Chapter 18
'The Girl He Left'
Pasikat na ang araw nang tuluyang makalabas si Ares ng Lakeside forest. Agad niyang natanaw si Red na nakasandal sa kanyang jeep at malaki ang ngising nakatanaw sa kanya.
"Kumusta ang feeling ng bagong laya?" Napangisi rin si Ares sa tanong ng kanyang kuya.
"Pansamantala lang, kailangan ko pang bumalik," sabi lamang niya at sumakay na silang dalawa sa sasakyan ni Red. Lingid sa kaalaman nung tatlo, nagtungo agad si Ares kay Red nang pumayag si Phoebe na lumabas ito upang sabihan ang kuya niya na siya ang susundo sa kanya.
"Seriously? Babalik ka pa rin? You're free now!" Natatawa na lang si Ares sa turan ng kapatid dahil alam niyang alam nito na hindi nito pipiliing lumaya gayong may maiiwan ito sa loob ng Terra.
"May nakuha ka bang info, kuya?" Pagbabago na lamang nito sa usapan. Pinakiusapan niya rin ang kanyang kuya na maghagilap ng information about Jairah Bluestone dahil limitado lang ang oras na puwede niyang ilagi sa labas ng Terra. Gusto niya agad na makita ang sadya niya upang agad na makabalik sa Terra.
"Jairah Bluestone. Stanley International School. Fourth year, Medicine Student. Daughter of doctors," sabi ni Red na nakatuon ang paningin sa daan.
"Bring me to her,"
"It's 6 f*****g AM! 8AM ang class niya. Don't you want to have coffee first?" Hindi pa man nasasagot ni Ares ang kapatid ay iniliko na niya ang sasakyan papunta sa isang coffee shop.
"So...how's Phoebe?" tanong ni Red na kasalukuyan nang naghahalo ng brewed coffee na in-order niya.
"Good," simpleng tugon nito na ikinangisi ng kapatid niya.
"Why do I have this feeling na umiiwas kang pag-usapan siya?" takhang tanong nito.
"Because I have a mission here. To think that Phoebe was left there with only two weak nerds is my major distraction!" he said frustratedly. Tumango na lang si Red at humanap ng iba pang maaaring pag-usapan dahil unti-unti na niyang nababasa ang pag-aalala at pangamba sa mga mata ng kapatid na alam niyang dahil sa babaeng iniwan nito sa Terra U.
"Baits and traps were armed," sabi nito.
"IED?"
"Okay na rin." Muling tumango si Ares dahil bahagyang nabawasan ang kanyang pangamba. "When the time comes, all you need to do is to lure them,"
"Salamat, kuya! Maaasahan ka talaga." Muling humigop si Ares sa kanyang kape at seryosong tumingin sa kapatid, "kumusta si ina?"
"Babalik siya ng Lakeside forest next week." Ikinatakha niya ang ibinalita ng kapatid.
"Ang akala ko ba ay isang taon pa ang ilalagi niya sa bundok na tinutuluyan niya ngayon? Huwag mo sabihing..."
"Sorry, li'l bro. Pero kinukulit na ako ni ina kung bakit hindi ka na niya nakakausap. Hindi naman lingid sa kaalaman ng ina natin ang tungkol sa LLT kaya alam na agad niyang nagsisimula na ang pagsasakatuparan nito." Napabuntong hininga si Ares.
"What did she say?"
"Wala. Basta ang alam ko ay may mga bagay raw siyang dapat ipaliwanag,"
"Katulad ng tungkol sa tunay kong ina?" Napaayos ng upo si Red sa narinig niya.
"What? Seriously?" Tumango si Ares. Ito ang nakaligtaan niyang i-kuwento sa kanyang kapatid. Ang tungkol sa kanyang ina na napag-alaman niyang isang Eureian. At ang ama niyang puno't dulo ng lahat ng 'to.
"Yes, it's a long story. And to cut the long story short, my mother is unconscious." Muli siyang napatunghay sa kapeng unti-unting lumalamig.
"How d'you feel about it? Sa ating dalawa, ikaw ang walang interest na makilala ang mga magulang mo!"
"I don't know how to feel, kuya! I just found out that our mother is one of my real mom's best friends. Kay ina niya raw ako ibinigay para ma-train at ihanda sa kapahamakan." Hindi na rin malaman ni Ares ang dapat niyang maramdaman.
"Kung magkakilala si ina at ang tunay mong ina, ang ibig sabihin ay may plano talaga siyang balikan ka at hindi ka niya tuluyang inabandona." Tumango si Ares dahil alam niyang tama ang kapatid.
Parehas silang nakuntento sa pagmamahal at pag-aalaga ng kanilang ina. Para kay Ares, hindi na niya kailangan pang makilala ang tunay niyang ina dahil ipinamigay lamang siya nito. Ngunit para kay Red, bonus na lang kung makikilala niya ang tunay niyang ina.
"Pagkahatid ko sa'yo sa SIS, pupuntahan ko na si ina upang samahan siyang tapusin ang mga bagay na kailangan niyang tapusin," paalam ni Red na sinalungat agad ni Ares.
"What? You can't go. Ihahatid mo pa si Jairah sa Terra," sabi ni Ares na ikinatakha ng kausap.
"Why me?"
"Hell, how do you expect me to carry her? I can't be that close to girls," reklamo ni Ares na ikinatawa ni Red.
"Seriously? Pinoproblema mo 'yon? You can carry her the way you carry Phoebe nung dinala mo siya sa treehouse," tudyo ni Red sa kapatid na ikinangiwi nito.
"I can't be that close to girls..." ulit na lamang nito dahil nahuli siya ng kanyang kuya. "Except Phoebe," bulong niya at humahalakhak na tumayo si Red.
"It's 7AM! May isang oras ang biyahe papuntang SIS!" Agad ring napatayo si Ares.
"Bakit hindi mo sinabi?" inis niyang bulyaw sa kuya niya. Tumawa lang ito at inakbayan siya, saka sabay na naglakad patungo sa sasakyan.
Tahimik ngunit mabilis na nag-drive si Red patungong SIS. Wala pang alas otso nang makarating sila sa kanilang sadya. Tinanaw nila ang mga estudyanteng pumapasok sa malaking gate ng Stanley International School.
"Miss, may kilala ka bang Jairah?" tanong ni Red nang ibaba niya ang bintana ng kanyang sasakyan upang magsimulang magtanong.
"Bluestone?" Pagkumpirma ng estudyante at agad silang bumaba ng sasakyan nang mapag-alamang kilala ito ng estudyante. Marahil ay kilala na rin ito sa SIS.
"Yes," sambit ni Red. Sumulyap ang estudyante sa suot na relo.
"Quarter to eight na. Kanina pa 'yon nasa loob ng campus. Papasok na rin ako, baka ma-late ako, e!" paalam niya at naiwan ang dalawa.
"Kung dumiretso agad tayo, e ‘di sana naabutan natin siya," reklamo ni Ares sa kapatid. Napatingin siya sa gate at halatang tight ang security ng eskuwelahang ito.
"Two ways..." sabi ni Red. "The hard way." Itinuro niya ang gate na maraming nakabantay na guwardiya. "Or the easy way." Turo naman nito sa matayog na pader ng SIS.
Tumango na lang si Ares dahil wala na siyang iba pang pagpipilian kundi ang akyatin ang mataas na pader.
"Stay here, wait for us," paalala niya sa kapatid at naglakad na. Agad siyang sumampa at tumuntong sa pader. Saglit pa siyang napahinto sa tuktok dahil sa pagtanaw sa malawak na campus. Tumalon siya pababa at nagsimulang maglibot. Medyo na-hassle siya dahil kinakailangan niyang magtago sa tuwing makakasalubong siya ng school personnel.
"Hey, miss..." He's not good in socializing kaya hindi niya alam kung paano magtatanong kaya diretsahan na lang. "Do you know Jairah Bluestone?" he asks.
"Nasa clinic si Jairah. Naka-duty as assistant nurse," sagot ng pinagtanungang babae.
"Where's the clinic?" Itinuro lang ng babae ang clinic at umalis na rin. Nang marating niya ang clinic ay may tatlong estudyante ang nasa magkakaibang ward. Hindi niya alam kung sino rito si Jairah.
"Jairah Bluestone," malakas niyang pagtawag. Humawi ang isang kurtina at dumungaw ang isang estudyante.
"Who are you?" tanong ng babae, kumpirmasyon na ito na nga si Jairah. Tinapos niya ang paglilinis sa sugat ng isang estudyante at lumabas na ng ward.
"Ayoko nang magpaliguy-ligoy, Miss Bluestone, but can we talk?" tanong ni Ares. Ipinagsawalang kibo na lamang niya ang ideya na tila ba pamilyar si Jairah.
"About what?" tanong nito habang hinuhubad ang suot na gloves.
"About Jarred Alarcon." Napahinto ang babae sa ginagawa nito at napaupo dahil sa biglaang panghihina ng mga tuhod. Nabigla ito pagkarinig pa lang sa pangalang ilang taon na niyang hindi naririnig. Ang reaksyong ito ni Jairah ang naging kompirmasyon ni Ares na kilala nga nito si Jarred. Pinagmasdan niya ang panginginig ng dalaga.
"W-what about...him?" she stutters.
"Hinahanap namin siya. At alam naming isa kang malaking lead para matunton siya." Paliwanag ni Ares pero sunod-sunod na umiling si Jairah.
"No, please leave!" umiiyak na pakiusap nito ngunit nanatili lamang si Ares na bahagya nang nagpa-panic dahil sa pagbe-break down ng babaeng kaharap.
"Hey, we just need your help..."
"Please, no! I promised him bago kami magkahiwalay na hindi na ako muling mangingialam sa—"
"Alam mo bang buhay siya? At kailangan namin siyang mahanap? And it's a matter of life and death. Malaki ang maitutulong mo para malutas ang misteryong bumabalot sa Terra. Ang misteryong bumabalot sa biglaang pagkawala ni Jarred!" ybos pasensyang paliwanag ni Ares. Hindi niya inasahan na magiging ganito ito kahirap sa part niya.
"A-anong nangyari sa Terra?" tanong lamang nito.
"Malalaman mo kung sasama ka sa akin." Ngunit muling umiling si Jairah.
"Mas okay siguro kung mananatili siyang nawawala. Kung mahanap siya at malaman ng mga dumukot sa kanya na buhay siya—"
"May dumukot sa kanya? Kaya ba siya nawala?" Tumango si Jairah. Ngayon, batid niyang kailangan niya talagang madala si Jairah sa Terra dahil malaking lead ang nalalaman nito sa kung paano nawala ang noon ay bata pa lamang na si Jarred. At may posibilidad pang magkasama sila noong mga oras na iyon.
"Alam kong tinuring mo na rin na kaibigan si Jarred, at alam kong nais mo rin siyang makitang muli. We need your cooperation." Hindi agad na sumagot si Jairah. Pinasadahan niyang mabuti ang mukha ni Ares.
"Sa totoo lang, gustong gusto ko siyang makitang muli. Na kung may pagkakataon man, gusto ko siyang hanapin." Nagpunas siya ng luha.
"Then come with us," anyaya ni Ares at tumango si Jairah. Ngunit mataman niya muna itong tinignan.
"Based on what you uttered, Terra isn't safe now. Nandito ka na sa labas, bakit ka pa babalik doon?" Napairap na lang si Ares dahil batid niyang katangahan nga sa tingin ng iba ang pagbalik niya sa Terra gayong nakalaya na siya.
Hindi sumagot si Ares kaya ngumiti si Jairah at tumango.
"Jarred is important to me kaya papasukin ko ang Terra. Well I guess, someone important to you was left there."
Yea, she was left there with only two weak nerds!
Gusto sanang sabihin ni Ares ngunit nagkibit balikat na lamang siya.
Bandang hapon na rin nang marating nila ang bukana ng Lakeside forest dahil may mga inasikaso pa si Jairah bago tuluyang sumama sa magkapatid.
"Mauna na kayo," sabi ni Ares sa kapatid nang maghahanda na sila sa pagtakbo.
"Halika na?" Red asks Jairah politely at tumango ito. Hinapit niya ito sa baywang at napayakap si Jairah kay Red. Napakunot ang noo ni Ares nang makita ang sobrang pagtitig ng babae sa mga mata ng kanyang kapatid.
"Your... eyes. They look... familiar," sabi ni Jairah. "Have we met before?" tanong pa nito.
"I think not. Hindi ka kasi pamilyar. Kung nagkita nga tayo noon, imposibleng makalimutan ko ang ganyang kagandang mukha." Napailing na lang si Ares sa sinabi ng kanyang kuya.
Nakita pa niya ang agarang pamumula ng pisngi ni Jairah.
Can I make Phoebe blush, too? Tss.
Tanong ni Ares sa isipan.
"Halika na, Ares!" yaya ni Red at sinimulan nang tumakbo at maglambitin sa mga baging habang nakayakap sa kanya si Jairah. Magdidilim na nang marating nila ang butas pabalik ng Terra. Ibinaba ni Red si Jairah.
"Kailangan ko na talagang umalis, Ares. Hinihintay ako ni ina," paalam ni Red.
"Alright! Thanks for the help, kuya." Nagyakap lang ang dalawa at umalis rin agad si Red.
"Halika na, baka nasa training ground na sila," yaya ni Ares kay Jairah na nakatanaw pa rin sa butas na nilabasan ni Red. Tulad ng inaasahan, nasa training ground nga ang kanyang mga kasama. Pero hindi ganito ang inaasahan niya.
He's expecting na tatlong mukha ang sasalubong sa kanya. Ngunit dalawa lamang sila. Sina Eros at Aether.
"Where's Phoebe?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa dalawa.
"Ares...kasi..." They both trailed off.
"Tang-ina! Nasaan si Phoebe?" Napapitlag na lang sila—maging si Jairah dahil sa sigaw niAres.
—