The Stars and Us

1695 Words
Chapter 14 'The Stars and Us' Phoebe's PoV "Aray!" Bigla na lang akong napasigaw at napaluhod when someone kicked me in my right calf. Napatingin sa akin ang tatlong lalaki at nagulat nang makitang si Prof Alarcon ang sumipa sa akin. "Mom!" gulat na sabi ni Eros ngunit hindi siya pinansin ng kanyang ina, bagkus ay binalingan nito si Ares. "See that, Ares? Not all the time, nasa kanya ang paningin mo. Phoebe still need to learn how to defend herself." N-narinig ni prof? Hindi iyon imposible dahil siya ang pinakamalapit sa puwesto ko. "What the hell!" sabi ni Ares at naglakad pabalik sa akin. Ganoon din sina Eros at Aether. "Ano po bang problema, Prof?" naguguluhang tanong ni Aether. Tumayo ako ngunit nakatikim na naman ako ng sipa mula kay Prof. Buti na lang at nakakuha ako ng balanse at nanatiling nakatayo. Sinugod ko siya pero sinikmuraan niya ako at napaatras ako sa sakit. "Enough!" sigaw ni Ares at pumuwesto sa harap ko upang harapin si prof. "See? She can't even touch me. How much more those assailants who are surely trained professionally?" giit ni Prof. "I will f*****g kill them before they can even f*****g touch Phoebe," ganting sigaw ni Ares. Umayos kaming lahat ng tayo. Huminga nang malalim si prof at kinalma ang sarili bago muling nagsalita. "Hindi lang si Phoebe ang dapat mong protektahan. We're doing this for the whole Terra," kalmado na niyang sabi. "You know I'm only doing this for her." Napatingin ako kay Ares. Mahinahon na rin siya pero nakatingin lang sa kawalan at hindi sa kausap niya. "Ares..." tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon. "But yea, if that's what you want, I will train her. But I'm telling you, it's only her I will protect here. I don't care kung mamatay ka, si Eros, si Aether o kahit lahat ng estudyante ng Terra. Call me selfish or what, but if it wasn't for Phoebe, matagal na akong lumabas ng Terra dahil hindi balakid sa paglabas ko ang mababangis na hayop sa Lakeside forest," said Ares. Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Ares is right. Nawala ang gate ng Terra. And Lakeside forest is a bait dahil imposibleng may makalabas na estudyante roon. Puwera na lamang kung ikaw si Ares Sandoval na lumaki sa pangangaso at madali lang kakaharapin ang mababangis na hayop. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko ngunit ako raw ba ang dahilan kung bakit hindi siya tumatakas? Muli akong napatitig sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang expression niya. "That's all for tonight. Sisimulan ang totoong training bukas," she dismissed us at naglakad na palabas ng training area. Naiwan kaming apat at nagpapakiramdaman sa isa't isa. "Ayos ka lang ba, Phoebe?" basag ni Aether sa katahimikan. "Yea, yea." Tumango ako kahit masakit pa rin ang tuhod ko dahil sa pagkakaluhod ko kanina. "Nakaka-stress at nakaka-lito ang gabing 'to. Ang mabuti pa ay sumama kayo sa akin," sabi ni Eros at may dala siyang binocular telescope. Sumunod na sa kanya si Aether. Iika-ika akong sumunod sa kanila. "Bilisan mo!" singhal ni Ares at sumunod na sa dalawa. Hindi man lang nag-abalang akayin ako. "May pa-protect protect pang nalalaman, e ni hindi nga magawang tulungan ako," inis na bulong ko. Sa canal tunnel ang way na tinatahak namin ngunit huminto na kami nang marating namin ang kala-gitnaan. Nasa tuyong bahagi kami nakapuwesto. Tumalon-talon si Eros at may inabot na ilang tuyong d**o. Napanganga ako nang tumambad ang butas ng tunnel at tanaw ang nagniningning na mga bituin. "Parang totoo..." namamangha kong sabi at tumawa si Eros. "Dahil totoo 'yan, Phoebe." Nagulat kaming tatlo sa sinabi niya. "Totoo?" tanong ni Ares. "Oo. For your information, ang parteng ito ng underground natin ay bahagi na ng Lakeside forest," sabi niya. "May butas na pala sa labas ng Terra, bakit hindi na lang ito ang gawing daan palabas?" tanong ko. "Pakinggan mo ang kapaligiran, Phoebe," sabi ni Eros. Tumahimik kami para pakinggan ang paligid. "Those grunting, groaning and howling, lahat iyan ay nanggagaling sa itaas, sa Lakeside forest. Baka kalalabas pa lang natin ng butas na 'yan ay sunggab ng mababangis na hayop ang sasalubong sa atin," paliwanag niya. Mukhang delikado nga ang makipagsalaran diyan. Napakaliit ng chance na malalagpasan namin ang Lakeside forest. Tinignan ko si Ares nang mapansing tahimik lang siyang nakatingin sa butas. Nagtakha ako nang makitang naglalatag si Eros ng maliit na tela. "Mag-star gazing muna tayo, baka sakaling makalimutan ni Phoebe ang sakit ng katawan niya," Eros teases at humiga na. Nakigaya kami at nahiga ba rin. Halos magkakadikit ang ulo namin at para kaming naka-form ng cross. Sumilip si Eros sa dala niyang telescope. Nakatingin lang naman ako sa mga bituin gamit ang aking n***d eyes. Napangiti ako nang may makita akong imahe sa bituin. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Ares nang itaas ko ang kamay ko at pagkonektahin ang mga bituin gamit ang aking hintuturo. "May puso," sabi ko. "Tss," tanging komento niya. "Here." Iniabot sa akin ni Eros ang gamit niyang telescope at tinanggap ko naman iyon para makasilip din. "Ang ganda!" namamangha kong sabi. "Nakaka-miss ang makakita ng mga tunay na bituin," dagdag ko pa. "Phoebe..." mayamaya ay tawag sa akin ni Ares. "Hmm?" tanging sagot ko dahil aliw na aliw pa rin ako sa pagsilip sa mga bituin. "Sabihin mo lang kung gusto mo nang makalaya rito. Idadaan kita sa butas na 'yan at ihahatid kita hanggang sa makalabas ka ng kagubatan. Sabihin mo lang, itatakas kita ngayon mismo," sabi ni Ares. "Kung mag-usap kayo, parang wala kami rito ni Eros," natatawang sabi ni Aether. "You think hahayaan namin kayong makatakas?" natatawa ring sabi ni Eros. "I will kill you both oras na pigilan ninyo kami," biro ni Ares. "Kailangan namin kayo parehas para makatakas ang buong Terra. Pero hindi namin kayo pipigilan kung gustuhin man ninyong tumakas na. Kahit sino naman ay pipiliing makatakas oras na makahanap ng pagkakataon," seryosong sabi ni Eros. "We're all in," sabi ko at natahimik sila. "What do you mean?" tanong ni Ares at bahagya pa akong nilingon. Ulo kasi nila ni Aether ang nasa magkabilang gilid ng ulo ko. "Gusto kong tumakas, oo. Gustong-gusto ko. Pero para saan pa? Nasimulan ko na 'to, e. Isa ako sa mga naturukan ng temporary EBP. Oras na malaman nila na apat sa mga batang nandoon sa Crimson Hospital ang tinurukan, hindi imposibleng matunton nila ako. Madadamay ang pamilya ko. At ayokong mangyari 'yon." "Phoebe..." Muli kong nilingon si Ares at nginitian. "Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa, Ares. Pero nagpapasalamat ako. Dahil sa iyo, nababawasan 'yong takot ko. It's really weird to feel safe in a place of death. But your words of protecting me really secure my safety," I sincerely said. Nag-iwas siya ng tingin at binalik ang mga mata sa langit kaya ganoon na rin ang ginawa ko. "Kaya 'wag kang tatanga-tanga. 'Wag mong abusuhin ang pagprotekta ko sa'yo." Muling bumalik ang inis ko dahil sa sinabi niya. "That's rude, dude!" suway ni Eros kay Ares. "Actually, that's sweet," sabi ni Aether at tumawa nang malakas. Inirapan ko lang siya. "Do you guys believe in astrology?" Mayamaya ay tanong ni Eros. "Tss. Astrology is s**t. Horoscope is fool. Bakit mo idedepende sa mga bituin ang kapalaran mo? Anong kinalaman no’n sa buhay mo?" pikon na sabi ni Ares. "Chill. Nagtatanong lang si Eros," natatawang sabi ni Aether. Hindi ko alam kung bakit sobrang masayahin si Aether. Napailing na lang ako dahil sa asaran nilang tatlo. The rest of the night ay napuno lang ng asaran. I'm surprised dahil maging si Ares ay nakikisalamuha at nakikisakay na sa asaran nung dalawa. This night is refreshing. Parang pansamantala akong nakalabas ng Terra U dahil sa mga bituin na nakasama naming apat. Kinabukasan, maaga ulit akong gumising para muling dumaan ng library at binuklat ang year book. Sa pahina agad kung nasaan ang nga larawan ako dumiretso. Tinitigan kong muli ang bawat larawan na magkasama sina Jarred at Jairah. Napaayos ako ng upo nang mapansin ang isang bagay. Ang background ng mga larawan nila ay laging sa isang stage. At base sa nakasulat, mga quiz bee competition ito. Quiz bee? Sa uniform nila, halatang magkaiba na sila ng school. May isang picture kung saan may kasama pa silang isang babae. At naka-uniform ito ng Terra Academy. Nakatitig pa rin ako sa larawan habang nag-iisip. Na-realize ko na tila pamilyar ang batang babae. Nakikita ko siya rito sa Terra U. Oo, tama! Nakikita ko nga siya rito. Kahit bata pa lang siya rito, alam kong siya 'to. Isa siya sa pinakamatalinong estudyante rito kaya pamilyar siya. I just don't know her name. Isinarado ko ang book at nagtungo kay Eros na nasa classroom na. "The girl in eyeglasses. 'Yong kulot. What's her name?" tanong ko nang tumabi ako sa kanya. "Maraming kulot na naka-eyeglasses dito," sabi niya. "The one na maaaring malapit kay Jarred," I said at saglit siyang nag-isip. "Calila?" sabi niya. "Calila what?" "Calila Alvior. Fourth year college." Tumango ako at lumabas na. Nagpunta ako sa senior department at ipinagtanong ang classroom ni Calila. Itinuro nila ako sa pinakadulong classroom. "Calila! May naghahanap sa'yo!" sigaw ng lalaking pinagtanungan ko at naglakad palapit dito ang sadya ko. Mabuti na lang at kami na lang ang nasa labas kaya makakausap ko siya nang ayos. "Hi, Calila," paunang bati ko sa kanya. "Uh, hi," nakangiti ngunit nag-aalangan niyang bati. Marahil ay nagtatakha siya kung anong sadya ko sa kanya dahil hindi naman kami magkakilala. "I'm Phoebe Villamor, sophomore," pakilala ko at tumango siya. "May kailangan ka ba sa akin?" nakangiting tanong niya. "Gusto ko lang sanang itanong, may naaalala ka bang lalaking nagngangalang Jarred Alarcon?" Nakita ko kung paano unti-unting nawala ang mga ngiti niya. "I'm sorry—" Umamba siyang tatalikuran na ako pero pinigilan ko siya sa braso. "Kailangan ko lang nang kaunting impormasyon tungkol kay Jarred at sa batang babaeng nagngangalang Jairah Bluestone?" "How did you know Jairah?" tanong niya. "So you know Jairah?" I asked ngunit hindi siya sumagot. Bagkus ay tuluyan na niya akong tinalikuran at bumalik sa loob ng kanilang classroom. Bagsak ang balikat akong naglakad pabalik naman sa classroom namin. "Have you seen the bulletin board?" tanong ni Aether. Ni hindi ko man lang napansin na nandito na pala siya sa tabi ko. Wala sa sarili akong umiling. "May party raw," sabi niya at nakuha nito ang atensyon ko. "Party?" ulit ko at tumango siya. "Oo. Hindi sinabi kung anong klaseng party 'yon. Pero obligado ang lahat na um-attend. At magaganap ito bukas," sabi pa niya. "Agad?" Tumango lang siya. Ano namang klaseng party ang idaraos sa ganitong klaseng situwasyon? —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD