Chapter 5

2003 Words
Maaga pa gising na kaming lahat nag si ligo na kami at nagsikain. Pinaliguan ko na si nanay at binihisan. Alas otso kasi ang oras ng operation niya.dumating na si Doña Elizabet. Hinihintay na lang namin ang doctor ni nanay. Nung dumating na ang magtutulak sa kanya sa operating room hinawakan ako ng mahigpit ni nanay tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Wag kayong mag alala magiging maayos ang operasyon niyo maghihintay ako dito sa labas. Hihintayin ka namin nay kaya lakasan mo ang loob mo ha." Sabi ko sa kanya. Yumakap na kami sa kanya saka siya pinasok na sa loob. Hindi ako umalis sa labas ng operating room hindi lang alam ni nanay kabadong kabado ako na baka hindi ko na siya makasama pa. "Iha o binilihan kita ng Sandwich hindi ka nag lunch. Baka mapano ka niyan magalit ang fiance mo sa akin. Inaasahan na niya ang pagdating mo tapos magkakasakit ka." Sabi ni Doña Elizabeth. Napa lingon ako sa kanya ng mag sink in sa akin ang sinabi niya. Tumango siya saka ngumiti. "Siya ang naghanap ng donor ng nanay mo. Nung gabi na nagusap tayo sinabi ko na sa kanya." Sabi niya sa akin. Napa tanga ako sa kanya hindi ko alam ang iisipin at sasabihin. "Kumain kana." Sabi niya saka ngumiti sa akin. Tumango na lang ako. "Wag kang magalala ligtas na makakalabas diyan ang nanay mo" Sabi niya sa akin. Saka kumindat sa akin napa ngiti ako sa kanya. Saka kumain na. "Dahil hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang kasal niyo ng anak ko." Sabi niya uli. Natawa na lang ako. Ilang oras pa ang hinintay namin. Maya maya lumabas na ang doctor. "Kumusta Doc?" Tanong ko. Tumingin ito sa akin. "Congratulations successful ang operation ng nanay mo." Sabi nito sa akin. Naka hinga ako ng maluwag. "Dapat lang kung hindi pagbabayarin kita pag hindi na tuloy ang kasal ng Duke." Sabi ni Doña Elizabeth. Natawa naman ang Doctor. Saka tumingin sa akin. "So siya pala yung sinasabi mo sa akin" Sabi nito napa tingin ako sa kanila na nagtataka. "Now i know why Duke Sometimes lost in a Harem huh" Sabi nito na ikina tawa ni Doña Elizabeth. "Pag narinig niya yan siguradong may mura ka." Sabi ni Doña Elizabeth. Nagtawanan sila. "By the way. Sa ngayun tulog pa siya dahil sa binigay naming pampa tulog. Actually hindi pa talaga tayo makakasigurado hangat hindi siya nagigising dun lang kasi natin malalaman kung walang naging Complikasyon.' Mahabang paliwanag.niya sa amin. *******VLADIMIR POV******* Matagal na akong kinukulit ng akong Ina na magasawa na at gusto na daw nilang magka apo. Pero hindi ko pa nakikita ang mate ko. Hangang sa nakulitan ako dito at sinabi na ihanap niya ako ng babaeng pakakasalan ko. Tuwang tuwa ito. Saka lang niya ako tinigilan sa kakakulit. "Duke. May bago na naman tayong myembro.Bago siyang biktima ng mga blood sucker." Sabi ni Wayne. Ang kanang kamay ko.Napatiim bagang ako. "Sino sino sila?" Tanong ko dito. "Taga kabilang Nayon. Sinakop ng mga Blood sucker ang lugar nila Nung isang gabi. Kagaya ng utos niyo kinuha namin lahat ng nabuhay sa mga nabiktima nila." Naikuyom ko ang kamao. "Sunosubra na talaga ang grupo na yan." Sabi ko. "Lumaki ang ulo nila dahil pumapanig sa kanila ang konseho." Sabi ni Wayne. Tumayo ako at pinuntahan namin ang mga biktima. Kagaya ng dati Ginamit ko sila. "Hayaan niyo muna sila sa silid na yan. Bantayan ng maagi. Siguraduhing Hindi sila makakalabas dahil sa Oras na makalabas sila mas mapanganib pa sila sa mga blood sucker." Sabi ko dito. Tumango ito. Wala kaming magawa sa ginagawa ng mga Blood sucker. Dahil nasa panig nila ang konseho. Kaya hinahayaan na lang namin sila. Basta pinababantayan ko ang bawat galaw nila. Lalo nat palapit na sila ng palapit sa Lugar namin. Lahat ng kinakagat nila na nabubuhay pinahuhili ko sa mga tao ko at kinukulong namin sa bodega ng Ilang buwan tanging dugo ng hayop anh binibigay naming pagkain nila. Kagaya namin. Lahat ng kasambahay ko ay biktima ng mga Blood sucker. Dati silang tao. Busy sa opisina ko ng tumawa si Ina. "Vlad anak may Nakita na akong babae na babagay sayo. Nais kong pumunta ka dito sa kaarawan ko upang makikilala mo siya." Sabi ni Ina. Kaya napabuntunghininga na lang ako. Dumating ang kaarawan ni Papunta na sana ako sa lugar nila kaso nagpatawag ng meeting ang Konseho. kaya Hindi ako nakarating. Nahtampo si Ina sa akin. kaya naman kinabukasan lumuwas ako Upang puntahan siya. Tuwang tuwa si Ina ng dumating ako. Niyaya niya ako pumunta sa Palengke. Laking Gulat ko ng makita ang babae na nirereto sa akin ni Ina. Magpropeotesta sana ako. Kaso bigla itong lumingon. Nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam Kong ano Ang Nakita ko. pero pakiramdam ko nagliwanag ang mata niya at para ako nitong hinihigop. At Hindi ko maalis alis ang tingin ko sa kanya. Nagtaka ako bat napapayag ako sa gusto ni Ina. Hangang sa umuwi na ako palasyo. Hindi siya maalis alis sa isipan ko. Lumipas ang mga araw nasasabik ako na makita siya. Minsan nga umalis ako ng gabi para puntahan siya at pagmasdan siya malayo.Hangang sa isang araw Nagulat ako ng tumawag si Ina. "Vlad pumayag na si Inday na magpakasal sayo Basta Iligtas mo ang buhay ng kanyang Ina. Kailangan nitong uperahan sa puso.Nangangailangan ito ng Donnor." Sabi ni Ina. Natuwa ako sa Balita niya. Kaya agad akong humanap ng Donor sa Puso ng kang yang Ina. Kaya ngayun nasasabik ako sa nalalapit naming pagkikita. Kinakabahan ako na baka Hindi niya ako matangap dahil sa totoo kong pagkatao. ********ALIAH POV#******** Maghapon kong binantayan si mama hindi ako umaalis sa tabi niya dapat sa ICU pa siya pero pinalipat na siya ni Doña Elizabeth sa room namin. Dinadalahan na lang nila ako ng pagkain. "Alae. Ate alam mo ba e? May nalaman ako e. Sa biyanan mo pala Ereng Ospital na ere kaya pala special ang treatment sa atin dito.e." Sabi niya sa akin. Napa tingin ako sa kanya at napa tanga ako. "Kaya pala." Bulong ko. Limipas ang araw laging dumadalaw si Doña Elizabet lagi din siyang may dala na kung ano ano lang. Pagdating ng pangatlong araw na gising na si nanay nagpasalamat ako underobservation pa siya. Sa umaga lang ako nagtitinda pag ka tanghali ako na ang nagbabantay sa nanay ko. Pagdating ng isang lingo pinayagan na kaming umuw.i Kaso hindi kami sa bahay pinauwi ni Doña Elizabeth sa isang apartment na pagaari niya. kKsi under renovation ang bahay namin. "Makasasama sa nanay mo kapag ganun ang environment ang kikilusan niya. Saka saan niya pagugulungin ang weel chair niya. Para maka kilos na siya pag malakas na siya." Sabi niya sa akin ng sabihin niya ang plano nila.Hindi ako pumayag kasi magagalit si nanay. "Iha alam ko na gusto mo na nasa ayos ang pamilya mo na iiwanan mo gusto ko din mapanatag ka na kahit nasa malayo ka alam mo na nasa ayos lang sila.Kaya pumayag kana." Sabi niya sa akin. Naisip ko na tama naman siya sa sinabi niya. "Hindi ko naman lalakihan yung tama lang parang apartment may kusina may sala at may tatlong kwarto o payag kana" Sabi niya uli huminga ako ng maluwag at napipilitang tumango. Kaya ng lumabas kami ng ospital sa apartment muna kami kasi hindi pa tapos ang bahay pero tatlong araw lang kami sa apartment lumipat na kami sa bahay. "Ala e ang ganda ng bahay natin ate may sarili na kaming kwarto ni kulit." Sabi ni Rejeimae saka inikot nila ang bahay si nanay naka weeel chair na siya hindi na kailangan naming buhatin. "O nagustuhan mo ba iha?" Tanong ni Doña Elizabeth sa akin. Naiiyak akong tumango sa kanya. Na tawa siya sa naging reaction ko kasi sa totoo lang ganitong bahay ang nais ko sa amin. Uung hindi tumutulo yung nakakakilos si nanay. May mga sariling silid ang mga kapatid ko hindi yung kung saan saan lang na tutulog. " Salamat po." Sabi ko sa kanya. "Shh! Wala yun hindi kana iba sa akin anak na din kita kasi magiging asawa kana ng anak ko remember." Sabi niya saka pinisil ang pisngi ko. Nahihiya akong yumuko kasi hindi pa nga ako sigurado na magugustuhan ako ng anak niya ang dami na niyang ginawa sa akin. Nagusap sila ng nanay ko narinig ko na umiiyak si nanay kaya papasok sana ako sa kwarto ng makita na yakap niya ito pinatatahan at pinaaalalahanan niya sa puso nito. Hindi na ako tumuloy. "So pano Iha susunduin na lang kita bukas okay" Sabi niya sa akin tumango ako. Nagpaalam na ito. Kinabukasan maaga pa ng dumating ito umalis na kami akala ko kung saan kami pupunta yun pala sa mall nagtataka man sumunod lang ako sa kanya pumasok kami sa isang boutique may sumalubong sa amin na may edad ng babae. "Hello Madam na ligaw ka yata?" Tanong nito saka nagbeso kay Doña Elizabeth. "Nais kong pilian mo ng damit ang daughter in law ko." Sabi niya saka tumingin sa akin ang babae. "Lahat ng bagay sa kanya kukunin ko basta siguraduhin mo lang na magugutuhan ni Vlad. Alam mo na yun maari tayong malintikan." Sabi ni Doña Elizabeth. "Copy Madam." Sabi nito. Saka kami dinala sa isang silid may maliit na pinto ito sa loob pinaupo niya ang kasama ko saka nagpaalam sa amin. Ilang minuto lang nandto na siya ma kasama siyang alalay na dalawa na may dala dala na maraming damit. Pinasukat lahat sa akin may pormal may Casual may pang party may mga pantulog may panligo lahat ng nagustuhan ni Doña Elizabeth kinuha namin pero halos lahat naman yun ilan na lang ang binalik pagod na lagod ako ng matapos kami para akong model ng mga damit. May isa pa ngang gusto akong kuhanan ng may ari ng boutique hindi pumayag si Madam hindi daw papayag ang anak niya. Parang totoong totoo na gugustuhin talaga ako ng anak niya. Akala ko pagkalabas namin dun uuwi na kami. Lasi nakakalula ang binayaran niya pero nagyaya pa siya na kumain. "Mag lunch muna tayo. Mando ihatid niyo muna ang mga yan sa kotse." Sabi niya sa dalawang alalay niya na may dala ng mga pinamili namin. Pagkatapos naming kumain pumasok naman kami sa tindahan ng mga sapatos kilala din siya dun siya na ang na mili ng sapatos ko lahat ng magustuhan niya binili. Paglabas namin naman dun sa may tindahan naman ng bag kami pumunta. May sholder bag may malaki may parang walet lang meron din kaming binili na maleta dalawa at isang traveling bag. Hapon na ng lumabas kami sa bilihan ng sapatos. Papasok pa sana kami sa jewelry shop pero pinigilan ko na siya pumayag naman kasi mas maganda nga daw kung ang anak niya na lang ang bibili sa akin. Sabi niya na kinikilig pa.hindi na lang ako umimik pero ng pumasok kami sa tindahan ng mga Cellphone hindi siya pumayag na hindi ako ibili pati ang mga kapatid ko. Para daw matatawagan ko kahit nasan ang mga to kaya wala na akong na gawa basta ang sabi ko wag masyadong mahal kasi iniisip ko baka hindi ko na kayang bayaran lahat ng utang ko. Bumili din siya ng laptop kasi kakailanganin daw yun ng kapatid ko dahil College na ito. Bayaran ko na lang daw pag kinasal na ako sa anak niya kung ayaw ko daw ng bigay. Napapa hinga na lang ako ng malalim kasi mas makulit pa sa mga kapatid ko ang Doña. Pagkatapos pumaso kami sa isang salon.Naginjoy ako dito kasi ang sarap magpa massage na tangal lahat ng pagod ko. Pagkatapos nagpa steam kami at ng matapos inayusan ang buhok ko pati mga kuko ko. nilinisan at nilagyan ng kulay ayoko sana kaso inuto ako ng naglilinis kaya napa Oo na lang ako ka kulay lang naman ng balat ko ang nilagay niya. Ng matapos nga siya hindi ko na kilala ang kamay ko parang bagay ng lagyan ng Engagement ring. Charot
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD