Computer System

1781 Words
Chapter 19 'Computer System' — Phoebe — Nang makaalis si Ares ay siya namang dating ni Prof Alarcon. "Kids, we need to talk. To the lab, please," sabi niya kaya naman kahit antok na antok na kami ay sumunod kami pabalik ng lab. Mabuti pa si Prof, may tulog na. Muli kaming nag-form ng circle para makapagsimula na sa nais sabihin ni Prof. Kay Aether siya bumaling kaya alam na agad namin na may kaugnayan agad ito sa task ni Aether. "Nakahanap na 'ko ng paraan para mapasok mo ang computer system ng Terra," sabi ni Prof kaya napaayos ng upo si Aether at nag-focus sa pakikinig. He's craving for this moment, halata sa mga mata niya. Naglatag si Prof ng isang blueprint. "Ito ang blueprint ng ground floor ng administration building. Nahahati sa apat na kuwarto ang ground floor. Ang clinic, Mr. Erebus Rivero's office, auditorium and Dr. Hayes' office," sabi ni Prof at tinuro ang huling kuwartong binanggit gamit ang lapis. "CCTV's?" tanong ni Aether. "May dalawang CCTV sa labas pa lang ng opisina niya. Steady lang ito at nakatutok lang parehas sa pinto," paliwanag ni Prof. "Paano ako makakapasok kung naka-secure sa pinto ang dalawang CCTV?" tanong ni Aether. "Through this..." sabi ni prof at binilugan ang isang parte ng bintana. "Maliit na glass window lang ito. At sa inyong apat, ikaw lang ang puwedeng magkasya rito." Napalunok ako nang sa'kin siya tumingin. "Hehe, mom, Phoebe can't join us today. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mahiga sa kuwarto niya hanggang sa makabalik si Ares," sabi ni Eros na ikinakunot ng noo ni Prof. "Why?" "For all of us to be safe?" He smiled awkwardly to his mother ngunit umiling ito. "We need Phoebe here, she's the only one who can fit in that window. She'll unlock the door para makapasok si Aether," "A-ako ang papasok?" Nag-aalangang tanong ko. "Oo, ganito ang plano," sabi ni prof kaya mas lalo naming itinuon ang atensyon sa kanya. "Mayroon kang isang minuto Phoebe para mabuksan ang bintana. May isang CCTV lamang sa loob ng office ni Dr. Hayes, at naka-focus lang 'yon sa pinto papunta sa computer system ng Terra. Oras na makapasok ka na mula sa bintana, tumingin ka sa bandang kanan. May mga computer ang nakahilera. Naroon ang ibang footage ng CCTV. Kasama na ang footage ng dalawang CCTV ng nasa labas ng opisina niya, ang nasa loob at ang nasa kuwarto n'yo ni Aether. Patayin mo ang apat na 'yon," mahabang eksplenasyon niya. Nakuha naman namin ang nais niyang mangyari ngunit napaka-komplikado. Isang maling galaw lang namin, maaari kaming mapahamak. "Bakit pati ang CCTV sa kuwarto namin?" tanong ko. "Dahil doon ako p-puwesto. Mas madaling makita ang mga paparating sa kuwarto ninyo. You'll be wearing this." Iniabot nya sa amin ang tig-iisang earpiece. "Do your task. Ako ang magsisilbing lookout," "Madali lang bang mabuksan ang bintana? What if I struggle in opening it?" Feeling ko ay hindi ko iyon magagawa sa loob ng isang minuto. "Use this..." Iniabot nama sa'kin ni Eros ang isang laser.."A laser beam. Instead of unscrewing it, tunawin para mas mabilis," suhestiyon nito. "Habang nasa loob kayo ng computer system ng Terra, aayusing muli ni Eros ang bintana para hindi mag-iwan ng bakas na may nakapasok," turan ni prof. "'Wag ninyong kalimutang i-on muli ang apat na CCTV. Ten seconds ang processing bago ito muling mag-function. You need to be out in ten seconds." Nagkatinginan kami ni Aether. Parehas kaming nag-aalangan kung makakakilos ba kami ng ganoon kabilis. Wala kami masyadong oras. "Malinaw ba ang lahat? Almost two weeks na lang ang mayroon tayo upang mapigilan ang LLT," sabi ni prof at sabay-sabay kaming tumangong tatlo. "Bakit kailangan nating gawin 'to nang wala si Ares?" tanong ni Aether. "We all know why. Hindi siya papayag sa task na ibibigay ko kay Phoebe," sagot ni Prof. "Hindi ba't para natin siyang pinagkakaisahan?" muling sambit ni Aether. "With or without this task, lalabas pa rin naman siya ng Terra. It's just that, wala na tayong time na makipagmatigasan sa kanya kaya gawin na natin 'to habang wala siya. Kung hindi natin 'to gagawin ngayon, it's either maubos ang oras natin sa approval niya, or we couldn't get his approval at all." Tumango na lamang si Aether. "Every second counts. Isang maling pitik lang natin, mapupurnada ang lahat ng plano," said Eros. Tumango akong muli. Pressure here, pressure there. But I'm trying hard para hindi magpalamon sa pressure na 'to. Huminga nang malalim si Prof Alarcon at tumayo na. "I guess you're all ready? Shall we?" yaya niya sa amin at maingat na kaming bumalik sa mga kuwarto namin. Kahit walang tulog ay pipilitin naming pumasok. May nalalaman na ang administrators at hindi kami puwedeng sabay-sabay na mawalang tatlo. Isasagawa namin ang planong pagpasok sa computer center ng Terra sa oras na 6:59 kung saan nasa klase na ang lahat ng estudyante. Lumabas na ako ng dorm room at iniwan na si Aether na naliligo pa lang. Nang makarating ako sa classroom ay pumwesto na muna ako sa isang upuan na madaling matanaw ang opisina ni Dr. Hayes para malaman kung nakalabas na ba siya. "Natapos mo bang sagutan ang take home quiz sa basic math?" tanong ni Abby. "Yea," wala sa sarili kong sagot habang nakamasid pa rin sa kabilang building. "Nahirapan ako sa number 3, 16, 18, 20—what's wrong?" tanong niya nang napatayo ako. Nakita ko na kasing lumabas si Dr. Hayes sa kanyang opisina at umalis na ng building. Tinignan ko ang oras at 6:50AM na. Normal ang bilis akong naglakad papunta sa building na nilisan ni Dr. Hayes. Pasimple ko na ring isinuot ang earpiece na iniabot ni Prof kanina. "Is everyone here?" It was Prof I heard first. "Yes!" Narinig ko ring sagot ng dalawa. "Showtime in five minutes," sabi ni Eros kaya naman nagmadali na ako upang makarating sa bintanang kailangan kong mabuksan sa loob lamang ng isang minuto. Exactly 6:59 nang marating ko ang bintana. Tinignan ko muna ang kabuuan nito bago inisa-isa ang screw sa itaas na bahagi at ginamitan ng laser beam na tinuro ni Eros para mapabilis ang pagbaklas ko rito. Nabuksan ko na ang itaas at sa tingin ko naman ay magkakasya na ako rito. Sumampa ako at pilit na pinagkasya ang sarili ko sa butas. Tulad ng sinabi ni Prof, madilim nga sa lugar na ito. "I'm in..." sabi ko sa kanilang tatlo. "Malapit na ako sa dorm room ninyo. Kailangang mapatay ang CCTV bago ako makapasok dito." Boses ni Prof ang narinig ko. Mabilis kong nilingon ang kanang bahagi na sinabi ni Prof at nakita ko nga ang may karamihang CCTV footage. Mabuti na lang at may label kung saang CCTV iyon kaya naman mabilis ko ring nakita ang mga CCTV na kailangan kong patayin. "Done. Patay na ang apat na CCTV," I informed them. "Good! You were on time Phoebe. Nakapwesto na ako rito sa kuwarto ninyo. I'm peeking from the binocular. I can see you, Aether. Phoebe, hinihintay na lang ni Aether na buksan mo ang pinto," sabi ni Prof kaya nilingon ko na ang pintuan at naglakad. Pagbukas ko pa lang ng pintuan ay pumasok na agad si Aether. "Both in?" yanong muli ni Prof. "Yes, prof!" sabay naming sagot ni Aether. "Eros, anak? Your job," utos niya kay Eros. "Yes, mom!" Nakarinig na kami ng ingay sa bintanang pinasukan ko at inaayos na marahil ni Eros ang pagkakakabit nito. "Let's go, Phoebe!" yaya na sa akin ni Aether at hinanap na namin ang pintuan para sa computer system ng Terra. "Here," sabi ko at itinuro ang isang itim na pintuan. May isang CCTV ang nakatutok dito kaya nasiguro naming iyon na nga 'yon. Hindi naka-lock ang pinto kaya naging mabilis ang pagpasok namin dito. Halos malaglag ang panga ko sa magarbong computer center ng Terra University. Kung e-estimahin, mayroon sigurong higit sa isang libong high-tech computers dito. I looked at Aether at nagniningning ang mga mata nito. He's really into computers. "Wow! Just... wow!" namamanghang sabi ni Aether. "Aether, your job!" basag ni Prof dahil kahit hindi niya kami nakikita, bakas na bakas sa tono ni Aether ang pagkamangha, to the point na nakalimutan na niya ang rason kung bakit kami nandito. "Ang ikatlong computer mula sa kaliwa, ang computer na may kontrol sa monitor shield na nakabalot sa Terra. Try hard, Aether!" Tila natauhan si Aether sa sinabi ni Prof kaya agad niyang tinungo ang computer na tinuran ng propesora. Agad na pumindot si Aether sa makabagong—hindi siya makabago, it's so advance technology. Maraming pinipindot si Aether. Mga bagay na wala akong maintindihan. Kung anu-anong combination na rin ang ginagawa niya. I look at him and I can see enthusiasm sa buo niyang sistema. He's at it. Alam kong hindi niya ito titigilan. "Password error..." Narinig ko na ang paulit-ulit na sabi ng computer nang magsimula na si Aether sa pag-e-enter ng mga password na hinihingi para sa access. "f**k this!" mahina niyang bulong. Malamig dito sa loob ngunit pinagpapawisan na siya. Kita na rin ang frustration sa kanya. "Five minutes!" Narinig naming paalala ni Prof. Mas lalo nang nataranta si Aether. Napapamura na rin siya nang sunod-sunod. "That's fine, Aether. Kung hindi mo man magawa ngayon, may iba pang pagkakataon," sabi ko ngunit tila hindi niya narinig. "Aether, 'wag mong pilitin. Tulad ng sinabi namin, mahirap talagang magkaroon ng access sa computer system ng Terra," sabi pa ni Prof. "Fudge!" Nagningning ang mga mata ni Aether nang pindutin niyang muli ang enter button. "Password accepted!" Halos mapatalon ako nang marinig iyon mula sa computer. Muling nagpipindot si Aether at susubukan na sanang i-deactivate ang shield ngunit pag-click niya sa 'Deactivate', nagkatinginan kami. "Access denied..." Sabay pang napaawang ang bibig namin. "The hell is this? Na-hack ko na 'to! Kailangan pa rin ng code?" reklamo niya nang rumehistro sa monitor ang anim na asterisk. "Take it slow, Aether. Ang ma-hack ang computer system ay malaking tulong na. Maaari na nating ma-control ang CCTV's. Now, our next task is to know the code para sa deactivation ng shield. Job well done, kids! Get out now." Agad kaming tumalima sa utos ni Prof. Sinet lang ulit ni Aether ang computer na ginalaw niya at lumabas na kami. "Ten seconds lang daw ang processing para muling mag-function ang CCTVs na pinatay mo," sabi ni Aether at inisa-isa ko na muling i-on ang apat na CCTV. Nakalabas na rin daw si Prof sa dorm namin. Tinakbo na namin ang pinto palabas at agad rin itong sinarado. Fuck! Napamura na lang ako sa sarili ko nang halos matumba na ako nang mahila ako pabalik dahil hindi ko namalayang naipit pala sa pintuan ang suot kong skirt. Pilit ko itong hinihila. Oh, fudge! Baka maabutan ako ng ten seconds at ito pa ang ikapahamak ko. Gagana nang muli ang CCTVs. Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang pwersahan itong hilahin kaya naman napunit ang kapiraso nitong nakaipit sa pintuan. Okay lang dahil may kasikipan na rin naman sa akin ang skirt na 'to. "Phoebe? Halika na!" Baling sa akin ni Aether na nauna na sa paglalakad. "Andiyan na!" sabi ko na lang at sumunod na sa kanya. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD