya ay imposible niya raw na ma-miss ang mommy niya. 'Yon pala ay dahil kasama naman niya ito sa loob ng Terra.
"Going back to the business, oras na para malaman ninyo ang totoo tungkol sa kung sino at ano ba kayo." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"What do you mean?" tanong ko.
"I just need your ears right now, Phoebe," sabi niya at nag-make face lang ako sa kanya.
"This is the EBP. The one we injected to you, guys. Eureia breathing potion," sabi ni Eros at ipinakita ang test tube na may kulay abong likido.
"Paano ninyo na-imbento 'yan?" tanong ni Aether.
"By examining this," sabi ni prof at ipinakita naman ang pamilyar na botelya. Ayun 'yong kinuha ni Eros sa clinic.
"It is a sand from Eureia," sabi ni Eros at napanganga ako.
Wow!
"I gave him a task na pag-aralan ang bagay na 'yan na nagmula pa sa Eureia. At nagawa niya ang EBP," proud na sabi ng mommy ni Eros.
What do you expect? He's a science genius.
"May susi ka ng cabinet na pinaglalagyan niyan, 'di ba, Prof? Bakit inutusan mo pa si Eros na kumuha niyan?" I asked.
"To avoid interrogation. Kung makikitang may kinuha ako sa cabinet, magdududa sila lalo pa't hindi naman hugis at kulay gamot ang botelya. Eros, explain...
"Base sa pag-aaral na ginawa ko, may malaking amount ng hydrogen at helium ang present dito kaya sinubukan ko kung may pagkakatulad ba ang atmosphere ng Jupiter sa atmosphere ng Eureia since they are both composed of a huge amount of the said compound," paliwanag pa ni Eros.
"At magkatulad lang sila ng atmosphere?" tanong ni Ares. Bakit ‘pag sila, puwede magtanong? Ako, hindi!
"Almost. Matapos kong pag-aralan ang buong atmosphere ng Jupiter, I came up with the idea of EBP," dagdag pa niya.
"So kung walang katulad ang Eureia ng atmosphere from the other planet, hindi mabubuo ang EBP? Makakaranas din kami ng suffocation?" Aether ask.
"No," napakunot muli ang noo ko sa sagot ni Prof.
"Pero wala kaming EBP no’n. Hindi kami makakahinga," sabi ko.
"You'll suffer suffocation for only a couple of minutes. Maninibago lang siguro ang katawan ninyo, but in the end, makikilala ng katawan ninyo ang Eureia atmosphere. Kinailangan lang namin kayong turukan ng fresh EBP dahil baka mag-panic agad kayo kung makaranas kayo ng saglit na suffocation," sabi pa ni Prof.
"Paanong makikilala?" Ares ask.
"Let's have a story telling first," sabi niya at sumandal sa table. "16 years ago, there's a hospital named Crimson Hospital. Kung saan ako unang nagtrabaho bilang isang nurse,"
"And?" inip na tanong ko. Wala kami rito para makinig sa talambuhay niya.
"Kasama ko sina Andrea Alonzo—"
"My mom?" mabilis na tanong ni Aether at tumango ang propesora.
"Kasama rin namin ang best friend ko, si Eula Crimson. Nalaman namin ang tungkol sa project Lasciera La Terra. Naging mahirap ang lahat para kay Eula dahil ang asawa niyang si Leander Crimson ang founder ng LLT."
"Alam naman namin na wala talagang kaligtasan ang project LLT, pero bakit maging kayo ay against dito?" tanong ni Aether.
"Leave the Earth," sabi ni Eros.
"Leave the Earth?" ulit naming tatlo sa sinabi niya.
"Oras na mahanap nina Mr. Rivero at Dr. Hayes ang mga estudyanteng may kakayahang manirahan at maka-survive sa Planet Eureia, kaagad nilang isasagawa ang project LLT," paliwanag ni Eros.
"There are chosen students who will have a one-way trip to Eureia. And they will live there forever. Leave the Earth. That's the english translation of Lasciera La Terra," dagdag ni Prof Alarcon.
"What the hell? One way trip? Nagpapatawa ba sila?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang isipin pa lang na habang buhay na kaming titira sa Eureia ay nakakapangilabot na. I can't leave my family. I can't leave the earth.
"They are pathetically serious about it. They are planning to build a community there. At ang mga estudyanteng makakapasa mula sa Terra, sila ang isasama nila sa pagbalik sa Eureia," sabi ni Eros. This is crazy!
"The thing about Leander is that...we haven't met him. Si Eula lang ang nakakakilala sa kanya. May dalawang nilalang pa lang ang nakatapak sa Eureia, at 'yon ang mag-asawang Crimson," sabi niya at tumingin kay Ares. Sunod ay sa amin ni Aether.
"Hinihinala naming nasa Planet Eureia si Leander Crimson dahil na rin sa permanent EBP na siya mismo ang lumikha na itinurok niya sa sarili niya kung kaya nananalaytay na sa dugo niya ang pagiging Eureian. Tanging ang atmosphere na lang sa Eureia ang kinikilala ng katawan niya. Hindi na nito kinikilala ang sa Earth," paliwanag ni Eros.
"How 'bout Eula Crimson? May idea ba kayo kung nasaan siya?" tanong ni Ares. Mukhang nagiging interesado na rin siya usaping ito.
"We'll get there, kids. As of now, the only information we could give you about Eula is that, just like her husband Leander, isang ganap na Eureian na rin siya," sabi nito.
"You mean, naturukan na rin siya ng permanent EBP?" tanong ko at tumango siya.
"Bumalik tayo sa Crimson hospital," muli niyang sabi kaya bumaik kami sa pakikinig.
"Si Eula at Leander ang nakadiskubre ng Eureia. Nagawa nila itong itago sa mga astronomers at astronauts sa pamamagitan ng isang pambihirang satellite na pumipigil sa kanila na marating ito," sabi ng propesora.
"Noong bumalik sila rito sa Earth mula sa Eureia, nilikha nila ang EBP. May dalawang uri ng EBP, ang temporary EBP—na nakadepende sa dosage ang itatagal. Kinailangan pang pag-aralan ni Eros ang temporary EBP na siyang itinurok sa inyo dahil tanging ang mag-asawang Crimson lamang ang nakakaalam ng formula nito," patuloy niya.
"Ang ikalawang uri ng EBP ay ang permanent EBP. Na siyang nasa katawan ng mag-asawa. Kinakailangan ang temporary EBP upang maging successful ang permanent," Eros said.
"Ayon sa mga kuwento sa akin noon ni Eula, habang tumatagal ay nagiging makasarili ang mga plano ni Leander. Ang plano lamang nila noon ni Leander ay ang manirahan sila sa Eureia na tanging silang dalawa lamang. Hanggang sa malaman ni Eula ang tungkol sa project LLT. Gumawa kami ng paraan para maitago kay Mr. Rivero ang apat na natitirang temporary EBP dahil mukhang inutusan sila Leander na hanapin ito." Saglit na tumigil si Prof sa pagsasalita at tumingin sa anak niya. Tumango si Eros at muli nang ibinaling ni Prof Alarcon ang tingin niya sa amin.
"There's a temporary EBP dosage implanted in your bodies!" Napamaang kaming tatlo sa sinabi ni prof.
"Implanted in our bodies?" ulit ni Aether.
"Yes, at kaya nitong tumagal hanggang twenty years. Ang anak kong si Eros, maging ikaw Aether at Ares, sinadya naming piliin kayo upang taniman ng dosage," sabi niya.
"How about me?" Anong ganap ko rito?
"In your case, Phoebe, it was supposedly Jarred. He's 4 that time at kayong apat naman ay pare-parehong dalawang taon. You had a check-up that time and you were with your mother. Parating na noon si Mr. Rivero at hindi pa rin dumarating si Jarred kaya wala na akong ibang choice kundi ang itanim ang temporary EBP sa unang batang makikita ko. And there, itinanim ko sa'yo ang dosage bago pa man niya malaman ang paraan ng pagtatago rito. At hanggang ngayon, hindi alam nila Mr. Rivero ang tungkol sa ginawa namin 16 years ago."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Does it mean na alam ng mommy ko ang tungkol dito?" I asked.
"Yes. Nahirapan akong kumbinsihin siyang isama ka sa misyong ito. So I came up with the idea na kausapin ang isang kaibigan. The famous huntress, Delilah Sandoval." Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Ares.
"Ang ina ko?"
"Yes, kinausap ko ang taong nagpalaki sa'yo na utusan ka upang matiyagan at bantayan si Phoebe. Just to ensure Mrs. Villamor na hindi mapapahamak ang anak niya."
"So you're the reason kung bakit lumipat kami sa Lakeside forest and why my mother ordered me to look after this brainless brat?" Ares taunts me.
"Brainless brat?" inis na ulit ko sa sinabi niya.
"Enough with the teeny love-hate story," napangiwi ako sa sinabi ni Prof. "As I was saying," patuloy nito at iniabot ni Eros ang tila isang projector. "I will show you the dosage we implanted in your bodies." Akala ko ay visual ang ipapakita niya sa amin. But when she turns the projector on, iba ang nangyari nang may umilaw.
"This isn't just an ordinary UV light. Tignan ninyo ang inyong mga leeg," sabi ni prof at inabutan kami ni Eros ng salamin. Nang tignan ko ang leeg ko ay nakita kong may maliit na kulay abo ang nasa leeg ko. Tinignan din nila ang sa kanila at nakita kong mayroon din sila. "Mayroon din si Eros," patuloy ni prof at saglit na itinutok kay Eros ang UV light. Kasing laki lang siya ng bola ng jackstone at nasa loob ng katawan namin.
Pinatay niya ang UV light at umayos ng tayo.
"May isang bagay pa akong ipapakita sa inyo," sabi niya at sinundan namin silang mag-ina. Huminto kami sa tapat ng isang pintuan. Metal door siya maihahalintulad sa mga vault. May mga combinations din para mabuksan.
"Why do you need that?" tanong ni Ares nang magsuot ang propesora ng oxygen mask.
"Malalaman ninyo kapag nasa loob na tayo," sabi niya at nag-enter na siya ng code para buksan ang pintuan na nandito lang din sa loob ng lab.
—