Stray Students

2111 Words
Chapter 9. 'Stray Students' — Phoebe's PoV — May isang oras na rin kaming nandito sa treehouse ng kapatid ni Ares. Parang ayoko pa kasing umuwi dahil sa dami ng pagkain dito. Nakaka-miss kumain ng fresh fruits. "Phoebe, puwede ko bang makausap saglit ang kapatid ko?" tanong ni kuya Red at tango lang ang sinagot ko. Tumayo silang dalawa at sabay na lumabas sa veranda ng treehouse at doon nag-usap. Naiwan akong mag-isa sa hapag at nagpatuloy sa pagkain. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sobrang kabusugan. Saglit lang din ay pumasok na sila. "Wala ka pang balak bumalik ng Terra?" tanong ni Ares kaya napatingin ako sa wrist watch ko. Hindi ko namalayan na mag-aalas kuwatro na pala ng hapon. Masyado kong na-enjoy ang lugar na 'to at mga pagkain. Tumayo na ako at nagpagpag ng kamay. "Halika na. May kakausapin pa nga pala kami ni Aether," sabi ko sa kanya. "You are always together," puno ng pagdududang sabi ni Ares. Napairap ako sa hangin dahil sa makahulugang pahayag niya. "Duh? We're roomamates! What do you expect?" sabi ko sa kanya. "Oo nga naman, bro. At saka ano namang masama kung lagi silang magkasama?" nakangising tanong ni kuya Red kay Ares. "Tss. Halika na!" yaya niya sa akin. Nagpaalam na ako kay kuya Red at umalis na kami ni Ares. Pagbalik ko sa dorm ay narito na si Aether at hinihintay na ako. "Bakit wala ka sa literature class?" yakhang tanong niya. "Naghanap ako ng hayop na maaaring makatulong sa atin," sabi ko at ipinakita sa kanya ang ibon na nasa hawla. Medyo nanghihina pa ito dahil sa pagtirador sa kanya ni Ares. Pero kaunting treatment lang, babalik na siya sa dati. "Okay, but what was that for?" Napabuntong hininga ako. No choice na kundi ipaalam sa kanya ang plano ko. "I just want to confirm if there's something shielding Terra U." Napabangon siya at mas lalong naguluhan. "What do you mean?" "May mga nangyayari dito sa loob ng Terra na taliwas sa dapat ay nangyayari sa labas. At sa tingin ko, lahat ng natatanaw natin sa itaas, lahat iyan ay peke," paliwanag ko. "Are you trying to say na nasa ilalim tayo ng isang ilusyon?" paglilinaw niya. "Agosto na pero wala pang ulan na dumarating. And the second equinox happened. Hindi mo ba napapansin? Lumulubog at sumisikat at ang araw sa parehas na parehas na oras. I've been monitoring sunsets and sunrises these past few days. Iisa lang ang oras ng sikat at lubog nito. Parang..." Napatigil ako at napatingin nang diretso kay Aether. "Parang ano?" inip niyang tanong. "They have accurate time. Parang naka-set talaga ang lahat sa specific na oras. Naka-program." Hindi sumagot si Aether. "Kinakailangan ko ang ibon para dito. If we're under illusion, malalaman natin 'yon kung hindi makakalipad nang sobrang taas ang ibon dahil paniguradong mahaharangan siya ng shield. If ever has." Nakuha na ni Aether ang nais kong gawin at nakuha ko naman ang suporta niya. "Now, back to the business. Nasa office ni Miss Alarcon si Eros, halika na?" yaya sa akin ni Aether at tumango ako. Habang naglalakad papunta sa opisina ni prof ay nag-uusap pa rin kami ni Aether sa mga conclusions namin. "‘Di ba nasabi mong may underground laboratory si Eros sa detention room?" tanong nito sa akin. "Yea, why?" "Remember the only room in Terra na walang CCTV na sinasabi ni Ares at Eros? I think it's the detention room. Alam niya 'yon kaya doon niya naisip gumawa ng laboratory." Napatango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Si Aether na ang kumatok nang marating namin ang office. Matagal bago may magbukas. Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Eros nang kami ang mabungaran niya. Tss. Halatang guilty na may pinag-uusapan silang mga bagay ngayon. "Let them in, inaasahan ko na rin ang pagdating nila." Narinig namin ang boses ng propesora at niluwagan ni Eros ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok kami ni Aether at kaswal kaming sinenyasan na maupo. "First things first," sabi nito at pinagsalikop ang mga palad sa ibabaw ng kanyang table. "Sasagutin ko ang mga tanong ninyo kung aarte kayong mga normal na nagpapaturo lamang ng mga aralin," patuloy nito at tinignan ang CCTV. What? So ganito ang setup nila? Kunyari ay magpapaturo lang si Eros sa mga lectures pero ang totoo ay may mga nabubuo na pala silang plano? "We will," sabi ni Aether at kumuha ng isang makapal na libro na nakapatong sa desk. "First," sabi niya habang sa libro nakatingin. Kumuha na rin si Eros ng libro at dito na rin itinuon ang paningin. Wala na akong nagawa kaya nakigaya na rin ako sa kanila. "Ano 'yong itinurok ninyo sa amin?" tanong ni Aether. Napapataas ang tingin ko sa kanila dahil para bang hindi sila nag-uusap. Parang busy lang sila sa pagbabasa. "EBP," si Eros ang sumagot. Nakasandal siya sa desk at nanatiling nakatuon ang paningin sa libro. "Stands for?" Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong pinandilatan ako ng mata ni Prof Alarcon kaya dali-dali kong ibinalik sa libro ang paningin ko. "EBP. Eureia Breathing Potion," maikling paliwanag ni Eros na inilipat pa ang pahina ng librong kunyari ay binabasa niya. "Ang itinurok namin sa inyo ay ang siyang dahilan kung bakit hindi kayo nakaranas ng suffocation," dagdag ng propesora. "Does it mean na ang nalanghap nila ay atmosphere sa Eureia?" tanong ni Aether. Tahimik na lang akong nakinig sa kanila dahil hindi ako sanay nang hindi kaharap ang kausap ko. "Yes. Marami pa kaming ipapaliwanag sa inyo. But for now, 'yan lang muna," sabi ni prof. "But—" Magpoprotesta pa sana ako pero pinigilan na ako ni Aether. "Hayaan na muna natin," kalmadong niyang sabi. He's really trusting them. "Tomorrow. We will meet you at our underground laboratory," said Eros. "The one at detention room?" nakangisi kong sabi at napamaang silang dalawa sa gulat. "How did you know?" tanong ni Eros. "That's for me to know, and you to find out," ngingisi-ngisi kong sabi. Nakaganti rin sa mga ganoong sagot niya sa akin noon. "Alright, if we ever met at detention room, hindi ba sila makakahalata?" muling tanong ni Aether. "Hindi kayo sa detention room dadaan. Kaya lang ako dumaraan doon ay para ayusin ang maaari ninyong daanan na mas ligtas," Eros utters. "Saan kami daraan?" I asked. "Termite g**g's strategy," sabi ni Prof Alarcon. "What was that?" "Tapos na ang ginawa naming passage. Sa bathroom ninyo, may naiibang kulay ng tiles. It's the passage na ginawa namin. Subukan ninyong i-angat. Sundan ninyo ang daan hanggang sa marating ang mismong laboratory. Bring Ares with you. Hindi ko uumpisahan ang pagpapaliwanag kung hindi kayo kumpletong apat. Makakaalis na kayo." Tinapos na ng propesora ang usapan kaya 'di na ako nakasingit pa. Bakit kailangang kasama si Ares? At anong kaming apat? Lumabas na kami ni Aether dahil mukhang hindi na muling sasagot si Prof Alarcon sa mga tanong ko. "Pupunta ba tayo?" tanong ko kay Aether habang naglalakad na kami pabalik ng dorm. "'Course," desididong sabi niya. Ang laki talaga ng tiwala ni Aether sa kanila. Pero hindi ko magawang magtiwala nang lubusan. I still have doubts. "I'll check the passage," sabi ko nang makapasok na kami ng kuwarto at dumiretso agad ako sa bathroom. Hinanap ko ang naiibang kulay ng tiles na tinutukoy ni prof Alarcon. Nakita ko iyon at pinilit na mai-angat. At tama nga sila, may lagusan na nga rito. Naririnig ko ang mahinang agos ng tubig. Hindi ko maaninag ang nasa ibaba dahil masyadong madilim. Ibinalik ko na ang tiles sa dati nitong puwesto at binalikan si Aether na nakabihis na rin. "Sa caf ka magdi-dinner?" I asked at tumango siya. "Ikaw?" "Magbi-biscuits lang ako," sagot ko habang nakaturo sa cabinet kung nasaan ang stock ko ng pagkain. "If you ever you see Ares, tell him the plan." "You're now trusting him, huh?" he teased at inirapan ko siya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Prof Alarcon? Hindi siya magsisimulang magpaliwanag kung hindi tayo kumpletong apat." Tinaas niya ang magkabila niyang kamay bilang pagsuko. "Nagbibiro lang ako. But I'll try. Para naman kasing makikinig sa akin 'yon. Ikaw lang naman ang nagtitiyagang makipag-usap doon," natatawa niyang sabi at lumabas na ng kuwarto. Kumuha lang ako ng pagkain at sumampa na sa kama ko. Ano kaya ang mangyayari bukas? Sana this time, makisama na si Ares at hindi na magpa-hard to get na sumama. Wala pang tatlumpong minuto ay dumating na si Aether at agad siyang naupo sa kama niya saka humarap sa akin. "I didn't see Ares. But I saw Eros. We talked. Nasabihan na raw niya si Ares. Pero tumanggi ito." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. "Wala nang bago roon," bored kong sabi. "Kailangan niyang sumama sabi ni Eros kaya ipinaliwanag na rin niya ang dapat gawin ni Ares. Kailangan niyang makarating sa bathroom nang walang makakapansin," sabi pa nito. "He can, no doubt. But you think he will? No," sabi ko. Sinubo ko ang last bite ng biscuit na kinakain ko at mabilis na uminom. I did my evening rituals at naghanda na sa pagtulog. — Kinabukasan, wala si Eros sa dapat sana ay magkakaklase kami. Hindi tuloy namin alam ni Aether kung maisasama namin si Ares. Sana ay nagawan ng paraan ni Eros na mapilit si Ares. Dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayan ang paghila ni Aether ng upuan at sumabay sa akin mag-lunch dito sa cafeteria. "Ares!" Tinaas niya ang kanyang kamay kaya napatingin ako sa tinawag niya sa may likuran ko. I saw Ares na katatapos lang mag-order at naghahanap ng mauupuan. "Dito..." sabi pa ni Aether at ini-offer ang katabing upuan. Muling nagpalinga-linga si Ares at nang wala na siyang ibang mahanap na vacant table, naglakad na siya papunta rito sa table namin. "Ngayon pa lang, sinasabi ko nang hindi ako pupunta," sabi niya nang makaupo na siya. Tss. Ang yabang talaga. Pa-hard to get pa! "Look, kung anumang plano nila, damay na tayo roon dahil alam natin na may underground laboratory sila," sabi sa kanya ni Aether. "Puwede kong itanggi at sabihing hindi ko alam," kaswal niyang sabi at kumagat sa burger na hawak niya. Arsehole. "Kung hindi ka pupunta, si Phoebe ang gagawa ng gawaing nakatoka sa'yo." Napatingala kami sa bagong dating na si Eros. Sumalo rin siya sa amin sa pagkain. Naikuyom ni Ares ang kamao niya at halos patayin si Eros sa tingin. "That's blackmailing!" inis na sabi ni Ares. "Ares, we're roommates. Alam ko kung anong magpapapayag sa'yo," natatawang sabi ni Eros. "Son of a b***h!" singhal ni Ares at tumayo na saka naglakad palabas ng cafeteria. "Pa-hard to get!" inis na sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. "Magkita-kita na lang tayo mamaya." Sabi ni Eros nang matapos siyang kumain. "Kahit wala si Ares? Parang wala talagang balak pumunta ang isang 'yon," sabi ni Aether. "Pupunta 'yon," siguradong-siguradong sabi ni Eros. "See you around." Umalis na si Eros sa table namin at nagkatinginan kami ni Aether, saka sabay na napakibit balikat. Matapos ang maghapon pang klase ay dumiretso agad kami ni Aether sa room. Nauna siyang pumasok sa bathroom. Pinatay ko na ang ilaw para hindi masyadong makita sa CCTV. Sumunod ako sa kanya sa bathroom at nakabukas na ang tiles na siyang magiging daan papunta sa laboratory. "Mauuna ako," sabi ni Aether dahil siya ang may hawak ng flashlight. Hinintay kong makababa si Aether. Tumingala siya at sinenyasan akong bumaba na. Dahan-dahan akong bumaba sa kahoy na hagdan hanggang sa nasa madilim na ibaba na ako. "Masyado kayong matagal!" Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid. Agad siyang sinipat ni Aether ng flashlight. Nakita namin si Ares na prenteng nakaupo habang naninigarilyo pa. Iniharang pa niya ang palad niya dahil sa pagkasilaw sa flashlight ni Aether. Tumayo siya at tinapon ang sigarilyo, saka ito tinapakan. "Sasama ka na?" tanong ni Aether. "Obviously," nakangising sabi ni Ares na para bang no choice na siya. "Don't you have gum? Amoy sigarilyo ka!" reklamo ko. "Tss," sabi niya lang pero naglabas din naman ng pack of gums at ngumuya ng isa. "Ang arte," pahabol niya at nagsimula nang maglakad. "Halika na," yaya sa akin ni Aether. "Yuck!" Napahinto ako dahil napatapak ako sa basa at nabasa ang school shoes ko. Pare-parehas pa kasi kaming naka-uniform. "Tubig lang 'yan! 'Wag kang maarte," inip na sabi ni Ares kaya napairap ako. Hindi ako maarte. Siyempre, 'pag nakaramdam ka ng basa, yuck agad unang papasok sa isip mo. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Ano bang klaseng lugar 'to? Para kaming nasa isang canal tunnel. "Oh my God!" Napatalon ako at napahawak sa braso ni Aether nang may maliit na daga ang nakipagpatintero sa paa ko. "Sobrang liit na daga lang 'yan, Phoebe," pang-aasar ni Aether. "Hindi tayo makakarating sa lab kung magyayakapan lang kayo riyan." Napahiwalay ako kay Aether at sinamaan ng tingin si Ares. Nagulat ako nang maglakad ito palapit sa amin at walang kahirap-hirap na binuhat ako. "What the hell, Ares!" protesta ni Aether. Nasa balikat niya ang tiyan ko, ang mukha ko naman ay nasa likuran niya. "Ares, put me down! Arsehole! Put me down!" Pinagsusuntok ko siya sa likod pero hindi niya iyon iniinda.Nagpatuloy na siya sa paglalakad habang ako ay patuloy sa pagrereklamo dahil sa hitsura ko ngayon! Bwisit! Bwisit! Bwisit! —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD