“MALIGAYANG pagbabalik, anak,” maluha-luhang sambit ni Nana Azon kay Karen.
“Maraming salamat po, Tiya,” tipid namang sagot ng dalaga. Ilang araw din ang inilagi nito sa pagamutan .
“Ikaw, Karen, ha? Tinakot mo kami. Mabuti na lang si Master Greg ang nakakita sa iyo,” sermon ni Lorena.
“Sana naman, friendship, huwag ka nang mag-isip na magpakamatay. Gusto mo na bang sumunod sa kanila? Aba’y masarap pang kumain kahit tuyo ang ulam,” pagbibiro pa ni Melvz.
Napangiti ang dalaga dahil dito. Siguro nga galit siya sa kanyang ama dahil sa nagawa sa kanyang ina, pero ang mabalitaang patay na rin ito ay sapat na para maging kabayaran sa pagkakasala nito. Ang Diyos na rin mismo ang nagparusa dito at sa naging babae nito.
“Oo, mga friends. Gusto ko pang mabuhay. Malay natin sa pamamalengke natin ay makasalubong natin ang forever natin, ’di ba?” sagot naman ng dalaga sa mga ito. Tuwang-tuwa naman ang dalawa sa narinig.
“Naku kayong tatlo, umayos nga kayo. Magsipagpahinga na kayo at manonood tayo ng live match ni Greg mamayang gabi,” nakatawang ani Darwin sa mga ito. Ramdam niya ang tuwang lumulukob sa mga ito dahil sa ilang buwang nasa kanila ang pamangkin ng kusinera nila ay nakita na nila ang ugali nito.
“Sir naman, bukas pa naman ang laban ni Master, ah.” Napakamot sa ulo si Melvz.
“Ikaw, Melvz, akala ko ako lang ang makakalimutin, eh ikaw din pala. Haller, Master Greg will have a regional martial arts competition tonight, you know,” supalpal ni Lorena dito.
Dahil sa hindi maunawaan ni Karen ang pinag-uusapan ng mga ito ay nagtanong siya kaysa naman parang wala siyang pakialam.
“Sorry po pero ano po’ng mayroon at may laban si Greg?” tanong ng dalaga at huli na para dugtungan ng master o sir ang pangalan ng bunsong anak ng kanilang amo.
Pero para sa kanya wala namang problema doon, dahil kabilin-bilinan nito sa kanya na huwag niya itong tawaging master o sir lalo kapag ito lang ang kaharap. Laking pasasalamat na lamang niya at hindi malaking issue ito sa mga kaharap niya, pero ang dalawang dalaga ay kulang na lamang kumuti-kutitap sa ningning ang mga mata.
“May laban siya sa Baguio, hija. Inayos na niya ang lahat para sa napipintong laban niya. We all know him na ito ang tinapos niya. Alam mo na rin siguro na siya ang master sa sarili niyang gym. Live ang laban. As well as other competition, may elimination round at ang may pinakamaraming panalo ay sila ang maglalaban,” paliwanag naman ni Lorie.
“Wow! May God bless him, ate. Sana po manalo siya,” masayang ani ng dalaga.
“Sana nga, anak, dahil alam nating lahat kung gaano kamahal ni Greg ang trabaho niya, lalo ang magturo sa mga estudyante niya sa gym. At ayon sa naikuwento niya sa akin dati, kung makukuha niya ang titulo ng regional ay siya ang magiging representative ng buong North Luzon at sa Manila naman gaganapin ang susunod niyang laban,” muli ay paliwanag ni Lorie.
“Alam mo, ate, malakas ang pakiramdam ko na mananalo si Master dahil ang galing kaya niya,” sabad naman ni Lorena.
“Let’s pray for him, Lorena. In God’s will, mananalo siya,” halos magkapanabay na sagot ng mag-asawang Lorie at Darwin.
“Maiba ako, Lorena at Melvz, kayo na muna ang bahala sa trabaho ni Karen. Hayaan n’yo muna siyang magpahinga kahit isang linggo para maka-recover siya nang tuluyan,” aniya naman ni Darwin makalipas ang ilang sandali.
Para namang gustong lumubog sa kahihiyan ng dalaga dahil halos dalawang linggo rin siya sa ospital at ang mga amo niya pa ang nagbayad sa lahat ng gastos niya, ’tapos ayaw pa siyang pagtrabahuhin.
“Hep! Hep! Huwag ka nang umangal pa, Karen. Tara na sa room at makapagpahinga para may boses akong mag-cheer kay Master mamayang gabi,” pangunguna nina Lorena at Melvz nang akmang tututol ang dalaga.
Wala na ring nagawa ang dalaga dahil dito. Hindi siya nilubayan ng dalawa hangga’t hindi siya tuminag sa kinatatayuan.
SA hotel na kinaroroonan ng grupo ni Greg ay todo ang suporta ng mga kasamahan ng binata. Siya ang pinakabata sa kanila pero siya rin ang may laban sa main event, although dadaan pa siya sa elimination round.
“Tandaan ninyo, guys, kahit pa sabihin nating may premyo ang laban nating ito, huwag n’yo sanang gawing personal ang laban. Hayaan ninyong mamayani ang tunay na espiritu ng ating grupo,” ani Greg sa mga ito.
“Tama ka, master. Manalo man o matalo, basta malinis ang laban, walang problema,” sang-ayon naman ng isa sa mga kasama niya pero agad itong sinalungat ng isa.
“Naku, Edmund, parang low spirit ka ngayon, ah. Anong matatalo? Wake up, kapatid. Kaya tayo nag-ensayo nang maayos para makuha ang titulo, lalo na kay Master na para sa main event. ’Di ba, guys, tayo ang mananalo?” panghihikayat pa nito sa mga kasamahan.
“Master Greg for the win!” Nakataas ang mga kamay ng kanyang mga kagrupo habang nagcha-chant.
Lumukob naman ang tuwa sa pagkatao ng binata dahil damang-dama niya ang buong suporta ng mga ito sa kanya. Ayaw niyang maging kampante pero para sa kanya, sapat na ang naging practice niya at ang mga naging lokal niyang laban para sa regional fight.
“Maraming salamat sa inyong lahat. Kayo din, sana magawa ninyo nang maayos ang laban ninyo dahil ang tagumpay ng isa ay tagumpay nating lahat,” nakangiting aniya ng binata.
Kulang na lamang ay gawin siyang bola ng mga ito. One of his way in maintaining his relationships with his companion ay ang manatiling humble at pakisamahan ang mga ito anytime, kahit pa sabihing siya ang pinakabata at master ng mga ito.
KINAGABIHAN, maaga pa lang pero punong-puno na ang Saint Luis University Gymnasium kung saan gaganapin ang regional martial arts competition. Bawat grupo ay may kanya-kanyang tagasuporta, lalo ang mga pamilya ng contestant. Sa bawat contender ay may mga coach, hindi tulad sa grupo nina Greg na sila-sila lamang.
Habang papalapit ang oras ng pagsisimula ng contest ay mas dumadagsa ang mga tao. Habang patuloy ang pagdagsa ng mga tao ay hindi maiwasang magkaroon ng bulong-bulungan.
“Boss, mukhang hindi pagpapawisan si Falcon sa mga nandito,” bulong ng nasa katabing grupo nina Greg.
“Ayaw mo n’on, Bruno, all the way ang panalo niya. Kung mananalo siya, ibig sabihin panalo din tayo dahil iisa lang naman ang grupo natin. Ang inaalala ko ngayon ay ang mga undercard natin,” aniya naman ng isa.
“Boss naman. Wala ka na yatang tiwala sa amin, ah. Kasasabi mo lang na kung panalo si Falcon, panalo din tayo. Ibig sabihin niyan, boss, we can do it all the way,” sabi naman nito.
Pero kung may maangas, mayroon ding mapagpakumbaba. Dahil hindi nakatiis ang isa naman sa nasa kabilang grupo at sinalungat niya ang tinawag na Bruno ng isa.
“Huwag po kayong magpakasigurado, sir, dahil sa dami ng mga contestant per categories, marami pa po kayong magiging pagod at pawis bago ninyo makamtam ang panalo na sinasabi ninyo. At hindi ibig sabihin na kapag panalo na ang isa sa inyo ay panalo na kayong lahat. Dahil gaya ng sabi ko, the matches will be based on the wins of the contender,” aniya nito, dahilan para uminit ang ulo ng tinawag na Bruno.
Bago pa ito muling nakapagsalita ay nagsimula na ang programa.
“Hayaan n’yo lang sila. Don’t be affected by them. We are here for the match, not for them. Just focus your attention in our match,” bulong ni Greg sa mga kasamahan niya pero hindi pala ito nakaligtas sa mga katabi nila.
“Ang yabang mo naman, ’tol. Pero sige, pagbibigyan ka namin. Ang lakas ng loob ninyo. Look at yourselves, para kayong mga kuto kumpara sa amin,” ismid ng isang nakarinig, not knowing na isa ito sa makakalaban ni Master Greg.
Sa narinig ay parang umakyat sa ulo ng batang master ang kanyang dugo. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang sinasabihan siya ng bagay na hindi naman totoo. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili at ikinalma ang nararamdaman.
“Hayaan mo na ’yan, master, magsisimula na ang laban,” aniya ng kanyang kasama. They all know their master at all. Tahimik at seryoso lang ito sa oras ng trabaho lalo na sa mga laban nila. Hindi na rin nila pinansin ang bulungan ng mga kalaban, bagkus ay itinuon ang atensiyon sa harapan.
“Magandang gabi po sa ating lahat. Tayo po ay naririto sa Saint Luis University Gymnasium para sa ating regional martial arts competition. Bilang panimula po ng ating programa, tayo po ay magsitayo muna para sa ating opening prayer to be led by the parish priest of Baguio Parish, Father San Lorenzo,” paunang sabi ng emcee, then the priest started to say a prayer.
After the prayer, it was followed by the flag ceremony, opening speech presenting the contenders, and finally, the match started.
Sa tahimik na gabi ay walang ibang maririnig kundi ang tunog ng bell ng mga judges, pito ng mga referee, and the sounds of the players. Muling umingay nang nagsalita ang emcee after a couple of matches.
“Wow! Great job, guys! And we are live here at the studium of this prestigious university. As of now, no one wants to be defeated, yet we all know that only one can stand as a champion, although there will be a first runner up to fourth runner up—Wow! Great blows of this young master,” sambit nito nang makitang walang-kahirap-hirap na napatumba ni Greg ang kalaban.
Sa mga nakakikilala, alam nilang kayang-kaya ito ng young master pero para sa mga kapwa nila contenders ay halos maliitin lamang nila ito.
“We will see kapag sila ni Falcon ang maglalaban,” ismid ng isa sa kabilang grupo.
“Isa pala siyang manlalaro. Kaya naman pala gano’n na lang makapagsalita,” ani rin ng boss kung tawagin ng mga ito.
BILANG suporta ng pamilya Arellano ay sama-sama silang nanood sa malaking sala ng pamilya. Kung ang ilaw ng tahanan ay busy sa pagdarasal para sa anak, iba naman ang mga kasambahay, dahil mas maingay pa ang mga ito na nagchi-cheer para sa young master nila.
“Okay lang iyan, pare. Diyan nila ipinapakita ang kanilang suporta para sa master nila,” nakatawang ani Amor, kaibigan ng mga Arellano.
“Yes, pare. Kaya kami ni mare mo ang nagsabi sa kanila na dito sa sala sila manood,” sagot ni Darwin.
Pero muling natuon ang kanilang atensiyon sa malaking telebisyon nang muling umingay ang mga kasambahay nila, lalo ang dalawang dalagang sina Lorena at Melvz dahil rosaryo din ang hawak ni Karen.
“Siraulo na yata ang referee’ng iyan, Melvz. Aba’y bakit hindi nag-whistle samantalang below the belt ang ginawa ng kasintarantado niyang kalaban ni Master,” lukot ang mukha na ani Lorena.
“Huwag kang maingay, Lorena—Look, iyan ang napala niya! Akala kasi niya kaya ng pandaraya niya si Master, eh,” ani Melvz na napatayo pa talaga nang makitang pinalipad ni Greg ang kalaban nito by his round kick attack.
“In the count of ten and you’ll not be able to stand up, it means the game is over,” panimula ng referee habang nasa tabi ng ring ang coach nito.
“One, two, three, four, fiver, six, seven, eight, nine, ten. The game is over! Our winner for this year is the young master from Bontoc Mountain Province who owns the Gregory James Gymnasium. No other than Master Gregory James Arellano!” pagpoproklama ng referee sa overall champion.
Mas naging maingay ang mga nasa bahay nang ang referee na mismo ang nag-abot sa envelope na galing sa mga hurado.
“CONGRATS, Greg. Sabi ko naman sa ’yo, you deserve to be the winner,” masayang salubong ng may-edad na kasama nila.
“Salamat, Kuya Melvin. Ang tagumpay ko ay tagumpay ng grupo,” masayang ani Greg kahit na masakit ang buong katawan dahil sa may pagkakataong below the belt kung tumira ang nakalaban niya. Bago pa may nakapagsalita sa kanila ay muling umalingawngaw ang microphone.
“Thank you, guys, for participating in this event. Para po sa lahat ng dumalo na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng hilagang Luzon, we all witnessed na malinis ang naganap na labanan from the undercard and main event, as well as elimination round up to the final round. Magagaling po kayong lahat, walang itulak-kabigin,” aniya ng emcee.
“Pero sa lahat ay may pinakamagaling na siya ring nanalo with the unanimous decision of our four judges. We all witnessed how he fight from the elimination round up to the final. Para po sa lahat ng nanonood, lalo na sa ating mga nandito sa Saint Luis University Gymnasium, the title holder for this year, our new regional martial arts winner is no other the young master of Gregory James Gymnasium, Mr. Gregory James Santana Arellano of Bontoc, Mountain Province. Congratulations, guys, and good night to everyone,” the emcee proclaimed as he handed the cash prize to the winner, as well as the envelope na naglalaman ng certification at papel na nagpapatunay na siya ang haharap sa national competition sa Manila sa mga susunod na buwan.
The gymnasium was filled with round of applause! The peopled celebrated, lalo na ang mga kasamahan ng binata.
Pero kung may nagsasaya, may mga nagngingitngit din. They were cursing the winner!
Inggit lang sila kay Master!