Hidden Sanctuaries

1873 Words
Chapter 8 'Hidden Sanctuaries' — Phoebe — "Wala kang balak pumasok?" tanong ni Aether nang paalis na siya, samantalang ako ay nakaupo pa rin sa kama ko. Two days na mula nang masapak ko siya at medyo may pasa pa rin siya. I feel sorry for him pero hindi ko pinagsisisihan 'yon. Naipaliwanag ko na rin naman sa kanya ang lahat. "Hindi muna. May kailangan akong gawin." Hindi naman na siya nangulit pa at umalis na rin makalipas lamang ang ilang sandali. Ilang minuto mula nang lumabas si Aether ay inihanda ko ang laptop ko at ang controller. Kinontrol ko ang lipad ni Fifth. Sinet ko rin ang texture at transparency ni Fifth katulad ng ginawa ni Aether dati upang hindi mapansin ang aking mini snitch. Muli kong pinratice ang pagpapalipad dito at naaalala ko pa rin naman ang mga tinuro ni Aether noon. Nakaupo ako sa kama ko habang nakatuon ang paningin sa laptop dahil na-control ko na si Fifth palabas ng kuwarto. Binaybay ko ang hallway pababa sa quadrangle kung saan laging nangyayari ang g**o. Napansin ko agad si Eros na tila nag-aabang na at kumukuha lamang ng tiyempo para salubungin ang two groups of gangsters na laging nagkakabanggaan. Hindi ko masyadong nakita kung anong nangyari ngunit mabilis nagsikilos ang magkalabang grupo at sinugod ang isa't isa. As if on cue, tumakbo si Eros sa gitna ng riot at nakigulo. As expected, pagkarating ng guwardiya ay si Eros lang ang nakuha nito. Pinasunod ko sa kanila si Fifth nang kaladkarin niya ito papunta sa detention room. Nag-log lang si Eros at kusa nang pumasok sa loob. Mabilis kong ipinasok si Fifth sa loob bago pa man niya maisarado ang pinto. Nagtakip siya ng ilong dahil na rin sa amoy. Hindi niya rin pala gusto ang amoy sa loob pero bakit siya nakakatagal? Napakunot ang noo ko at napaayos ng upo nang marahang diniinan ni Eros ang isang bahagi ng sahig ng detention room. Nagulat ako nang may maliit na bahagi ng sahig ang umikot at may ilaw na nagmula roon. Inilapit ko si Fifth para makita nang mas malinaw ang nasa ibaba. May hagdan at maingat na bumaba si Eros. Pinasunod ko si Fifth at sinara niya ang floor hatch. Ano 'to? Underground hideout niya? I rotated Fifth's lens at nakita ang kabuuan ng lugar. Hindi ako maaaring magkamali. This is a laboratory. This is HIS laboratory. I almost forgot, he's a science genius. Nakita ko ang paghahalo niya ng iba't ibang kulay ng likido sa mga cylinder at test tube na nasa table. Nakuha ang atensyon ko nang kuhanin niya ang isang pamilyar na botelya at kumuha nang kaunti sa kung anuman ang nasa loob no'n. Ayun 'yong kinuha niyang parang lupa noong nasa clinic kami. 'Yong kinakuntsaba niya ako para makuha ang botelya. Para saan ba talaga ang bagay na ‘yon? May kinuha siyang isang test tube at may kulay abong likido. Kakulay at katulad siya ng itinurok niya sa amin noong nawalan kami ng malay. Noong maraming estudyante ang na-suffocate at namatay ngunit wala man lang naging epekto sa amin. Matapos ang ilang paghahalo ng mga likido ay ibinalik na niya ang test tube sa rack. Nagmadali na siyang umakyat pabalik sa detention room kaya kinontrol ko na rin paakyat si Fifth. Pagbalik ni Fifth ay bumangon na ako at nagbihis ng uniform. Aabot pa naman ako sa second class ko. Kailangan ko ring sabihin kay Aether ang mga nalaman ko kay Eros. Tinakbo ko ang hallway papunta sa second class ko at napaatras ako nang makabungguan ko si Ares. "What's with the rush?" kunot-noong tanong niya. Oh, wait. Bihira ko lang makita si Ares ngayon. Makakapaghintay naman siguro ang ibabalita ko kay Aether. Iga-grab ko na 'tong chance na kaharap ko si Ares kahit naiinis pa rin ako sa kanya dahil sinabihan niya akong hindi gumagamit ng utak. "I need bird!" walang pakundangan kong sabi at napangiwi siya. "Ha?" "I mean, ibon. You know. Walang naliligaw na ibon dito. Ikaw lang ang kilala kong kayang pumasok ng Lakeside at makabalik nang ligtas." Ilang segundo ang nakalipas bago siya sumagot. "Aanhin mo ang ibon?" bored niyang tanong. "Project?" nag-aalangan kong sabi at napangisi siya. "Not a good liar." Ipinamulsa niya lang ang mga kamay niya at nilagpasan na ako. Bakit ba napakahirap pakiusapan ng lalaking 'yon? Makikinabang din naman siya rito, ah? Dumiretso na lang ako sa classroom namin at naupo muna sa tabi ni Aether. Inilapit ko ang armchair sa kanya at bumulong. "May underground laboratory si Eros," I tell him at napatingin siya sa akin. "What? Paano mo nalaman?" pabulong na tanong niya. "Sinundan ko siya sa detention room with the use of Fifth. May daan sa sahig ng detention. Nakita ko rin doon 'yong tinurok nila sa atin," sabi ko sa kanya. "What should we do?" yanong niya. "Confront them?" nag-aalangan na suggestion ko. "The only thing you can suggest," natatawa niyang sabi at napailing-iling pa. "Ano nga? Kailangan na nating kausapin sila Eros. Ang dami nang nangyayari," inis na sabi ko. "Fine, fine. Kakausapin na natin sila mamaya," napipilitan niyang sabi. "Hindi pala ako a-aattend ng afternoon classes. May aasikasuhin ako," sabi ko sa  kanya. "Talaga? Sabi mo nga kanina hindi ka papasok, e," pang-aasar niya. Inirapan ko lang siya at tumayo na para pumunta sa upuan ko. Matapos ang morning classes ay sabay muna kaming nag-lunch ni Aether sa cafeteria. Hindi ko puwedeng sabihin sa kanya ang plano ko dahil baka pigilan niya lang ako. Matapos naming makakain ay naghiwalay na kami ni Aether ng way. Siya ay papunta sa kanyang afternoon class at ako naman ay papunta sa Lakeside forest. Tumingin ako sa nag-iisang CCTV na narito. Kung may natutunan man ako sa pakikipag-usap kay Eros, 'yon ay ang tamang pagkalkula sa rotation ng CCTV. Mabuti na lang at nag-iisa lang ito. Madali ko na lang na mararating ang kagubatan dahil wala naman nang barbwire na nakaharang dito. Muli kong tinignan ang CCTV at nakitang nasa kabila na ang direksyon nito kaya mabilis kong tinakbo ang masukal na kagubatan. Wala akong alam sa pangangaso kaya hindi ko alam kung makakahuli ba ako ng ibon. Nakapasok ako ng kagubatan bago pa man ako mahagip ng CCTV. Mabagal akong naglakad at naging alisto sa paligid. May ilang kaluskos din akong naririnig ngunit sa tuwing lilingunin ko ito, wala namang naroon. Mukhang nagkamali ako ng desisyon na pumunta rito. Tama nga yata si Ares, hindi ako gumagamit ng utak. Napalingon ako sa likuran ko nang makarinig ng mabigat na paghinga. At napasandal ako sa puno nang makita ang isang mabangis na leon ang naghahanda sa pagsakmal sa akin. Mother! What to do? Stupid, Phoebe. Hindi ka talaga nag-iisip. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa akin. Wala na akong maatrasan kaya para na akong napako sa kinatatayuan ko. Ngunit bago pa man tuluyan akong sakmalin ng mabangis na leon ay may matipunong braso ang pumulupot sa baywang ko at sunod ko na lang nalaman ay nasa ibabaw na kami ng matayog at matibay na sanga ng isang puno. "I told you to use your mind," seryosong sabi ni Ares at naramdaman ko rin ang malamig at mabango niyang hininga. Nakatulala lang ako sa kanya dahil na rin sa pagkabigla. "Hold tighter." Muli niyang sabi at mas hinapit niya ako na tila ba nakayakap na ako sa kanya. Kumapit siya sa isa pang baging at muling naglambitin katulad ng ginawa niya kanina nang kuhanin niya ako sa harapan ng leon. Ilang baging pa ang nilambitinan niya nang hindi ako binibitawan hanggang sa marating namin ang isang maliit na bahay sa ibabaw ng puno. May lahi bang Tarzan si Ares? Namangha ako dahil ngayon pa lang ako nakatapak sa isang treehouse. Pero kanino 'to? Kay Ares ba? Binitiwan niya ako. Naglakad siya papunta sa pintuan at kumatok. Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto. May isang lalaki ang bumungad sa amin at ngumiti kay Ares. "Kamusta, dude?" bati nito at nagyakap sila. The manly hug na way of greeting ng mga lalaki. Nabaling sa akin ang tingin nito."May kasama ka pala." "Yea, some stupid girl I saw out there." I glared at him dahil sa sinabi niya. Alam kong katangahan ang pagpasok sa kagubatang 'to pero hindi ko iyon aaminin. "Pumasok muna kayo sa loob." Sinenyasan ako ni Ares na pumasok sa loob. Inirapan ko siya pero pumasok din naman ako. Ayokong maiwan dito sa labas, 'no. "Pasensya na, prutas lang ang mayroon ako ngayon. Hindi naman kasi nagsabi ang kapatid ko na pupunta siya ngayon at may kasama pang magandang binibini," sabi niya at naglapag ng maraming prutas sa maliit na mesa. "Kapatid mo?" tanong ko sa kanya habang nakaturo kay Ares. "Oo. Ako nga pala si Red. Kuya ni Ares. You are?" tanong ng kuya niya. "Phoebe," tipid kong sagot at kumuha ng hinog na mangga. Napatingin si kuya Red kay Ares at natawa ito. Buong pagtatakha ko siyang tinignan. "You're Phoebe? Wow, hindi ko akalain na ganito kaaga kita makikilala!" mapang-asar na sabi niya na mas ikinagulo ng isip ko. "Ha?" is all I can say. "Nothing. It's really nice to finally meet you. Pasensya ka na sa bahay namin. Nahirapan ka bang makarating dito? Mas pinili naming dito na lang sa ibabaw ng puno manirahan dahil na rin sa mababangis na hayop sa ibaba." Kung anong tipid magsalita ni Ares, siya namang daldal ng kapatid niya. Nakakapanduda tuloy kung magkapatid ba talaga sila? "Ayos lang. Pero paano ka napunta sa gitna ng kagubatang 'to?" Hindi naman siguro niya napagtrip-an na basta na lang tumira dito, 'di ba? "Bata pa lang kami ni Ares ay palipat-lipat na kami ng bundok at doon natutong mangaso. Sanay na kami sa buhay sa gubat at bundok dahil na rin lumaki kami sa pangangalaga ng isang tanyag na mangangaso. Sa katunayan nga ay kababalik ko lang kahapon galing sa pangangaso sa isang bundok." Ibig sabihin ay nakakalabas siya? Hindi nawawala ang Lakeside forest? Hindi ko alam kung makakaya kong manirahan sa ganitong klaseng lugar na napapaligiran ng mababangis na hayop. "Ano palang sadya ninyo rito?" mayamaya ay tanong niya. "Manghuhuli lang ng ibon," si Ares na ang sumagot. "Okay, pero wala bang ibon sa loob ng Terra at kinailangan pa ninyong pumunta rito sa Lakeside?" takhang tanong ni kuya Red. "Precisely! Wala ni isa mang ibon ang nasa Terra," sabi ko. "Aanhin mo ba ang ibon?" tanong ni Ares. Hanggang ngayon ay curious pa rin siya sa gagawin ko sa ibon. "Basta! Kuya Red, matutulungan mo ba akong makakuha ng ibon?" tanong ko at saglit siyang nag-isip. "Damn, Phoebe! Pati ba naman ang kuya ko kukulitin mo?" inis niyang sabi at tumayo. Lumapit siya sa isang tirador na nakasabit sa dingding at kinuha iyon. Oh my God! Does it mean na ihuhuli na niya ako ng ibon? Nagmadali akong tumayo at sumunod sa kanya nang lumabas siya. Nagpalinga-linga siya sa paligid at naghahanap ng target. Nakarinig kami ng huni ng ibon sa isang sanga ng puno at mabilis niya iyong inasinta ng tirador na hawak niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa kilos niya. Hindi maitatangging may nalalaman nga siya sa pangangaso. Bihasang-bihasa siya sa pag-asinta sa target niya. Nang pakawalan niya ang bala ng tirador ay bumagsak sa lupa ang kaawa-awang ibon. I'm sorry, birdie, pero hindi ka naman papatayin, e. Muli siyang naglambitin sa mga baging pababa para damputin ang ibon na nahirapan na sa paglipad at iniabot sa akin pagbalik niya rito. "Happy?" tanong niya. "Yea, thank you," sabi ko habang sa ibon nakatingin at hinimas-himas ito dahil sa maliit na galos na natamo niya sa pagtirador ni Ares. Sabay na kaming bumalik sa loob. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD