Chapter 7

2025 Words
"You can rest first" Sabi niya sa akin ng nasa may sala na kami. "Ano daw? Ako magpahinga. Hala, wag niyang sabihin na" Nanlaki ang mata ko sa naisip. Saka napahawak sa bibig ko nasa likod ko siya kaya hindi niya nakita ang gulat ko. Huminga na naman ito ng malalim. "Ada call you if the dinner is ready' Sabi niya uli. Saka tinawag ang katulong na Ada ang pangalan. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. "Ah. Hindi naman pala siya kasama. Ikaw talaga Inday Ashuming ka talaga." Bulong ko sa isip ko. "Yes Master?" Tanong ng katulong na dumating. "Take your seniorita in her room." Sabi niya dito. Kaya tumingin ito sa akin saka ngumiti. "This way seniorita." Sabi nito at tinuro ang hagdanan. Humarap ako sa pinto kaya nagkaharap kami. "I know you are tired so take rest. Tomorrow we talk just feel at home." Sabi niya. Ng lalakad na ako. Tinawag niya ako uli. "Ahhm. Aliah!" Sabi niya. Napalingon ako sa kanya. "Please rest don't think about anything, you are safe here." Sabi niya uli. Tumango na lang ako saka ngumiti. Nakita ko ang pagkagulat niya. Bahagyang na mula saka umiwas ng tingin. "Ano yun namula ba siya bakit? Hindi niya siguro inaasahan na matalino ako at maiintindihan ko ang sinabi niya" Bulong ko sa isip ko. Saka napa ngiti at sumunod sa katulong. Dinala ako ng batang katulong sa pangalawa bago dulong silid. Medyo pinagsamang old and modern design ang bahay. "This is your room seniorita." Sabi nito ng buksan ang pintuan. Napakamot ako sa ulo. "Ahhm marunong ka bang magtagalog? Kung pwede tagalog na lang ang pagkausap mo sa akin kasi baka dumugo na ang ilong ko kanina pa sumasakit ang ilong ko sa kakaenglish ng amo mo. Kaya baka pwede pahinga muna sa english, alam ko matalino ako at top nuch ako sa school pero nakakapagod din e." Walang prenong reklamo ko sa kanya. Kasi naman kung pati sila mga englisera dito pano na ako mapapagod ang aking brainy. Natawa ito sa sinabi ko. "Pasensiya na po seniorita. Pwede naman po." Hinging paumanhin nito. Hindi ko naman alam kung bakit siya humihingi ng paumanhin sa akin wala naman siyang ginawa sa akin. Dahil siguro sa pag eenglish niya. Pero na tuwa ako na marunong siyang magtagalog. "Buti naman at marunong kang magtagalog kasi nahihirapan na ang aking brainy e." Sabi ko uli. Napapangiti siya sa akin. "Naiilang na nga ako sa tawag niyo sa akin hindi ako sanay. Pero okay na yun basta wag niyo na akong kausapin ng english kasi sumasakit ang utak ko kakaisip kung ano ang sinasabi niyo. You know pero matalino ako at top nuch sa school" Sabi ko uli. Natatawa lang siya sa akin.Ngumiti na lang din ako sa kanya. "Mauna na po ako seniorita. Makakaasa ka po na hindi na kita kakausapin ng english." Sabi nito sa akin. "Saka lahat po kami dito marunong magtagalog. Maliban kay Master Duke hindi siya masyadong marunong magtagalog pero nakakaintindi naman po siya ng konting tagalog." Sabi nito. Napa ngiti ako nakahinga ako ng maluwag. "Kung ganun magkakaintindihan naman pala kami. Akala ko ikakasal kami na hindi ako nagsasalita." Bulong ko sa isip ko. Napangiti ang dalagita na nasa harap ko. "Salamat naman kung ganun." Sabi ko saka nginitian ko siya. Nagpaalam na ito uli. Nilibot ko ang paningin ko sa silid ko ng magisa na lang ako dito. Malaki ito may sofa sa gilid, may maliit na ref, may malaking tv, may malaking tokador na may mga gamit sa katawan na kagaya sa binili ni Doña Elizabeth sa akin. Ng buksan ko ang drawer may isang box dun. Ng buksan ko ito napatakip ako sa bibig ko sa gulat. Mga alahas ito may kwintas may bracelet relos hikaw sinara ko uli ito. Dahil kinakabahan ako na baka may mawala dun mapagbintangan pa ako. Binuksan ko ang isa pang drawer. mga pang gamit sa buhok yung laman nito. Yung nasa gilid naman ay mga suklay na ibat ibang klase. Sa gilid may dalawang pintuan binuksan ko ang isa. Na gulat ako isa itong kwarto. Ng pasukin ko puro mga damit ko ang naroon may iba na hindi ko naman dala. Sa gilid ay isang malaking salamin kitang kita ang kabuuan ko sa tabi ay may upuan na lula ako sa dami ng mga gamit na narito ang daming sapatos na sa tingin ko sukat lahat sa akin ang daming bags. "Sa akin ba lahat ito? May ari yata ng mall ang anak ni Doña Elizabeth. Kaya pala Wala ding pakialam kung mamili ng damit si Doña Elizabeth dahil may Ari pala ng mall ang anak niya." Bulong ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim bago ako kumuha ng t-shirt at pantalon. Saka hinubad ang sapatos ko. Sinuot ko ang chinelas na balahibuin na kulay pink. Mayroon ding, may kulay pula, may dilaw at blue. Lumabas na ako ng silid. Binuksan ko ang pintuan sa tabi nito tama ako banyo nga ito. Malaki din ito kulay ginto at itim ang makikita dito ang lababo kulay itim na may lining sa gilid na kulay gold Vinille ito. Ang sahig kulay itim din na tiles ang paliguan ay napapalibutan ng salamin na malabo pati ang inidoro may hose sa gilid nito na kulay silver. Sa gilid isang malaking buth tub na kulay creama. Pumasok ako sa shower room naligo na ako ng matapos saka ko lang naalala ang tuwalya lumabas ako sa shower na suot ang Tshirt ko na hinubad ito rin ang pinampunas ko sa katawan at buhok. Gusto kong labahan ang undies ko kaso wala akong nakikita na sabon panlaba. Kaya binuksan ko ang drawer sa ilalim ng lababo. Nagulat ako ng makita ang mga towel, malalaki sa kabila sa kabila naman ay maliliit. Natawa ako sa sarili kong katangahan. Binuksan ko ang nasa taas puro sabon na pampaligo at shampo at conditioner. Wala akong nakita na panlaba. Kaya wala akong na gawa kundi yung pampaligo ko ang isinabon ko sa undies ko. Ng matapos piniga ko ito saka nilagay muna sa lababo. Lumabas na ako kinuha ko ang lotion inamoy ito. "Ang bango talaga nito kumakapit pa sa balat ang amaoy." Bulong ko habang pinapahid sa katawan. Nakatapis na ako ng tuwalya nasa lababo din ang basa na damit ko Ng matapos nagbihis na ako. Saka nag blower ng buhok sinusundan ko ang you tube Kung papaano ito ginagamit. Ng matapos yung plancha naman ng masiyahan. Itinabi na ito sakto lang at may kumatok na sa pintuan ko. Ng buksan ko si Ada ang nakita ko. "Seniorita nakahanda na po ang pagkain." Sabi nito kaya tumango ako at sumama na sa kanya. Pagdating ko sa dining erea nandun na si Vlad naka upo. Umupo ako sa harap niya. Ng makita ko ang pagkain na gutom agad ako. "Go on. Eat" Sabi nito. Saka nilahad sa pagkain ang kamay niya. Napa tanga ako sa kanya. "Ano daw nanghihingi ba siya ng pagkain." Tanong ko sa isip ko. Saka lumunok ako. Bago ko hinawakan ang ulam na malapit sa palad niya saka nilagyan siya sa pingan niya. at nilagyan din siya ng kanin. Napa tanga ito sa ginawa ko.Nagkatinginan ang mga katulong sa paligid namin. Magsasalita sana ang Isa pero pinigilan sila ni Vlad. "Kumain karin ng marami. Sabi ni tita masarap daw akong kasama kumain e" Sabi ko na lang saka ngumiti dito. Para mawala ang kaba sa dib dib ko. Umiwas siya ng tingin sa akin. Saka uminom ng wine niya yata yun. Naupo na ako ng maayos sa upuan ko saka ako naglagay ng pagkain sa pingan ko at kumain na. Ng matikman ko ang pagkain nakalimutan ko na lahat. Busog na busog na naman ako ng matapos akong kumain napa tingin ako sa kanya. Dun ko lang naalala na nandito nga pala ako sa Palawan at kasama ko siyang kumakain. Napapahiya na nakagat ko ang labi ko. Napa lunok siya saka tumikhim at iniwas ang tingin sa akin. "Serve the desert to her." Utos niya sa mga katulong. Nagulat ako ng ilapag sa harap ko ang pudding. "Go on. Eat" Sabi na naman niya sa seryosong tono. Napaisip ako. "Hindi naman siguro siya nanghihingi nito dahil hindi naman niya nilahad ang kamay niya kagaya kanina." Bulong ko sa isip ko. Kaya nahihiyang kinain ko na lang ito. Ng mapatingin ako sa kanya na huli ko siya na titig na titig sa akin. Pero ng makita niyang titingin ako sa kanya bigla niyang iniwas ang tingin at nagkunwaring naka tuon sa pagkain niya ang tingin. Napa yuko na lang ako.ng matapos kaming kumain umakyat na ako sa kwarto ko. Pagpasok ko dun napahawak ako sa dib dib ko. Ang lakas lakas ng kabog nito. Nahiga ako sa kama ko saka tumingin sa kisame. Tapos dumapa nilibot ang paningin ko sa paligid ng silid ko. May napansin ako wala palang bintana ang silid ko. Napaisip ako ng maalala na hindi pa pala ako nakapantulog kaya bumangon muna saka pumasok sa closet. Kumuha ako ng pares na pajama na kulay pink saka lumabas na nagdererso sa banyo para umihi ng makita ko ang undies na nilabhan ko. Bumalik ako sa closet kumuha ng hanger saka hinager ang undies ko. Kaso ilang beses na akong umikot sa banyo ko wala akong mapag sabitan kaya napa isip ako. Ng may naalala. "Tama gigising na lang ako ng maaga para kunin to." Bulong ko saka lumabas ng silid. Ng makita na bukas ang terrace napa ngiti ako. Malapit na ako dito ng may biglang nagsalita sa likod ko. "Where are you going?" Sabi ng boses ng nasa likod ko. Muntik na akong mapatalon. "Ay butiki!!' Tili ko sa gulat. Sabay harap sa kanya napa kunot ang noo niya. "What?" Tanong niya na nagtataka. Nakagat ko ang daliri ko at hindi na umimik tinitigan na lang siya. "I said where are you going?" Tanong niya uli. Tumingin siya sa akin saka sa dala ko. Ng maalala yun agad na tinago ko ang kamay ko sa likod. Saka aktong babalik na sa silid ko ng magsalita siya uli. "Come with me" Sabi niya. Kaya napa tingin ako sa kanya. "Ano ba ang sinasabi ng mokong na to. Ay hindi bagay ang mokong dito, Oppa ang bagay sa kanya kasi mukha siyang Oppa. Ang naintindihan ko lang yung Come at me halika sa akin? Ang talino ko talaga top nuch ba naman ako sa school e" Bulong ko. Napa tanga ako nakita ko na lumakad na ito. Kaya sumunod ako sa kanya. Habang sumusunod iniisip ko ang ibig sabihin ng sinabi niya. Kaya hindi ko napansin na huminto na siya at Nagulat ako ng bumungo ako sa likod niya. "Ay Butiki!" Tili ko na naman sa gulat. "I'm look like a bukiti? Really?" Sabi niya na nakakunot ang noo. Napa ngiti ako sa pagbigkas niya ng butiki. Sng cute niya. Umiling na lang ito. "Go inside." Sabi niya sa akin. Nanlaki ang mata ko naintindihan ko yun ah dahil matalino ako at top nuch sa scholl. "S. Sigurado k..Ka p..Papasok ako diyan anong g. Gagawin natin diyan sa loob?" Nauutal na tanong ko sa kanya dahil sa dami ng naiisip ang lakas na ng kaba ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko at buksan ang pintuan. "Wag! Wag ngayun hindi pa ako handa!!." Tili ko habang nakapikit. Saka wala sa sarili na naitaas ko ang kamay ko na may hawak ng undies ko na naka hunger. "What are you talking?" Sabi niya. Saka binitawan ako ng makapasok kami sa loob at binuksan ang ilaw. Dahan dahan kong dinilat ang mata ko saka ko nakita ang paligid. "What?" Tanong niya. Saka tumingin sa Undies ko na naka angat sa harap niya. Ng makita ang tinitingnan nito agad na itinago ko ang hunger sa likod ko. Hiyang hiya akong yumoko saka napapikit. "Ano bang katangahan yan Inday. Nakakahiya ka, ashuming kana nga pinangangalandakan mo pa ang panty mo sa mukha niya. Okay ka lang. Buti na lang yung bago ang sinuot mo at hindi yung luma at butas" Inis kong bulong sa isip ko. Habang nakapikit. Iniwan na ako nito. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD