Shattered Alliance

1953 Words
Chapter 16 'Shattered Alliance' — Phoebe — "You're kidding, right?" Ako na ang nag-react dahil maging si Aether ay hindi na nakapag-react sa sinabi ni Eros. I look at Ares ngunit tahimik lang siya. "I'm dead serious, Phoebe. Ares is our only ace to get Jairah," sabi niya. "What the hell? Talagang isusugal ninyo aang kaligtasan niya para lang makausap si Jairah? We can bring her here a way or another," naiirita kong sabi. Malaking tulong si Jairah para malaman ang misteryong bumabalot dito, but as much as possible, wala na sanang muling mapapahamak. Not any other student. Not Ares! "In what another way? May naiisip ka pa bang ibang paraan? Wala na, Phoebe!" "Hey, we need to chill. Tone down your voices. Baka may makarinig sa atin," sabi ni Aether at inirapan ko sila. "Wala namang mapapahamak, Phoebe," kalmado nang sabi ni Eros. "Don't you trust Ares? Malaki ang tiwala ko sa kanya na kaya niyang makabalik dito nang buhay at kasama pa niya si Jairah. We need to trust him." Nilingon ko si Ares at nanatili siyang tahimik. "What? Wala ka man lang sasabihin?" inis na tanong ko sa kanya. "If she doesn't want me to go, I won't," sa wakas ay sabi ni Ares kay Eros kaya nakahinga ako nang maluwag. "What? Ares!" he calls him out. "He made up his mind. Hindi siya aalis!" matigas na sabi ko. "He made up his mind? No, Phoebe, you've made up your mind. Dinepende ni Ares ang desisyon niya sa'yo. He needs to go out Terra. Stop being selfish!" Natawa ako sa tinuran ni Eros. "Selfish? Ako pa ang selfish? E, kayo 'tong naglalagay ng kapahamakan sa isang tao!" Tumayo ako upang talikuran na sana sila pero muling nagsalita si Eros. "You're the one being selfish here. Kaya ayaw mong umalis si Ares ay dahil natatakot kang hindi na siya bumalik. Na wala nang magliligtas at magpoprotekta sa iyo. Na baka wala nang sumalo sa iyo sa mga kapalpakang magagawa mo!" Napamaang ako sa mga binitiwan niyang salita. "Eros, ano ba?" suway ni Aether. "E, ano pa palang silbi ko rito kung palpak pala ang tingin ninyo sa akin? Pasensya na kung hindi ninyo ako kasing talino ni Aether. Pasensya na kung hindi ako kasing lakas ni Ares!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ang mga luha ko. "That's not what I meant—" "Huwag naman ninyong ipamukha sa akin na wala akong silbi sa misyon na 'to. Na no choice na talaga kayong isama ako dahil aksidente akong nataniman ng EBP!" Tinalikuran ko na sila at tumakbo paalis ng venue. Gusto kong bumalik sa dorm room ngunit ayoko munang makita ang ni isa sa kanilang tatlo. Pumunta na lang ako sa may gilid ng dorm building, naupo sa damuhan at sumandal sa wall. Pinunasan ko ang luha ko at tumingala sa langit. "Ang sarap sana ninng pagmasdan, kaya lang ay alam kong peke kayo," kausap ko sa mga bituin sa langit at buwan na silang nagsisilbing liwanag sa kadiliman. "Peke kayo, parang ako. Pekeng kasapi ng misyong ito," dagdag ko pa at ngumiti nang mapait. Mula rito sa puwesto ko ay dinig ko nang malinaw ang ingay na nagmumula sa venue. Ang malakas na tunog ng musikang nagpapabuhay sa gabi. Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig na ako ng nagsasalita sa mic. Dalawang tao ang nagmamay-ari ng mga tinig. Si Dr. Hayes at si Mr. Rivero. Sinulyapan ko ang wrist watch ko upang alamin ang oras. "Maraming salamat sa pagdalo, mga minamahal naming mag-aaral ng Terra University," it was Mr. Rivero. Tahimik lang akong nakikinig mula rito sa puwesto ko. "Sulitin na nating lahat ang gabing ito. Sulitin na natin ang party na ito. Dahil para sa kaalaman ng lahat, sa loob ng dalawang linggo, handa na ang spacecraft na maghahatid sa atin sa Planet Eureia," sabi ni Dr. Hayes. Napapikit na lang ako. Nakakapagod din pa lang magprotesta. Lalo na kung maraming bagay ang nagpapamukha sa'yo na wala ka namang magagawa. Na wala kang maitutulong. Ayoko nang ubusin ang natitira ko pang lakas sa pagprotesta na alam ko namang walang magagawa. Katulad ng ginagawa ng mga estudyante ng Terra ngayon. Dinig ko ang hindi magkamayaw na violent reaction ng mga kapuwa ko estudyante. Lalo lang silang nagkagulo nang matanaw kong namatay ang ilaw at may pumalit na pamilyar na liwanag. Napatayo ako. It's a UV light. Naalala kong UV light ang dahilan kung kaya't nakita namin ang EBP na nasa katawan namin. Limang segundo lang ang itinagal nito at bumalik na sa normal ang ilaw. "Dalawang linggo mula mula ngayon, magiging ganap na Eureian na kayo," sabi pa ni Dr. Hayes na muling prinotestahan ng mga estudyante. Ilang minuto pang nanatili ang tensyon sa venue na umaabot hanggang dito sa puwesto ko hanggang sa nagpaalam na ang dalawa. Muli kong sinulyapan ang relo ko. Tulad ng inasahan ko, wala pang sampong minuto ang itinagal nila. Hindi ko alam kung nagkakataon lang ba ngunit sa tuwing nagpapakita si Dr. Hayes ay hindi ito tumatagal ng sampong minuto. Noong unang anunsyo patungkol sa Lasciera La Terra. Noong nagkaroon ng suffocation. At ngayong gabi. Bakit tila kalkulado lamang din ang inilalagi niya rito? Bakit hindi ko siya nakikita sa mga normal na raw at tuwing may ganito lamang na pangyayari? I shook my head. I'm done with this Holmes wanna be drama. Ayoko na. Ayoko na sanang pahirapan pa ang sarili ko. Ayoko nang subukan. Cause I know, papalpak ako. Like what Eros said. Lumipas ang magdamag nang hindi ako bumabalik sa dorm. Dito na rin ako nakatulog sa labas. Bumalik lang ako ng dorm para maligo na dahil may klase ngayon. "God, Phoebe! Saan ka ba nanggaling?" salubong sa akin ni Aether pagpasok ko pero nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa bathroom. Matapos maligo at magbihis ay lumabas na ako. Wala na si Aether, which is better. Naupo ako sa gilid ng kama ko at kinuha ang notebook ni Jarred na palagi kong dala at inilagay sa drawer ko. Pati na rin ang naiwang controller ni Fifth. I don't think na kakailanganin ko pa ang mga 'yan kaya mas mabuti kung itatabi ko na sila. Lumabas na ako ng kuwarto at nagtungo na agad sa classroom. Ayoko nang pakiramdaman ang paligid, ayoko nang maging aware. Magiging tulad na lang ako ng ibang estudyante rito. 'Yong maghihintay na lang ng oras para dalhin sa Planet Eureia. "Phoebe, tayo na lang ang partner sa research paper, ha?" sabi ni Abby. Ngumiti ako't tumango. Kailangan ko na ring layuan ang mga taong nagdala sa akin sa misyon na 'to. I need new acquaintances. "Phoebe, pati ba naman ako, iiwasan mo?" tanong ni Aether nang upuan niya ang bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ko siya inimik at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Abby. Maging sa klase ni Prof Alarcon ay hindi ko nagawang makinig. Wala siya kahapon ngunit alam kong nakarating na sa kanya ang nangyari sa aming apat kagabi sa party. I don't know if she's the kind of human who easily takes side. Hindi ko magawang makinig dahil alam kong hinuhuli niya ang mga tingin ko kaya hindi ko siya matignan. Lunch break ay sa ibang table ako kumain, silang tatlo lang ang magkakasama. Nararamdaman ko ang madalas na pagsulyap sa akin nina Eros at Aether pero hindi ko sila nililingon. Ngunit iba ang tulak ng isipan ko nang si Ares na ang naramdaman kong nakatingin sa akin. Nilingon ko siya at nagtama ang aming paningin. I don't know. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Parang walang gustong magbawi ng tingin. "Phoebe, are you listening?" Nakuha lang muli ni Abby ang atensyon ko nang mag-snap siya sa harapan ko. "Yea, sorry. Nasaan na nga tayo?" tanong ko ngunit nabaling muli ang tingin ko sa table nilang tatlo. Masaya na silang nagtatawanan at nagku-kwentuhan. I guess, they don't really need me. Hanggang sa dumating ang oras ng training. Aether ask me kung pupunta ako. Umiling ako at hindi na ako pinilit pa. Of course, Phoebe, hindi ka kawalan para pilitin pa. Kaya na nilang apat 'yon. Nagpalit na ako ng pantulog dahil hindi ako nagugutom. Ngunit nakarinig ako ng katok mula sa bathroom. "Phoebe," tawag ni Prof Alarcon mula roon. "What? I'm not coming," sabi ko habang nakapikit na. "Okay, but could you at least come with me? I need to tell you something," she pushes. "What something?" "An update with your family." Napabangon ako. I almost forgot, every Monday nga pala ay may update siya sa akin na nakukuha niya tuwing lumalabas siya ng Terra kasama ang ibang administrators. Tumayo ako at pumasok sa banyo. "Follow me," sabi niya at sinundan ko siya hanggang sa lab. "Nagsisimula na ang training nila." Napansin niya nang magpalinga-linga ako para hanapin 'yong tatlo. "I don't care," matabang kong sabi. "Ito na ang photos." Iniabot niya sa akin ang brown envelope na may pictures ng pamilya ko. Nami-miss ko na sila. Ngunit alam kong wala nang pag-asa na makasama ko pa ulit sila dahil kasama na ako sa mga lilipad papuntang Eureia. "Maupo ka, Phoebe. May gusto pa sana akong sabihin sa'yo," sabi niya. Nandito na lang din naman ako, pakikinggan ko na siya. "Make it fast, please," sabi ko at ngumiti lang siya. "I heard what happened last night," panimula niya. "I understand if you take side. Eros is your son, so technically, you're in his side," sabi ko at umiling siya. "Practically, I'm in between. I already talked to Eros, and he explained his side. He's unreasonable at some point. And I won't tolerate him. I understand if you walked out. But instead of walking out, why not prove them wrong? Malaki ang naitulong at maitutulong mo sa team, Phoebe," sabi niya. "I hope your son would see my worth, too," natatawa kong sabi. May kinuha si Prof sa cabinet na nahahawig sa hitsura ng isang plantsa. "Alam mo ba kung ano 'to?" tanong niya. "What's that?" I ask. "This is an EBP vacuum. For your information, Phoebe, I have all the control para tanggalin ang EBP na nakatanim sa inyong apat." Napakunot ang noo ko. "Why are you saying this?" "I just want you to know na maaaring no choice lang ang pagkakatanim ko ng EBP sa'yo, but that doesn't mean na no choice na rin kami kaya ka lang nananatili rito," sabi niya at napayuko ako. "Kasi..." "Puwede kong tanggalin sa'yo ang EBP at itanim sa iba na puwedeng magtago nito. Pero hindi ko ginagawa. Why? Dahil kayong apat ang perfect choice. Kayong apat ang may kakayahan upang ilayo ito sa mga nagbabalak kumuha rito. Hindi ko 'to inililipat sa iba dahil wala na akong nakikita pang iba na mas may kakayahan pa sa'yo. Napakalaking sugal ang ipagkatiwala 'yan sa mga taong hindi karapat-dapat. Oras na makuha nila ang temporary EBP, mas mawawalan ng chance na mapigilan ang LLT dahil makakabuo na sila ng permanent EBP at magiging ganap na Eureian na ang mga estudyante," mahabang paliwanag niya. Nakagaan sa pakiramdam ko ang isipin na hindi nila inaalis sa akin ang EBP kahit kayang-kaya naman niya. Is this just a proof na may trust sila sa anumang kakayahan ang mayroon ako? "Bawat isa sa inyong apat ay mahalaga. We need you in this group, Phoebe." "I don't want to see Eros yet. He's the one who belittled me." Napangiti si prof. "He didn't. Alam ni Eros ang tungkol sa EBP vacuum, at ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang bawiin sa'yo ang EBP. Because he trusts you. May tiwala si Eros sa kakayahan mo, Phoebe." "If he does, bakit kailangan niyang sabihin sa akin 'yon?" "Naiintindihan kong nag-aalala ka kay Ares, Phoebe, pero sana, maintindihan mo rin na kapatid ni Eros si Jarred. Labis ang paghanga niya sa kuya niya. He's too desperate na makita na ang kuya niya. Kaya walang ibang pinakaapektado sa paghahanap kay Jarred kundi si Eros na matagal nang nanabik na makasama niya itong muli," sabi niya. Tumango ako dahil naiintidihan ko na rin. May mali rin ako. Inintindi ko dapat ang nararamdaman ni Eros. "Can we proceed to the training ground now?" nakangiting tanong ni Prof Alarcon. I smiled back at tumango. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD