Chapter 6

2410 Words
Ayan Madam Brazilian lang ang ginawa ko diyan at konting trim ayos na kasi may likas na kulay ang buhok niya. Na gulat ako ng makita ang itsura ko sa salamin ang ganda ko hindi ko nakilala ang sarili. Napangiti si Madam. "Ano gugustuhin kana ba ng anak ko? Kaya kapag asawa kana ng anak ko lagi kang pupunta sa salon para lalong mabaliw sayo ang anak ko" Bulong sa akin ng Doña Elizabeth. Ma mula ako sa sinabi niya. Humagalpak ito ng tawa. Nasa isang restaurant na kami kumakain kami ng dinner ng matapos nagpa take out ito. "So. Pano sa lingo na ang alis mo baka hindi na kita maihatid ng palawan kasi may business trip kami ng asawa ko sa susunod na araw. Pero wag kang mag alala susunduin ka ni Vlad sa airport. Sa wakas magkikita narin kayo. Good luck na lang Iha isang buwan ka muna sa Mansion namin habang inaayos ang kasal niyo at para makilala mo narin ang anak ko. Sapat na yun para makilala niyo ang isat isa. Pagkatapos ng kasal niyo saka ka niya dadalahin sa bahay niya." Sabi niya sa akin. Kinabahan ako. Nagpaalam na siya hindi na daw siya baba sabihin ko na lang daw sa nanay ko na umiwi na siya. Hinalikan niya ako sa pisngi.saka bumaba na ako. Nagulat ang mga kapatid ko sa itsura ko at sa pinamili sa akin ni Doña Elizabeth. Pinasok nila yun sa sala nagpasalamat ako sa mga alalay ng Doña na naghatid sa akin. Nangalkal agad ang mga kapatid ko. Ang ibang Tshirt binigay ko sa kapatid ko tuwang tuwa ng makita ang laptop niya. Tuwang tuwa din ang kambal sa mga Cellphone nila. Binigyan kp din ng Cellphone si nanay tinuruan ko sila sa pag gamit nun hindi na nakialam sa amin ang kapatid kong isa dahil busy na sa kakalikot sa laptop niya. "Pano pala to magagamit ate e wala naman tayong Wifi.?" Sabi niya ng lumabas ng kwarto na kakamot kamot ng ulo. "Bukas daw may darating dito na magkakabit nun sa atin para daw matawagan ko kayo kahit anong oras makakapag video call tayo." Sabi ko tuwang tuwa ang mga to. Masaya ako sa nakikitang saya sa kanila nagpapasalamat ako na nakilala ko sila Doña Elizabeth dahil naabot ko ang munting pangarap ko. Tumawag na lang sa akin kinabukasan sa bago kong Cellphone si Doña Elizabet sinasabi na hindi na daw siya makakapunta sa bahay kasi busy na siya sa pagiimpake ng dalahin niya kinabukasan sa business trip nila. "Basta iha mag ready kana lang ng lingo ng umaga. May susundo sayo diyan na tauhan namin ihahatid ka sa private airplane namin na siyang maghahatid sayo sa Palawan at dun susunduin kana ni Vlad. Okay?" Sabi niya sa akin. Kinabahan na naman ako. Iniisip ko pa lamang ang anak niya kinakabahan na akp agad. "Ahm Tita p. Pano ko pala makikilala ang anak niyo po?" Tanong ko sa kanya. "Alam mo iha ang cute mo pag wala kang punto. Hi hi..Hi. Ang mga tauhan namin ang maghahatid sayo sa kanya. Kaya wag kang magalala saka kilala kana niya kahit naka talikod ka makikikilala ka niya." Sabi nito na hindi ko na pinagtakahan. Maaring pinadalhan niya ito ng larawan ko. "Ang daya naman siya may larawan ko pero siya wala man lang larawan sa akin." Bulong ko sa isip ko. "Sorry iha talaga" Sabi nito sa akin. "Okay lang po yun Tita." Sabi ko na naiilang pa sa Tita na tawag sa kanya. Nagpaalam na ito. Maaga pa gising na kaming lahat aligaga na ako sa pagaayos ng sarili. Tshirt na kulay yellow orange ang sinuot ko saka pantalong maong na pinaresan ko ng sneakers. Itinali ko lang pataas ang buhok ko saka naglagay ng face powder at liptint nakita ko sa you tube kung papaano gumamit nun. Naglagay ng pabango saka lumabas na ng silid nakita ko sila sa sala nagiiyakan ang mga kapatid ko niyakap ko sila. "Sssh. Babalik naman si ate pangako. Basta ingatan niyo ang mga sarili niyo, ang mga pagaaral niyo. Ayoko ng pinababayaan niyo ang pagaaral niyo ha. Ikaw Alie wag mong pababayaan si nanay at ang kambal ikaw na ang bahala sa pera basta unahin mo ang gamot ni nanay ha." Sabi ko sa kanya tumango lang ito nagpupunas ng mata. "Tumawag ka sa akin pag may problema ha. Kahit malayo pa yun uuwi ako agad. " Sabi ko sa kanya. Tumango uli ito humarap ako kay nanay na umiiyak narin. "Sshh! Tahan na nay makakasama sayo yan e. Gusto niyo ba na mas lalo akong mabaon kayla Doña Elizabeth?" Tanong ko dito habang yakap ko siya. umiling siya. "Ganun naman pala eh. Kaya magpalakas kayo ha ingatan niyo ang sarili niyo wag kayong masyadong magpapagod araw araw akong tatawag dito. Para kumustahin kayo." Sabi ko. Tumango ito saka niyakap nila ako. Tumulo narin ang luha ko na agad kong pinahid ayaw kong makita nila na nanghihina ako. Maya maya dumating na ang sundo ko.isang itim na sasakyan. Mga naka itim din ang mga lalake. Para silang men in black, Yung pilikula na napanood ko. Kinuha ang mga bagahe ko. Yumakap pa ako ng isang beses sa mga kapatid ko at sa nanay ko bago ako pumunta na sa sasakyan. Kumaway ako sa kanila saka sinara na ang bintana kasi tutulo na ang luha ko. Napa iyak na ako ng umandar na ang sasakyan hindk ko alam kung makakabalik pa ako sa kanila. Pero gagawin ko ang lahat makasama ko lang sila uli. Hinayaan lang ako ng mga tauhan nila Doña Elizabeth na umiyak ng umiyak. Pagdating namin sa airport. Natuwa ako kaya nag picture ako dun saka pinadala sa kapatid ko. Ng makasakay ako nagpic din ako bago umalis ang plane pinadala ko din sa kapatid ko. Tahimik sa biyahe hinainan ako ng pagkain ng isang babae na naka uniform maganda sana ito kaso masyadong ma putla. "Your lunch ma'm." Sabi nito saka binaba ang mga pagkain na may takip pa sa harap ko. Saka tinangal ang takip nito ng matapos ilagay lahat. Napa nganga ako pasta at stake ito na may kasamang avocado shake.kinain ko ito kung pwede lang kumuha ng picture kinuhanan ko na ito kaso bawal. Nakatulog ako pagkatapos kong kumain nagising ako sa isang marahang tapik. 'We are here na ma'm." Sabi ng babaeng maputla ng idilat ko ang mata ko. Nilibot ko ang tingin ko tumigil na nga kami. "Well come to Palawan ma'm!' Sabi nito saka ngumiti. Tinanguan ko siya saka ngimiti dito. Tumayo na ako. Ng makababa nakita ko na naghihintay na ang mga tauhan ni Doña Elizabeth sa baba. "Pwede magpakuha sabi ko sa babae." Tumango ito pero ng lumapit ako sa mga tauhan ni Doña Elizabeth umayaw ang mga ito na akala mo takot sa camera. Kaya ang ending ako lang ang pinicturan nila sa ibat ibang klaseng pose sa plane. Ng magsawa saka lang niyaya ko sila na umalis na. Ng nasa loob na ako ng airport nagpapicture uli ako sa mga tauhan ibat ibang klase din bago ko niyaya na sila lumabas. Paglabas namin may naghihintay na kulay itim na sasakyan may nakatayo dito na lalaking nakaitim at naka shade din ng black.parang mga men and black din ang mga ito. "Ano ba ang mga ito. Fan ba ng men in black ang anak ni Doña Elizabeth.Pag nagkataon baka pati ako pagsuutin niya din ng itim may kasama pang shade." Bulong ko sa isip ko. Paglapit ko binuksan nito ang pintuan sa likod ng driver. Pumasok ako sa loob. Muntik na akong mapa sigaw ng may masagi ako. Na star struck ako sa nakita ko ang gwapo ng nasa loob naka suit ito na kulay navy blue para itong modelo ng sasakyan. Napahiya ako ng tumikhim ito agad na inayos ko ang upo ko kasi nakaharap pala ako sa kanya at nakanganga pa tinikom ko ang bibig ko at saka siniksik ang sarili sa gilid ng bintana dahil ang lakas ng kabog ng dib dib ko. "f**k!" Rinig kong sabi niya. "Ano daw pack hindi ba ibalot yun sa tagalog." Sabi ko sa isip ko. Kaya kinakabahan na tiningnan ko ito. Ng lumingon siya sa akin agad kong binawi ang tingin ko. Sa labas na lang ako tumingin. Alam ko na pinagmamasdan niya ako O pakiramdam ko lang yun. Ashuming lang ba. hehehe. "Why are you late Don?" Rinig kong sabi niya. "Grabe. Napapikit ako ang ganda ng boses. Ano ba to pati ba naman boses niya ang ganda pakinggan. Pero teka English yun ah. "Sorry Duke. Because She always take pictures inside the airport" Sagot ng kasama ko kanina. English din. Hindi na umimik ang katabi ko kaya tahimik sa loob. Ng lingunin ko ito tulog na pala. Kaya napag masdan ko ang mukha niya. "s**t! Ang gwapo niya sobra pero englisero nga lang. Pano nato mas lalo lang naging alangan kami nito buti na lang matalino ako." Bulong ko sa isip ko habang naka tingin sa labas. "Duke, what are we using? yacht?" Tanong nung kasama ko kanina. Napa lingon ako dito naka pikit parin ito. "No! its to late we need a chopper." Sabi niya. Nakapikit parin. "Okay" Sagot naman ng kasama ko kanina. Kinabahan ako. Saka napaisip. "Sabi niya kanina pack. Ibalot ngayun naman Chopper Ang ibig sabihin sa Tagalog tadtaran. Teka baka ako Ang pinaguusapan nila. Hindi kaya kumakain ng tao ito. Sayang naman ang gwapo pa naman niya at mas sayang ako Ang talino ko pa naman tapos tatadtarin lang nila. Diyos ko nay kailangan ko na ba sa inyong magpaalam." Bulong ko sa isip ko. Nagulat ako ng dumilat ito at tumingin sa akin na nakakunot ang noo. tumingin na lang ako sa labas at nilibang ang sarili. Wala na kaming imik hangang huminto ang sasakyan. Akala ko tulog pa siya pero outomatik na lumabas siya ng buksan ang pintuan sa side niya. Umikot siya at binuksan ang pintuan sa tabi ko.Lalabas na sana ako kanina kaso hindi ko alam kung papano buksan ang pituan. Yun pala bubuksan lang sa labas. "Delikado pala sumakay sa ganitong sasakyan. Pano kung iwan ka ng kasama mo kulong ka. Di bale matalino ako hindi ako magpapaiwan.' Bulong ko sa isip ko saka na ngiti sa naisip. "Whats funny you thought?" May maya sabi niya sa tabi ko habang naglalakad kami. Napa tingin ako sa kanya nakatingin siya sa akin napatanga ako sa kanya. "Grabee ang ganda ng mata niya kulay brown." Bulong ko sa isip ko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya tumikhim na naman siya kaya natauhan ako. Agad kong iniwas ang mata ko sa kanya. Ang lakas na naman ng kaba ko. Hindi na ako umimik. May helicopter na naghihintay sa amin. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso kaya napapitlag ako. Napatingin siya sa akin nakita ko na may binulong ito. "Hindi ko alam na may sapi pala ang anak ni Doña Elizabeth ang hilig kausapin ang sarili e." Bulong ko sa isip. Naalala ko kanina sa kotse kinausap niya rin ang sarili niya. Lumingon ito sa akin. Nakita ko na nakakunot na naman ang noo nito kaya nagmamadali na lang ako maglakad. Dilikado baka ma bwisit sa akin ito ma tadtad ako ng maaga. Sayang ang talino mo pa naman. Inalalayan niya ako ng malapit na kami Kasi ang lakas ng hangin. Pagdating namin sa tabi ng helicopter nabigla ako ng hawakan niya ang bewang ko at iangat ako. Inabot ako ng tauhan niya naupo ako sa gilid. Sumakay na siya saka umupo sa tabi ko. Hindi parin ako maka move on sa nangyari. Pakiramdam ko ang init ng pisngi ko.buti na lang medyo madilim kasi magdidilim na. "Lets go before they found us." Sabi niya napa kunot ang noo ko.Napaisip uli ako. "Kanina ibalot tapos ngayun kikiluhin naman. Aalamin nila ang pound daw e madalas ko Yung marinig sa pawnshop na katabi ng pwesto ko.sa mga alahas yu. Haay nakakabaliw baka kikiluhi nila ako muna nila ako pagkatapos nila akong tadtarin para malaman kung ilan ang pound ko saka nila ako babalutin. Kala nila hindi ko sila naiintindihan matalino kaya to top nuch ako sa school e." Sabi ko sa isip ko. Kinakabahan na ako sa naisip ko. Nagulat ako ng huminga ito ng malalim Saka umiling. Napalingon ako dito. "Are you afraid of hights?" Sabi niya na naman sa akin. Kaya napatanga ako sa kanya. Ewan ko ba naman kung bakit tuwing magtatama ang paningin namin para akong hinihigop ng mata niya kaya natutulala ako. "Its okay just relax." Sabi niya na nagpagising sa akin. Umiwas ako ng tingin. "Relax daw alam ko yun kumalma ako sabi niya. Haay pano kaya ako kakalma kung ipriprito niya ako. Akala niya hindi ko alam ang ibigsabihin ng afraid irprito sa tagalog yun. Bat kasi hindi sinabi ni Doña Elizabeth na english spokining dollar ang anak niya buti na lang matalino ako. Top nuch kaya ako sa school." Bulong ko sa isip ko. Hindi na ako tumingin sa kanya. Baka mamaya sa takot ko sa mga sinasabi niya tumalon na ako dito. E di nasayang Ang talino ko. Kumalma ako at sinandal ko na lang ang ulo ko sa likod ng inuupuan ko saka tumingin sa labas. Ng parang may nakita ako na lumilipad sa labas. Napa upo ako ng maayos. Saka Napa tingin ako sa kanya nakatingin din siya sa labas.Kalmado lang naman ito. Kaya binalik ko ang tingin ko sa labas wala na ang nakita ko kanina. "Namamalikmata lang ba ako na parang may tao sa labas. Maari sino ba naman ang makakarating sa labas e ang taas na kaya namin.Haay Kasi naman kung ano ano na lang ang pumapasok sa isip ko sa kakaintindi ng sinasabi niya e. Ang hirap naman ng englisero nakakabaliw. Buti na lang matalino kaya hindi ako magkakasayad." Bulong ko sa isip ko at naupo na lang ng maayos. Ng makarating kami inalalayan niya ako bumaba. Ang daming nagkalat na mga tauhan niya. Deretso kami sa loob ng mansion. Ang ganda ng mansion mas malaki ito sa mansion nila sa San Juaquin..Dalawa ang hagdanan dito pagpasok mo makikita mo na agad ang dalawang hagdanan sa gitna ay ang isang grand piano bago malaking sala.Dumeretso kami dun ang mga gamit ay inakyat na ng mga katulong kulay itim at puti ang uniform nila at may pares ito na parang sombrero na kulay puti din.pare pareho sila mga putla siguro hindi dito masyadong nasisikatan ng araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD