SERAPHINA ROSE P.O.V Palapit ako sa pintuan ng bahay ay nakita kong bukas ito at nasa labas si Manang Norma pabalik balik ito ng lakad sa harapan ng bahay na pinagtaka ko. Gabing gabi na ng makabalik kami ni Feliz ito siya natutulog sa bisig ko habang buhat ito. Nang makita niya kami ay agad niya kaming sinalubong. "Hija! mabuti naman at dumating na kayo, hindi ko mapigilan si Rowan nagwawala ito sa kwarto niyo." Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi. "Ako na po ang bahala sa kanya, kunin niyo po muna si Feliz at dalhin sa kwarto niya. Paki bihisan na lang po siya." Agad naman niyang kinuha si Feliz sa'kin at wala na akong sinayang na oras at agad na tumakbo sa hagdanan nakasalubong ko pa si Miguel na kalmado lang. Tatanongin ko pa sana ito pero hindi ako mapakali hang