Trust and Doubts

1890 Words
Chapter 7. 'Trust and Doubts' — Phoebe — Ilang minuto na rin kaming nandito lang sa ilalim ng lamesa at patuloy na nakikiramdam sa paligid. Malinaw pa rin naming naririnig ang paghihirap ng mga estudyante. Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil naaawa ako sa kanila. Naiiyak akong marinig ang tila huling hininga nila. Natatakot din ako na maaaring walang matira sa mga estudyante kung magpapatuloy ang kung anumang nalalanghap nila. Nagkatinginan kaming tatlo nang makita ang makintab na itim na sapatos ng dalawang tao na naglalakad palapit dito sa lamesang pinagtataguan namin. "Marami nang hindi kinaya ang suffocation. Malaki ang chance na mamatay silang lahat," tinig ni Mr. Rivero. Kahit medyo kulob ang boses niya dahil sa mask na suot ay nabosesan pa rin namin siya. "Kung mamamatay sila sa suffocation ngayon, ibig sabihin lang na hindi nila kakayanin ang atmosphere sa Eureia. Hindi rin natin sila mapapakinabangan doon kaya mas mabuting dito pa lang ay malagasan na sila," kaswal na sabi ni Dr. Hayes. Mabilis namin siyang nabosesan dahil wala naman siyang suot na mask. "Huling pagsubok na ba ito?" tanong ni Mr. Rivero. "Malapit nang makumpleto ang formula. Temporary na lang ang kulang," sabi ni Dr. Hayes. Formula? Formula ng ano? Nagkatinginan kaming tatlo na kapuwa walang maintindihan sa mga pinag-uusapan nila. "Nauubusan na tayo ng oras, Dr. Hayes." "I know. Round two is over," sabi lang niya at naglakad na sila papalayo. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago lumabas, at nagulat na lang kami sa tumambad sa amin. Halos kalahati ng estudyante ang mga nakahandusay na sa lupa. Nangingitim ang mga mukha dahil na rin sa suffocation. Nakaupo na rin ang mga estudyanteng nabuhay at bumabawi ng hininga. Mga nanlalambot na rin sila at hindi na makatayo. Paniguradong kakailanganin nila ng pahinga. Napalingon ako sa daan papuntang Lakeside at nakita si Eros. Maglalakad na sana ako para harapin siya ngunit pinigilan ako ni Ares sa braso. "Not the right time," sabi niya. "Alam kong may alam siya rito," aniko. "Alam kong alam nila ang ginagawa nila. Hayaan mo na muna sila," seryosong sabi ni Ares kaya tinabig ko ang kamay niya. "Why do I have this feeling na may alam ka rin? First, they put something in your drinks pero hinayaan mo lang. Second, now that I have a chance to confront him, pinipigilan mo ako," I challenged him. "Clueless din ako sa mga nangyayari, okay?" "Talaga? Pero bakit kampanteng-kampante ka? Dahil ba alam mong kayang-kaya mong ipagtanggol ang sarili mo?" Nakialam na si Aether sa usapan namin. "Kasalanan ko bang may kakayahan ako at mahihina kayo?" Nag-panic ako nang humakbang si Aether sa harapan ni Ares at itinulak ito sa dibdib. Hindi naman ininda ni Ares ang ginawa ni Aether. "See? You couldn't even shove like a man," he taunts him na mas lalong ikinagalit ni Aether. Bago pa man sila lalong magkainitan ay hinawakan ko na si Aether sa braso. "Hayaan mo na siya," I tell him ngunit muling nagsalita si Ares. "Tulad ng sinabi ko kanina sa clinic, planado nilang dalawa ang lahat. Kung ginawa nila iyon dahil sa utos ng administration, hindi na nila kakailanganing magtago sa CCTV para turukan kayo," sabi ni Ares at nagkatinginan kami ni Aether. "Whatever on earth they injected to us, Terra has nothing to do with it. Matuto kang gumamit ng utak, Phoebe. Hindi 'yong laging paghihinala lang ang kaya mong gawin," sabi ni Ares at naglakad na palayo. "Gago ba siya? Ako pa ang hindi gumagamit ng utak?" Napataas ng kamay si Aether nang siya ang pagbalingan ko ng galit. "Chill, Phoebe. Pero may point naman si Ares, e—Aray!" reklamo niya nang bigla ko siyang batukan. "May point siya na hindi ako gumagamit ng utak?" "Ano ka ba? May point siya na maaaring hindi nga utos ng Terra ang pag-i-inject sa atin," sabi niya. "At naniwala ka naman? E, paano kung sinabi niya lang 'yon para pagtakpan sila Eros at hindi na sila pagdudahan dahil magkakasabwat talaga sila?" Napabuntong hininga na lang si Aether dahil sa pointless doubts ko. "Fine, Phoebe. You have Fifth. Puwede mong manmanan si Eros gamit siya para lang mawala ang doubts mo," sabi ni Aether. "'Yan talaga ang gagawin ko. Mananagot talaga ang mga 'yon oras na malaman kong nagsasabwatan sila," mayabang kong sabi. And I know I'm talking nonsense here. "Kay Ares pa lang, bagsak ka na," natatawa niyang sabi. "Halika na nga." Inakbayan ako ni Aether at iginiya na paakyat sa dorm room namin. "Ikaw ba, hindi mo balak harapin si Eros?" tanong ko kay Aether nang parehas na kaming nakahiga sa kanya-kanya naming kama. "Naiisip ko rin kasi 'yong sinabi ni Ares na maaaring hindi sila inutusan ng Terra. Maaaring ang itinurok nila sa atin 'yong dahilan kaya hindi tayo naapektuhan ng nalanghap nilang hangin kanina." Sabi niya at nagkibit balikat ako. "Ikaw ang bahala. Hindi ko naman inaalis ang posibilidad na 'yon. Pero mas mabuti nang hati tayo ng opinyon. Ikaw, ang pagtiwalaan sila, at ako ang paghinalaan sila. Para if ever na makumpirma natin kung kalaban ba sila o kakampi, may backup plan ang isa sa atin." Tumango si Aether bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. "Yea. Kung tama kang kalaban sila, plano mo ang gagamitin natin. Pero kung tama akong kakampi sila, plano ko ang gagamitin natin," paglilinaw niya. Kahit sa totoo lang ay kapuwa wala pa kaming plano. Kung kalaban man sila, what should we do? Fight them? Parang suntok sa buwan ang kalabanin at manalo laban sa kanila. Sana nga ay tama si Aether na maaring kakampi sila. "Okay, good night. I still need to find that Jarred dude tomorrow." Pinikit ko na ang mga mata ko para matulog. "Good night." Mabilis akong nakatulog dahil na rin siguro sa mga nangyari kanina. — "Bakit ang aga mo naman yata?" tanong ko kay Aether. Siya kasi 'yong nerd na hindi fan ng punctuality. At ngayon ay bihis na siya samantalang ako ay kagigising pa lang. "May aasikasuhin lang ako. Sa classroom na lang ulit tayo magkita," sabi niya at lumabas na ng kuwarto. Nang maiwang mag-isa ay saka pa lamang ako bumangon at naligo. Mabilis lang akong kumilos kaya nakalabas na rin agad ako. Nasa quadrangle na ako ay napahinto ako at napatingin sa mga estudyanteng nagkakagulo na naman. Agad kong hinanap si Eros kung sangkot na naman ba siya rito. And there, I saw him na nakikipagsuntukan din. This isn't funny anymore. I really need to confront him about this. Isang pito ng guwardiya ang nagpatigil sa kanila at para silang bula na biglang nawala. And as expected, si Eros lang ang nakuha nila. Hindi ko inalis kay Eros ang tingin ko. Nilapitan siya ng isang estudyante na sa pagkakaalam ko ay ang student council president at sinenyasan ang guwardiya. Agad niyang hinila si Eros sa kung saan. "Saan nila dinadala ang estudyanteng nasasangkot sa g**o?" tanong ko sa babaeng katabi kong nanonood lang din sa eksena kanina. "Detention room. Duh?" sabi niya at umalis na. Detention? Oo nga naman, saan pa ba maaaring dalhin ang mga estudyanteng lumalabag sa polisiya ng paaralan? So detention room still exists in this lawless school? Ngunit bakit gugustuhin naman ni Eros na mapunta sa ganoong klaseng lugar? "I saw what happened." Napalingon ako kay Aether. Nakatingin siya sa kaninang kinaroroonan ni Eros. Na ngayon ay wala na dahil dinala na sa detention. Nakita kong naglilibot ang SC president at chini-check ang paligid. "Aether, I'm sorry," I said na ikinakunot ng noo niya. "Para saan?" "Para dito..." "What the hell!" sigaw niya nang napaatras siya dahil sa suntok ko sa kanyang mukha. Nabasag pa ang salamin na suot niya. "Why did you do that?" pigil ang galit na tanong niya. Susuntukin ko pa ulit sana siya nang marinig ko na ang pagpito ng SC president. Galit itong lumapit sa amin at masamang nakatingin sa akin. "Hitting your schoolmate is a serious offense, miss," she said at hinawakan ako sa braso. "Saan mo siya dadalhin?" tanong ni Aether. "Detention," sabi lang ng babae at kinaladkad na ako. Why does she need to drag? Sasama naman ako sa kanya dahil 'yon ang purpose kaya ko sinuntok si Aether. Para maging detainee. Never pa akong napunta sa detention room. May isang guwardiya ang bantay rito. "Pakipasok ang isang 'yan," Utos ng SC president at umalis na. Iniabot sa akin ng guwardiya ang logbook ng detention room at nag-log ako. Nakita ko ang pangalan ni Eros. Sinulyapan ko ang guwardiya at busy siya sa paglalaro sa cellphone. Binalikan ko ang ilang pahina ng logbook upang kumpirmahin kung tama nga ang hinala kong sequence ng pagkaka-detain kay Eros. And I was right. Every two days siyang nandito sa detention room. "Manong, nasaan ang column ng logout?" Time in lang kasi ang mayroon, pero walang timeout. At kailangan ko 'yon para malaman kung gaano katagal si Eros sa loob. "Hindi na kailangan mag-logout. Nasa sa'yo na lang kung ilang oras mo gustong manatili sa loob. Puwede ngang pagtapak na pagtapak mo sa loob, lumabas ka na, e," walang pakialam niyang sabi at nagtinga pa. Binalik ko na lang ang tingin ko sa logbook. Base sa oras ng login niya, limang minuto na siyang nasa loob. "Papasok na po ako," paalam ko at tumango lang siya. Ano bang klaseng punishment 'to? O punishment ba 'tong matatawag. Napatakip ako ng ilong dahil sa pag-alingasaw ng mabahong amoy pagpasok ko pa lang. Makailang ulit din akong umubo dahil sa sobrang alikabok ng buong kuwarto. Bodega na yata 'to, e. Nakakarinig din ako ng ingay ng mga daga. Pilit kong hinanap si Eros ngunit wala siya rito. Nakalabas na ba siya? Hindi ba siya nagtatagal dito? Sinilip ko siya sa likod ng mga sirang silya ngunit wala rin siya roon. Hindi ko na natagalan ang nakakasulasok na amoy dito kaya tumakbo na ako palabas ng detention room. "Kumusta sa loob?" natatawang tanong ng guwardiya. Parang alam niya ang senaryo sa loob kaya pinagtatawanan niya ako. "Nakalabas na po ba si Eros?" tanong ko na lang. "Sino? 'Yong lalaking laging nade-detain? Nasa loob pa siya. Siya lang ang kilala kong nakakatagal sa loob. Hindi mo siya nakita?" takhang tanong niya. Pero hinanap ko na siya sa loob at wala siya. Walang bakas ni Eros sa loob. "Hindi ko po hinanap dahil nasusuka na ako," sabi ko na lang at naglakad na palayo. Dumiretso na ako sa classroom namin at mabilis lang na lumipas ang oras. Hapon na nang mapagpasyahan kong maglibot-libot sa campus. Binalikan ko ang open field para i-check ang binabantayan ko. Mas lalong natuyot at nalanta ang mga halaman at d**o. Tiningala ko ang langit at ang papalubog na araw. Alas singko pa lang pero unti-unti nang binabalot ng dilim ang buong paligid. "Equinox failed this time?" Nabaling ang tingin ko nang may magsalita sa tabi ko. I looked at him at nakatingala rin siya sa langit. Puno rin ng katanungan ang mga mata niya. "Equinox? Agosto pa lang ngayon," sabi ko kay Eros. Gusto ko na sana siyang komprontahin sa mga pinaggagawa niya these past few days pero isinantabi ko muna. Gusto kong malaman ang pinupunto niya ngayon. "Yea, pero ito marahil ang sinasabi nilang not the usual equinox. It's just August but it's already the autumnal equinox this year. But it seems like we'll be having a longer night than day. Isn't that weird?" sabi niya. "Equinox ba ngayon?" I asked at nagtatakha ko ring binalik ang tingin sa langit. "Yea. Day and night should be equal this time. But it seems not." Napaisip din ako sa sinabi niya. May mali talaga rito. Una, ang tagtuyot sa panahon ng tag-ulan. Second, having a longer night in equinox time. Anong meron? Bakit iba ang nangyayari sa Terra sa mga nangyayari sa normal na panahon? —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD