SERAPHINA ROSE P.O.V Nang makaalis ang isang iyon ay pinapatuloy namin ni Feliz ang ginagawa namin sa kusina. Pagkatapos ay kumain kami ng breakfast. Habang kumakain ay naisipan kong ipasyal si Feliz dahil mukhang papayag namn si Rowan. Hindi siguro magagalit ang isang 'yon hindi ko naman kikidnapin ang anak niya. "Baby, gusto mo labas tayo?" Tanong ko rito na agad naman niyang kinasaya. "Yes, mommy!" Magiliw na sigaw nito at puno pa ng pancakes ang bibig nito. "Saan mo gustong pumunta?" "Amusement park mama!" Tumango tango matagal tagal narin nuong huling pumunta ako roon. Ngayon babalik ako kasama si Feliz. "Hindi kapa nakapunta roon baby?" tanong ko at sinubo ang pancakes sa bibig ko. Hindi na ako gumamit ng tinidor dahil kamay ang gamit ko hindi naman ako maarte. "No mama, lag