Ng makaalis ang mga kapatid ko saka lang ako naka hinga ng malalim.
"Alae.Nay sana mapatawad niyo po ako sa naging desisyun ko.Para po sa inyo yun nay mas nanaisin ko na lang na magpakasal sa taong hindi ko pa na kikilala. Kesa mawala ka sa amin ng hindi ko ginawa ang lahat para manatili ka sa amin. Mahal na mahal ko po kayo nay hindi ko po makakaya kung mawawala din kayo sa akin. Makakaya ko ang lahat basta nandiyan ka sa tabi ko nay." Sabi ko na lumuluha. Hindi ko na malayan na naka tulog ako dahil narin siguro sa pagod. Nagising ako na may humahaplos sa pisngi ko.
Nagmulat ako ng mata na kita ko ang nanay ko na naka ngiti.
"Nay!"
Bigkas ko saka umupo ng maayos.
"Alae. Matulog ka laang maaga pa."
Sabi nito sa akin. Napa tingin ako sa relos sa may ding ding alas singko na.
" Alae. Kumusta na po ang pakiramdam niyo nay?"
Tanong ko dito.
"Alae. Ayos na ako kaya wag ka ng magalala e."
Sabi niya na halata pa sa boses niya na nanghihina pa siya.
"Alae. Nagugutom po ba kayo? Ibibili ko po kayo ng makakain." Pagsabi nun umalis na agad ako hindi na hinintay ang sagot niya. Paglabas ko ng silid agad tumulo ang luha na pinipigil ko pinahid ko ito. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayun.
Bumili ako ng lugaw. Pinakain ko ang nanay pagkatapos pinunasan ko siya saka binihisan. Maya maya dumating na si Alie.
" Alae. Hinatid mo na ba ang kambal.?"
Tanong ko dito. Tumango ito.
Pinabantayan ko muna sa kanya si nanay. Umuwi ako para makaligo at makapag bihis narin.
Na mili muna ako ng mailuluto.
"Kumusta na ang nanay mo Inday?"
Tanong ni Aling Bebang.
"Ala e. Ayos na naman po siya"
Sagot ko dito. wala akong nagastos sa mga dala ko kasi puro binigay lang nila sa akin.Nag sigang ako ng Baboy saka nagsaing ng kanin. Ng matapos na ligo sa labas. Maliit lang kasi ang banyo namin tanging inidoro lang ang kasya. Ng makapag bihis naglagay sa tupper na binili ko ng kanin at ulam saka pinasok sa echo bag. Naglagay din ako ng pingan baso kutsara para kakainan nila bago ako kumain na muna.Saka umalis na dumaan ako sa palengke para bumili ng saging saka sinundo ang kambal bago pumunta sa ospital.
"Ate!"
Tawag sa akin ni Alie ng makita ako nasa labas siya ng kwarto ni nanay.
"Ala e ate May naghahanap sayo e magandang babae mukhang mayaman e" Sabi nito na may punto na parehas ko. Taga Batangas Kasi kami. Na padpad lang sa Cavite ng madisgrasya ang mga magulang ko. Naibenta ko ang bahay namin dun para sa nanay ko at dito kami na padpad dati tiyahin ni nanay ang tinitirhan namin dito. Ng makapag Japan ang anak lumipat na sila sa maynila kaya binigay na sa amin ang bahay nila na ikinatuwa ko. Kasi sa palengke ang ikinabubuhay namin e kaya kami lang ang may punto.
Kinabahan ako sa narinig sa kapatid ko.binigay ko sa kanya ang mga dala ko.
"Alae kumain na muna kayo ng kambal."
Sabi ko. Saka kinuhanan ng pagkain ang nanay bago sila pinalabas para kumain sa kainan ng ospital.
Saktong pinakakain ko si nanay ng dumating sila Doña Elizabeth at Ang Doctor ni nanay.
"O hayan na pala si Inday."
Sabi ni Dona Elizabeth.
"Pirmahan mo muna ito para maayos na ang relish paper ng nanay mo."
Sabi nito. Kinuha ko ang papel at pinirmahan ito saka binalik sa kanila
Nagpaalam uli sila sa akin. Ng umalis sila saka ko lang hinarap si nanay na nagtataka sa nangyayri.
" Alae. Nay ililipat ka po ng ospital e. Sa mas maayos na matitingnan ka po. kulang po daw kasi ang kagamitan dito e para sa sakit mo." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Pagbalik ng kapatid ko pinauwi ko na siya kasi papasok pa siya sa school.
Pinaiwan ko ang kambal. Pinagbihis ko muna ito para madala ng kuya nila ang damit nila. Maya maya dumating na ang susundo na ambulance sa nanay ko. Sakay kami ng mga kapatid ko ng ambulansiya hangang sa ihatid si nanay sa St Paris Hospital.
Nalula ako sa pinasukan naming kwarto. May sariling banyo, sariling lababo, may sariling ref, may sofa na tangapan ng bisita at may sofa bed sa gilid. Sa tabi ng higaan ni Nanay puro bulaklak. Aircon ang silid halatang mamahalin ang bayad nito.
Nagtataka na tumingin sa akin ang nanay ko.
"Ala e. Aliah ikaw ngay magtapat sa akin e" Sabi ni nanay. Pag ganyan na binibigkas na niya ang tunay kong pangalan ibig sabihin seryoso siya.
"Ala e. Ang totoo niyan E. Humingi po ako ng tulong sa amo ko nay para maoperahan ka at pumayag naman sila e Tutulungan niya kayong maoperahan nay." Sabi ko. Tinitigan ako ni nanay.
"Ala e. Ano naman ang kapalit nito e Aliah?" Tanong uli ni nanay sa akin.
"Ala e. Nay Magtatrabaho ako bilang personal na katulong ng anak niya sa Palawan e." Pagsisinungaling ko sa kanya. Umiwas ng tingin ang nanay ko. Alam ko na masama ang loob niya at masama yun sa kanya. Kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Ala e. Pumayag na ako nay tutal maooperahan na kayo e. Saka may sahod naman ako dun. Ipapadala ko na laang sa inyo pangastos niyo. Malaki ang pasahod nila nay sapat na para makapag aral si Alie sa College nay. Wag na kayong magalit makakabuti naman sa atin yun talagang tulong lang nila ang operation niyo kasi wala naman silang sinisingil sa akin e"
Pagsisinungaling ko uli. Kahit na ang iba ay totoo na kokonsensiya parin ako ngayun lang ako nagsinungaling kay nanay. Kasi hindi pwede niyang malaman siguradong hindi siya papayag.
"Ala e. Anak hindi ka ba mahihirapan doon? Mabait ba ang anak nila baka masama pala ang ugali nun pahirapan ka e." Sabi niya. May maya.
"Ala e. Nay Mabait sila Doña Elizabeth kaya siguradong mabait din yun nay. Gusto lang ni Doña Elizabeth na mapagkakatiwalaan niya ang ipapadala na makakasama ng anak niya e."
Sabi ko na lang. Tumango siya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Ala e. Anak Kailan naman ang alis mo e?" Tanong niya uli.
" Ala e. Nay Pagkatapos niyong maoperhan e." Sagot ko sa kanya tumango siya.
Pinag balat ko siya ng orange.
Binigyan ko ang mga kapatid ko ng prutas. Kompleto ang lababo. May mga baso pingan at kutsara ,may heater at oven, may mga gatas kape at tsaa. Meron ding Gardenia na tinapay at ibat ibang klase ng palaman. Pinag timpla ko si nanay ng gatas at nagpalaman ako ng tasty. Puno din ang ref. May Cake hindi nga lang chocolate, may ice cream may ibat ibang inumin. Sa chiller puro prutas ang laman.
"Siguro nag grocery sila bago kami dumating." Bulong ko. Maya maya dumating si Doña Elizabet.
"O kumusta iha ayos lang ba ang kwarto. Kung hindi lilipat tayo"
Sabi nito sa akin.
"Ala e. Okay na po kami dine e masyado nga pong malaki e at napaka garbo parang hindi bagay sa amin e."
Sabi ko. Natawa siya sa akin.
Pinapunta niya ako sa information may pipirmahan daw ako.Kaya pumunta muna ako dun. Pagbalik ko na gulat ako ng nagtatawanan na sila nanay at Doña Elizabeth. Sa bagay ma daldal si Doña Elizabet. Napalingon sila sa akin.
"Naku Iha alam ko na kung kanino ka nagmana parehas kayo ng iyong Ina na masarap kausap."
Sabi nito. Na tumatawa pa.
"So paano ma una na ako. Titingnan pa namin ang isang donor bukas kung compatible kayo. Ang kailangan mong gawin Druzilla magpalakas ka para pag may nakita tayong Donor mo maisagawa kaagad ang operation."
Sabi nito kay nanay.
"Inumin mo ang mga gamot na nireseta ng doctor. Pinabili ko na ihahatid mamaya dito, kainin mo yung mga pagkain na nandiyan. Kung may kailangan pa kayo ipasabi niyo lang. Okay. Babalik na lang ako bukas."
Sabi niya. Saka nagpaalam na ito.
Ng makaalis si Doña Elizabeth nagpaalam muna ako na uuwi para kumuha ng pagkain namin.
"Ala e. Bantayan niyo si nanay e. Aalis muna ako para magasikaso ng pagkain natin. Papupuntahin ko agad dito si Alie para may kasama kayo e. Sabihin niyo na lang kay nanay pag nagising siya na umalis muna ako e."
Sabi ko sa kambal. Tumango ang mga ito. Dumaan muna ako sa palengke. May nag abot sa akin ng gulay at isda kaya ginulay ko na lang ang pakbet at prinito ang dalagang bukid na bigay lang sa amin. Pinapunta ko na si Alie sa ospital pinadala ko ang damit ng kambal doon kasi kami matutulog.
May donor na si nanay sa operation niya kailangan na lang na lumakas siya. Bumalik na ako sa palengke para may pangastos kami. Hindi ko na ginalaw ang pera na naipon ko dahil yun ang iiwan ko sa kanila pag umalis ako. Dahil maghahanap pa ako ng pera na ipapadala sa kanila pag dumating ako dun. Alangan naman humingi ako sa mapapangasawa ko ng pera. Kaya kahit ayaw na ni Doña Elizabeth na bumalik ako sa palengke hindi niya ako na pilit ang sabi ko hangat hindi pa ako nakakaalis hayaan na muna niya ako na buhayin ang pamilya ko. Kasi nakakahiya naman na iasa ko sa kanila ang responsibilidad ko sa pamilya ko. Hindi ko pa nga asawa ang anak nila saka kahit asawa ko na ito.
"Kumusta na ang nanay mo?"
Tanong ni Maria sa akin kasalukuyang nagliligpit na kami.
"Ayun hinihintay na lang na lumakas siya." Sabi ko dito.
"Pasalamat ka na lang naka tagpo ka ng mabait na amo. Saka halata naman na malapit sayo ang pamilya na yan."
Sabi nito sa akin. Ngumiti na lang ako.
Tama siya swerte ako at nakilala ko si Doña Elizabet.
"Kaylan naman ang alis mo niyan?"
Tanong uli niya sa akin. Palabas na kami. Ang alam nila magtatrabaho ako bilang katulong ng anak ni Doña Elizabeth para makabayad sa inutang Kong pera pang paopera ni nanay.
"Pag naoperahan na si nanay."
Sagot ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.
"Kung ganun matagal ka naming hindi makikita sa palengke.'
Sabi niya. Ngumiti uli ako. Sa totoo lang na lulungkot din ako. Nasanay na ako sa palengke dito na ang buhay ko. Kaya ma mimiss ko lahat sila.
"Teka may napansin ako na wala na ang punto mo magsalita."
Sabi niya. Natawa ako.
"Sinusubukan ko. kasi baka pagtawanan ako sa pupuntahan ko."
Sabi ko sa kanya na wala na nga ang punto pero halata parin sa pagsasalita ko.
"Sus ingit lang sila sayo Inday kasi kahit may punto ka. Hindi maikakaila na maganda ka kaya nga nirereto ka ni Doña Elizabeth sa anak niya. Dahilan niya lang yun nagagawin Kang katulong ng anak niya. Ang totoo talaga nun gusto niya lang na magkita kayo ng anak niya."
Sabi nito. Nanlaki ang mata ko paano niya nalaman.
"O ano nagulat ka diyan. Alam namin na nirereto sayo ni Doña Elizabeth ang anak niya. Kaya ka nga niya pagtatrabahuin dun kasi para magkita kayo kasi kahit anong gawin niya na magkita lang kayo kaso hindi umuuwi ang anak niya.Alam namin kasi lagi niyang binibigkas sa amin yun." Sabi niya. Namula ako sa sinabi nito.
Mabilis na lumipas ang panahon. Lagi akong sinasanay ng mga kapatid ko magsalita ng walang punto.Hangang nasana narin ako. Si nanay naman nagpapalakas.Hangang sumapit na ang operation niya.
Kinabukasan na ang operation ni nanay. Kinausap ko na ang mga kapatid ko tungkol sa pag alis ko. Pero sinabi ko sa kanila ang totoo. Nagulat sila.
"Ala e Ate. Hindi ka ba natatakot. Hindi mo pa nakikilala ang tao na yun tapos mapapangasawa mo na agad."
Sabi ni Alie sa akin. Alam ko naman yun naisip ko narin yun. Pero pinipilit kong tinatangal sa isip ko ang mga bagay na yun. Kaya ngumiti ako dito.
"Wag kayong magalala. Hindi ako pababayaan ng nasa itaas at sa tingin ko naman mabait din yun kagaya nila Doña Elizabeth." Sabi ko sa kanya.
.
"Basta wag niyong pababayaan si nanay Alie ikaw na ang bahala sa kanila. Kayo namang dalawa tutulungan niyo si kuya wag niyo pababayaan ang pagaaral niyo ha. Iiwan ko sayo ang pera Alie ikaw na ang magbudget habang wala pa akong pinadadala na pang gastos niyo."
Sabi ko sa kanila. Saka niyakap sila mahal na mahal ko ang mga kapatid ko.
.