Untold

1976 Words
Chapter 15 'Untold' — Phoebe — "May alam ba si prof tungkol sa magiging party bukas?" tanong ni Aether kay Eros. "Wala. Walang ibang may alam kundi sina Mr. Rivero at Dr. Hayes lang. The rest of the administrators ay wala nang alam," sagot nito. Nagpatuloy na kami sa pagkain namin ng pananghalian sa cafeteria. Dalawang oras ang vacant namin kaya wala kaming ibang ginawa kundi ang tumambay na lang sa classroom. Inilabas ko ang libro ni Jarred at ipinunta sa huling pahina kung nasaan ang code at rectangular box na hindi ko pa rin alam kung para saan. Inilabas ko rin ang pen torch na nakasiksik dito. Hawak ko lang ito at pinagpapatay sindi ang ilaw. Wala sa sarili ko lang itong paulit-ulit na ginagawa dahil sa lalim ng iniisip ko. Hindi ko pa rin nare-resolba ang mystery code ng notebook na 'to. Dumaplis ang pag-click ko sa torch kaya nabitawan ko ito. Natapat sa rectangular box ang ilaw nito at nakuha ang atensyon ko ng mga numerong lumitaw nang saglit na natamaan ito ng ilaw. Nang gumulong ang pen torch ay agad ko itong dinampot at muling itinapat sa box ang ilaw nito. Masyadong maliwanag kaya hindi gaano malinaw ang numero ngunit nakasisiguro akong anim na zeros ito. Tinakpan ko ang drawing para dumilim nang kaunti at saka ito muling tinapatan ng torch. Hindi nga ako nagkakamali, anim na zero ang nakasulat na numero. Muli akong napatitig sa pen torch. "What's up with you?" bulong ko sa sarili habang nakatitig pa rin dito. Simpleng bagay ngunit napakalaking palaisipan. Nang oras na ng training namin ay napagpasyahan kong ipakita sa kanila ang natuklasan ko. "Bakit puro zero 'yan?" tanong ni Aether ngunit wala sa amin ang may alam ng kasagutan. "Imposibleng 'yan ang code," dagdag pa nito. Kinuha ni prof ang pen torch sa akin at muling inilawan ang rectangular box na naka-drawing sa notebook. "Si Jarred ay pinaghalong Phoebe, Eros at Aether. He loves mystery, science and computers. At nakakasigurado akong magkaka-konekta ang lahat ng ito sa kanyang hilig," sabi ni Prof. "One more thing, nakausap ko si Calila, the moment I mentioned Jarred and Jairah's names, alam kong kilala niya ang dalawa," singit ko. "Anong sabi niya?" tanong ni Eros. "Hindi siya nagsalita. Bigla na lang siyang umalis. Parang umiwas siyang mapag-usapan sila," I explained. Maging sila ay hindi alam ang maaaring dahilan. Nang matapos ang reporting namin ay nagpunta na kami sa training ground at pumuwesto sa dati naming puwesto. "Kung ang pag-atake ay manggagaling sa likuran, grab his arm at iikot ito papunta sa likuran para mapilit ang kanyang braso," sabi ni Ares at dinemo pa kay Eros ang dapat gawin. "Kung ang pag-atake naman ay manggagaling sa harapan, salagin ito gamit ang braso. Hit him at hawakan sa magkabilang balikat, saka ito sikmuraan gamit ang tuhod," sabi pa niya at kay Aether naman dinemo. Matapos ang basic explanation niya ay right positions naman sa pag-atake ang ibinigay niya. Buti na lang at kahit papaano ay nakakasabay ako. "One...two...three...four...five..." sabi niya habang ipinapakita sa amin ang una hanggang ika-limang posisyon. Ginaya naman namin nang paulit-ulit ang ginawa niya. "One! Two—Phoebe! Wrong position of legs. Again! One! Two! Three! Fo— Eros! Ituwid mo 'yang right arm mo! Again! One! T— Aether! Mali ang ikot mo!" Bihira lang kaming maka-kumpleto ng bilang na lima dahil kaunting pagkakamali namin ay napupuna agad ni Ares. "Enough!" sigaw ni Prof at napaupo kaming tatlo dahil sa pagod. Pare-parehas kaming naghahabol ng hininga. "Poor stamina. Kahit ma-master ninyo ang tamang pakikipaglaban, kung ganyan naman kahina ang stamina ninyo, hindi pa rin kayo tatagal sa isang labanan. Kumain at matulog kayo nang ayos. Mag-ehersisyo palagi. Walang timeout at pahinga sa labanan. Walang water break. Tuloy-tuloy ito at matira ang matibay," sabi ni Ares at naki-upo sa harap namin. "Puwede bang paunti-unti lang muna?" tanong ni Aether at uminom sa bote niya. "Oo nga. Ni hindi nga tayo nag-warm up at diretso train agad!" pagsang-ayon ko habang nagpupunas ng pawis. "Malay ko bang ni hindi na pala nababanat 'yang mga buto ninyo at kinakailangan pa ng warm up. Kung nag-eexercise kayo kahit papaano, e 'di sana hindi nabigla 'yang mga katawan ninyo," sagot niya lang at uminom na rin sa boteng hawak niya. "About the party tomorrow..." sabi ni Eros kaya napatingin kami sa kanya. "Subukan nating makausap si Calila. Samantalahin natin ang party kung saan maaari tayong makihalubilo sa kanya nang hindi pagdududahan ni Mr. Rivero," dagdag niya at nakuha ko ang kanyang point. "Sige, ako nang bahala bukas." "Pare-parehas tayong mangangapa kung para saan ang party na 'yon. Mag-iingat kayo," seryosong sabi niya at tumango kami. "Hindi naman masyadong pinaghandaan ang party na 'yon kaya maaaring normal na party lang ang maging takbo no'n. But still, kailangan pa ring mag-ingat," dagdag ni Prof at tumayo na kami para bumalik sa mga kuwarto namin at makapagpahinga dahil nananakit na nang sobra ang katawan ko. — "Anong klaseng party nga ulit 'yon? Kailangan ba formal?" tanong ko kay Aether habang nakaharap sa closet ko at pumipili ng maisusuot para mamaya. Linggo ngayon at umaga pa lang ay aligaga na ako. "Bakit parang excited ka? May gusto ka bang maka-date?" natatawa niyang tanong kaya inis ko siyang nilingon. Cool na cool siyang nakahiga sa kama ko at inuunan ang magkabila niyang braso. "Sinong nagsabing gusto kong maka-date si Ares?" inis ko ring tanong at napahagalpak siya ng tawa. Napaupo pa siya sa katatawa at hawak-hawak ang tiyan. "Wala akong binanggit na pangalan sa gusto mong maka-date. Why so guilty?" pang-aasar niya kaya binato ko siya ng unan. "Tigilan mo 'ko sa kalokohan mo, four-eyed freak!" bulyaw ko sa kanya. "I'll tell Ares to date you." Wala pa rin siyang tigil sa kakaasar kaya lumabas na ako ng kuwarto kahit pa naka-pajama pa ako at shirt. Pumunta na lang ako sa caf para magkape dahil wala namang pasok ngayon. Linggo nga pala ngayon at wala si Prof Alarcon. Naging normal naman ang takbo ng agahan ko ngayon. Konti lang ang estudyateng nandito. Marahil ay sa dorm na kumain ang ibang estudyante dahil wala rin namang klase. Matapos mag-isang kumain ay bumalik na ako sa dorm room. Naabutan ko na si Aether na inaayos ang kanyang isusuot mamaya sa party. "Cardigan, of course," I teased when he pulls out a cardigan. He just makes face in me. "'Yan ba ang isusuot mo?" tanong niya habang nakaturo sa cocktail dress na inihanda ko kanina. Tumango ako. "Mukhang alam ko na ang magiging reaksyon ni Ares mamaya," naiiling na sabi niya. "Mukha kang Ares. Are you having a gender crisis? May gusto ka ba ro'n?" singhal ko sa kanya. Tumawa lang siya at halatang nang-aasar pa rin. Kumuha na lang ako ng chips sa cabinet ko at tumalon sa kama ko. Inip kong hinintay ang maghapon. Alas siyete ang simula ng party pero alas singko pa lang ay naligo na ako dahil magbo-blow dry pa ako ng buhok. I braided my hair. I consider this as one of my talents. I wear my yellow cocktail dress and taupe stilettoes. Mahigit isang oras ang lumipas ay ready na kami ni Aether para sa party. Nakarinig kami ng sunod-sunod na katok sa pinto at sabay na kaming naglakad. "What took you two so long?" inis na tanong ni Ares, nasa tabi niya si Eros. Just like Aether, Eros wears a cardigan. Nerds are nerds. But what the fudge? Bagay na bagay sa kanila ang goodie-goodie drama outfit nila. While Ares... He's wearing a suit. A black suit that compliments his dark aura. He lets his hair down and licked it back. That made him looks...hot, perhaps? "Halika na!" Hinila niya ako at sumunod 'yong dalawa. Hila-hila pa rin ako ni Ares kahit nasa hagdan na kami. Siguradong mapag-iiwanan nila ako kung hindi niya ako hinihila dahil ang bibilis nilang maglakad. "Sandali lang naman! Naka-heels ako!" reklamo ko pero parang wala silang narinig. Huminto lang kami nang marating namin ang venue. Simple lang ang decoration pero maganda pa rin. Mukha ngang biglaan lang ito. Maaaring para sa announcement lang talaga ang party na 'to. Marami nang estudyante ang nandito. May mga champagne din na nasa buffet table. Allowed kaming uminom ngayon. "Kuha tayo ng cham—" Papunta pa lang ako sa buffet table ay hinila na ako ni Eros pabalik sa puwesto ko. "Wala tayo rito para sa party. Ayun 'yong target natin," sabi niya at tinuro ang table kung nasaan si Calila. "Ayaw nga niyang makipag-usap sa akin, 'di ba? Kukuha pa ako ng tiyempo. Try mo kaya, Aether," sabi ko. He smiled awkwardly. "Nahihiya ako, e." Natawa sina Ares at Eros dahil napakamot pa siya sa batok niya. "We're all not good in socializing. Paano natin siya i-a-approach?" I asked. "Try mo, Ares," sabi ni Aether. "Baka mapikon lang si Ares kung magpa-hard to get si Calila," sabi ko. "Lemme do it." Sabay-sabay kaming napalingon kay Eros. "Sigurado ka ba riyan? Paano mo siya mapapapayag na magsalita?" nag-aalangan kong tanong. "I wasn't named Eros for nothing," nakangisi niyang sabi. Yea, right. Eros, the God of s****l desire and attraction. Napairap na lang ako dahil sa kayabangan niya. "Go! Patunayan mong isa kang Eros!" Aether gesture him to go. Naglakad na si Eros papunta sa table nila Calila. Nang makita naming magkausap na sila ay dumiretso na kami sa buffet table at kumuha ng makakain. Nang makahanap na kami ng puwesto para kumain ay sinulit namin ang sarap nito. Patapos na kami nang bumalik sa amin si Eros. Napatigil kaming tatlo nang makitang nasa likuran niya si Calila. "Handa na niyang sabihin ang nalalaman niya," sabi niya at ipinaghila ng upuan si Calila. Bago maupo ay kumindat pa sa akin si Eros at halatang proud dahil nadala niya rito si Calila. "Maaari mo bang sabihin kung anong relasyon ni Jairah kay Jarred?" tanong ko. Tumango siya at huminga nang malalim. "Si Jairah ang pinakamahigpit na karibal ni Jarred sa mga science quiz bee na sinalihan niya as Terra U representative. Malaki ang naging inggit ni Jairah kay Jarred dahil lagi lang siyang pumapangalawa rito," sagot niya. "So hindi talaga estudyante ng Terra si Jairah?" tanong ni Ares at umiling si Calila. "Hindi. Taga-IS si Jairah. Nagkikita at nagkakasama lang sila tuwing may competition," "E, ikaw? Palagi mo bang nakakasama si Jarred?" Aether asked. "Hindi rin. Nag-uusap kami kung tungkol lamang sa pag-aaral. Madalas kasing magkasabay ang science quiz bee at math quiz bee kung saan ako naman ang representative," sabi niya. "Nasabi mong naging magkaribal sila at napuno ng inggit si Jairah kay Jarred? Paanong parang naging malapit sila sa isa't isa kung titignan sa mga larawan nila na kung minsan ay nakakasama ka pa," I ask. "'Yan din ang ipinagtakha ko. Isang beses na muling nagkaroon ng competition, parang naging sobrang lapit nila sa isa't isa. Parang may nalalaman sila. Hanggang sa ganoon na ang laging nangyayari. Naging malapit din naman kami ni Jairah dahil iilan lang kaming babaeng representatives ng iba't ibang school pero iba ang samahan nila. Basta, hindi ko maipaliwanag ang naging closeness nila. Tuwing naririnig ko silang nag-uusap, ang dami nilang ginagamit na mga terms at alam kong may isinisikreto sila," paliwanag pa niya. "Wala ka bang idea kung ano iyon?" tanong ni Eros ngunit muling umiling si Calila. "Parang wala talaga silang balak ipaalam sa iba ang nalalaman nila dahil sa mga terms nilang dalawa. Hanggang sa gabing nawala si Jarred, nagpatuloy si Jairah sa IS pero hindi na siya naging ganoon ka-active sa mga academic competitions." "Saan siya nag-aaral?" muli ay tanong ko. "Stanley International School. Kung inaalam ninyo ang dahilan ng pagkawala ni Jarred, I suggest na sadyain ninyo si Jairah sa SIS. Dahil noon pa man, malakas na ang kutob kong may kinalaman ang sikreto nilang dalawa sa pagkawala ni Jarred." Nagkatinginan kaming apat. "Are you sure?" tanong ni Ares. "Walang kasiguraduhan, pero malaki ang posibilidad. But the question is... makakalabas ba kayo ng Terra?" Tumayo na siya kaya napatingala kami sa kanya. "Saan—" "'Yan lang ang nalalaman ko. Mananatiling sikreto ang usapang ito, ngunit hindi na ulit ako mangingialam. Ayokong madamay." Tinalikuran na kami ni Calila at sumandal si Eros sa kinauupuan niya. Tinignan namin siya pero si Ares lang ang binalingan niya. "Get ready, Ares. May susunduin ka sa labas ng Terra." —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD