And He Leaves

1682 Words
Chapter 17 'And He Leaves' — Phoebe — Nakasunod lang ako kay Prof Alarcon sa paglalakad papuntang training ground. "Bakit nakatunganga lang kayo riyan?" pagalit ni Prof nang maabutang mga nakaupo lang sila. Maging si Ares na hype pagdating sa training ay nakaupo lang din. "Nakakapanibago lang kasi wala si—Phoebe!" gulat na sabi ni Aether nang makita ako sa tabi ni Prof. Napatayo silang tatlo. "What are you doing here?" tanong ni Ares. "Hindi na ba ako welcome dito?" taas-kilay kong tanong. "Welcome back, Phoebe!" bati sa akin ni Eros at sinaluduhan pa ako. Sinaluduhan ko rin siya at lumapit sa kanila. "Kailan ang labas mo ng Terra, Ares?" Nagliwanag lalo ang mukha nila dahil sa tanong ko. "Does it mean pumapayag ka nang lumabas si Ares?" tanong ni Eros. "Yes, I trust Ares," sabi ko nang diretsong nakatingin sa mga mata ni Ares. He smiled at tumango. "I can do it, Phoebe," sabi pa niya. "I know," "So, kailan nga ang alis mo?" tanong naman ni Eros. "'Pag nalagpasan na ninyo ang huling level ng training," sabi ni Ares na bumalik na naman sa ka-seryosohan sa pagte-training. "Deal!" sabay na sabi nina Eros at Aether kaya sabay-sabay na kaming pumwesto sa puwesto namin. "Wear this." Inabutan ni Ares 'yong dalawa ng tig-apat na dangles. "Isuot ninyo sa magkabilang kamay at paa ninyo," dagdag niya at sumunod naman ang dalawa. Lumapit siya sa akin at sinuotan ng isa ang kanan kong kamay. "Para saan na naman 'to?" tanong ko nang suotan naman niya ang kaliwa. "Malalaman ninyo mayamaya," sabi lang nito at lumuhod para naman suotan ang magkabila kong paa. Naglakad si Ares palayo sa amin at inilabas mula sa bulsa ang isang smart key. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung para saan 'yan. "At the count of three," sabi niya sa amin. Anong gagawin niya? "One...two...three... It's showtime!" sabi niya at pinindot ang hawak. Kasabay ng pagpindot niya ay ang pagluhod naming tatlo dahil sa bigat ng nararamdaman namin. "What the hell are these, Ares?" bulyaw ko sa kanya dahil ni hindi ko magawang mai-angat ang mga kamay ko. "Ten kilos sa kaliwang kamay, ten kilos sa kanan. Ten kilos sa kaliwang paa, ten kilos sa kanan," sabi ni Ares na ang tinutukoy ay ang mga dangles na ipinasuot niya sa amin. "Paano kami makakakilos nito?" tanong ni Aether. "Simple lang, gumamit kayo ng lakas," sabi lang ni Ares. "This is ridiculous. Tanggalin mo 'to!" utos ni Eros. "Kailangang sanayin ang mga sarili ninyo sa bigat. Para magiging magaan ang pagkilos ninyo sa oras na kailanganin nang lumaban. Forty kilos lang 'yan, noong unang beses na naranasan ko 'to, hundred kilos agad!" sabi niya. "Huwag mo kaming itulad sa'yo. Sinanay ka para maging hunter!" singhal ko. "Mas kailangan 'to dahil hindi ninyo alam kung sino ang makakaharap ninyo. Ihanda lang ninyo ang inyong mga sarili, magiging magaan ang lahat. Hindi na ako muling tatanggap ng reklamo. Dadagdagan ko ng limang kilo kada reklamo," sabi pa niya. "Nahihibang ka na ba, Ares?" tanong ni Aether. Pumindot si Ares sa smart key. "Another twenty kilos for you, Aether," sabi lang nito. Hindi na nagawa pang sumagot ni Aether dahil baka mas lalo lang madagdag ang sa kanya. "Subukan ninyong tumayo!" utos pa niya. Sinubukan naming tumayo kahit pa napakahirap dahil sa bigat na nagmumula sa dangles. Unti-unti kaming nakaka-angat. "Walk!" sigaw ni Ares nang makitang nakakatayo na kami kahit papaano. Mas mahirap ang humakbang. Kailangan ng buong lakas sa paa para makahakbang. Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko ngunit isang hakbang lang ang nagawa nito kaya muli akong bumagsak. "Magpahinga muna tayo!" inis na sabi ko kay Ares kaya tinaasan niya ako ng kilay at pumindot sa smart key. "Another five kilos each dangles!" sabi niya. "You, dimwit! You'll pay for this!" sigaw ko sa kanya. Ngumisi lang siya at umambang pipindot na naman para dagdagan ang sa akin. "Oo na! Ito na! Tatayo na!" inis na sabi ko bago pa man siya makapindot. Mas lalong humirap dahil nga sa dinagdagan ng twenty kilos ng walang hiyang si Ares. Makalipas ang isang oras ay nagkaroon naman kami ng improvement. Nakailang hakbang din kami at itinuturing na namin 'yon na achievement. "That's all for tonight!" sabi ni Ares at pumindot muli sa smart key. Nakahinga ako nang maluwag nang gumaan na ang mga dangles namin. Agad ko itong hinubad at padabog na isinauli kay Ares! "Get a life at i-suot mo 'yan mag-iisa!" sabi ko at tinawanan ako ng dalawang nerd. "Get a life daw, Ares. Get her now," sabi ni Aether at nag-apir pa sila ni Eros. Ngumiti lang si Ares habang naiiling. "But seriously, Phoebe, I missed you. Maghapon mo kaming hindi pinansin," sabi ni Eros at inakbayan ako. "You can say you miss her without putting an arm on her shoulder," sabi ni Ares at tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin ni Eros. Muling tumawa 'yong dalawa kaya nakitawa rin ako, kahit sa totoo lang, hindi ko gets kung anong nakakatawa. Hehe. Ilang sandali lang matapos kaming makapagpahinga at makapagkuwentuhan ay binalikan kami ni Prof dito sa training ground at tumayo na kami. Pinasunod niya kami sa lab upang saglit na makapag-usap-usap. Magkakaharap kaming pumwesto sa isang round table. "Nasabi sa akin ni Eros na nagkaroon ng UV light kagabi sa party?" panimula ni prof at sabay-sabay kaming tumango. "Maaaring natuklasan nilang UV light ang tanging paraan upang makita ang EBP. At paniguradong alam na nila kung sino ang mga may hawak nito," dagdag niya. Siguradong-sigurado. They have found the way kaya nasabi na nila kung kailan magaganap ang Lasciera La Terra. "Dalawang linggo mula ngayon, mangyayari ang kinatatakutan nating lahat. Wala na tayong oras." Mas lalo kong naramdaman ang pressure na sa amin nakasalalay ang pagpigil sa proyektong ito. "Tapusin ninyo ang training bukas. The day after tomorrow, lalabas na si Ares ng Terra." Muli kaming nagkatinginang apat. Tumayo na si Prof Alarcon, ganoon din kaming apat at bumalik na sa kanya-kanya naming silid. — Kinabukasan, tulad ng sinabi ni Prof Alarcon, naging puspusan ang training. Ni hindi na namin nagawa pang magreklamo nang muling ipasuot sa amin ni Ares ang dangles na ngayon ay may total na 100 kilos. "One...two...three..." paulit-ulit niyang bilang habang ginagawa namin ang self-defense na tinuro niya. May kabagalan ang kilos namin dahil unti-unti pa lang nasasanay ang katawan namin sa bigat ng dangles. "Try to assault me!" hamon niya kina Aether at Eros na ginawa naman nung dalawa. Panay lamang ang ilag ni Ares sa kanila at hindi umaatake. I can see amusement in his eyes nang makita niyang mabilis na ang kilos nung dalawa at parang balewala na ang 100 kilos na nasa katawan nila. Isa marahil ito sa epekto ng EBP. Ang hindi pangkaraniwang lakas kaya namin ito nagagawa. "You, dickheads! You learned fast!" sigaw pa ni Ares nang ma-corner siya nung dalawa at dinaganan siya. Natatawa silang tumayo. Sabay inilahad nina Eros at Aether ang kamay nila kay Ares na nakaupo pa rin at natatawa niya iyong sabay na tinanggap. "Ang sarap mapabagsak ng isang Ares Sandoval, kahit pa sabihing dalawa kami ni Eros," Aether said. "Yea, it's a privilege and achievement!" natatawang sabi ni Eros. Naiiling ko lang silang pinanood. Nararamdaman pa rin namin ang bigat ngunit parang normal na ang mga kilos namin gayung may mga suot pa rin kaming dangles. "Anong oras ang alis mo bukas?" tanong ko. "Dawn," sabi niya at uminom sa bottled water na hawak niya. Tumango lang ako at uminom na rin sa boteng hawak ko. "Why?" tanong niya. "Wala lang," I just said at siya naman ang tumango. "Sabi ni mommy, hindi na natin kailangang bumalik sa dorm room. Dito na tayo magpapalipas ng magdamag hanggang sa ihatid natin si Ares sa butas para makalabas," sabi ni Eros. Tuwing mapag-uusapan ang paglabas ni Ares, nagiging tahimik siya. Alam kong may bumabagabag sa kanya. Natatakot ba siyang baka hindi siya makalabas nang buhay? Na baka matulad lang siya sa mga estudyanteng nagtangkang tumakas ngunit nabigo? Pero imposible. Walang kinakatakutan ang isang Ares Sandoval. Nilingon ko si Ares na nakatingin lang sa kawalan. Hindi takot ang nakikita ko sa mga mata niya. Hindi ko masabi kung ano, ngunit nakakasiguro akong hindi iyon takot. Nilingon ako ni Ares at sinalubong ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa kusa na akong magbawi ng tingin. Magdamag kaming hindi nakatulog. Wala kaming ibang ginawa kundi ang magkuwentuhan. Hindi ko maiwasang hindi maya't maya sulyapan ang oras. Habang mas nalalapit ang oras ng pag-alis ni Ares, mas lalong tumitindi ang pag-aasam kong pahintuin na lang ito. "It's about time, Ares," sabi ni Eros at tumayo na. Tinignan ko ang oras, 4:30 AM na. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng magdamag. Tumayo na kaming lahat at sabay-sabay na naglakad papunta sa butas na magsisilbing lagusan para makalabas si Ares. "Handa ka na ba, Ares?" tanong ko nang marating namin ang lugar. Hindi sumagot si Ares at nakatingalang nakatanaw lang sa lagusan. "Ares," tawag ko sa kanya at nilingon ako. "I'll talk to these dickheads first," sabi niya at hinablot niya ng magkabilang kamay ang likurang kuwelyo nina Aether at Eros at kinaladkad palayo sa akin. May ilang minuto rin silang nag-usap bago sila naglakad pabalik sa akin. Tila hindi na maipinta ang mukha nung dalawa. Tumalon si Ares at ikinapit ang mga kamay sa butas at sumampa na roon. Nakatingala lang ako kay Ares habang nililibot niya ng tingin ang buong Lakeside forest. Halos pigil ang paghinga ko nang mas lalong dumami ang naririnig kong hayop na tila nakapaligid na kay Ares. Ngunit mula rito ay hindi ko pa rin siya nakikitaan ng anumang takot. "What the hell, seryoso ba siya sa banta niyang iyon?" halos pabulong na tanong ni Aether kay Eros ngunit sapat na para madinig ko. "Ang alin? Ang papatayin niya tayong dalawa oras na mapahamak si Phoebe habang wala siya? We both know it's a serious death threat," sabi ni Eros at sabay silang napalunok. Nilingon ko silang dalawa. Pinagbantaan sila ni Ares? Ayun ba 'yong sinabi niya kaya kinausap niya ang dalawa. "Phoebe..." Muli akong napatingala nang tawagin ako ni Ares. "Maghapon lang akong mawawala. I'll be back by dusk," he said and I nod. Muli niyang pinakiramdaman ang paligid upang humanap ng tiyempo sa pagtakbo. "Ares..." muli ko ring tawag sa kanya kaya binabaan niya ako muli ng tingin. "'Wag kang tatanga-tanga!" sabi ko at natawa siya. "You too, Phoebe. 'Wag kang tatanga-tanga!" He just salute to me and he leaves. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD